shs-dbti-emmanuelaquino
shs-dbti-emmanuelaquino
PPTP PeTa
3 posts
Aquino, Cinco, Torrente (11-4)
Don't wanna be here? Send us removal request.
shs-dbti-emmanuelaquino · 3 years ago
Text
Charles Edward A. Torrente
11-Sandor PETA
Ang Panibagong lakbay
Sa senior high Don Bosco Makati (Naratibo)
Sinasabi ang mga mag-aaral na napakaiba talaga ang takbo pagdating sa Senior High school ng Don Bosco Makati dahil dito natin malalaman kung saan tayo pipili ang ninanais ating strand at mga clubs at organisasyon. Pero hindi lahat ay tiyak at walang ideya kung paano sumikap sa Senior high. Sinasabi din nila na kulob man kaya nagkaroon ng Senior high ay para paghahanda ng mga mag-aaral sa pagpasok ang mga kolehiyo at ang kanilang kurso, halos mas lalo pinahirapan at prinepressure sila.
Isa ako sa mga tao na hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang mga hamon na haharapin ko sa unang termino. Hindi naman ako tipong magaling sa ganyan matalino sa ganito, paano pa kaya kung hindi ako makakatapos. Pinag-isipan ko ito araw-araw na kung ano ba ginagawa ko sa buhay.
Mabuti nalang mahuhusay at mababait naman ang aming mga guro at ang mismong Senior high departemento. Isinasaalang-alang nila ang mental health ng mga mag-aaral at prioridad din na sa pagtatapos ng araw, masaya pa rin sila.
Nagpapasalamat ako sa Senior High Don Bosco Makati dahil nagbigay sila saken ng panibagong lakbay dito. nakapagpasa ako sa unang termino at nagulat ako na kasama pala ako sa mga academic achievers. Nakapagsali din ako sa mga hinahanda nilang kaganapan at naienjoy ko naman. Ngayon nalalaman kona na kahit ano man pinagdadaanan ko ay kakayanin ko pa rin. Hindi naman lahat mapupunta sayo kaya hangga't maaari, sulitin at huwag mag-alala sa kinabukasan. Mahalaga na may natutunan ka at alamin maiigi ang mga desisyon sa buhay. Kaya pagpinili mo mag-aral sa Don Bosco Makati, panigurado hindi ka mamomoblema.
0 notes
shs-dbti-emmanuelaquino · 3 years ago
Text
Shyaine Akyv D. Cinco
11-Sandor PETA
Deskriptibo na pag papakilala sa SHS
Ang Pagiging Senior High
Student ng Don Bosco Makati
Ang Senior High School ng Don Bosco Makati ay may apat na inaalok na strand sa Senior High, ito ay STEM, HUMSS, ABM, AT ARTS and DESIGN. Sa kabila ng mga strand, parte pa rin sa curriculum ang pag aaral sa teknikal ng mga estudyante. Ang departmentong ito ay nabubukod sa Junior High at Grade School sapagkat itinuturing itong CO-ED. Sa kabila ng pagiging CO-ED nito ay mas marami pari nang lalaking estrudyante dahil sa nakasanayang All boys school ang DBTI Makati.
Ang senior high ay isa sa pinaka importanteng ganap sa buhay ng isang tao lalo na sa pag aaral. Ang papamaraan ng pag tuturo sa Don Bosco Makati ay maiihahawig natin sa isang Kolehiyo, mayroon itong tatlong semestro, ang schedule ay naka depende sa section, ang subjects ay naayon sa strand na napili, at mayroon ring lunch out program. Ang SHS dito ay matutunuring na isang training sa mga estudyante para maging isang ganap na kolehiyal/kolehiyala. Maraming events ang sinasagawa sa bawat buwan na nag bibigay saya sa mga estudyante. Di lang events ang maaring maranasan sa departmentong ito kundi ang pinaka mahalaga sa lahat, ang magaling na pag tuturo ng mga titser. Ang mga titser dito ay magaling sa kanilang mga ginagampangan na tungkulin sa mga mag aaral at bilang pangalawang magulang narin sa estudyante. Huli, di mawawala ang mga matatalino, mababait, at masisipag na estudyante. Ang mga estudyante sa SHS na ito ay matuturing mong tunay na bosconian at maituturing kapatid ang bawat isa rito.
Ang pagiging estudyante ng SHS sa DBTI MKT ay isang “life changing” na pangyayari. Masaya at Ispiritual ang magiging paglalakbay bilang isang Senior and High Bosconian. Tiyak na mabubusog ang isip, puso, at kaluluwa sa mga gawain inihandog para lamang sa mga Senior High School student ng DBTI Makati
0 notes
shs-dbti-emmanuelaquino · 3 years ago
Text
Ang Senior High School Department ng Don Bosco Makati (Impormatibo) - Emmanuel Aquino
Ang Don Bosco Technical Institute of Makati ay isang Katolikong paaralan na pag-aari ng Salesians of Don Bosco (SDB). Ito ay matatagpuan sa Chino Roces Avenue, Makati, Metro Manila. Layunin nitong magbigay ng serbisyo sa mga estudyante, at hinihikayat silang maging mabuting Kristiyano at matuwid na mamamayan.
Naihahati ang mga programa ng paaralan sa apat na departmento, Elementary, Junior High School, Senior High School at TVET Department. Sa bawat departamento ay may iba't ibang paraan ng pag-aaral upang maihanda ang mga baitang sa mga susunod na departamento na kanilang dadaanan.
Ang Senior High School Department ay nag-aalok ng apat na strand na nais piliin ng mga estudyante na maghahanda para sa gusto nilang kurso sa kolehiyo. Ang ABM ay tinuturo sa mga taong nais maging negosyante, habang ang STEM ay para sa mga mahilig sa larangan ng agham, matematika, teknolohiya at engineering, Arts and Design naman para sa mga artista o arkitekt at HUMSS para sa mga may gusto sa larangan ng mga pangyayari sa ating lipunan at kaugalian ng mga tao.
Ang mga core values ay nananatiling nakaukit sa mga programang iniaalok ng Senior High School Department para sa mga mag-aaral, upang maabot natin ang ating mga layunin nang maaayon.
0 notes