switestdownfol-blog
switestdownfol-blog
Untitled
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
switestdownfol-blog · 8 years ago
Text
Magulo
Magulo I met him at age of 14. He's a transferee. He's my classmate. He's my first love. He is weird, he is tall, he is pretty smart. He's not that handsome but he's appealing. The first time that I saw I found him weird. He's covering his mouth with a handkerchief like he is afraid to smell something unpleasant. I told myself, "ang weird naman nito... bakit di niya tanggalin yung panyo sa bibig nya?" Even when he's writing his notes, naka cover talaga yung panyo mga bes! And then he caught my attention when I saw him looking at us -- girls at the back. "Sino bang tinitignan nito?" hindi ko alam. Akala ko ako, pero masama mag assume so nung sinabi nung mga friends ko na sa kanila daw nakatingin e kiber lang ako. Isang hapon, uwian. May pila. Nakasabay ko siya sa pila. Naghaharot sila ng mga kaklase naming lalaki sa pila. Nakita ko siyang tumingin sa akin, but i didn't bother to smile. Hindi naman kami close at isa pa hindi talaga ko mahilig ngumiti sa hindi ko kakilala. I don't even know his name. (dahil hindi ako magaling makaalala ng pangalan) Kinabukasan, one of my friends said na alam na daw niya kung sino yung tinitignan nung weirdo naming kaklase --- ako daw, crush daw ako ni Mr.Transferee. Election - Values. Naging president ako, at vice naman siya. We're on the same group and he's sitting next to me. Ang pangit ng penmanship niya hahahaha hindi ko gaanong maintindihan kaya pag pinapakopya niya ko medyo kailangan ko yumuko at titigan mabuti yung sulat para magets ko HAHAHA. I know I'm mean, he's aware of it too XD. He have me a comics, color red cover. It's a comics that he drew personally, it's his writing... it's a story of a teenage girl and boy. (I forgot the story sorry, nasunog ko na kasi yung comics nung nag break kami kasi bitter ako hahahaha) That's his way of courting me. One time, he saw me with one of my best friends - a guy best friend. He thought that my BFF is actually my boyfriend. I don't need to explain things to him but then again, I cleared things out. Hanggang sa nafall na nga po ang inyong lingkod. Ayun na nga... sinagot ko na siya. August 01, 2010 naging official kami. Mahirap mga bes, 14 lang ako non, wala akong personal phone so paano kami makikipag communicate sa isa't isa diba? so ways ways po tayo. Binigay ko yung number ng supportive kong pinsan at dun siya nagtetext. Pag mag oonline ako sa fb sasabihin ko muna yun sa kanya para makapag online din siya. Dumating na nga ang first month, ganito pala ang feeling ng may boyfriend. May taga bitbit ng libro, taga sagot ng assignment sa math, taga libre ng pamasahe ganern.. tapos pag monthsary may regalo.. beeees. hindi ako humihingi ng pera sa parents ko kung hindi naman project so nagsave ako! pero mura lang naman yung nabili ko e. it's swan. tapos binigyan ko siya ng love letter, ganun lang kami kasimple. Binigyan niya ko ng singsing (couple ring LO-VE) tapos CD nung favorite kong Kdrama HAHAHAH You're beautiful yung title. :) Nagkaron ng petty fights hanggang sa pagdating ng 3rd month ito na po, nagsawa ang inyong lingkod. Sa umpisa lang masaya mga bes. Sa umpisa lang exciting tapos habang tumatagal nakakasawa na. Nanlamig ako hanggang sa nakipag hiwalay na (October 26, 2010). Lumipas ang ilang weeks nagkaron ang ng bagong boyfriend (medyo malandi HAHAH) Bakit? Wala lang. Ang sagot daw sa pusong sugatan ay bagong pag-ibig kaya ayun (oh mga bes, hindi lang ang iniwan ang nag momove on ha?) oks naman kami ng bago ko, hanggang sa narealize