sofialouiser
sofialouiser
Sofia Louise
2 posts
Learn with me!
Don't wanna be here? Send us removal request.
sofialouiser · 5 years ago
Quote
God can turn events for our favor. God can make things which are apparently evil for the better good of His people.
Bro. Eli Soriano, 1st Qtr. Special Thanksgiving of God’s People, April 3, 2020
0 notes
sofialouiser · 5 years ago
Text
SPBB for the First Time!
Tumblr media
SPBB ang shortcut sa Special Pasalamat ng Buong Bayan ng Dios at nagpapasalamat ako nang lubos sa unang pagkakataong makadalo kasama ang pamilya ko. First time kong makadalo ng SPBB noong December 23, 2016 at iyon din ang first time kong makadalo ng Thanksgiving na inaabot ng TATLONG ARAW! 😱
Noong Katoliko kasi ako, tuwing Linggo lang ang pag-attend namin ng isa o dalawang oras na misa na nakakatulugan ko sa antok. Uma-attend din kami noon sa El Shaddai sa gabi isang beses sa isang linggo pero pinatutulog lang kami ng pamilya ko kasi hanggang madaling araw inaabot tapos gigisingin na lang nila kami sa part na mag-aapir kami sa 1+1=3, 3+3=7, at sa part na tatalon o magkakantahan kami. Nasanay ako na sa mga church gathering ay matutulog ako o kaya ay kakain kasi alam ko na yung tinuturo nila. May Values o GMRC subject kami sa school at halos pareho lang ang mga situation na binabanggit—siyempre alam mo na yung huwag magnakaw at huwag magsisinungaling pati God loves us, at love God, your family, and other people.
Hindi ako nasanay magbasa ng Bible at naging sobrang busy akong mag-aral ng mga academic books para ma-maintain ang grades sa school. Mas kabisado ko pa ata ang periodic table of elements kaysa sa mga pangalan ng books sa Bible. Wala rin naman kasi akong natanggap na libreng Bible. Ang nakita ko lang ay mga binebentang Bible sa mall. Ang mayroon sa bahay ay lumang Bible noong kabataan pa ng magulang ko at parang hindi ko mabuksan kasi baka mapunit.
Naniniwala ako kay God at kay Jesus pero parang wala akong masyadong alam tungkol sa Kanila. Wala namang palya yung pag-attend ko at ng pamilya ko sa simbahan tuwing Linggo kaso simula noong puro negatibo na tungkol sa mga politiko ang binabanggit ng mga pari sa mga misa sa iba’t ibang simbahang Katoliko, hindi na kami umattend ng pamilya ko. Sa halip na maging payapa ang isip namin naiistress lang kami. Kinabahan ako dahil baka makalimutan ko si God at Jesus lalo na’t hindi naman ako palabasa ng Bible at baka maging sobrang busy ako sa school. Hiniling ko na sana ay hindi ko Sila makalimutan dahil ayokong maging masamang tao at sana ay may mapuntahan kaming church na nagtuturo ng kung ano talagang nasa Bible.
Makalipas ang ilang linggo may pinanonood yung mga magulang ko pero hindi ako nakikinig kasi busy akong gumawa ng mga school project. Isang araw, may pinuntahan kaming church tapos may Bible Exposition na pwede kang magtanong at may sasagot na batay sa Bible. Dito pala galing yung concept ng napapanood ko sa Bubble Gang na Q&A tapos sumasagot sila ng “Alien!” katumbas ng “Amen” pagkatapos masagot yung tanong. Dito pala kasi sa MCGI o Members Church of God International, mayroon silang programa sa TV na “Ang Dating Daan” at ang isa sa mga segment ay “Itanong Mo Kay Soriano, Biblia ang Sasagot!” kung saan kahit sino ay pwedeng magtanong ng kahit anong tanong at batay lagi sa Biblia ang sagot ni Bro. Eli Soriano. May ipinamimigay pa silang libreng Biblia!
Sa pagdalo ko at ng pamilya ko rito sa MCGI ng mga Thanksgiving, lalo na kapag SPBB, first time kong labanan ang antok! Hindi ko gustong pumikit man lang ni ma-distract. First time kong makinig sa preacher kahit walang nginunguya. First time kong makarinig ng preacher na napakaraming talata sa Biblia ang binabasa. First time kong makaramdam na gusto kong mapakinggan nang buo ang sinasabi niya. First time kong makarinig ng mga turong batay talaga sa Biblia. First time kong magsulat sa notebook ng mga binabanggit na talata. First time kong manatiling gising sa mahabang oras na pag-aaral ng Biblia. First time kong makarinig ng mga aral na laging bago at hindi ko pa napapakinggan kahit saan. First time kong naising mag-extend pa ng oras para sa pag-aaral ng Kaniyang mga salita at karunungan!
Dati, para sa akin, mahaba na ang isang oras at naiinip na agad ako pero simula noong mapakinggan ko ang itinuturo ni Bro. Eli na ayon sa Biblia, gusto ko pang makinig nang makinig kahit ilang oras abutin. Isang oras sa isang linggo? Isang araw sa isang linggo? Kulang pa iyan para kilalanin at pasalamatan ang Ama. Hindi masamang maglaan ng oras para sa Dios na sa atin ay lumalang. Utang natin sa Kaniya ang buhay at lakas na mayroon tayo ngayon kaya nararapat lamang na paglaanan natin Siya ng panahon. Sa pagliligtas Niya sa atin nang hindi natin namamalayan, sa Kaniyang dakilang awa at pagmamahal sa atin, nararapat lamang na pasalamatan natin Siya. Sa pagbabasa mo pa lamang nito, alam mo bang napakarami mo nang dapat ipagpasalamat sa Dios? Mayroon kang mga mata, marunong kang magbasa at makaintindi, may electronic device o gadget ka, at may Internet o mobile data ka upang ito ay mabasa.
Kahit nasa bahay lang tayo dahil sa enhanced community quarantine dulot ng COVID-19, hindi ito dapat maging hadlang upang purihin at pasalamatan ang Ama. Loobin ng Dios, sama-sama tayong maghandog ng haing pasasalamat sa Kaniya sa darating na tatlong araw na SPBB sa ika-3 hanggang ika-5 ng Abril 2020 ng 5:00PM sa pamamagitan ng mga video conferencing platform! Siguradong sulit na sulit ang paglalaan mo ng panahon sa Kaniya sa tatlong araw na SPBB dahil bukod sa napakarami mong matututunan, mapalulugod mo pa ang Ama!
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga online na pagkakatipon, maaari kayong makipag-ugnayan sa MCGI hotline: Globe - 0915 189 7007 Smart - 0918 438 8988 Sun - 0943 411 800
3 notes · View notes