Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
PAG-IBIG
ni Josef Edelmar Matias
May kasabihan tayong "true love waits" na nangangahulugang may tamang oras para sa pag-ibig, gaano man katagal o gaano man kayo kalayo sa isa't isa nananalaytay ang tiwala. Ano man ang istilo ng pagmamahal ang ating ginagawa tandaan natin na ang tadhana na ang gagawa ng paraan para matagpuan natin ang taong tunay na mag mamahal sa atin at mapag-isa ang damdamin. Ginawa tayo ng Poong Maykapal para magmahal at mahalin.
0 notes
Text
Kwentong Pagibig
ni John Vincent Juliano
Ang saya naming dalawa ngayong araw. Magkasama kaming naglalakad papunta sa paborito naming lugar, ang simbahan. Magkahawak ang aming kamay habang papunta roon. Pagkarating namen doon pinangakuan ko siya na dito kame ikakasal.
Ngayon ay ika-unang anibersaryo naming magkasintahan kaya napagpasyahan naming kumain sa labas at manood ng sine.
Habang kami ay kumakain napatitig ako sa kanya."Paano ko naging kasintahan ang babaeng pinapangarap ko lang?", tinanong ko ang aking sarili. Nakakatakot na palabas ang aming pinanood. Kaya tuwing matatakot siya'y napapayakap siya ng mahigpit sa akin.
Natapos ang palabas at hinatid kina siya pauwe sa kanilang bahay. Bago siya pumasok ay lumapit siya sa akin at akmang hahalikan ako. Habang palapit ng palapit ang labi nya ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Mahahalikan nya na sana ako ngunit bigla akong nagising. Napagtanto ko na lahat ng ito'y panaginip lang pala. Aasa parin ako na ang aking hinahangaan ay aking magiging aking kasintahan
0 notes
Text
TAMANG PANAHON
ni Micaella Mae Juliano 
Pag ibig na walang hanggan, Saan nga ba matatagpuan? Ito ba ay kung saan saan? O kailangan maghintay ng daan?
Ang pag ibig na minamadali ay hindi nakabubuti. Hindi makakarating sa dulo sasakit pa ang iyong puso.
Maghintay sa panahon na kaya mong bumangon. Kung ikaw ay masasaktan ito ay iyong malulutasan.
0 notes
Text
NINGNING
ni Alessandra Louise Murillo
Sa pagmulat pa lamang ng mga mata Nasilayan ko ay ikaw na Tuwing gigising sa umaga Ikaw ang laging nais makita
Sa bawat problemang haharapin Ikaw ang laging nais kapiling Dahil para kang bituin Na sa gabing madilim Laging nagniningning
Oo Mama, ikaw nga Mahal na mahal ko po kayo ni Papa Kahit na lagi akong walang imik Pero asahan niyo po, Na ang pag-ibig ko sa inyo'y matinik
Maging ang aking magiging propesyon Ibinatay sa inyong mga suhestyon Muli salamat po sa lahat Asahan niyo ang pagmamahaln kong Kailanma'y di magkakalamat
0 notes
Text
SANDALAN
ni: Jam Ashley Marie Madrid
Ligaya, kabuuan, sakit at pagkasira, Iilan lamang yan sa nadarama kapag nagmamahal ka. Ikaw ba? Sigurado ka bang nagmamahal ka? O itoy emosyon na sa magulong isip ay nilikha.
Mundo ba ay tila bumabagal o humihinto, Kung minsan naman ay nakikita ang hinaharap na magkasama kayo. "Ang mga bagay ay may tamang panahon at oras" ika ni bathala, Ngunit kung hindi itinakda wala ka nang magagawa.
Sabi nila lahat ay makakaya pag mahal mo, Para man ito sa tao, trabaho o sa mga hilig mo, Ngunit kung minsan ang tao ay umaasa nalang kay tadhana, Kung kaya't hindi sa lahat ng oras pagmamahal ay nasusuklian.
