Quote
Nasasaktan ako sa bagay na alam kong matagal ng lumipas. Nasasaktan ako sa kaalaman na siya yung The One That Got Away mo. Nasasaktan ako na siya yung iniiwasan mong pag-usapan. Nasasaktan ako kasi hindi ko alam kung ano pa ba yung totoo. Nasasaktan ako kasi pakiramdam ko inagaw kita sakanya. Nasasaktan ako kasi pakiramdam ko natutuwa ka lang sakin. Nasasaktan ako kasi buong buo kong binigay sayo ang puso ko. Nasasaktan ako. Buong buo. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ba? Kailan ko pa ba malalaman yung totoo? Kailan mo aaminin ang bagay na dapat ay noon mo pa inamin? Nakakasakit. Pero nagtitiwala padin ako. Nagtitiwala ako sa salita. Lalong lalo na sa mga kilos mo. Magtitiwala ako kahit nasasaktan ako.
A|M (via nagmamarunongako)
hahahahha sht 😔
3 notes
·
View notes
Quote
Sana mapagod na puso ko. Kasi ako pagod na. Puso ko nalang ang matatag pa.
Short Love (via nagmamarunongako)
9 notes
·
View notes
Text
mahal, lumayo ako hindi dahil sa hindi na kita mahal...
Mahal,
Siguro sa simula na mabasa mo itong sulat ko para sayo, hinahanap mo na ako. Hindi ako umalis dahil sayo at lalong hindi ako umalis ng dahil sa akin. Ang gulo ba? Maski ako hindi ko maintindihan na. Huwag kang umiyak Mahal. Hindi ako lumayo dahil sa hindi na kita mahal, lumayo ako dahil mahal na mahal kita higit pa sa pagmamahal na kaya mong ibigay sa akin. Hindi ako lumayo para saktan ka. Hindi ako lumayo para iwanan kang nag-iisa. Pero mukang ganun na nga din ang kinalabasan.
Hayaan mo akong ipaliwanag ang lahat kahit papaano Mahal. Nung makilala kita, alam kong babaguhin mo ang mundo ko lalo na ang mga nakagisnan ko sa buhay. Alam ko na simula ng magkalapit tayo, hindi ko na magagawang tumingin pa sa iba. Ikaw ang una kong naiisip sa paggising ko at huling laman ng isip ko sa pagtulog. Ikaw ang nagsilbing liwanag at dilim sa mundo ko, liwanag kapag pakiramdam ko lahat ng problema binato sakin at ikaw din ang dilim ko kapag kailangan kong magpahinga sa lahat ng problema. Ikaw ang una, gitna at huli ng buhay ko. Unang nagpapangiti sakin, gitna na nagbabalanse sa buhay ko at huli na iisipin ko at masasabi ko nalang na, “sa lahat ng pagkaligaw ko sa buhay, ikaw ang nagsilbing direksyon ko”. Inayos mo Mahal ko, ang buhay ko. At don palang sobrang nagpapasalamat na ako na nakilala kita.
Huwag mong iisipin na hindi kita minahal sa bawat ng araw na kasama kita. Kasi hindi totoo yun, kung pwedeng sabihin na kada segundo, oo kada segundo minamahal kita. Ngunit, hanggang dito- dito nalang pala tayo pagtatagpuin ng tadhana. Tayo ang halimbawa ng, “Pinagtagpo ng tadhana. Pinagkakilala. Pinagkaibigan hanggang sa pinagka-ibigan. Ngunit sa huli, hindi tayo ang tinadhana”.
Alam ko na kahit anong gawin natin na paglaban kung hindi tayo ang itinadhana hindi tayo ang tinadhana. Ang saklap no? Ang sakit mapaasa ng punyetang tadhana na yan. Kung tao lang yang si Tadhana, nabugbog ko na siya sa kakapaasa niya sa mga tao. Mahal, hayaan mong lumayo muna ako. Hahayaan din kitang gawin lahat ng gusto mo. Kung mahahanap mo ang itinakda sayo sa loob ng mga buwan na wala ako sa tabi mo, tatanggapin ko na hindi talaga ako ang para sayo.
Hanggang dito nalang Mahal ko. Hayaan mo kong pagmasdan ka ng tulog kahit sampung segundo lang. Babaunin kong napakagandang ala-ala ang makita kang payapang natutulog.
Nagmamahal, Devon
10 notes
·
View notes
Audio
THIS IS AMAZJAXAJBXSINAIXING 💘
taylor’s music was what originally made me realize that I loved to sing. when I was 11, and her first album came out, sitting in my room and singing along to it was all I ever wanted to do. I’ve never gotten over the fact that she manages to write songs that are not only catchy, but have lyrics that everyone can relate to in some way. all too well & clean are two of my favorite songs for the reason that everyone has been in those types of situations. and that’s why I wanted to put them together in a mashup, because it fits together as one story. in the left ear, you’re up at 4 am not being able to forget someone, because maybe you keep looking at their pictures, or you keep thinking about your memories with them. but then in the right ear, you wake up one morning and you realize that you haven’t thought about them for weeks. and the pictures are gone. and you’re finally clean.
5K notes
·
View notes
Text
sick and tired af
how the fuck do people just stay motivated their entire lives? what drives you? I got out of bed once and i’ve been exhausted ever since.
1M notes
·
View notes