simplyme1210
simplyme1210
749 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
simplyme1210 · 7 years ago
Photo
Tumblr media
Yung mapapatanong ka na lang ng.. "Ano bang ginawa ko?" Magsusumbong na naman..ako na naman masama. 😰😰
5 notes · View notes
simplyme1210 · 9 years ago
Photo
Tumblr media
47K notes · View notes
simplyme1210 · 9 years ago
Text
HINDI TOTOONG MAPAPA-ENGLISH KA NA LANG KAPAG GALIT ver. 2.0
Mood: Naglalatag ng sariling red carpet tapos binuhusan ang sarili ng rainbow colored confetti while doing Fetty Wap Challenge.
Dahil ito na ata ang pinakamakasaysayang araw at pinakainaabangang ‘Achievement Unlocked’ ng buhay ko. Antagal ko ‘tong kinimkim sa puso ko. Antagal kong nagtimpi pero sa wakas nagawa ko din. Para akong umutot ng sobrang baho saloob ng elevator ng walang kahit anong pagsisisi. Yung kahit madaming nakaamoy, proud na proud pa ako kase tangina nilang lahat with feelings!
Inaway ko lang naman yung isa kong katrabaho. At sobrang saya ko bes.
Sa trabaho ko kase ako yung ipinakabata, pinaka-less experience at pinakabago. Isama ko na din yung pinakamaalindog. At ako lang yung Pinoy. The rest puro ibang lahi na. Halos lahat naman sila kaibigan ko. Pero may iilan pa rin na sobrang aabusuhin ang kabaitan mo. Level of abuse: laspag levels. Ganyan. Porket hindi ka nagagalit at palagi ka lang nakangiti feeling nila okay lang sa’yo lahat. Kung tratuhin ka parang napakahina mo.
So eto nga. Meron akong isang katrabahong Pakistani na hindi naman kami close pero kung makapag-joke kala mo mag-bes kami. Kinukuha yung gamit ko ng walang paalam. Ipinamimigay ang inorder kong pagkain sa iba na parang may pa-charity works. Tapos siya pa yung barubal. Tagal na siyang ganyan sa’kin pero pinapalampas ko lang kase ang palaging mindset ko, “Magpakabait ka lang kahit hindi sila mabait sa’yo. Ang mahalaga malambot ang unan mo at nakakatulog ka ng mahimbing sa gabi.” Iniisip ko na lang,
“Siguro nakulangan sa chicken curry at biryani.”
O kaya, “Siguro hindi pinagbigyan ng asawa kagabi kase amoy nakaraan.”
O di naman kaya, “Siguro crush niya ‘ko. Naaalindugan kaya papansin.”
Tagal ko ag gumagawa ng excuse para hindi magalit sa kanya pero talagang sinusubok ang pasensya ko. Hanggang sa nitong huli, hindi na naman siya nagpaalam nung kinuha niya yung ‘gas defender’ ko. Hanap ako ng hanap buong araw kung nasaan pero nasa kanya lang pala. Ok lang naman yun sakin. Sanay na. Pero nung ibalik niya, siya pa yung may ganang itapon na lang basta sa harap ko. Napakabastos. Tapos nakangiti pa ang hayup, itim itim naman ng gilagid. Tumaas ang hi-blood ko bes. Eh di bigla akong napatayo sa kinauupuan ko at tiningnan siya ng masama sabay bagsak ko yung hard hat sa harap. Ramdam ko yung pagkakaisa ng mga atay, balunbalunan at buong kalamnan ko habang chinicheer nila ako ng, “Go bes. Labaannnn!!”
“Hoy! What’s your problem tangina ka?! Pareho lang tayo ng trabaho dito kaya wala kang karapatang ganyanin ako ha. Hindi mo ako pinapalamon!”
Nakatingin lang siya. Tapos nakalimutan ko, nag-tagalog pala ako kaya hindi niya naintindihan. Ewan ko ba. Sabi kase kapag galit na galit ka bigla ka na lang mapapa-English pero bakit parang hindi naman tumalab sa’ken! So inulit ko yung sinabi ko pero in English na.
“You’re nothing…But a second rate…Trying hard…Copycat!!!” Pero sa halip na tapunan ko ng tubig sa mukha, dinuraan ko na lang. Para classic.
Pero siyempre charot lang.
Pero ganito talaga yung sinabi ko akshwally.
