Tumgik
Text
5 Paraan para sa Kagandahan at Kaayusan ng ating Kalikasan
Ilan lamang ang mga ito upang mapangalagaan ang ating kalikasan:
1. Pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan
-Ang pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan ay makakatulong ng marami sa ating kalikasan dahil sa gawaing ito ay maiiwasan ang pagbaha, pagkakaroon ng mga sakit at pagdumi ng ating kapaligiran.
2. Ugaliing Maglinis ng Kapaligiran
-Ang Paglilinis ay ang unang solusyon upang maiwasan ang pagkasira ng ating kalikasan. Sa ganitong paraan, unti-unti nating malilinis at maalagaan ang ating kalikasan kahit sa maliit lamang na bagay.
3. Pagtatanim ng mga Puno
-Ang puno ay siyang dahilan ng ating malinis na hangin. Kung patuloy tayong magtatanim ng mga puno, patuloy rin tayong makakalanghap ng malinis na hangin na makakapagiwas sa atin sa mga sakit. Ang mga puno rin ang nakakapagbigay lilim sa atin sa mainit na sikat ng araw. Huli ang puno rin ang makakapagiwas sa atin sa pagkakaroon ng baha at pagguho ng lupa.
4. Malimit na Paggamit at Pagkonsumo ng Tubig
-Kung ang tubig ay hindi naman ginagamit, dapat itong patayin at tipirin dahil maraming pamilya ang hirap sa pagkuha ng tubig kayat dapat natin itong tipirin at gamitin ng tama. Maaari ring maubos ang pinagkukuhanan ng ating tubig kayat dapar itong pahalagahan.
5. Iwasan ang paggamit ng mga Plastik
-Ang plastik ay matagal matunaw at maaaring makapagbara ng mga daanan na nagdudulot ng baha sa atin. Ito rin ang dahilan kung bakit namamatay ang ibat-ibang uri ng yamang dagat sapagkat napagkamalan nila itong pagkain. kaya't dapat nating iwasan at bawasan ang paggamit nito. Maaaring gumamit ng "eco-bag" sa paghalili nito. Maaari rin itong iresiklo upang magamit muli.
4 notes · View notes