Tumgik
#dahil siya ay si sol
conveyed0 · 3 years
Text
lord, siya na 'to pls (medyo love story ni Moira Batumbakal)
Tumblr media
Viah Angelica Padrid | inspired by APO Hiking Society's "Panalangin"
Ako si Moira Batumbakal, nag-iisang anak nina Jojo at Tina Batumbakal, isang 18 years old at graduating senior high school student sa Lamberto Uy Valderama University. Miyembro rin ako ng isang choir dito sa simbahan ng San Pedro. Isa rin akong MMMM: Maganda, Matalino, Mabait, at Masipag pero NBSB... Hindi ko alam kung bakit, wag mo ‘kong tanungin.
Para malaman ninyo, palagi akong nasa simbahan. Syempre dahil member ako ng choir, puro practice at serve ang ginagawa ko bukod sa pag-aaral. Pero pagtapos ng ilang taon nang paglilingkod ko, nadagdagan ang dahilan ko para ganahan pumunta sa simbahan t’wing Linggo.
“Uy Moi, anong oras schedule mo sa simbahan this week?” tanong ni Solomon, ang nadagdag na dahilan ko sa pagseserve.
“Hmm...” kunwari kong pag-iisip. “Hindi ko pa alam e, ikaw ba?” nice one, Moi.
“Tara, sabay nalang tayo. Oks ba sayo ang 10 am at 11 am mass?” tanong niya. Ang aga naman ng 10 am, baka mainit pa no’n. Pero pagdating kay Sol...
“Okay! Sige, Sol!” sagot ko sa kanya.
Syempre, alam mo na kung bakit hindi ko tinanggihan si Sol. Sino ba naman ang aayaw sa kanya? Lahat ng magagandang katangian ng isang lalaki ay nasa kanya na. Sigurado akong hindi lang ako ang magkakagusto sa kanya.
Naalala ko noon, isa sa pangarap ko ang makilala ang “The One” ko sa simbahan dahil isa sa gusto ko sa lalaki ay spiritual katulad ni papa Jojo. Simula no’n ay ipinagdasal ko ‘yon at nagulat na lamang ako nang nakilala ko si Solomon sa choir
Napagtanto kong wala akong edad na isinama sa dasal ko kung kailan ko siya makikilala kaya ang sinabi ko nalang kaagad kay Lord ay, “Lord, siya na ‘to pls!”
9 am na ng umaga at papunta ako sa terminal ng tricycle ng barangay kung saan daw kami magkikita ni Sol.
"Beh, bilisan mo naman maglakad. Para kang naglalakad sa buwan!" sabi ko kay Betty, ang bestfriend at choirmate ko. Sinama ko na rin kasi dun lang din naman ang punta niya.
"Gagi kasi baka pagpawisan tayo pag nagmadali tayong maglakad! Kailangan kong dumating sa simbahan nang fresh 'no!" pagrarason niya naman. Paano kasi, kasabay rin ni Sol ang boyfriend ni Betty na si Carlo.
Napahinto ako sa paglalakad. Narito na kami at kitang-kita ko na sila Carlo at ang happy crush kong si Solomon. Ang gwapo niya, yung aura niya ay yung tipong magpapari. Nakapolo na puti, plantsadong slocks, at nakaayos ang buhok na para bang hindi magugulo ng hangin.
"Uy Moi, bakit ka huminto?" pagtataka ni Betty. Hinawakan ko naman siya at tinignan.
"Tignan mo nga kung fresh pa ako." sabi ko at dahilan ng pagtawa ni Betty.
"Kailan bang hindi, Beh??? Para kang baliw. Tara na." sabi ni Betty.
"Good Morning, Moi!" pagbati ni Sol sa akin at nginitian ko lang siya. Nahihiya ako 'no!
Si Carlo naman ay tinanguan lang ako at nilapitan si Betty.
Hindi na rin kami nagtagal sa terminal dahil sumakay na kami papunta sa simbahan. At take note! Kaming dalawa lang ni Sol sa tricycle dahil bawal daw ang maramihan kaya hiwalay kami ng tric nila Betty.
Mabilis ang mga pangyayari ngayong araw. Natapos kaagad ang dalawang misa at ngayon ay pauwi na sana ako nang may bumulong sa akin.
"Wag ka muna umuwi, Moi. Kain tayo, libre kita." si Solomon. Bakit niya binulong? At bakit naman bigla 'tong nag-aaya?