“Hey ( sinabi ko buong pangalan), I don’t owe you anything. I don’t care if I lose my job or what. But next time you insult and disrespect me again in that way, babalatan kita ng buhay at ibibilad kita sa likod ng ref namin!” basta ganyan. Hindi ko na din naintindihan yung mga pinagsasabi ko pero feeling ko na-gets naman niya. Nagwalk-out eh. Struggle yung English ko nun ampota pero nairaos ko yung gusto kong sabihin kahit mautal-utal na ako. Hindi makapaniwala yung mga kasama ko na nagawa ko yun kase nasanay sila na tahimik lang ako palagi. Pero seriously, sobrang malaking accomplishment na yan para sa tulad kong palaging takot maka-offend ng ibang tao. That time, wapakels na ako to the max. No regrets, just pakingshets.
Ang sa’kin lang, hindi naman talaga kelangang paabutin lagi sa ganito. Nagpakabalahura lang ako kase, dami kong time. Pero kase, kapag hinayaan mo na lang na palagi kang hamakin ng isa, kayang-kaya din yang gawin sa’yo ng iba. Ng kahit sino. Know your worth. Kapag alam mong sobrang mali na, gawin mo yung alam mong tama na hindi kelangang macompromise yung pagkatao mo. Dahil kapag palagi mo na lang pinalampas, anong pinagkaiba mo sa aparador at sandok at kaldero sa bahay niyo? Hindi ka naman gamit. Walang magtatanggol sa sarili mo kundi ikaw lang mismo. At the end of the day, mga 11:59 P.M, sarili mo lang ang meron ka. Kung di mo alam ang sukat ng halaga mo, sino pang makakaalam ng worth mo? Ang pride hindi kelangang palaging nilulunok. Isinasantabi yan sa gilid ng lalamunan para kung sakaling may mang-agrabyado sa’yo, nakareserba yung pride mo para idura sa mukha niya, yung tagos!
301 notes · View notes
simplyme1210 · 9 years ago
Photo
Tumblr media
134K notes · View notes
simplyme1210 · 9 years ago
Text
ANG PINAKAMALUNGKOT NA ‘JUST WOKE UP’
Dahil gigising na naman akong wala ka sa tabi ko. Na malayo sa’yo. Gabi na diyan, hapon pa lang dito. Almusal ko, tanghalian mo. 
Balik LDR na naman tayo.
Ang totoo, pagod na ‘ko. Pagod na ako na palagi na lang kitang iniiwan. Pagod na ako na kailangan kong paulit-ulit mamili kung itutuloy ko pa ba o dito na lang kasama ka. Pero ang mas masakit, palaging hindi ikaw ang pinipili ko. Pero paulit-ulit mong tinatanggap yung desisyon ko kasi naiintindihan mong ginagawa ko ‘to para sa pamilya ko.  Palagi kong tinatanong kung napapagod ka na ba, pero paulit-ulit mong sinasabi, “Kayang-kaya.”
Tama ka naman eh. Masaya na tayo sa simpleng bagay na meron tayo dati. Lomi lang ang katapat mo, kwek-kwek sa’kin. Okay na tayo sa isang beses isang buwan manood ng sine tapos torrent-torrent na lang. Palihim tayong pupuslit sa bahay kapag walang tao tapos maghapong manunood sa kwarto. Magluluto tayo ng paborito nating instant ramen. Hindi mo muna kakainin kasi alam mong pipicture-an ko pa tapos ipopost sa instagram. Palagi kang may dalang Clover Chips yung Hot ‘n spicy. Yun ang kakainin natin habang nanonood ng movie. Hindi pa nagsisimula ubos na agad. Kaya siyempre ako na lang yung kakainin mo. Hahalikan mo ko, hahalikan kita. Huhubaran mo ko, huhubaran kita. Hanggang sa makalimutan na natin yung pinapanood  kasi naseksihan ka na naman sa’kin. At sarap na sarap naman ako habang minamanyak mo ‘ko, kainis. Tapos tatambay tayo sa 7/11 kasi wala lang. Magkukwento ako, magkukwento ka. Tawa lang tayo ng tawa hanggang sa ‘di na natin namamalayang gabi na pala. Sasakay tayo ng jeep tapos dun tayo lagi sa una. Para kunwa-kunware may sarili tayong kotse, pauyuhan pa sa pagbabayad ng pamasahe. Tapos, bukas na lang ulet. 
Kahit paulit-ulit hinding hindi ko ipagpapalit.
Ang saya-saya lang natin. Para tayong may sariling mundo. Ikaw lang at ako. Walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.
—-
Pero bukas gigising na naman akong malayo sa’yo. Gabi na diyan, hapon pa lang dito. Almusal ko, tanghalian mo. 
