Tumgik
sunsienieeee · 2 years
Text
"What's your name?"
My name? Do I have one?
"I-I'm...n-name-rghh..." nameless.
"Nemi? Nice name. You were adopted by the doctor so I assume you took your surname after her."
Nemi? I'm nameless. But thanks to you I guess, I no longer am. Yeh, I like the sound of it. Nemi, your namelez buddy.
Just then, the door flew open. The cute and curly haired guy came into view.
"May sinabi na ba siya sa'yo?" He beamed at us excitedly.
"Her name is Nemi Hart! That's her name. Nemi Hart!"
★★★★★
She doesn't know who she really is. She has no idea where she came from or how she happened to be there, in the middle of nowhere. But despite of being a nameless non-human entity, she found herself fighting against all the ever odds. She found herself in a battle together with her soldiers.
-
"You don't need a name. I can offer you mine."
NAMELESS
by: Seekerbell
-
This story is a work of fiction. Any resemblance of the characters, places or events and similarities of name is purely coincidental. Some name similarities are not intentional. Not all places are non-existent but based on real ones. No part of this book may be copied.
TO MY DEAREST VISITORS:
Before you proceed to my story proper, I would like to give some important reminders. Kindly read this first.
♥ I am not a fan of Tragic and sad endings. Lol. Masakit na nga ang reality, idadamay ko pa ba naman ang fiction?
♥ Personally, I'm not the kind of author who writes reality-inclined characters. Stories, I supposed, were the escape of readers. I don't intend to keep you on the edge. I won't limit my characters and ploys to realism since I want to explore the imaginative world. I don't care if it's too unrealistic and exaggerated. Ang mahalaga, naexpress ko ang fictious ideas ko. If you don't like it, that's fine.
♥ I'm a writer, not an entertainer. Not satisfied with my work? Drop my book. I'm not writing to please anybody. Don't demand like you own my story. I prefer to work base on my ideas. I don't think highly of myself but I won't degrade me either.
♥ I say no to comparisons. Kahit pa characters, events or plots pa yan, don't you ever compare. Every story has its own uniqueness. At isa pa, reader kayo, hindi critique. Just read. Wag nang magpakatoxic.
♥ I seriously don't appreciate comments. You can vote if you like it but it's okay if you don't. Just please spare me with your negative thoughts. But if it's technical and trivial corrections, oh sure you can leave it down. I'll be glad.
♥ Most of my ideas were movies/series/stories/music inspired. Kung may maencounter man kayong familiarity, then that must be it.
♥ Don't expect Bed scenes here. I won't corrupt you that way. I prefer the kind of story where you can feel the love even without sexual touches and intimacy like that. Let's keep it that way.
♥ if you don't like my story or if you think it's boring or cliché, you can remove it like you haven't open it. Shut it. Okie?
"A reader cannot read without a writer unless he become one but a writer can write even without a reader."
-SB♠
-
All rights reserved
Science Fiction
UNEDITED
2020
0 notes
sunsienieeee · 2 years
Text
kinda shirt
Tumblr media
11K notes · View notes
sunsienieeee · 2 years
Text
Bayad na ako.
I thought to myself as I took another step near the edge of the rooftop.
I've done enough. I've cried enough and suffered enough heartaches to last me a lifetime. I've paid enough for all the damages I made for existing in this cruel world. It's time to finally end it all. Sapat na ang panahong inilagi ko sa mundo para bayaran lahat ng kalungkutan at paghihirap na dala ko sa buhay ng mga taong 'yon.
And I was so sure. I was so sure it was the right time to go. I was so sure that that was the death of me. I was so sure I wanted to die that way. But it all changed. He change the current I was in when he came to me that day.
"Are you sure you're gonna jump?"
Wala sa sariling nilingon ko ang isang pamilyar na tinig na yon. And the moment my eyes got locked on his, I instantly found myself hanging barely on a thin thread between hope and surrendering. I got lost in those pair of almond eyes.
B-Bright Eyes.
And I traveled back once more to the time when I still know what hoping against hope feels like.
"Miss, magkano 'to?" Tanong ko sa cashier habang turo ang isang poster niya.