"Moi, alis na kami ni Carlo. Ingat kayo ni Sol ha." sabi ni Betty sabay kindat niya sa akin. So ako lang ang di nakakaalam. Weird ha.
SOL'S POV
Nandito na kami ni Moira sa McDonalds. Sa paglalakad namin, para kaming hindi magkakilala dahil hindi kami nag-uusap.
"Bakit pala hindi sumama sila Betty at Carlo?" tanong ni Moira habang kumakain kami.
Ito na, Solomon...
"Ahh, nirequest ko kasi sa kanila kasi may sasabihin ako sa'yo." sabi ko nang diretso kay Moira. Tumungo naman si Moira sa akin. Para akong tanga, kinakabahan ako.
Panalangin ko sa habang buhay Makapiling ka, makasama ka 'Yan ang panalangin ko
Tamang-tama ang tugtog na nagplay dito sa loob ng McDonalds. Nagulat naman si Moira... Hinihintay akong magsalita.
"Nang nakilala kita noon 3 years ago sa ministry, pakiramdam ko tinupad ni Lord ang hinihiling ko sa kanya noon pa." panimula ko. Go, Solomon.
At hindi papayag ang pusong ito Mawala ka sa aking piling Mahal ko iyong dinggin
"Gusto kita, Moi. Pwede ba kitang ligawan?" tanong ko sa kanya.
MOI'S POV
"Gusto kita, Moi. Pwede ba kitang ligawan?" tanong ni Solomon sa akin.
Hindi ko alam na gusto niya rin pala ako. Buti nalang umamin siya...
"Gusto rin kita, Sol." sabi ko naman sa kanya.
"Iyon din ang dasal ko noon at pagtapos ng ilang araw, nakilala kita. Ewan ko, pero dun na rin nagsimula na magustuhan kita." pag-amin ko rin sa kanya.
At wala nang iba ang mas mahalaga Sa tamis na dulot ng pag-ibig, Nating dal'wa
Nagtitigan kaming dalawa at natawa nalang dahil siguro sa hiya.
"Ano ba 'yan! Ngayon lang tayo naging corny!" pagbibiro ko sa kanya.
"Ano naman?!" sabi niya sa akin.
At pagtapos no'n ay umuwi kaming dalawa nang magkahawak ang kamay.
Pinakilala ko rin siya kila mama kahit kilala naman na siya. Mapilit kasi 'tong lalaking 'to.
0 notes
sinagt4la · 3 years
Text
SYA 02
Disclaimer: this is a different timeline from the first chapter.
“anak bumangon kana dyan at dadating na daw yung panganay ni sir cruz” pang gigising ni mama sa umaga. Tumayo na ako at nag hilamos. Agad kong kinuha yung apron ko at nag simula ng mag hiwa ng mga rekados.
Cook kami dito ni Mama, sa rest house ng mga Cruz. At ngayon may espesyal silang bisita at sa pag kakaalam ko ay ang panganay nilang anak. matanda sya ng dalawang taon saakin. 19 na sya at ako ay 17 pa lang. hindi ko alam kung anong eksaktong mukha at pangalan nya, basta ang kwento sakin ni mama
Masungit at hindi daw sya namamansin. Palagi syang nasa kwarto at ayaw nya ng may kasama. Kaya siguro dinala siya dito para makipag halubilo sa iba.
Pagkatapos mag luto hinanda na namin ang mga pagkain dun sa may malaking table dito sa harap ng palayan nila. Tinawag ni Mr. cruz yung panganay nyang anak para kumain na.
“Mid, come here the food is ready!” Sigaw ng tatay nya at wala akong narinig na sagot mula sa kanya.
“ I don’t want to repeat my self midnight” madiin nyang ulit.
Ah… midnight. Gabi.
Nakita ko syang nag lakad papalit sa lamesa. Umupo sya sa may tabi ko, nakatayo ako dahil nag aayos pa ng mga ulam. Pag katapos ay pumunta na ako sa side para mag ayos ng iba pang aayusin.
Tinitigan ko sya. Bagay sakanya ang pangalan nya Midnight. Dilim. Mukha syang hindi marunong tumawa, laging mag kasalubong ang makapal nyang kilay. Walang emosyon ang mata nya, pero may mapula syang labi. Matangkad at medyo moreno. Nakapustura rin ang katawan hindi mukhang mayabang.
