Tumgik
sirangteklado-blog · 13 years
Text
Dear Santa.
Dear Santa, Gutso ko nang space ranjur sa darateng pakso. Naging bata na masonurin namam ako ngayong taon.,.,, Iyong Kaebigan, Billy Dear Billy, Ganda ng spelling mo panay kamote, wala akong naintindihan. Eh kung padalan nalang kita ng libro para matuto ka namang magbasa at magsulat? Naipadala ko na yung space ranger sa kapatid mo, atlis yun marunong magspell. Santa ********** Dear Santa, Naging mabuting bata ako ngayong taon, at ang tanging hiling ko ay kapayapaan at kasiyahan para sa lahat! Love, Sarah Dear Sarah, Nakatira ka ba ng shabu? Santa ********** Dear Santa, Hindi ko alam kung kaya mo gawin, pero gusto ko sana ay magsama na muli ang nanay at tatay ko. Love, Teddy Dear Teddy, Yung tatay mo palaging binabayo ang dating katulong niyo. Sa tingin mo may pagasa pang balikan niya ang nanay mong mukang pusit? Wala ka nang pagasa, kawawa ka naman. Eto lego para sayo.. Santa
********** Dear Santa, Gusto ko ng bike, ps2, gameboy, psp, space ranger at robot. Love, Francis Dear Francis, Sino pa bang magulang ang pinapangalanang ‘Francis’ ang kanilang anak? Sa tingin ko bakla ka. Eto Barbie para sayo… Santa ********** Dear Santa, Nagiwan ako ng gatas at cookies sa ilalim ng puno, at carrots para sa reindeer mo sa likod ng bahay namin. Love, Susan Dear Susan, Gatas? Hindi ako yagit na musmos katulad mo. Yang carrots naman ay nagpapautot sa reindeer ko diretso sa muka ko. Pwede makahingi ng pabor? Magiwan ka ng limang Red Horse sa ilalim ng puno nyo. Santa ********** Dear Santa, Anu ginagawa mo sa natitirang 364 na araw sa isang taon? Busy ka ba paggawa ng mga laruan? Your friend, Thomas Dear Thomas, Lahat ng laruan ko ay gawa sa China. May condo ako sa Vegas kung saan gumagawa ako ng mga low-budget porno films. Interesadong kang malaman diba? Santa ********** Dear Santa, Nakikita mo ba kami kapag natutulog kami? Pag gising kami nakikita mo ba kami? Love, Jessica Dear Jessica, Bakit ang dami mong tanong? Bahala ka sa buhay mo. Lalagpasan ko ang bahay nyo.. Santa ********** Dear Santa, Gusto ko ng tuta, please, please, PLEASE, PLEASE bigyan mo ako ng tuta. Love, Timmy Dear Timmy, Yang pangi-nutil na pagmamakaawa mo ay di tumatalab sa akin, kung sa uto-uto mong magulang tumatalab sa akin hinde. Eto kuting para sayo.. Santa ********** Dearest Santa, Nakalock lahat ng pinto at bintana sa bahay namin. Paano ka nakakapasok? Love, Marky Dear Mark, Unang-una tumigil ka kakatawag sa sariling mong Marky, hindi ka cute, inutil nalang ang itawag mo sa sarili mo. Pangalawa hindi ka nakatira sa isang bahay, isang pang palaboy na apartment lang yan. Pangatlo, nakakapasok ako dyan sa lungga nyo kung pano nakakapasok ang kabit ng nanay mo, sa sirang bintana nyo sa kwarto. Sweet dreams, Santa
1 note · View note
sirangteklado-blog · 13 years
Text
Hindi mo naman kailangan pantayan ang pagmamahal na ibinibigay niya sayo. Ang kailangan mo lang gawin ay pahalagahan ito.
3 notes · View notes
sirangteklado-blog · 13 years
Audio
Isa ito sa mga kantang hindi ko kinatatamarang pakinggan.
