Karinyo brutal
Karinyo brutal (2024)
#JoseJavierReyes #AppleDy #ArmaniHector #BenzSangalang #GhionEspinosa #ManangMedia
Mehr auf:
Jahr: 2024 (Januar)
Genre: Drama
Regie: Jose Javier Reyes
Hauptrollen: Apple Dy, Armani Hector, Benz Sangalang, Ghion Espinosa, Manang Media …
Filmbeschreibung: Eine Frau beginnt eine Beziehung mit einem Mann, von dem sie glaubt, dass er ihr Weg zum Glück sein wird, aber bald stellt sie fest, dass sie in einer Beziehung gelandet ist, in der sie misshandelt und missbraucht wird. Das Auftauchen…
View On WordPress
0 notes
KARINYO BRUTAL (2024) Movie Trailer: A Third Option Occurs to Apple Dy when Choosing Between Love & Financial Comfort
https://film-book.com/karinyo-brutal-2024-movie-trailer-a-third-option-occurs-to-apple-dy-when-choosing-between-love-financial-comfort/?feed_id=110630&_unique_id=65901cae38eb2
0 notes
KARINYO BRUTAL Official Trailer | Vivamax | + Quick Review
0 notes
𝑬𝒍 𝑷𝒓𝒆𝒔𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕𝒆
Inabot na naman ako ng dilim,
Nakatunghay sa may tarangkahan
Hinihintay ang iyong pagdating
Ang mga yabag mo’y tila maso
Mabibigat, matatatag, wari’y di matitinag
Binuksan mo ang pintuan at humalimuyak
Ang alak sa hininga mo nang halikan mo ako
Sinibasib ng iyong mga labi ang leeg kong
Lamog pa sa ginawa mong pananakal kamakailan
Marahas ang haplos ng mga palad na ilang
Beses ring dumapo sa aking balat sa tuwing
Basta mo na lang maisipan ;
Inabot na naman ako ng dilim,
Hinintay kitang dumating para lasapin
Ang karinyo-brutal na pilit mong tinuturing
Na “pagmamahal”
Ang pagmamahal na kapag nahalal
Ay mapapalitan ng pagsugal
Sa buhay ng isang taong tulad kong hangal
Kaya laging pinagmamalupitan,
Pinagkakaitan,
Ginagawang parausan
Ng taong hinirang ko para sana
Ako’y paglingkuran,
Pagyamanin at sambahin
Ngunit ;
Inabot na naman ako ng dilim,
Kulong sa pag-asang darating ang umaga
Na hindi ka na kasama,
Na ako’y malaya,
Na ako’y tapos na sa pag-aari mong
Walang humpay akong ginagamit,
Ginigiling, ginigigil nang walang tigil
Dahil ako’y pagod na sa marahas mong pagsalya,
Pagsasal, pagdurog, pagsira
Sa aking pagkatao na tuluyan mo lang naakit
Sa mga pangakong may bikig na tinik,
Lason at pandarambong
Na nakatago sa mabulaklak at maningning
Na pagsasabuhay ng isang buwayang nagkatawang tao
Baon ang pangil mo sa mayamang dibdib ko
Patuloy ang paghigop,
Pagsimsim at pagsupsop
Kasabay ng pagsakmal sa natitirang buhay na ligaya
Madiin, marahas, masakit at puno ng ganid
Habang paulit-ulit, paulit-ulit
Paulit-ulit mong tinatangi ang pangalan ko
Para marinig ng mga anak ko
At paniwalain silang ganito,
Ganito ang tunay na pagmamahal
Nakulong ang apat na sulok ng silid
Ng mga halinghing, ng pag-ungol at pagdaing
Nating dalawang taliwas ang nadarama dahil
Ikaw ay ganado habang ako’y tila upos nang sigarilyo
Ang ginhawa mo’y kalakip ng pagkamatay ko
Ang ligaya mo’y kapalit ang pagtangis ko
Ang kaluguran mo ang siyang pagkaubos ko
Kaya naman inabot na ako ng dilim,
Bulag, pipi at pilay mula sa ilang taong panlulupig
Inabot na ako ng dilim ngunit uubusin ang natitirang lakas at tinigPara isigaw ang tunay na ibig ;
𝑆𝑎𝑘𝑙𝑜𝑙𝑜, 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝐼𝑛𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑎𝑝𝑖𝑠.
0 notes