Tumgik
#Lamig sarap mag emote
extinctgoodness · 1 year
Text
I stopped hoping to get the things i wanted to have in the past. 🙂 It'll saves you from a bunch of disappointments.
1 note · View note
joraemotera · 8 years
Text
Blogger Chellenge
Day 4.
Things That Irritate You About The Opposite Sex Or Same Sex
Ang ayoko sa mga boys:
1. Mayabang - Grabe kung makabuhat ng sariling bangko at kasinglakas na ni Yolanda ang hangin sa katawan. Masasabi ko na lang na, “wala po akong pakialam sa sinasabi mo koya”.
2. Paasa - Mangangako si koya na gagawin niya ito, gagawin ayun, pero ‘pag nahalata ko na ‘di naman niya ginawa, sorry na lang ang katapat sa pangako niya. Sarap bigwasan!
3. Pafall - Daming pautot ni koya kapag kinukuha pa lang ang loob ko. Pa-sweet-sweet lagi. Pahatid-hatid kunwari. Laging nagtetext, nangangamusta at tumatawag. Laging may mga gifts, flowers, chocolates, food, etc. Effort kaka-banat saka kaka-punchline kahit waley naman talaga. Pero once nasa kanya na ang mahiwagang ‘yes’ unti-unti nang babaliktad ang mundo. Magiging kasing lamig na siya ng yelo, kasing tigas ng bato at mawawala na lang sa isang kisapmata ko. At dahil nahulog na nga ako sa bitag niya, ako tuloy ang maiiwang luhaan.
4. Insensitive - Para sakanya wala lang yung ginawa o sinabi niya. Para sakanya over-reacting lang ako saka ang drama-drama lang kapag may nagawa o nasabi siya na talaga namang nakakasakit ng damdamin. Mahabang paliwanagan pa ang mangyayari bago niya marealize na mali nga siya at nasaktan niya nga ako. Yung totoo koya, aware ka ba sa mga ginagawa mo at aware ka din ba sa feelings ko?
5. Walang romantic bones - Nasaan ka noong nagsaboy si God ng ka-sweetan sa mundo? ‘Di ka man lang marunong manuyo, maglambing, gumawa ng mga surprises, mag-effort, magpaka-gentleman, at magpaka-lalaki. Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo how to treat a girl right? Buti pa ‘yang Clash of Clans saka Pokemon Go mo naaalagaan mo nang mabuti. At infairness sayo koya, may oras ka pa mambabae.
6. Conceited - Masiyadong ma-pride. Kasing taas na ata ng Eiffel Tower ang pride mo kasi ‘di ko na ma-reach at ‘di ko na kayang i-reach. Sa tingin mo, kinagwapo mo yan koya?
Ang ayoko sa mga girls:
1. Vain - Napupuno lagi ng mukha mo at ng mga puri mo sa sarili mo ateng ang newsfeed ng Facebook at Instagram ko. Wala naman sanang masama maging proud sa sarili, sa sariling kakayahan at sa mga achievements. Wala rin sanang masama kung gusto mo mag-update sa social accounts mo ng mga whereabouts at mga appointment mo. Kaso ‘wag naman sanang palagi kasi isipin mo rin kung naiirita na ang mga nakakakita niyan. ‘Di mo alam, naka-block o naka-mute ka na pala or worse inunfriend or inunfollow ka.
2. Emotional - Minsan itago mo rin ateng na badtrip ka or nasasaktan ka. Kaya din siguro inaabuso ng ibang tao ang feelings ng mga babae kasi masiyado tayong sensitive at madaling maging affected. Ang drama-drama natin minsan. ‘Di natin nacocontrol ang emotions natin. Sometimes, we need to cheer-up and show them that we can deal with every pain we feel.
3. Insecure - May sarili kang ganda ateng, may sarili kang kakayahan at kapasidad. May angking taglay din ang kaibigan mo o ang ibang tao. ‘Wag ka nang magpakahirap ikumpara ang sarili mo sakanila, ‘di mo ‘yan ikakaunlad, o ‘di ‘yan ikakaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Sabi nga sa kanta ni Justin Bieber, love yourself. Tips na rin ‘to sa mga fans ng iba’t ibang tao na nag-aaway-away sa pagkukumpara sa mga iniidolo nila. Jusko, magkakaibang tao po sila. Wala ring kakahantungan iyan.