Hanggang Skype na lang ulit tayo.
437 notes · View notes
simplyme1210 · 9 years ago
Text
13 TIPS KAPAG BIGLA MONG NAKASALUBONG SI EX
Tumblr media
1. Wag na wag lilingon. Paganahin lang ang peripheral vision. The degree of paglingon is equivalent to lalim ng pake. Ang unang lumingon siya yung hindi pa nakakamove-on.
2. Don’t initiate a conversation hangga’t hindi ikaw ang unang kinakausap. Yan na yung ultimate chance mo para magmaganda.
3. Wag bigyan ng malalim na kahulugan ang malalagkit niyang titig kapag bigla ka niyang nakasalubong. Hindi yan ‘love the second time around.’ Gusto ko lang ulit niyang tikman sa huling pagkakataon.
4. Kapag nakasalubong mo siya somewhere, try to look at his hands real quick at hanapin kung suot pa yung promise ring ninyong dalawa. Kapag suot pa, casualan na. “Hoy kumusta? Long-time no sex ah.” sabay lip-bite.
5. Kapag nakasabay mo siya sa jeep, magbayad ulit ng pamasahe. “Manong. Isa po dyan sa bente. Estudyante. Masayang-masaya at nakamove-on na!”
6. Kamustahin mo siya without any bitterness. “Akala ko ba gusto mong maging malaya? E bakit mukha kang bihag?” Tapikin sa balikat sabay walk-out.
7. Kapag nakita mo siyang nakaharang sa pila ng MRT, “Excuse me. Can you please…move-on?”
8. Kapag nakasalubong mo siya kasama ang bago niyang jowa, magpanggap na dedma. Wag ipahalatang tinitingnan mo siya mula ulo mukhang paa. Bawal lumampas ng 3 seconds ang titig mo. Baka magself-pity ka.
9. Kapag  tanaw mo na agad si ex malayo pa lang, mag-ayos, paputukin ang blush-on, tumingin ng diretso, at hawiin ang daan.
“Excuse me. Dadaaan ang babaeng sinayang mo.”
Tumblr media
10. Kapag nag-hi siya, mag-hi ka din. Tapos unahan mo na agad ng tanong, “Uy, bakit nasa Earth ka pa? Akala ko ba you needed space?”
11. Wag mag-attempt na sundan o habulin siya. Naghahanap ka lang ng sakit sa puso at paa.
12. Kapag nakita mo siya sa coffee shop at tinanong kung bakit andun ka, simple lang, “Sabi mo kasi mamamatay ka kapag nawala ako. Anong petsa na? Kapeng-kape na ko!”
13. Kapag nakasalubong mo siya kasama ang bago niyang jowa, ngiti lang kahit pilit. Ulit-ulitin ang mga katagang, “Mas maganda naman ako sa kanya” ng hindi tumutulo ang luha. No choice ka kundi irespeto ang ginawa niyang pangangaso.
Pero siyempre mas masaya pa rin kapag nakasalubong mo siya na alam mong wala ka ng kahit anong galit o natitirang pagmamahal. Hindi man kayo naging magkaibigan, atleast, alam niyo na bahagi na lang kayo ng nakaraan ng isa’t-isa na hindi na pwedeng balikan.
787 notes · View notes
simplyme1210 · 9 years ago
Text
Open letter to my ex.
Nakakatuwa dahil alam kong masaya ka na. Hindi naman ako yung tulad ng iba na kapag nakatagpo na ng iba ang dati nilang minahal eh maiinis o makakaramdam ng pagkabitter. Ako? Masaya. Sa totoo lang. Natatandaan mo yung sinasabi ko sayo palagi kapag kasama kita? Na ang gusto ko ay ang makita kang masaya. Yung kapag nasa mall tayo at nakaramdam ng gutom, sasabihin ko sayong kung san ka masaya, dun tayo pupunta. Pero ang hindi ko natupad sa pangako ko, ay ang makasama ka sa paggising ko sa umaga katabi ang mga anak natin. Gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang, kahit ang pagbitaw sayo, na isa sa pinakamahirap na desisyon sa buhay ko ay handa kong gawin, para sa lang kasiyahan mo. At ito nga, binitawan na kita, nakita ko na din ang hinahanap ko, ang kasiyahan na hindi ko nagawang ibigay nung tayo pa. Ito lang ang meron ako, ito lang ako. Walang kung anuman na maibibigay kundi puro saya lang. Kasiyahan hanggang sa makita kang masaya sa kamay ng nagpapasaya sayo.