He is the personification of the word seduction. River Lestrange. Ang pianist ng bandang The Cadence.
"Twenty five pesos yan. Marami kaming bagong labas. Kakadeliver lang kanina. Gusto mong tingnan?"
"Ah, next time na lang po. Yan na lang po muna." Nakangiti kong saad. Yon na lang ang kaya ng budget ko eh.
Nakangiti pa rin akong naglakad palabas dala ang bagong poster niya. Ganito nga yata ang isang tulad ko. Napapasaya ng isang simpleng bagay na may kinalaman sa aking iniidolo. Life of a fangirl.
Nang makarating ako sa apartment, excited kong pinasok ang kwarto ko. Ang kwartong punong puno ng mga larawan at poster nya at ng banda sa ceiling. Bawat album, bawat world tour at IG updates.
I know cynics out there thinks that being a fangirl and wasting money for the merchandise is such a stupid thing to do. But for me, it is not. There is more to it than meets the eye. Because being a fangirl is my only escape. It is my only ticket to sanity. This is what keeps me holding on. This is what keeps me surviving.
My life is a mistake. My 19 of existence is senseless. I was born in a wrong situation. I am a product of sin.
Parehong kasal at pamilyadong tao ang aking mga magulang. Pareho silang nagkamali kung kaya't isinilang ako sa mundong ito. At ang pagkakamaling iyon ay sumira sa pareho nilang perpektong pamumuhay. Ako ang kasiraan nila. Ang aking ina ay nagmula sa pamilya ng mga respetadong guro at propesor, habang ang aking ama naman ay nagmula sa pamilya ng mga tanyag na doktor. Pareho silang tinitingala at hinahangaan. Parehong may magandang pamilya. Pareho ding tao. At ako ang patunay.
Lumaki ako na papasa pasa sa mga magulang nila. Minsan, doon ako sa grandparents ko sa fatherside. Minsan, sa motherside. Parehong mayaman, parehong mapera, parehong marangya ang pamumuhay. At pareho ding ayaw sa akin. Parehong napipilitang damputin ang responsibilidad na itinapon ng aking mga magulang. Labing anim na taong gulang ako nang magdesisyon silang kaya ko ng mag isa. Ikinuha nila ako ng isang lumang apartment. Sa loob ng dalawang taon, sustentado nila ako. Ngunit nang tumuntong ako sa legalidad, nahinto na ang suportang pinansyal na tanging natatanggap ko sa kanila. Minsan nga naisip ko, bakit pa kaya nila ako binuhay? Pero ako na lang din ang natatawa sa sarili kong naiisip...kasi alam kong sinubukan nila pero hindi sila nagtagumpay. Masyado akong nagpakabayani sa tyan ng nanay ko na kahit anong gawin nilang pagpapalaglag sa akin, nanatili ang kapit ko. Masyado akong pabida kaya eto ako at inaapi ng mundo.
Dahil sa ugat ng buhay ko, wala akong naging kaibigan. Walang gumusto na samahan ako sa lahat ng dagok sa buhay ko. Walang tumanggap sa katauhan ko. Itinuring akong basura ng lahat ng tao. I had always been a subject of bullying. Lalo na ng mga half sibblings ko.
Pero hindi ko sila masisisi. I know they're just hurting. Nasaktan sila na nagkamali ang mga magulang namin. And all I can ever offer is my understanding.
At ang tanging kasiyahan ko ay nagmumula na lang sa isang tao. Isang taong ni hindi nalalaman ang existence ko.
Tandang tanda ko pa. Namumugto ang mga mata ko noong araw na yon. Tinawagan ako ni Mrs. Nervaez, ang taong nagsilang sa akin na ayaw magpatawag na ina, para sabihing pwede nya akong suportahan sa pag-aaral. Yon na siguro ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Dahil yon ang kaunaunahang pagkakataon na nakausap ko ang taong nagluwal sa akin sa mismong araw na yon. Hindi man nya ako nabati, sapat na ang pagkausap nya sakin sa telepono.