4. Tsismosa - Kelan mo ba maititikom ang bibig mo, ateng? Alam kong kilala talagang madaldal ang mga babae pero minsan dapat mo din ‘yang i-zipper. Lahat na lang ng nalalaman mo nagkakapakpak sa sobrang bilis nitong kumalat sa ibang tao. Talent mo na ba ‘yan? Itigil mo na kung gano’n, ‘di mo ‘yan ikaka-peymus.
5. Back-stabber - Yung mapapaclap-clap na lang ako sayo ateng sa pagiging duwag mo. Kung ayaw mo sa isang tao, sabihin mo sakanya ng harapan, hindi yung habang nakatalikod siya o wala siya sa paligid saka mo ipapangalandakan ang lahat ng kinaiinisan mo sakanya or in some instance, nag-iimbento ka pa ng masasamang bagay laban sa isang tao kasi nga hate mo siya. Ang galing mo, noh?
6. Over-acting/Over-reacting - Kasabay ateng ng pagiging over mo sa pagreact, nagiging over na din ang mga actions mo. Better watch it. Obvious ‘yon masiyado kapag selos ka, galit ka saka kinikilig ka. Hindi kasi magandang tingnan sayo.
1 note · View note
letmenotbeseen · 7 years
Text
Hike to Mt. Pulag
"In every mountain climbing, it is not always about reaching the summit, it's definitely about the experience. To see, feel and survive the harshness of this awesome mountain is already a feat that you should treasure.”
- Kathy Seraspi (FB post)
Mahabang kwento to. Minsan na lang kasi.
Hindi ko kinayang maakyat yung summit hanggang Peak 2 lang ako kasi ang sakit na ng puson ko Bes! Hahaha.
I didn’t have that bonggang emote pictures with the sea of clouds, di rin naman ako mahilig magpa-picture. Hahaha. Meron ata sa camera ng iba pero ako ilang shots lang ang meron kasi andami kong pagod at eto yung ilan sa mga gala na nakakatamad kunan sa sobrang ganda ng view. Ganon!
Let me share some stories and reflection.
Preparations for the climb, putting some investment sa mga bagay na alam mong magagamit mong pangmatagalan, hiram-hiram sa iba para di magastos at mag-improvise ng kung ano ang pwede. In short, maging wais. Hahaha.
Byahe papuntang Pasay, nawala ako! Hahahaha. Nakarating ako ng Baclaran ng wala sa panahon ng alanganing oras. Grabe, salamat Lord di mo ko pinabayaan. Hindi ko talaga alam saan ako susuling nun. Ang dilim, feeling ko di sumasayad ang paa ko sa lupa sa sobrang kaba. Di ko malabas ang phone ko baka ma-snatch pa. Nagmadali akong maghanap ng taxi at nagdasal na sana mabait yung driver. Hayayayay! Buti na lang mabait si kuya at naihatid ako sa terminal na dapat kong puntahan. Thank you Lord!
First to try the deluxe bus going to Baguio, aba eh.. masaya! Lakas makamayaman ng feeling.. comfy!!!! Hahaha.. I’ll try it alone next time.. promise!
Baguio welcomed us with that chilling breeze. Brrr! Sarap wlang ganitong lamig sa Manila. We went to DENR office before going to Ranger station for some briefing and orientation. Andami naming aakyat! Sea of clouds with the sea of people.
Eto na.. eto na yun! Ready na ang tent at nagprepare na ng gamit para sa malamig na gabi. May konting photo opp ng sunset dun sa burol somewhere there. Hahaha.