Nasa garden ako ngayon, nag babasa ng libro ng may biglang lumabas may kausap sa telepono. Hindi nya ata napansin na nandito ako.
“yes lil, i will go back there soon. Will just run some errands here because of dad….” Si Night. Hindi ko nalang sya pinansin at nag basa nalang.
Habang nag babasa ako napatingin ako sakanya, tapos na syang makipag usap. Akma ko na syang lalapitan nung nag salita sya bigla.
“ I don’t talk to strangers. Back off” walang emosyon nyang sabi ni hindi man sya tumingin sa gawi ko. Napaka sungit. Naramdaman nya lang siguro ang presensya ko.
“ hayst feeling ka. Hindi naman kita balak kausapin” pang iisnab ko pa sakanya. Pero balak ko talag syang tanungin kung bakit sa napauwi dito. Pero ayokong makialam kaya wag na lang.
Hindi kami nag papansinan nakatayo lang kami at malapit na mag sunset.
“Hinihintay mo bayung sunset?” Tanong ko. Hinda sya umimik sa tanong ko kaya nag tanong ako ulit.
“ are you waiting for the sunset?” Nakita ko syang tumingin sa gawi ko. Bago tumango.
“Jusko gusto mo muna english yung tanong, nak ng—“
“I don’t want when people curse” ma otoridad nyang sabi.
“But you’re cursing…” pabulong ko sabi akala ko hindi na nya narinig yon
“yeah… to those people who’s peasing off. They deserve to be fuck off.” i looked at him and saw his eyes. they looked tired. Parang sa mga sinasambit nyang salita parang may halong galit. I continue looking at him, biting my lower lip. Amazed how beautiful his eyes are lalo na at nakapatad kami sa liwanag.
“I love watching sunset, sunrise and everything related to sun…. I love Sol so much” sabi nya bago sya tumingin sakin at ngumiti. Mahal nya si Sol… sol ang araw.
Kinabukasan, nagluluto ako ng almusal. Wala si mama namalengke kaya ako ang magluluto ngayon. Habang nagluluto ako ay may pumasok sa kusina, Si night. Naghahanap ng iinumin sa ref, nakita kong kumuha sya ng softdrinks, aba kaumaga umaga nag iinom sya ng ganyan kaya naman nilapitan ko sya at sinabihan.
“Alam mobang mag kakasakit ka nyan? Lagyan mo muna ng laman ang sikmura mo bago ka uminom ng ganyan” sabi ko sakanya. Hindi ako galit. Malumanay ang pagkasabi ko sakanya. Hindi nya ako pinansin pero binalik nya ang softdrinks sa ref at pumunta na sa sala ulit. May school works siguro sya.
Hindi sabay sabay kumakain ang mga tao dito kaya naman hindi nako nag abala pang mag handa ng almusal nila. Lumabas nalang ako sa may bakuran para mag walis bago ako sumagot sa mga natitira kong assignments. Iniwan ko ang mga libro ko sa may lamesa kung saan ako madalas mag basa at nagsimula ng magwalis. Maliwanag ang araw dito sa may lugar namin kaya nakikita ko ng malinaw ang araw.
Pagkatapos kong magwalis, nag simula nakong mag sagot ng mga akdang aralin ko ng may biglang sumulpot sa likod ko. Hawak ang libro nya. Jusko ang kapal.
Si midnight. May earphone sya sa magkabilang tenga habang nagbabasa. Nandon sya may kubo at duon umupo. hindi kona sya nilapitan at alam ko naman wala akong sagot na matatangap sakanya.
Bigla naman dumating si mama at tinawag ako.
“Sol!!!! Tara na sabay na tayong kumain” sigaw nya sapat na para marinig ko.
Habang nag aayos ako ng gamit, lumapit si night saakin.
“Sol?” Nag tataka nyang tanong. Hindi nyaba alam na sol ang pangalan ko?
“Mhmm, Soliana.” Matipid kong sagot.
“Sol…. The sun” sabi nya at bahagyang tumawa.
and that’s the first time he ever caught my attention. His smile.
0 notes
wonu-shii · 3 years
Text
kung nag aatubili.
intimidating!lisa x popular!jennie
isang storya kung saan tinuruan ni Felicity (K.J) si Julianna (M.L) kung paano ngumiti, paano sumaya, at paano magmahal. ngunit parang hindi sumasangayon ang tadhana at ang mga tala sa istorya nilang dalawa.
tw: angst, self harm, depression, hallucinations
abusive family, mention of death
an indulgent filo one shot for my friend :)  also yes, I’ll make a part two !