Tunay ngang makapangyarihan ang pagmamahal, Pagkabuklod at pagkakaisa ang iilan sa mga resulta. Ito ang nagiging lakas pag ang isa ay nahihirapan, Kapag naman pagod ito ang siyang nagiging sandalan.
0 notes
Text
PAGMAMAHAL SA SARILI
ni Alexandrine Nicolas
 Mayroong iba't ibang uri ng pagmamahal.
 Pagmamahal sa kapwa, pagmamahal sa reaches pamilya, pagmamahal sa reaches kaibigan at wag natin kalimutan ang pagmamahal sa sarili.
 Minsan sa under mong pagmamahal sa isang tao hindi mo na napapansin na halos lahat na pala ibinibigay mo, wala ka ng itinitira at ibinibigay mo na lahat. Minsan nakakalimot na tayo na meron pa pala tayong kailangan mahalin ng lubos at iyon ang reaches sarili.Nakakalimutan na rin nating magpahinga at bigyan ang reaches sarili ng kaunting oras for magpahinga.
  Kadalasan naman ay tayo'y nalulunod sa inggit, kesyo "bakit ako hindi maganda tapos siya maputi na seksi pa" .Nakakalimutan natin na mayroon tayong iba't ibang kakayanan na nagsisimbolo ng reaches panloob at panlabas na kagandahan.
  Sabi nila hindi mo matatanggap ang kapintasan ng iba kung hindi mo makikita at matatanggap ang sarili mong kapintasan.Eh, naman year pure kung tigyawat at pekas ang mukha mo ?? Hey, year naman kung wala sa tamang place ang hugis ng yong katawan at hindi ka seksi tignan ?? hindi naman panghabang buhay ang kagandahan ng mukha at katawan, kukupas at kukupas yan pagdating ng panahon.Walang permanent sa world.Kaya kung ako sayo mahalin mo ang sarili mo dahil kapag ikaw mismo pinapahalagaung atunt kong an moang anguh angu
  Ilabas mo kung ano ka, ang totoo mong kulay at simulan mo itong tanggapin.Paano ka magmamahal ng ibang tao kung sarili mo hindi mo kayang mahalin ?? Mahalin mo at gwin mong prayoridad ang sarili mo. Self-Love is a must.
0 notes
Text
ANG PAG IBIG NG ISANG PAMILYA
ni Sairon Menorias
     Ang bawat isa ay nakakaranas ng pag ibig o pag mamahal maging sa kaibigan man o karelasyon. But ang pag ibig ng isang pamilya ay isang napakalaking part ng reaches buhay na kahit kailanman ay hahanap hanapin natin sa reaches buhay dahil ang pag ibig in iyon ang mag bibigay ng init at lambing sa reaches buhay. Pag ibig na mananatili sa reaches mga puso at magiging inspirasyon natin sa reaches buhay. Ang pag ibig ng pamilya ang mag bibigay sa atin ng lakas at motibo sa atin upang Abutin ang sariling mga pangangarap.
0 notes
Text
SANAYSAY TUNGKOL SA PAG-IBIG
ni Jomel Manlangit
   Nagkatagpo… nagkakilala… nagmahal… nagsakripisyo… lumigaya… nasaktan… at muling umibig… nakaramdam ng kaligayahan… nangako… ngunit nasaktan muli… at pagkatapos, nagmahal. Isang siklong paulit- ulit lamang lulan ng katauhang nagnanasa ng kaligayahang hindi kayang tumbasan ng sanlibung paghalakhak. Ang walang kapagurang bibig na walang humpay sa pagsambit ng pangalang di mawari kung ano nga ba ang kahulugan ng isang katauhang uhaw sa konseptong tanging ang mga nagmamahal lang daw ang nakaaalam. Nagkatagpo… nagkakilala… nagmahal… nagsakripisyo… lumigaya… nasaktan… at muling umibig… nakaramdam ng kaligayahan… nangako… ngunit nasaktan muli… at pagkatapos, nagmahal. Isang siklong paulit- ulit lamang lulan ng katauhang nagnanasa ng kaligayahang hindi kayang tumbasan ng sanlibung paghalakhak.
