Tumgik
sillyicecream · 4 years
Text
Artist vs. Art block
Tumblr media
      Syempre hindi mawawala ang art block sa atin. Napapatulala sa harapan ng papel, canvas, o minsa’y sa kisame. Pinipilit natin ang sarili natin na makaisip ng gagawin para makaguhit — makagawa ng obra. Na nagreresulta ng pagkalungkot, pagka istres, at pagka frustrate.
      Nanggaling na ako diyan — lahat tayo. At babahagi ko sa inyo ang mga ginagawa ko kapag ako’y nakakaranas ng Art block.
 Huwag ka magalit sa’yong sarili!
      Hindi maitatanggi na minsa’y kapag nakakaranas tayo ng ganito, na f-frustrate tayo na nagreresulta ng pagkagalit sa sarili. Alam ko ‘to kasi naranasan ko na ‘to, sino bang hindi, di’ba?
Nuod ka ng mga videos sa internet
      Makakakuha tayo ng ideya sa panunuod ng mga art videos ng iba. Sa panunuod natin, maya maya ay mapapatigil tayo at makakaisip bigla ng ideya na gagawin. Minsan magugulat pa tayo kasi may naisip tayo. At kapag nakaisip na tayo, matutuwa tayo at dahil doon mas maeengganyo tayo na gumawa.
Balikan mo mga dati mong gawa
       Minsan sa pagtingin natin sa ating mga obra ay magbubukas ito ng panibagong pintuan patungo sa iyong kaisipan — magkakaroon ka ng ideya. Ma i-inspire ka sa sarili mo. Okay lang na Makita mo ang mga mali sa mga dati mongo bra, normal lamang iyon. At kapag nakita mo ang mga mali, senyales ‘yon na humusay ka lalo sa iyong ginagawa.
Take your time
      Kung hindi pa rin makaisip, hayaan mo lang na makaisip ka, ‘wag ka tumingin sa oras ‘wag magmadali. Minsan sa kakapilit natin na makaisip ng iguguhit, doon tayo walang maisip. Hindi naman ibigsabhin na matagal tayo mag isip, ay hindi na tayo malikhain.
      Pwede na huminto muna, at gumawa ng ibang bagay para pagkabalik ay magkaroon ka ng mga ideya. Pwede ka lumabas, pero dahil sa pandemya kailangan mas maging maingat. Alam natin kapag lumalabas tayo di’ba makakakuha tayo ng bagong ideya o makakahinga ng maluwag. Kaya hindi naman din ganon masama na lumabas at tumigil muna sa pag guhit.
Enjoy at mag experiment!
     Huwag na huwag mong kakalimutan na I-enjoy ang iyong ginagawa. Sumubok ka ng ibang paraan sa pag guhit, kahit ano man ‘yan, okay lang. Pwede ka gumawa ng kahit anong linya tapos i-challenge mo ang sarili mo na tapusin ang mga linya-linya at bumuo ng kahit ano. Kahit man sa tingin mo ay weird ang maging kalabasan, ang importante ay may nagawa ka, at naenjoy mo.
      Stay healthy, huwag magalit sa iyong sarili. Magguhit ka ng kahit ano, kahit hindi man ito ‘yung nasa plano mo. Sa pagpatuloy nating pagguhit, ay maiiimprove ang ating pagkamalikhain.
Tumblr media
     Laging tatandaan na ang pagguguhit ay                                                         nagmumula sa puso.                              Goodluck at Enjoy!
1 note · View note