________________________
isa dalawa ika’y umiwas na sinta.
Ako si Julianna, at mamamatay ako bukas.
Paano ‘ko alam? malamang plinano ko.
Dati ko pang pangarap ‘to, ng mamatay ng magisa habang nagcecelebrate sila ng christmas. Wala akong motibo, ubos na ang aking enerhiya at ‘di ko alam paano ibalik ang nakaraang Juliet. Patay na ang aking ina, iniwan ako ng tanging ama ko. Ang kapatid kong maliit ay iniwan sa aking tita habang ako pinabayaan magisa kasi sabi nila “Kaya mo na yan.. malaki ka na aba.”
‘di mauunawaan ang nililihim ‘ko. basahin mo ako yakapin ang buong ako. Labinsiyam taong gulang ako noong nakilala kita sa canteen ng aming unibersidad. Nakikipagusap ka sa kaibigan mo na ‘di kasing ganda mo. Matalino, Marunong pumorma ng maayos, Mabango, Maganda boses, Maganda buhok, Maganda mukha, Maganda katawan. san ka pa? lima, anim 'di na kailangan banggitin ramdam ko nasa iyong tingin lumalambing “Pst! tol, ano pangalan niya?” narinig ko yung katabi kong lalaki tinatanong sa kaibigan niya. “Ano Felicity daw pre, mabango na nga mabango pa ng pangalan” saba’y tawa ng kasama niya. ‘hm Felicity, I sense a rich kid on the block.’ Napaisip ako ng malalim kung kukulitin ko ba yung bagong estudyante o papabayaan ko nalang. Habang nakatulala at nakatitig kay Felicity ay biglang dumating ang kaibigan ko na si Rosé.
Bigla lang kami naging close kasi pinilit ako ng guro namin na ipakita sakaniya kung saan ang faculty grounds. Simula palang noong unang araw ‘ko sa eskuwelahan namin ay wala akong masiyado nakausap dahil lahat sila ay umiiwas sakin, lahat natatakot lahat iniisip na mang-aapi ako ng haharang sa daanan ko. Kaya si Rosé lang ang matatawag kong kaibigan. “Huy! ang lalim ng iniisip ah? care to share?” sabi sakin ni Rosé habang ngumingiti ng malaki, para talagang araw ‘tong babaeng ‘to. “Ah wala yun natulala lang.. nga pala Chaechae, kilala mo ba yung bagong estudyante? yun o si Felicity.” tumayo ako galing sa canteen table ko at sinundan si Rosé papuntang classroom. “Bakit crush mo?” tanong ni Rosé habang sinusundot yung gilid gilid ko  “Loko ‘to.. napatanong lang, kanina ko pa siya naririnig simula kaninang umaga eh.” pagpasok namin ng room ay umupo na kami sa pwesto namin (magkatabi upuan namin kasi pinilit ni Chae si ma’am na ipagtabi kami) “Ay sus.. crush mo lang eh, pero ‘di ko pa siya nakakausap. Gusto mo try? para naman ‘di lang ako kulitin mo araw araw haaays nakakapagod!” nagkunwari pa siyang parang katatapos niya lang gumawa ng malaking building.  “Kapal mo ha, ako pa yung nangungulit.. sige na kunin mo na TLE mo magpapareadings si sir.” nagpasalamat si Rosé sa maliit na boses at nilabas ang kaniyang libro. ________________________________ “Hi I’m Felicity Jane, but you can call me Sol. I grew up being called as that.”
Tumblr media
0 notes
deeessoh · 5 years
Text
Fall As Hard At 23
“Ha?!, eh hindi ko pa sure eh”
“Okay lang” 
Habang papalabas kami ay nakasalubong namin ang aking kaibigan na si James. Niyaya niya kami kumain saglit at magkuwentuhan. Agad naman kaming tumungo sa bilihan ng tukneneng na malapit sa aming paaralan. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang tumingin na isang tindahan na malapit sa aking kinatatayuan. 
“Sol, hindi ba`t yun yung nagkakagusto sayo, yung Grade 12 student?” Tanong ko sa kanya 
“Saan?-- Hala oo siya nga yun” Sagot niya.
“Oh, kalma lang baka yayayain ka niya sa prom”
Napabilis ang kain niya kaya ganoon din ang ginawa namin ni James. Pagkatapon niya ng plastic cup na gamit niya, hinawakan niya ang bag ko sabay hila sa papalayo sa tindahan. 