I wish that I could see the world thru your eyes I wish that I could see the world thru your eyes You zipped thru the stars in a silver shopping cart Fueled by your faith in miracles You tend to your garden an eden with a twist Where the animals and angels recreate I wish that I could see the world thru your eyes I wish that I could see the world thru your eyes I wish that I could see the world thru your eyes I wish that I could see You were born without a care You fly where eagles dare Day or night rain or shine makes no difference You've learned to forgive all our sins You receive all things without hate I wish that I could see the world thru your eyes I wish that I could see the world thru your eyes I wish that I could see the world thru your eyes I wish that I could see You came and offered me a holding company And you gave away your shares for free And though it was a sad affair You just couldn't care All you could think about was letting go I wish that I could see the world thru your eyes I wish that I could see the world thru your eyes I wish that I could see the world thru your eyes I wish that I could see
116 notes · View notes
sirangteklado-blog · 13 years
Text
Mga Kalokohan na Hindi makakalimutan sa High School:
Ang paghingi ng one whole sa classroom tuwing may quizzes, seatworks at long tests.
Ang pulbo ng bayan na dwo days lang ang lifespan, dahil buong klase ang gumagamit nito.
Halos araw-araw nagpapagawa ng groupworks ang mga guro sa kadahilanang tinatamad sila magturo. At dahil diyan nagkakaroon ng Groupings. Pero sa tuwing may groupings, mas matagal pa ang oras ng pakikipagkulitan at pakikipag-asaran niyo sa mga ka-groupmates niyo kaysa sa paggawa ng report.
Ang paghiram ng ballpen. Aminin mo, isa ka sa mga gumagawa nito. Kung hindi ikaw ang hihiraman, ikaw ang manghihiram mng ballpen.
Ang pagkakaroon ng sinasabi nating teamwork kapag may test. Alam na. Haha
Ang kopyahan pag may assignment. Yung iba pa nga pumapasok nang maaga para makakopya nang maaga.
Ang pambuburaot ng mga kaklase mo sa baon mo. Madalas nga kapag nakita ka nilang may dalang pagkain sila pa ang nauunang magbukas nito para makakuha sila ng marami, pagpapasa-pasahan muna nila ito tapos ibabalik sa iyo kapag naubos o kakaunti nalang ang laman nito.
Ang pagsususpinde ng klase tuwing may bagyo. Yes! Walang pasok! Haha
Ang hindi makakalimutang recollection. At ang pinakahuli sa lahat.. ang pag graduate.
2 notes · View notes
sirangteklado-blog · 13 years
Text
Day 2
Bakit nating gagawing legal ang Illegal?
Illegal ng diba? Meaning bawal. Lagi nating tandaan na hindi kailanman naging mabuti ang bawal. Kailangan nating sundin ang batas. Kung mababago ang batas, baka maging magulo pa ang takbo ng pamumuhay ng tao at baka masira pa ang takbo ng ekonomiya ng bansa.
Ang sabaw ko. syet. Hindi karapat-dapat ipost ang ganitong klase ng post.
1 note · View note
sirangteklado-blog · 13 years
Text
Huwag Pagsisihan
"Let us not become weary in doing good, for at the proper time we wll reap a harvest if we do not give up" -Galatians 6:9
"Huwag kang mapagod sa paggawa ng mabuti."
"Pero nagtanim na po ako. Wala parin akong inaani. Hinukay-hukay ko na, dinidilig-diligan ko pa; ayoko na, bubunutin ko na ito."
Yun pala, kinabukasan mamumunga na, naiinip ka lang.
Nakakapagod talagang gumawa ng mabuti. Pero nakakapagod ding gumawa ng masama. Pareho lang namang nakakapagod. Mapagod ka na sa kagagawa ng mabuti, kakampi mo pa ang Dios.
And maybe what you should do, if this is your case, is to pace yourself. Magpahinga nang kaunti. Lagyan ng kaunting space yung ginagawa but do not give up being good. At kahit kailan wag pagsisisihan ang paggawa ng mabuti. Huwag pagsisisihan na nasa panig ka ng Dios.
0 notes
sirangteklado-blog · 13 years
Text
Kitang-kita ang ebidensya
"For since the creation of the world God's invisible qualities--his eternal power and divine nature--have been clearly seen, being understood from what has been made, so that men are without excuse." -Romans 1:20
May Creator. Hindi na natin kailangang akyatin ang langit para makita natin ang Dios. Subukan nyong magbiyal ng niyog. Di ba't ang linis ng tubig sa loob? Hindi ba kayo nagtataka? Paano nangyari yun? Dun pa lang malalaman na nating may designer talaga.