Ang lamig nung gabi, longest night ever.. dapat gigising kami ng 1am para magstart ng umakyat para sa sunrise.. pero maiidlip ako tapos pagcheck sa phone 10PM lang.. Nagva-vibrate buong katawan ko sa lamig eh apat na patong na ng lahat ang suot ko! hahahahaha.. Hindi po OA. Pawang katotohanan lang. Tulad ng sinabi ko, improvise lang yung ilang sa dala kong gamit. Hahaha.
Start na ng trek. Habol hininga at nilalabanan ang lamig. Gamit ang headlamp sa noo, one step at a time... biglang pumasok sa isip ko yung verse na...
Your word is a lamp to my feet and a light to my path. Psalm 119:105
First time ko maghike ng madilim, dati sa Mt. Gulugod Baboy, maliwanag..most of the time ang susundan mong daan eh yung nagli-lead sayo. You can see everything yung haba pa ng lalakarin, yung bangin kung san ka pwede mahulog.. pero tong hike na to? yung ilaw lang na nasa ulo mo ang meron ka.
Naihalintulad ko tuloy sa buhay ng totoong Kristiyano dito sa madilim na mundo.. our daily relationship with the Lord is the same as a night hike, His word is your guide sa daan.. walang iba kang aasahan..Yung salita Niya at personal mong relasyon ang unang kakapitan mo. Nakakatakot hindi ko alam kung hanggang saan ang layo ko sa bangin pero sa mga panahong yun sigurado ako at kampante kasi may headlamp ako.
Sa gitna ng daan may makakasabay ka, make sure to surround yourself with people that can help you positively. Seryoso, nakakahawa kapag bad vibes lagi ang nasasagap mo, nkakadagdag ng pagod. Kapag puro complains, mako-consume ka at bibigat din yung pakiramdam mo kahit alam mong kayang-kaya mo pa.
Yung trek from Camp 1 to Camp 2, I was able to be next to our tour guide and a couple of legit mountaineers. Naappreciate ko si Ate kasi binabagalan niya rin talaga at todo alalay sakin sa daan. Tapos yung dalawang namumundok eh nabo-bore kasi nga ang bagal. hahaha. Una, naintimidate ako but eventually.. naisip kong i-push ang sarili ko at wag na lang magpahinga hanggang makarating ng Camp 2. At wow, nakarating kami ng mabilis.
Take it as a challenge instead of dsicouragement. Push lang!
Tulad sa spiritual life, be with those people that will guide you and push you to your limit! Yung iga-guide ka at icha-challenge ka rin. Hindi ka ibe-baby lang lagi ibe-baby. Open rebuke is greater than secret love! Tandaan mo yan.
--- Hindi ko na masundan ng maayos na pagtatapos hanggang sa makababa ng Peak kasi nawala na ko sa momentum, haha.. after 6months ko na kasi to nakita sa draft ko. HAHA. Sorry.
0 notes
ellysepark · 7 years
Text
Migraine
It’s almost a month since nagstart tong spark na to saten. Yung moment na naging sobrang gaan lang ng pakiramdam natin when we’re together for days tos after that trip mas lalo tayo naging close and sweet sa isa’t isa. Di ko alam anong meron ka pero iba yung hatid ng mga jokes mo at tawang tawa ako lagi sa mga banat mo. Feeling ko bumalik ako sa HS days na kilig. Tapos may pagkakataon na isesegway mo yung feelings mo pero pahapyaw lang. Tos after ilang days marerealize mo, Mali. Honestly, nung una kitang makilala wala naman talaga ako nararamdaman for you. Inaadmire ko lang yung kagustuhan mong magserve and to feel that amazing exp. na tipong kahit ikaw lang mag isa umattend push ka pa din. tos yun nga, naging magkasama tayo sa isang congress. at first naisip ko maging maalaga sayo kasi 1st time mo aattend dun so kelangan ko iparamdam na comfortable ako kasama. pero sa totoo lang medyo awkward kasi syempre lalaki ka. so ayun nga, 13 hours ata tayo nasa byahe nun. matutulog, kakain, magkkwentuhan, yun