77 notes · View notes
simplyme1210 · 9 years ago
Text
Hindi ba pwedeng“Kung talagang mahal ka, sa simula pa lang hindi ka na magagawang iwan?”
THE DECODING OF “I NEED SPACE” MONG GASGAS
Tumblr media
10,000 B.C pa ang nakakaraan, malimit ng gamiting excuse ng mga Woolly Mammoth ang “I need space” para bigyan ng sign ang mga jowa nilang Woolly Mammoth din na “there’s something wrong.’ ( Kaya hindi nakapagtatakang naextinct din ang lahi nila.) Naadapt naman ito agad ng mga Homo Sapiens noong panahong iyon kaya ang ending, gamit-gamit pa rin natin ito magpa-hanggang ngayon. Sad ‘nu?
Ganun ka na ba talaga kataba at kelangan na niyang manghingi ng space dahil nasisikipan? Kung gusto niya ng space eh di sana nag Aeronautics na lang siya at naglakabay sa buwan. Dinaig pa ang hieroglyphics na kelangan mo pang i-decode kung ano ang mahiwagang mensaheng bumabalot.
Kung yung “I need space” ba niya is directly proportional to,
A. “Palagi ka kasing andiyan. Nakakasakal na.”
“Natural palagi akong andiyan para sa’yo kasi jowa mo ‘ko. Tapos kapag hindi naman ako mahagilap, ano naman ang sasabihin mo? “Lagi ka na lang kaseng wala.” Maling-mali.
B. “It’s not you, it’s me.”
Wala naman talagang problema sa’yo o sa relasyon niyo. Siya talaga yung may problema. Pero dahil ilang araw ka ng hindi kinakausap naapektuhan tuloy pati yung relasyon niyo. Kaya ang ending, ikaw pa yung naging problema. Napaka-ilogical.
C. “BRB. May titikman lang akong iba.”
Kasi, ang pinangako lang naman niya sa’yo, "Ikaw lang ang una’t huli kong mamahalin.” Wala naman siyang sinabing ikaw pa din pati sa kalagitnaan ng relasyon niyo. Pero babalikan ka pa rin niya para ikaw pa din ang #huli.
D. “I fell out out of love na.”  
Tipong, naghananap lang siya ng lucky date sa kalendaryo kung kelan magandang makipagbreak pero mas maganda kung ikaw na lang yung kusang makikipagbreak para lumabas na ikaw yung sumuko sa inyong dalawa. So for now, okay na yung “I need space” muna para kunware nag-iisip siya.”
—-
Minsan, “I need space” is a prelude to a “break-up” lalo na’t hindi malinaw sa’yo yung dahilan kung bakit niya hiningi ‘yon. Lakas makadry-run para lang subukan kung kaya na bang igive-up ang relasyon niyo o hindi. Well atleast, andun pa rin yung ‘pilit niya pa ring sinusubukan.’ 
Pero ang pinakamahirap na parte nun, ni hindi mo alam kung gaano kalawak yung sakop ng “space” na hinihigi niya. Kung gaano kalayo ang dapat niyang ilayo para marealize niya kung ikaw pa rin ba yung kelangan niya sa buhay niya o wala na talaga. Siguro kaya related ang ‘space at time’ sa Theory of Relativity ni Einstein kasi espasyo lang naman yung hinihingi pero damay pati ang oras dahil hindi mo alam kung hanggang kelan ka maghihintay. Para kang biglang naiwang mag-isa sa kawalan na naghihintay kung kelan ka niya sasagipin. Kung sasagipin ka pa ba talaga niya o hindi na?
Ang demanding din naman kasi nila eh no? Binigay mo na nga yung buong mundo mo sa kanya, “buong space” pa yung hinihingi. Kaya ang ending, ubos na ubos ka.
Pero sabi nga, “Kung talagang mahal ka, babalikan ka.” Hindi ba pwedeng “Kung talagang mahal ka, sa simula pa lang hindi ka na magagawang iwan?”
812 notes · View notes
simplyme1210 · 10 years ago
Photo
Tumblr media
4K notes · View notes
simplyme1210 · 10 years ago
Photo
Tumblr media
5K notes · View notes
simplyme1210 · 10 years ago
Quote
Don't be afraid to fail. Be afraid not to try.
0 notes
simplyme1210 · 10 years ago
Photo
Tumblr media
4K notes · View notes
simplyme1210 · 10 years ago
Text
I've never really been a patient person, but for some reason, I find myself waiting forever for you.