“Mas malapit na bahay niyo dito ah! Saan tayo pupunta?”
“Dhadz, payag na kong maging date mo sa prom, basta please samahan mo kong umuwi kasi baka sundan ako nun eh” 
Huminto. Huminto ang ikot ng gulog ng tricycle sa aking harapan. Tumigil ang paghulog ng mga dahon mula sa puno ng acacia. 
“Ha? Oo sige ba” Batid ang ngiti sa aking mga labi. 
Dumaan kami sa isang shortcut patungo sa bahay nila upang umiwas sa lalaking nasa tindahan. Habang naglalakad, may naisip akong gawin. 
“Paano kung bukas abangan ka ulit nun, o di kaya yung ibang nagkakagusto sayo? Dalawang linggo pa bago mag prom. Paniguradong madami pang magyayaya sayo bukod sakin” 
“Ewan. Di ihatid mo ko araw-araw para naman safe ako no.” 
Muling bumalik ang ngiti sa aking mga labi kasabay ng pagbikas ng mga salitang “Oo ba” 
Nakarating ka ng maayos sa bahay nila. At ganun na nga nangyayari araw araw. Ewan ko, masyado ko atang pinangatawanan na ihahatid ko siya. Maaga siyang umuuwi minsan at hindi na ako nahihintay.  “Pasensya na ha, maaga ako pinauwi.” Yan ang nakalagay sa natanggap kong text mula sakanya. Mukhang kahit siya ay batid na gusto ko siyang ihatid araw araw. 
Isang linggo bago ang gabing pinakahihintay ng lahat. Nakita ko ulit ang isang mukha na matagal tagal ko ring hindi napapansin. Sa sobrang abala ko sa pag tuturo sa grupong kinabibilangan ko. Nakaligtaan kong siya pala ang nagtuturo sa kabilang grupo. Kinausap ako ng aming guro na isa isahin sa gitna ang bawat pares. Ngunit bago iyon ay aming ipapakita ang buong sayaw. 
“Kim, kaya ba ?”
“Oo naman!”
Maayos naming naipakita ang sayaw. Agad akong kumuha ng upuan sa harap upang panoorin ang lahat ng magsasayaw. May narinig akong sigaw sa malayo. 
“Mr. Opiana, paki-check naman nung sayaw sa kabilang grupo.”
“Ahh sige po ma`am” 
Kinabahan ako sapagakat sasayaw siya sa harap ko at kailangan kong ayusin ang mga gagawin nila kung sakaling may mali silang ginagawa. 
“Okay start na tayo! Group ko muna ang titignan ko” Kumukuha ako ng lakas ng loob para mabanggit ang pangalan niya.  “Ahh Shiela-” Lumingon ka na may gulat sa mata. “Ahh pasabihan naman grupo mo na huwag munang umalis dahil ako din ang mag checheck sainyo”
Nakahinga ako ng maluwag. Tango lang ang iyong sagot kasabay ng pag bulyaw mo sa iyong grupo ng aking sinabi. Nagsimula na akong manood at magturo. Ang aking mga kaibigan ay nasa aking tabi upang sumamang manood. Kami ay abala sa pagaayos ng mga step sa sayaw. Muling bumalik ang aming guro upang kami ay sabihan ng mga susunod na mga mangyayari. 
“Mr. Opiana, pipili kami ng isasama sa mismong venue, upang malaman natin kung kaya ba ng lugar ang mga step na nagawa natin” 
Kinabahan ako ngunit naeexcite din. Pumili na sila ng isasama. Kanya kanyang pili ang mga guro at mga taong manonood. 
KInabukasan, nalaman na namin kung sino ang mga sasama. Isa isang tinatawag ang pangalan ng mga sasama, pagbanggit ng pangalan ko ay agad kong hinila si Kim papalapit sa sasakyan. Habang naglalakad papalayo ay narinig ko ang pangalang nakasunod sa amin sa listahan. Iyon ang pangalan niya. Kasama pala siya. 
Mabilis na natapos ang aming pag eensayo at kanya kanyang kuha na nang litrato sa ibat ibang sulok ng silid, Pagkatapos nito ay bumalik na kami sa aming paaralan para masabihan ang lahat ng mga pagbabagong mangyayari. Dumating ang hapon ng maaliwalas at maayos. Kanya kanyang saulo ng mga naiturong bagong steps at bagong formation. 