Ang mga halaman, halimbawa, pare-pareho lang naman ang nutrients na sinisipsip sa lupa, pero iba-iba ang bunga. May sinigwelas, mangga, aratiles, kaimito. Pare-pareho lang nakaugat sa lupa, pero ang bungang naglalabasan, iba-iba ang hitsura, ang kulay at ang lasa.
Kaya nga, walang puedeng magsabing "Hindi ko naman kasi nakita ang Dios. Huwag mo akong sisihin na di maniwala kasi wala naman akong nakitang proof." At ang lagay, ang lahat ay tsamba? Bakit kusang kumukurap ang mga mata natin? Bakit pumipintig ang puso natin kahit natutulog tayo? The Invisible nature of God is seen through the visible things that he created.
Di ba pag nakakakita tayo ng siga ng apoy, alam nating may nagsindi nun? Pag nakita nating may bakas ng hayop, alam nating may dumaan dun. Sa buhay man natin, mababakas din ang tatak ng Dios. kailangan pa ba natin siyang makita literally para maniwala?
9 notes · View notes
sirangteklado-blog · 13 years
Text
Day 1
Susubukan kong humabol sa 365 day Challenge.
Tumblr media
Actually hindi ito isang picture ng isang sirang teklado. Napagtripan ko lang siyang gawing thumbnail kasi gusto ko siya eh. Galing ni google eh no! :)
Bagong Taon na naman, kailangan na ng iba sa atin na magbagong buhay.
Dahil maganda naman ang takbo ng buhay ko, napagdesisyunan ko na hindi ko na kailangan pang baguhin ang mga bagay na ginagawa ko ngayon. At Dahil wala naman akong dapat na baguhin sa sarili ko ngayong bagong taon, igegeneralize ko nalang ang aking mga kahilingan ngayong 2012.
Simple lang naman ang aking mga kahilingan:
Sana magkaroon ng lakas ng loob ang mga tao na harapin ang kanilang takot.
Sana mabigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga tao para maitama ang kanilang mga pagkakamali.
Sana wala nang mga sakunang manalanta dito sa ating bansa. Kung meron man, sana hindi malakas.
Sana wala nang masaktan.
Sana wala na akong makitang taong umiiyak.
Sana wala nang nahihirapan. 
Sana magkaroon na ng Katahimikan.
Sana maging payapa at maayos na ang lahat.
Diba? Napakasimple lang naman ng kahilingan ko eh, at yun ay madali nating makamit kung magkakaroon tayo ng pagmamahal sa isa't isa.
Hindi ako nagpost ng aking larawan dahil may pinangangalagaan akong pangalan.
0 notes
sirangteklado-blog · 13 years
Text
Ginamit mo lang pala ako't pinaglaruan.
Ano bang nagawa kong mali
At iniwan mo ako ng walang pasubali
Kay bilis mo naman yatang magbago
Pag-ibig mo'y bigla nalang naglaho
...
Buhay ko'y miserable't sirang-sira na
Mistula kang bagyo kung manira't manalanta
Hindi ko na alam kung paano magsisimula
Dahil ako'y iniwan mo nang nag-iisa
...
Ngayon hindi ko alam kung saan pa tutungo
Dahil puso ko'y iniwan mong nagdurugo
Ngayon hanggang langit aking pagsisisi
Kung bakit minahal pa kitang muli
...
Puso ko hindi na muli pang aasa
Na babalik ka, aking sinisinta
Pagkat alam ko na ang katotohanan
Ginamit mo lang pala ako't pinaglaruan.
6 notes · View notes
sirangteklado-blog · 13 years
Text
May pag-ibig na dumarating sa atin sa maling panahon, sa maling pagkakataon. Masakit man kailangang iwasan natin, pero kung talagang para sa atin yun, bablik yan ilang beses man natin itong iwasan.
1 note · View note
sirangteklado-blog · 13 years
Text
Pitong Araw.
Enero 1, 2012 
Happy New Year! Ang ingay ng paligid! Masaya kami dahil kumpleto ang pamilya, kakauwi lang kasi ni tatay galing States. Nagulat ako niregaluhan ako ni tatay ng diary. Ano naman kayang gagawin ko dun? Pero ok lang. Gagamitin ko nalang para hindi masayang.
