#HulingAraw
Explore tagged Tumblr posts
Text
Naglaho
Noong umagang iyun,
tiningnan kita diretso sa iyong mga mata
at sa sandali ding iyun alam ko,
naglaho na
naglaho na
ang anumang meron tayo
ang anumang meron tayo
na di natin alam kung anong ganap
buong araw tayo magkasama
tumatawa, nag picturan, nag uusap
pero di na muling
nagtagpo ang ating mga mata
ang araw na iyon
ay isa na lamang palabas
Nakapagtataka na di ako nalungkot?
Walang kirot o sakit?
Naglaho na
naglaho nang walang kadahilanan
ang araw araw na pagbati
ng “good morning” ay
naging madalang na din
nakapagtataka?
hindi ko hinanap?
hindi ko inantay?
ang araw araw na pagtanong mo
nang “kumusta ang araw mo?”
nakapagtatataka?
hindi ko din inasam?
Dahil noong umagang iyon
alam ko sa iyong mga titig na
naglaho na
naglaho na
ang anumang meron tayo
paalam at salamat
sa araw - araw na pagbati mo ng
“good morning” at pagtanong mo nang
“kumusta ang araw mo”
naglaho man ang anuman
ngunit ang aking pasasalamat
na minsan ay naging bahagi ka
ng aking umaga at gabi
ay di maglalaho
0 notes