Nagising ako sa isang malakas na tunog sa ilalim ng aking unan. 7:00 na ng umaga. Hindi ako nagmamadali kahit ako`y huli na sa pagpasok sapagkat kami ay in-excuse sa klase upang mag ensayo sa huling pagkakataon bago ang gabing pinakahihintay ng lahat. Maaga kaming pinauwi upang kanya kanyang maghanda. 
Ngayon na pala iyon, ang bilis lamang ng panahon. Patuloy ang aking pagsasaulo ng mga steps at formation habang ramdam kong bumubuhos ang malamig na tubig sa aking katawan mula sa shower. Nag ayos na ako, naghanda, at patuloy na hinahanda ang sarili sa mga mangyayari. 
Magaganda ang mga dilag na nakatayo sa harap ng hotel na aming gagamitin. Gayundin ang mga naggagwapuhang mga binata na kanya kanyang hanap ng kanilang mga date para sa gabing ito. Kanya kanyang akyat na ang mga magkakapares kasabay ng pagpili ng mga upuan. 
Nakahanap na kami ng isang lamesa sa harapan at doon namin naisipang umupo. Paikot kaming magkakaibigan. Si Rhealyn at ang kanyang nobyo. Si Clouie, Si Ronella, Si Kim, Si Janell At Si Sol ang mga kasama ko sa Lamesa. Nagsimula na ang program ng pormal at maayos. 
Pagkatapos ng isang oras ay nagsimula na kaming sumayaw, naging maayos ang daloy ng inihanda naming sayaw. Malakas na palakpakan ang aming natanggap kasabay nito ang malakas na tunog na maririnig sa loob ng silid. 
“Its party time!’Sigaw ng isang guro. Nagkagulo ang lahat kanya kanyang sayaw kasama ang kanilang grupo. Hanggang sa tumugtog ang isang mabagal na kanta. 
Nawala ang mga tao sa gitna. Agad akong bumalik sa aming upuan upang yayain siya na sumayaw. May inabot akong bulaklak sa kanya habang nagsasayaw. Kasabay nito ang pamumuo ng luha sa gilid ng kanyang mga mata. 
“Bakit ka umiiyak ?”
“Ikaw kasi eh” Ngiti ang tanging naibalik kog sagot sa kanya. Naging mahaba ang gabi, Madami ang nagpaalam na isasayaw siya. Madami. Hindi ko na mabilang. Hanggang sa may narinig akong boses mula sa harap. 
“Mayroon nalang tayong natitirang 8 minuto para maisayaw ang mga taong gusto natin isayaw. Lumapit ako kaagad sayo. 
“Hey, sayaw tayo. Ikaw last dance ko “ 
“Ang sakit na ng paa ko eh”  Kita ko ang hirap at sakit sa iyong mukha. Habang kinakausap ko siya at pinipilit. Ay bigla siyang nawala sa aking harapan. May nagsayaw sa kanya. Gulat ako gayundin ang aming mga kasama.  “Dhadz, Ano yun?” Kalabit sakin ni Joyce.  “Ha? Isasayaw daw siya”
Kasabay ng pagtayo ko sa upuan ay siyang pagbagsak ng luha  sa aking mga mata. Hinanap ko si Judy. Best friend ko, nakita niya ang nangyari. Doon ko tinapos ang gabi. Tinapos ko sa pag iyak. Pero inalis ko din ang naiisip ko dahil pabalik kana sa upuan. Panay singhot ako at punas ng luha. 
Okay na ko. Naiintindihan ko naman. Ngunit--
“Wala yun, ano kaba?”
Nagulat ako sa sinabi niyang yun. Para saan yun? At bakit niya kailangan sabihin yun? At doon natapos ang gabi sa mga tanong sa ulo ko.
“Bakit?”
0 notes
wintery-love · 7 years
Text
I'm satisfied with his answers. I'm happy kasi naiintindihan niya yung gusto kong iparating. Open minded sya at pinapakinggan niya ako. At mas napatunayan ko na seryoso sya dahil narinig ko yung sinabi niya,walang halong biro. Makikita talaga na sincere siya. Naintindihan nya na support ako sakanila pero hindi pa 100%, mabubuo lang yun sa oras na legal na sila both side. Hindi sa bitter ako iniisip ko lang yung pedeng kahantungan ng lahat, hindi dapat padalos dalos lang at gawing biro ang lahat.