Enero 2, 2012 
Wow. Ang daming hamog sa labas. Akala mo nasa Baguio ka. Ay hindi pala. Usok lang pala yun galing sa mga paputok kahapon. Abala ang lahat sa paglilinis ng paligid habang ako naman abala sa aking assignment. May pasok na pala bukas. Makikita ko na naman ang crush kong si Kate. Hay, hindi na ako makapag antay.
Enero 3, 2012
Yes! Absent yung katabi ko! Tadhana nga naman oh, nakatabi ko si Kate! Ang saya naman ng araw na 'to! Maliban na nga lang nang matapos ang klase. Nanakawan ako. Nawala ang one month allowance ko. Pero okay lang, nakatabi ko naman si Kate eh.
Enero 4, 2012
Ang boring naman ng araw na ito. Wala akong maintindihan sa sinasabi ni Maam Trigo. Ayun, Napagtripan ko tuloy ang notebook ko. Naubos ang oras ko kakadrawing kay batman, saka kay captain america.
Enero 5, 2012
Niyaya ako ni Pong na manood ng palabas. Pagkatapos ay naglaro kami ng basketball, talo na naman ako. Napabili tuloy ako ng dalawang piraso ng siopao. Napagastos tuloy ako. Sana pala hindi nalang ako pumunta sa kanila.
Enero 6, 2012
Wala yung tatlo naming guro. Ang haba tuloy ng vacant namin. Naubos ang oras namin kakalaro ng baraha at pagpapalipad ng eroplano sa roofdeck namin. Tapos nagpunta kami sa bahay ng kaklase namin para makikain. Kaarawan niya kasi nun.
Enero 7, 2012
Heto! Ang aga akong niyaya ni Pong maglaro ng basketball. Habang naglalaro kami bigla kong natabig ang bola at napunta ito sa kalsada. Agad kong hinabol ito. Kukunin ko na sana ang bola nang biglang may bumangga sa aking kotse. Badtrip! Namatay tuloy ako. Sayang yung diary na bigay sa akin ni tatay, pitong araw ko lang siyang nasulatan.
Lahat ng mga pangyayaring nakasulat dito ay pawang kathang isip lamang.
3 notes · View notes
sirangteklado-blog · 13 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
"It's more fun in the Philippines!"
Commuting. More fun in the Philippines. Geting upstairs. More fun in the Philippines. Status updates. More fun in the Philippines.
Inilabas na ng Department of Tourism ang kanilang bagong Tourism slogan na may temang "It's more fun in the Philippines".
Well I think the slogan speaks a lot for our country (english shet hahaha). Totoo naman kasi na it is more fun here in the Philippines. Hindi lang yung mga sceneries ang maaari nating ipagmalaki, nariyan ang mga putaheng dito sa pinas lang matatagpuan tulad ng betamax, kwek kwek, isaw, at kung anu-ano pang mga streetfoods. Nariyan din ang mga Pagdiriwang na tayo lang ang meron tulad ng Pista ng Penafrancia, Pahiyas Festival at kung anu-ano pa. Maging ang mga tao dito sa 'Pinas, maipagmamalaki rin saan mang panig ng mundo.
Kung iisipin, kahit na maliit lang ang nag-iisang perlas ng silanganan, napakarami nitong tinatagong yaman. Kaya nararapat lamang natin na ipagmalaki itong bansang ating sinilangan.
Mahalin natin ang sariling atin. Walang ibang magmamahal ng ating bansa kundi tayo rin.
8 notes · View notes
sirangteklado-blog · 13 years
Text
Mahal ko kayo, Aking mga kaibigan.
Pagdating sa kagipitan sila’y maaasahang likas
Kung mag ingay sila kala mo’y wala nang bukas
Sila ang mga kaibigan kong ungas
Na nagbibigay aliw ng walang kupas.
Pagdating sa kakulitan sila ang una
Lalo na sa katatatawanan sila’y bida
May tao kayang mas hihigit pa sa kanila?
Sa tingin ko’y wala. Wala na nga. Wala.
Mundo ko’y nagmistulang krayola nang kayo’y makilala
Lungkot ko’y pinalitan ninyo ng tuwa at saya
Dahil sa inyo wala na akong hahanapin pa
Hiling ko lang sana’y humaba pa ang ating pagsasama.
Kaya sa nalalapit nating kaarawan
Kayo’y aking pasasalamatan
Basta’t lagi niyong tatandaan
Pakyu kayo, Mahal ko kayo, Aking mga kaibigan.