habit natin sa byahe. for 6 days nasanay ako na kasama ka. we’ve been able to talk about so many things. pati lovelife mo. nung time na yun hindi na kayo okay ng gf mo, kasi pakiramdam mo hindi ka na masaya. at nung panahon na yun alam ko na ramdam mo na masaya lang tayo. limot natin yung kung anong problema yung iniwan natin sa reality ng buhay natin. nung natapos yung congress dama mo yung lungkot kasi magkakahiwalay na ulit tayo. medyo malungkot din ako kasi mamimiss kita. so sinulit na natin yung oras na magkasama tayo. :) kahit may mga di inaasahang pangyayare gaya ng naextend pa tayo ng 1 day sa probinsyang yun. habang pauwi tayo kita ko at ramdam ko na mas close na tayo though alam ko andun yung pagpipigil natin sa emotions natin for each other. kapag nagkakadikit yung balikat natin may kakaiba akong parang kuryenteng nararamdaman so may times na inilalayo ko sarili ko. pero after ilang mins lang eto naman ako sasandal nanaman sa balikat mo. Wondering and telling myself Gusto kitang mahalin. I want to take care of you. all those stuff. pero syempre sa isip ko lang. tos nung lamig na lamig ka na sa bus, kumapit ka din sa braso ko. hays. those days. 😥 Tos nung makauwi na tayo sa magkaibang landas natin, napansin ko na parang mas naging open ka sa feelings mo for me. sinasakyan ko naman. tos magsosorry ka knabukasan kasi alam mo na hindi naman dapat ganun. Nagbreak kayo ng gf mo sabi mo sakin. wala na yun. Di ko alam pero natuwa ako ng slight kasi malaya ka na. naalala ko yung mga pahaging mo na sana ikaw nalang ang boyfriend ko. Kung ikaw lang sana.. Parang may time pa na pumayag ka na kahit maging 2 kayo sa buhay ko. kaso mali. Kaya kinabukasan nun hihingi ka ng sorry kasi mali. Mali yung tayo. sabi mo nga, alam mo sa bandang huli ikaw ang talo. kaya hanggat maaari alam ko yun ang reason mo kaya umiiwas ka. kasi baka lalo ka lang mahulog sakin. pero may isang beses na lumabas tayo. nung una formal lang na dinner. kaen kwentuhan tos nung nag ikot na tayo nagulat ako kasi hinawakan mo yung kamay ko. medyo malamig pa kamay mo dko alam kung ninenerbyos ba or what. Mali. Oo. pero sa totoo lang noon ko lang ulit naramdaman yung feeling ng kinikilig. di maalis yung ngiti sa mga labi ko. gaano man kalayo yung paglalakad natin, basta hawak mo lang kamay ko sobrang saya ko. tos here we are ulit in front ng isang terminal. nagflashback yung ala ala na tumambay din tayo sa terminal sa probinsya. naalala ko yung masasaya natin ala ala. wala na ko pakielam kung mali na hawak ko yung kamay mo. kung mali na masaya ako nung mga oras na yun. tos ayun hinatid mo ko hanggang sa sakayan ko pauwi tos bumeso ka sakin. idk what should i feel. pero feeling ko mahal na talaga kita. Mahal kita pero wala akong balak maging boyfriend ka. Ang sama ko kasi parang ang gusto ko lang imaintain yung friendship natin pero magjowa ang turingan. FWB kumbaga. ramdam ko na natatakot ka na mahulog ng lubos kaya gumagawa ka ng paraan para kalimutan ako. kalimutan yung nararamdaman mo para sakin. pinipigilan mo yung sarili mo na kausapin ako or guluhin ako. Feeling ko pareho lang naman tayong paasa. Pinapaasa natin yung isa’t isa sa mga emotion natin na hindi natin alam kung ano ba talaga. pinaasa yung status natin na ITS COMPLICATED. Tinatanong ko nga sarili ko, ano ba naman tong pinasok ko. oo ang sarap sa pakiramdam na may humahanga sayo pero pag sa maling pagkakataon pala naitaon. masakit. lalo kung di naman kayo mabibigyan ng chance na maging kayo
oonga pala. hindi nga pala tayo. hanggang dito nalang ako.
0 notes