To jaymar:
Thumbs up ako sayo kase ang tapang mo. Mabait,tahimik at mapapagkatiwalaang tao. Alam ko na hindi tayo close at medyo nahihirapan kang iapproach ako lalo na at iba ako kina kiya,sol,dianne,jane,aya,at vane. I'm glad na nagpabala ka at humingi ng permiso sa amin bilang kaibigan ni dianne ay ginagalang mo din ang desisyon namin.
To Dianne,
Dianne , hahaha alam mo naman ako'y talagang ganito lang,parang nanay kumbaga. Hangga't maaari ay ayaw kong nasasaktan ka/kayo. Kaya hindi ako masyadong sang ayon dahil bata pa kayo. Hindi naman ako nahadlang dahil alam ko at nakikita ko na masaya ka at nagiging inspirasyon mo sya. Naguguluhan din ako dahil hindi ko alam kung may karapatan ba ako o wala na magsalita sayo ng mga dapat mong gawin. Pero dahil kaibigan mo ako ay napapagsabihan kita at nagtatampo ka sa akin. Sorry. Sa tingin ko kasi ay bilang nakatatanda sa inyong lahat ay kailangan kong magsalita....pero ang masama ay nami-misinterpret nyo ako at nagiging masama yung labas sa inyo. Pero I'm happy dahil kahit papaano ay sinusunod mo yung mga sinasabi ko. Nakausap ko nga pala si jaymar nung umalis ka, nag one on one talk kami. Wag kang mag alala wala naman akong sinabing kung ano, maliban lang sa sinabi kong gusto mo rin sya. Nakakatuwa dahil tinatanggap nya yung mga sinasabi ko at nakikinig sya. Eto pa nga pala, baka akalain mo na hindi ako nasupport sa inyo. Nakasupport lang ako pero hindi pa buo dahil gusto ko ay alam ng mga magulang nyo ang tungkol dito. Maganda yung malinaw. Hindi naman sa nagmamarunong pero sa tingin ko ay may sense naman yung sinasabi ko. Sana maintindihan mo ako. Ninanais ko lang ang ikakabuti mo/ ang ikabubuti nyong lahat. Hangad ko ang ikasasaya mo.
0 notes
deeessoh · 5 years
Text
Fall As Hard At 23
"Binalikan kita" pabiro kong sabi sa kanya.
Siya ang babaeng akala ko hanggang biro lang. Mukhang hindi. Mukhang nagkamali ako ng naging biktima.
Maganda siya. Sobra. Pero hindi ko napansin yun nung una. Balik tayo sa panahong siya ang naging paraan para mailayo ko ang aking isip kay Rhealyn.
"Ano di mo maitutumba yan" Hawak niya ang kamay ko habang nag bubunong braso tayo. Magkalapit ang aming mukha. Parehong nakangiti pero nahihirapan sa pagpapatibayan ng braso. Bumitaw siya sa lakas na binibigay niya pero hindi sa kamay ko.
"Madaya, lalaki ka eh"
"Sus, sabihin mo di mo lang kaya"
Nag tatawanan tayo. Hinamon ulit kita sa isang pagsubok.
"Titigan tayo, unang tumawa pipitikin sa ulo"
"Eh madaya, papatawanin mo ako eh"
"No. I promise. Please?"
"Sige na nga"
Muling naglapit mukha namin, isang hinliliit ang pagitan. Nakatingin siya sakin ng seryoso, gayundin naman ako. Doon ko napagmasdan ang kanyang mukha. Ang tangos ng kanyang ilong. Ang nunal sa kanyang pisngi. Ngumiti ako
"Talo ka!" Bulyaw mo sa mukha ko. Sabay pitik sa ulo ko.
"Eh ang ganda mo eh" Natahimik tayo bigla
"Ibang laro nalang pala" singit ko.
Labis ang aking pag alala sa mga sandaling yun. Hindi ko inaasahan na gugustuhin kong ulit ulitin yun.
Isang buwan pagkatapos ko kay Rhealyn. Siya. Siyang pinagbalingan ko ng atensyon. Gusto ko palagi ko siyang kasama. Katabi. Kausap. Ngunit may kung anong boses ang bumulong sa loob ng isip ko.
"Hindi mo siya gusto. Nasaktan ka lang talaga"
Natapos ang ikalawang taon ko sa hayskul na may kasamang gulo sa aking isip. Sino ba talaga gusto ko?