ko na mahal ko pala talaga si EX, so december 17 nakipaghiwalay ako. December 16, si EX... naging sila nung isa naming classmate. Ang daming nagalit sakin nung nag break kami especially yung mga babae. Happy happy sila nung naging si EX tapos yung isa. Shet mga bes, nalate ako! Isang araw bes! isang araw akong nahuli... I'm such a dumb. Kapag may groupings lalo na sa filipino, inis na inis ako. Kagrupo ko kasi si Ex tapos si Current GF. Napaka awkward mga bes! Alam nyo yun? kagroup mo yung mga babaeng ayaw sayo, si Ex tapos si GF. Ang sakit sa puso makita sila... Hindi ko kaya. Sinunog ko lahat ng sulat ni EX pati yung komiks. LAHAT. Pwera lang dun sa singsing na bigay niya at dun sa teddy bear -- si France. After ilang months, nagkakabiruan na kami ulit ni EX. Binubully na niya ko, na halos umabot sa point na mapaiyak ako sa sobrang bwisit sa kanya, pero hindi ako umiyak. Hanggang sa binully niya sa harap ng klase, pero AKO YATA TO. HINDI AKO NAGPAPA-API! HAHAHAH ayun na ngaaaa. Barado siya sa harap ng klase. hahahahaha (take my revenge nigga) Kung tatanungin nyo kung naging kami? OO. Nag break sila ni current GF, and he found his way back to me. hahahaha! happy happy ulit. Pero bago matapos ang summer vacation, nag break kami. This time, maayos na, hindi kami nag away oh ano... fourth year high school na kasi ako non at gusto ko mag focus sa pag aaral. M.U kami nung fourth year, dito... ang dami naming pinagdaanan. Away-bati kahit hindi talaga kami, pero dito ko napatunayan na mahal ko talaga siya. Mahal ko siya. Nagkaron ako ng ibang crush, yes. Pero yung puso ko pang kanya lang talaga. February 2011. Sumigaw yung class president namin, "Mikee, may manghaharana sayo!" Pero ang oras na yon ay para sa last period namin which is A.P (Araling Panlipunan) Dumating si Ma'am, nagpasagot dun sa dyaryo namin at after non? pinapasok niya si ka-M.U. Kumanta siya ng "Grow old with you" with flowers and banner (I <3 You) ako? I'm speechless. And I'm sure that I'm all red. Graduation, nakilala na siya ni mama. As my... you know? someone special. He gave me a scrapbook at isang teddy bear -- si Pooh. Masaya? sobra. I met his mom at mabait din, nakangiti lang yung mama niya sa akin sa buong oras na magkausap sila ng mama ko. College, ito na mga bes. Sa college madami kang makikilala pero sa first sem namin? namiss ko siya. Lagi kasi kaming nag aaway. Hindi na healthy. Minsan magtetext yun ng "Who you?" nakakainis diba? at dahil mataas pride ko wala akong pake. Pero hinahanap hanap ko siya... hanggang sa ako naman. Ako naman yung naghabol. Naging okay kami ulit... I almost gave everything to him. Almost... but I didn't. Sabi ko, para lang to sa ASAWA ko. Hindi sa boyfriend, hindi sa fiance, hindi sa kalandian... para to sa asawa ko. Asawa ko lang! After non, dumating ang second sem, nagkalabuan na naman... dumating ang bagong lalaki ng buhay ko. Nagkaron kami ng kanya-kanyang partner. Siya? yung dati kong kaklase nung 4th year. Ako naman, yung kaklase ko nung college. Tumagal kami ng 3 years and 7 months bago kami naghiwalay. Sila naman, hindi ko alam kung gaano sila katagal. Ngayon, 7 months na ang nakalipas nung nagbreak kami ni College-Ex itong si HS ko, nag cocomment sa mga posts ko sa FB kaya ang ginawa ng BFF ko nung HS (yung guy) in-add niya si EX sa GC namin. Nagkita kinagabihan at ayun nga... After almost 5 years, nagkita kami ulit. Mata sa mata... nag apir at kumain ng kami lang. Nalate pa nga ko sa office ng 25 minutes walangya. hahahaha! XD at ngayon, nagpaparamdam na gusto ng balikan. Gusto ko... pero hindi ko alam kung tama ba? tama pa ba to? Hindi ko na alam.
0 notes