[Ano sa palagay mo? Maganda na ang offer ko. Pag-aaralin kita.] Kakaibang saya ang dulot sakin noon. Na agad nya ring pinutol. [Pero sa dalawang kondisyon. Una, Education ang kursong kukunin mo. Pangalawa, magiging alalay ka ni Jessica. Ang bunsong anak ko. Hindi na mahirap yon. Mabait naman si Jessica.] Hindi ko alam kung saan ako nasaktan. Sa katotohanang, may kapalit na pang aalila ang offer nya, o sa hindi nya pagturing sa akin na bunso. At kilala ko si Jessica. Paanong hindi, eh mula kinder, palagi nya na akong pinag iinitan?
"Pag-iisipan ko po."
Ngunit hindi doon natapos yon. Ng araw ding iyon, tumawag rin sa akin ang isa pang taong hindi ko inaasahan. Ang isa pang tao na dahilan kung bakit ako narito sa mundo at naghihirap.
[I am offering you a scholarship, Ms. Sarmiento.]
Napangiti na lang ako ng mapait. Sarmiento. Kahit ang apelyido ko, hiram ko lang. Hiram ko lang sa katulong na nagpaanak sa ina ko. Walang may gustong magpagamit ng apelyido nila. Ayaw madungisan.
"Ano pong kapalit, Mr. Saavedra?" Pinangunahan ko na.
[A simple favor of watching over Yoanna at Yozack. Plus, you would become a lawyer.]
Pinigilan ko ang mapahikbi. Kung may iba pa mang tao na gugustuhin kong bantayan, hindi sila yon. Sila na naging dahilan kung bakit muntik na akong maputulan ng paa at mahinto sa pag-aaral. Binigyan ko rin sya ng sagot na katulad sa nauna.
Hindi ko naman kailangang mag-isip. Alam ko sa sarili ko kung bakit hindi ko tatanggapin ang offer na yon. Maliban sa mga kapatid ko, ayoko rin sa isa pang pabor na hinihingi nila. Wala man akong karapatan, may sarili pa rin akong pangarap.
Gusto kong maging psychiatrist. Gusto kong sagipin ang mga kapwa kong nalulunod sa kalungkutan kung sakali mang makaahon pa ako. At ang araw na yon, ang aking kaarawan ay ang araw na natanggap ko ang nag-iisa at kaunaunahan kong regalo. Ang makilala sya.
"Sino yan?" Ang tanong ko sa aking kaklase nang unang beses kong masilayan ang kanilang grupo sa isang music festival na ginanap sa university na pinapasukan ko. Grade 10 ako noon.
Nandidiring tiningnan lang ako ng mga ito. "Bakit ka nagtatanong? Nagagwapuhan ka sa kanila? Sus, asa ka naman na mapapansin ka nila. Hindi sila mag-aaksaya ng panahon sa tulad mo. Putok sa buho! Chupi nga!" Napayuko na lang ako.
Ganon ang inaabot ko sa isang simpleng tanong lang. Panlalait at pang aalipusta agad. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa bandang nagpeperform.
At doon nga, nahagip ng aking paningin ang kanilang pianista. Matangkad at hubog ng gym ang pangangatawan. Nasa pagitan ng moreno at kaputian ang kulay. Crimsonred ang kulay ng buhok nyang maalon na hanggang batok ang haba. Matangos ang kanyang ilong napakapula ng manipis nyang labi na nakatikom lang. Manipis ang kilay nya na nagbibigay sa kanya ng supladong aura. Bagamat nakasalamin ng bilog, hindi maikukubli ang kagandahan ng kanyang mga mata. Mga matang nalilibutan ng makakapal na pilik at hugis almond. At ang kulay nito ay kakulay ng pag-asa. Doon ko nabuo sa isip ang palayaw na iginawad ko sa kanya.
"Bright eyes." I whispered in the air, hoping it would travel and reach his heart. Heart that plays the piano with love.
Ipinakilala sila isa isa. River Lestrange is his name.
At that very moment, I found a reason why I should choose life.
0 notes
sunsienieeee · 2 years
Text
anubang meron dito sa tumblr? may tubig ba dito? coffee? juice?
1 note · View note