Maingay na nagsimula ang klase sa ikatlong taon ko sa Hayskul. Ang saya. Kanya kanya kaming kwento. Nawala sa isip ko ang lahat.
"Dhadz, may bagong boyfriend si Shiela ha"
Tumagingting ang tenga ko kasabay ng taginting ng bell sa loob ng silid.
Transferee. Yung transferee ang bago niya. Panibagong masakit na taon na naman ito saakin pero "kaya ko to." Bulong ko sa sarili ko.
"Yehey! Seatmate kita" sigaw ko nung makita kong siya ang seatmate. Maria Krissoula Mae Masaga Apin. Yang ang pangalan niya. Ang haba ng pangalan niya pero hindi ang pasensya niya. Mataray siya. Straightforward. Pero di sakin.
Mas lalo akong nahulog sa kanya araw araw na magkatabi kami. Sabay kaming natutulog sa klase. Sabay kaming kumakain. Sanay king magtawanan. Kwentuhan. Pero ako talaga ang gumagawa ng paraan para makausap siya.
"Napanood mo na yun ano?"
"Pinag usapan na natin yan dati ah"
"Ay weh?! Hahahaha ganun ba?"
"Oo. Pero may iba ka pa bang horror movie na napanood?"
Kahit wala nag isip ako ng mga japanese horror stories na ikekwento sa kanya. Ganoon lang libangan namin. Paulit ulit.
"Gusto ko na talaga siya" bulong ko sa locker ko." Pero di ko nalang sasabihin sa kanya. "
Sinabi ko ito sa best friend ko. And inexplain ko. Mas lalo lang akong nahulog.
Pebrero. Buwan ng pag ibig. Ito ang taon kung saan magkakaroon na kami ng prom.
Kanya kanya kaming sali at lagay ng pangalan sa pinapaikot na papel.
Kinakabahan ako paano ko siya yayayain. Gusto ko siya ang kasama ko sa prom.
"Hi. Pwede ka bang maging partner ko sa prom, kahit sa cotillion?"
"Hindi ata ako sasama eh"
"Ah ganun ba? Okay lang "
Naghanap ako ng ibang partner sa cotillion. Yung makakasundo ko. Niyaya ko siya.
"Wala ka din namang partner, ako nalang"
"Yun pwede na tayong sumali"
Todo ang practice namin ni Kim. Siya ang napili kong partner sa cotillion. Maayos ang takbo ng practice. Kami ang ang naatasang gabayan ang iba pang mga sasayaw dahil kami ang nakakasaulo ng mga itinurong step.
Habang nagtuturo ako sa harap. Pumasok ang isang babae at isang lalaki sa loob ng pinag eensayuhan namin. Siya nga. Akala ko hindi siya sasama. Hinawakan ni Kim ang balikat ko at sumenyan na kumalma at ituloy ang pag tuturo.
Natapos ang pag eensayo ng maayos. Masaya. Kanya kanya na kaming balik sa silid ng sabay kaming pumasok ni Sol sa loob.
"Sorry, pinasali ako ni tita eh. Di kita nasabihan nung pinayagan ako kasi mah partner ka na din naman."
"Di okay lang yun. Bagay kayo ni mico ha"
"Bagay?! Sira kaba? Ang pangit kaya nun"
"Grabe ka naman eh pinagkakaguluhan din yun no"
"Whatever"
Naglakas loob na ako.
" Uuwi ka na ba? Sabay na tayo."
"Oww sure"
Habang naglalakad kami palabas. Nag iisip ako ng paraan para makausap ka.
"Sabi ng mga tinuturuan ko kanina basang basa daw kamay mo. Btw, palagi naman pala"
"Ewan, sabi din nila kaya di ako nakakaikot ng maayos eh, basang basa daw kamay ko."
Hinawakan ko ang kamay mo nakapatong ang kaliwa mong kamay sa aking kanang kamay.
"Bakit ba kasi to nagbabasa?"
"Pag di kasi comfortable sobrang basang basa siya."
"Oh bat ngayon di naman siya basa"
"Comfortable na eh"
Napahinto ako. Napalunok. Nagulat ako sa sinabi niya. Pero sinubukan kong ibalik ang wisyo ko. Binitawan ko na ang kamay niya. Kasabay ng paglabas natin .
"Ahh Sol, pwede ba kitang maging date sa prom?"
"Ha?!—
0 notes