Tumgik
shsbosconiantimes · 3 years
Text
Buhay sa DBTI Makati
Phillippe John Echeverre (Tekstong Impormatibo)
Ang Don Bosco Technical Institute of Makati ay isang Teknikal at pribadong paaralan na unang sinimulan itayo noong Enero ng 1954, at natapos na itayo ang unang gusali nito sa loob ng parehong taon. Sa loob ng 67 taon mula nang maitatag, ang paaralan ay sumailalim sa iba't ibang mga pagsasaayos at pagpapahusay - sa aspektong kurikular at sa kanyang arkitektura. Para sa ikabubuti at benepisyo ng mga estudyante nito.
Tumblr media
Sa Don Bosco Makati, lahat ng mga silid-aralan nito ay nilagyan ng kani-kanilang air conditioning units, projector, whiteboards, gayundin ang mga monitor upang mapadali ang proseso ng pag-aaral.
Tumblr media
Ang pag-aaral ay hindi lamang limitado sa silid-aralan, ngunit hinihikayat din at isinasagawa sa pamamagitan ng iba't ibang amenities na mayroon ang paaralan. Ipinagmamalaki ng Don Bosco ang kanyang;
-Dalawang laboratoryo,
Tumblr media
-isang electronics shop,
Tumblr media
-isang mechanical shop,
Tumblr media
-tatlong kompyuter laboratories at;
Tumblr media
-dalawang silid-aklatan na kung saan mayroong malawak na hanay ng panitikan.
Tumblr media
Maroon rin itong malaking football field at malawakang basketball/volleyball courts na makikita.
Tumblr media
Higit sa lahat, pinahahalagahan ng don bosco ang pananampalataya at debosyon, at ang arkitektura nito ay sumasalamin dito. Pinagmamalaki ng paaralan ang kanyang tatlong kapilya na magagamit sa buong araw. At katabi lamang nito ang ‘Saint John Bosco Parish’ na ginagamit sa pagdaraos ng lingguhang antas ng misa.
Tumblr media
Sa aspetong edukasyon naman ang DBTI ay sumusunod sa K-12 kurikulum - na kung saan maaaring pumili ang mag-aaral sa apat na 'strands' na inaalok ng paaralan : STEM, ABM, HUMMS, Arts and Design. Sa ilalim ng mga ‘strand’ na ito, ang mag-aaral ay maaaring pumili sa mga ‘Empowerment Technologies’ na inaalok ng paaralan. Ang mga ito ay;
- Robotics
- Preventive Maintenance Servicing
- Electrical Installation and Maintenance
- Computational Thinking
- Pre-Engineering Science
Tumblr media
Nagbibigay ang paaralan ng iba't ibang aktibidad sa labas ng paaralan – ibig sabihin; field trips (lakbay aral), mga ‘immersion programs’, spiritual recollections, retreats, atbp. – bilang paraan ng pagpapalalim ng pagkatao/nagbibigay sa kanila ng pagkakataong malantad sa mga aspeto ng propesyonal na mundo.
Sa paglipas ng mga taon ang Don Bosco ay naglabas ng malalakas na indibidwal at mga mahusay na propesyonal na naging mga aktor, atleta, mang-aawit, direktor, prodyuser, doktor, mga CEO at iba pa. At kapag sila’y tinanong, kumpiyansa silang sasagot ‘’Ako ay isang Bosconian’’.
Mga Ilang Kilalang Alumni:
Ali Atienza, politician
Jun Aristorenas, actor, director, dancer, producer, writer
Kim Atienza, TV host and politician
LA Tenorio, athlete, Philippine Basketball Association
Niño Muhlach, actor
Ronnie Ricketts, actor
Mark Meily, film director
Herminio Coloma Jr., former Secretary of the Presidential Communications Operations Office
Raymond Bagatsing, actor
Perfecto De Castro, guitarist, original member of Rivermaya
Miguel and Paolo Guico, Guitarist and Vocalist of the band Ben&Ben
0 notes
shsbosconiantimes · 3 years
Text
Layunin at Trabaho ng Bosconian
Enrique Santeco (Tekstong Deskriptibo)
Isang mabisang kasanayan na humahamon sa lahat ng elemento at pag-aaral na may integrasyon sa isang makatotohanang paraan tungo sa kaunlaran at kakayahan ng mga indibidwal sa bawat pangkat ng ika- labindalawang baitang. Ang pagbubuklod ng isang organisasyon at pagtutulungan upang tumugma sa kakayahan ng isa't-isa sa isang napaka-produktibong paraan na naghahanda at nagtuturo sa mga indibidwal ang realidad ng kalakalan at pagnenegosyo sa lipunan. Na hindi lamang para magturo kundi magbahagi ng masaganang alaala na hindi malilimutan ang huling hakbang ng Senior High School sa Don Bosco Technical Institute of Makati, na gaganapin tuwing ika-25 ng Enero, ang “ENTREP.”