128 notes · View notes
simplyme1210 · 10 years ago
Photo
Tumblr media
402 notes · View notes
simplyme1210 · 10 years ago
Text
WHAT IF PURO HUGOT NA LANG ANG MGA PINOY?
Tumblr media
HUGOT #1
“Minsan kelangan mo talagang ipagsigawan para marinig yung totoo mong nararamdaman.”
— Desperadong Magtataho
HUGOT #2
“Oh yes! Fishball vendor ako. Fishball vendor lang ako….. And I’m so stupid to make the biggest  mistake na lagyan ng chili powder ang sauce mo!”
—Fishball vendor na Jumojolina
HUGOT #3
“You gotta learn how to fix what’s broken.”
– Karpinterong Pinag-OT
HUGOT #4
“Waiter. Isang malamig na beer nga. Yung kasing lamig ng pakikitungo sa’kin ng crush ko.” 
— Emoterong Customer
HUGOT #5
“Wow. Ang mura naman ng paninda niyo.”
“Takot na kasi akong magmahal. :(”
– Fish Vendor
HUGOT #6
“Dun tayo sa EDSA! Malay natin may magawa ang gobyerno sa feelings natin!” #SeparationOfCrushAndFeelings”
– Aktibistang May Personal na Pinaglalaban
HUGOT #7
"That’s the thing about pain. It demands to be felt.”
— Doctor to a Maarteng Pasyente
HUGOT #8
“Kapag mahal. Handa kang humingi ng tawad.”
– Kuripot na Customer sa Palengke
HUGOT #9
"Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik!”
— Haggard na Empleyado sa loob ng MRT
HUGOT #10
Holdaper: “Ibigay niyo lahat! Kung ayaw niyong masaktan!”
Biktima: “Ganyan din sabi ng ex ko pero sinaktan din ako sa huli!”
HUGOT #11
“Ok na yung sa SSS at PhilHealth ko.”
“Eh yung PAG-IBIG mo?”
“Ikaw bro.”
“Bro”
“bro”
HUGOT #12
“Siguro kaya tayo iniiwanan dahil may darating pang iba – ‘yung hindi tayo sasaktan at paasahin…’yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.”
– JumaJohn Lloyd na pasaherong inagawan ng Taxi
HUGOT #13
“Oh luwag pa dito! Yung hindi niyo na kailangang ipagsiksikan yung sarili niyo sa iba!”
— Barker ng Jeep na Heartbroken
HUGOT #14
“Barya lang sa umaga ha. Mahirap yung sa simula pa lang buo na agad ang ibibigay tapos hindi naman masusuklian.”
– Manong Drayber
HUGOT #15
“Minsan, kailangan mong umiwas para di ka tamaan. Pero minsan, kahit umiwas ka, tinatamaan ka pa rin nang di mo inaasahan.” 
– Manny Pacquiao during the fight
HUGOT #16
“Kasi ang totoo, umaasa pa rin akong sabihin mo. Sana ako pa rin. Ako na lang. Ako na lang ulet.”
-– Tindera na Inagawan ng Suki
HUGOT #17
“Lahat ng mabigat gumagaan kapag binibitawan.”
— Kargador na Wala Pang Breaktime
HUGOT #18
“Ang past hindi yan kayang kalimutan. Pero hindi na dapat binabalikan. Kapag tapos na, tapos na.”
–  History Teacher na may Pinagdadaanan
HUGOT #19
“Manatili lang po tayong laging handa at alerto dahil ang bagyo ay parang pag-ibig. Mahirap i-predict kahit may PAG-ASA.”
— Weather Reporter na biktima ng Climate Change ( aka Malanding Panahon )
HUGOT #20
“Sanay naman akong saluhin lahat ng pinaglumaan ng iba.”
— Ukay-ukay Vendor
HUGOT #21
Sa Beach:
Boy: “Tulong!!! May nalulunod!!!”
Lifeguard: *runs fast
Boy: “.…sa pagmamahal mo.”
HUGOT #22
“Kasalanan mo yan. Palagi ka kasing nagpapadala.”
–Kurakot na Bureau of Customs
HUGOT #23
“Wala namang magbibilang kung ilang beses kang nagpakatanga di ba?”
– That girl na nahulog…. sa pusali.
HUGOT #24
“Mahalin natin ang mga kurakot. Dahil lahat naman ng minamahal natin nawawala di ba?”
— State of The Nation Address
Tumblr media
#UMAYYYYYYYYYYY
1K notes · View notes
simplyme1210 · 10 years ago
Photo
Tumblr media
5K notes · View notes
simplyme1210 · 10 years ago
Photo
Tumblr media
3K notes · View notes