   Ang tunay at Pag-ibig, at ang nagtatangka, nagpapaliwanag at nagbabahagi ng kani-kanilang istorya tungkol sa pag-ibig. Marami ang nag-akala, naghanap, naghahanap at nakahanap ng tunay na pag-ibig ngunit paanoba natin malalaman ang tunay nap ag-ibig? Paano natin malalaman kung ang iyong nararamdaman ay tunay ngang pag-ibig at hindi paghanga, pagnanasa, the bugso lang ng isang kagandahan / kagwapuhan o pisikal na atraksyon lamang.
   Ang pag-ibig ay talaga naman talgang napaka sakrado at maraming uri. Ang pag-ibig a nagbabago depends on nagdadala nito. Ang pag-ibig ay napakalawak. Pepwedeng sa mga kaibigan o magulang o pag-ibig sa diyos ang nararamdaman mo. Ngunit kapag sinabi talga nating pag-ibig, ito ay nangangahulugang pag-ibig sa iyong minamahal. Tulad ng nga lang ng pagmamahal sa iyong kasintahan. Na kung saan kapag umibig ka ay dapat kang maging tapat sa iyong iibigin. Ang pag-ibig ay hindi lang pumapatungkol sa mahal mo siya. Ang pag-ibig ay pumapatungkol sa pagsasakripisyo ng pagod to sa iyong minamahal.
0 notes
Text
DUMATING NA ANG TADHANA, LIWANAG NA
ni Czarina Dominic E. Kwan
Sa lupang tinubuan, Sumibol ang binhi ng kalayaan Sa lupang reaches pinagsibulan, Kung saan nag-ugat ang pagkakakilanlan
Sa lupang tinubuan, Tinaguriang perlas ng Silangan Umakit sa inakalang kaibigan Ang munting binhi, unti-unting tinanikalaan
Sa lupang tinubuan, Nawala ang mapayapang pagyabong Pinilit patigilin ang kanyang pag-usbong Ang munting binhi, sa kamay ng dayuha'y kinulong
Sa lupang tinubuan, Dinanas ang hagupit Pinilit buwalin ang binhing nakakapit Ang munting binhi, karahasan ang sinapit
Sa lupang tinubuan, Dugo ng bawat bayani Ang pumukaw sa kamalayan ng reaches lahi Ang munting binhi, damdaming makabayan ang namayani
Sa lupang tinubuan, Pag-ibig ang naging sandata, Lumaganap ang pagkakaisa Ngayon ay pinili nang lumaban
Sa lupang tinubuan, Nabalot man ng lagim Pinilit kumawala sa kamay ng sakim Ang munting binhi, itinawid ang laban sa dilim
Ang munting binhi, Sa lalim ng gabi, Ngayo'y panatag na nakatindig Tinawid ang laban sa dilim, Dumating na ang tadhana, liwanag na.
0 notes
Text
PAGMAMAHAL
ni LJ Hoseña
Kamusta aking bayan Mukang ikaw ay nagugulumihanan Hindi mo na ata maintindihan Na ang mga taong dating lumalaban Para sa iyong Kalayaan
Mistulang mga banyaga sa iyong harapan Ngunit wag kang mag alinlangan Marahil nahumaling sa ibang bayan Ngunit ikaw parin ang inalayan Ng kanilang buong puso't Pag mamahal
Ipag patawad mo kung ikaw ay nahihirapan Lalo na kung iniisip mong ikaw ay kinalimutan Wag mo sanang isipin Na silay isa nalang alipin Ng kapit bahay mong mapang alipin
Ang pag mamahal sayo ay kailan man di mawawala Kahit kapalit nito ang buhay ng buong madla Kaya wag mong ipagbahala Ang kanilang pansamantalang pag kawala Dahil sila ay babalik sa iyong mga paa
0 notes