Tumblr media
Ang kaganapan ay nangangailangan ng masigasig na pagsisikap at paghahanda ng mag-aaral sa bawat grupo na magtatagal mula Disyembre hanggang katapusan ng Enero. Kasama sa paghahanda at pagpaplano ang iba't-ibang yugto o linggo na inilalaan para sa mga rebisyon at pagbabago ng mga ideya upang umangkop sa inilahad na badyet, at upang maakit ang atensyon at interes ng mga mamimili. Ito ay mabubuo mula sa pagkamalikhain at imahinasyon ng mga tao kung saan ang paghahanap at pagmumuni-muni sa mga kaisipan at ideya ng iba ay nagpapakita ng mga katangian ng karunungan at kababaang-loob. Hinihikayat ang mag-aaral na saksihan ang pagtutulungan ng magkakasama at pag-unawa sa isa't-isa upang hangarin na makipag-usap at magpakita ng kakayahan sa kanilang paksa ng pag-aaral.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Iyon ay binibigyan ng pagkakataon na mag-adbertisya at bumuo ng isang bidyo at isang nakakaaliw na presentasyon para sa kanilang produkto at mga kalakal kung saan ang mga mag-aaral ay pumapasok sa iba't ibang bahagi ng paaralan upang maabot at i-promote ang nais nilang ibenta.
Matapos ang lahat ng paghahanda, ang lahat ay magtatapos sa napakalaking epikong kaganapan sa pagdiriwang ng pundasyon ng paaralan. Ang mga klase ay pinipigilan at ang mga mag-aaral mula sa lahat ng antas ay pinapayagan gumala nang malaya upang ganap na maranasan kung ano ang iniaalok ng pagdiriwang. Ang ilang mga seksyon ay naghahanda ng mga masasarap na meryenda na pinupuno ang hangin ng matamis at malasang amoy. Ang ibang mga seksyon naman ay naghahanda ng mga laro na may mga premyo, bukod pa sa kanilang pangunahing layunin ng pag-advertise, pag-marketing, at pagbebenta ng mga produktong mayroon sila sa tindahan. Tunay na kakaiba ang booth ng bawat seksyon sa isa’t isa at nalilimitahan lamang ito sa imahinasyon ng klase.
Tumblr media
Sa lahat ng oras at pagpupunyagi ng bawat indibidwal tungo sa pagpapaganda at kasiyahan ng hinihikayat na pagdiriwang, ay makakabuo ng mahalagang memorya sa kanya-kanyang buhay sa paaralan na ipinapakita ang kanilang kahusayan at determinasyon na maisasabuhay ang kanyang natutunan sa negosyo. Magagamit ang natutunan para sa pananabik ng kabataan at para sa susunod na henerasyon, bilang isang makabuluhang konklusyon.
Tumblr media
0 notes
shsbosconiantimes · 3 years
Text
Ang Karanasan at Pagsimula ng Senior High
Erik Joshua Torralba (Tekstong Naratibo)
Sa taong 2021, nagsimula ang aking pagpasok sa senior high school ng Don Bosco Technical Insitute Makati. Ang paaralan ay gumagamit ngayon ng “online learning” upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Binigyan ang mga mag-aaral ng iba’t-ibang programa na maaari nilang piliin para sa senior high school. Ang mga strands na maaaring piliin ng isang estudyante ay: Accountancy, Business and Management (ABM), Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM), Humanities and Social Sciences (HUMSS), at Arts and Design.
Tumblr media
Binibigyang-daan ng Don Bosco Makati ang mga mag-aaral ng mga kakayahan sa akademiko at teknikal, na ginagawa silang mapagkumpitensya at handa para sa kolehiyo. Ang masasabi ko tungkol sa aking mga karanasan sa aking pakikipag aral ay maganda at maayos ang sistema ng pagbigay ng mga gawain. Mababait ang mga guro at nagtuturo sila ng maayos. Kahit nasa “online modality” kami ngayon, natuturuan at nabibigyan pa rin kami ng dekalidad na edukasyon. Masasabi kong madaling lapitan ang mga tauhan ng senior highschool department lalo na kung mayroong pagmamalasakit tungkol sa kahit anunmang problema na maaari mong harapin sa “online class”. Nagbibigay ng iba’t ibang aktibidad ang mga guro na mapaghamog ngunit lahat ito ay kayang gawin.
Tumblr media
Sa ngayon, mabait at maayos ang lahat ng naging guro ko sa senior high school. Sa loob ng klase, nagkakaroon kami ng mga aktibidad na kung saan bumubuo kami ng mas matibay na ugnayan sa isa’t isa. Ako ay sumisikap na makapagtapos ng masaya na kasama ang aking mga kamag-aral. Marami pang puwedeng mangyari dahil nasa kalahati palang tayo ng taon ng paaralan. Nasasabik akong makita kung ano pa ang posibleng dumating para sa natitirang araw ng unang taon ng senior high.
1 note · View note