16 notes · View notes
sirangteklado-blog · 13 years
Text
Ang masakit na katotohanan ng buhay.
“Ang buhay ay parang kotse na pinapaandar ng mga pangarap at personal na silbi natin sa mundo. Ang mga problemang dumadating sa atin ang kambyo na nag-iiba ng bilis ng tinatakbo ng buhay. Nasa bawat isa na lang sa atin yan kung ikakambyo natin sa mas mababang gear at pabayaang bumagal ang takbo, o ikambyo sa mas mataas na gear ang andar ng buhay natin para sa mas mabilis na katuparan ng mga pangarap, at magampanan ang silbi natin sa mundo.”
10 notes · View notes
sirangteklado-blog · 13 years
Text
Gumising, kumilos nang hindi magsisi nang lubos.
Kilos na, huwag nang antaying maghapon
Huwag nang sayangin pa, mga araw at taon
Kung kaya mong gawin, bakit hindi pa ngayon?
Huwag balewalain, itong mumunting hamon
...
Puso at isipan, sa sarili'y dapat ituon
'Wag nang ibaling sa iba, iyong atensyon
Tara't limutin na alaala ng mga kahapon
Iwan na natin lahat at 'wag nang lumingon
...
Gising! Kailangan mo nang kumilos
Dahil oras mo'y unti-unti nang nauubos
Huwag hayaang araw ay maupos
Dahil kung hindi, baka magsisi ka pa ng lubos.
11 notes · View notes
sirangteklado-blog · 13 years
Text
Filipino 101
Bihira na lamang sa atin na makakita ng isang Pilipino na nagsasalita ng wikang Filipino sa pormal na paraan. Bunga ng modernisasyon, at dahil narin sa pag-usad ng panahon, nagpasalin-salin na din sa ibang henerasyon ang ating wika at dahil dito sumibol ang paggamit ng wikang Filipino sa pormal at di-pormal na paraan.
Ang pormal na paggamit ng wika ang mas kinikilala at ito ang naging pamantayan ng mga tao sa pag-aaral ng wika. Narito ang mga uri nito:
Pambansa o karaniwan - Kadalasang ginagamit ito sa mga aklat na pang wika at sa mga paaralan, maging sa pamahalaan ay ginagamit din ito dahil madali itong intindihin at simple lang ang mga salitang ginagamit dito. (basta yung mga textbooks na makikita niyo sa mga kapatid niyo, yun na yun. wala akong maisip na halimbawa eh xD)
Pampanitikan o Pangretorika - Ginagamit ito sa mga akdang pampanitikan. Malalalim , masining o makukulay ang mga salitang ginagamit dito. (hal.Mga alon sa pampangin kung humalik ay may lambing, bilang sa tabi'y humihimpil mabangong bulaklak ng hasmin. -Ibong Adarna)
Ang di-pormal na paggamit ng wika ay ang mga salitang madalas nating ginagamit sa pangkaraniwan o sa pang araw-araw nating pakikipagtalastasan. Ang mga uri nito ay:
Lalawiganin - From the word itself na lalawigan, ginagamit ito sa mga lalawigan lamang. (hal. Nakain ka na? [kumain ka na ba?])
Balbal/Kolokyal- Ito yung salitang pangkalye. Pinakamadalas natin itong gamitin sa lahat. Ito yung mga salitang nakukuha natin sa lansangan, sa kanto o sa kung saan saan nalang. (hal. madir, padir, erpat, tokis, etc.)
Sa paglipas ng panahon, ang mga kinagawian natin maging ang ating kultura ay nagbabago. Sa katunayan nga, ang mga kaugalian at ang mga paniniwala ng ating mga ninuno ay unti-unti nang nawawala kasabay ng paglipas ng panahon. Kung hindi man mawala ang iba nama'y nalilinang o nahahaluan ng makabagong salin o bersyon na tiyak na patok sa panlasa ng lahat. Isa na rito ang ebolusyon ng Wika.
Guys, correct me if I'm wrong. Hindi ako sure dun sa balbal/kolokyal thingy. :P
13 notes · View notes
sirangteklado-blog · 13 years
Text
Siguro di mo lang pinapansin, kaya akala mo wala.
7 notes · View notes