Tumgik
#sasalin ko bukas baka
unorthodoxica · 1 year
Text
Walang Aray: Isang Stream-of-Consciousness Review
Hindi ako bubuo ng seryosong essay para sa Tumblr, at alam ko na nagwakas na ang SYLD para sakin, pero hindi siya tama sa espirito ng araw.
Ang Walang Aray, galing sa utak ni Rody Vera ay isang nakakatuwa't nakakaaliw na musikal tungkol sa ika-19 siglo ng Pilipinas na nasa gitna pa ng pamumuno ng Espanol, ang kanilang simbahan at ang kolonyal administration.
Ito ay naguumpisa sa pag-ibig at natatapos sa pag-ibig, ang sentrong magkasintahan sina Julia, artista sa bayan niya at si Tenyong, isang rebeldeng Katipunan.
Ang musika, pagkakanta at matulas na pagsusulat ng lirika, kasama pa ang kanilang pagsayaw at matalinong choreo? Ako ay nahulog na. Ang paggawa ng set ay talagang nakaka-engganyo. Hindi ko kayang mabuod ang lahat na nangyari, siya'y masiyadong mabigat para sa hindi pa tatlong oras na palabas. Alam ko lang na hindi ako makakahintay sa cast recording.
Itong musikal ay nababalanse ang pagiging nakakatuwang komedya at isang trahedyang makakasira sa puso. Siya'y puno ng luha, kung ito ay dahil sa kanyang mahusay na biro o sa mga sandaling yugto na nakakakilabot at nakakalungkot. Higit sa lahat, ito ay tungkol sa rebolusyon ng Pinas, ng mga Katipunan, para sa kanilang kalayaan at sa kalayaan ng kanilang minamahal sa mga Espanol. Lahat nito ay nasa ilalim ng mga magaling na pisikal na komedya, paggamit ng tropes ng telenovela, at siyempre, ang natural na karisma ng mga nag-aarte sa ibabaw ng entablado.
Charot, seryoso, merong kanta sa youtube. Hindi siya nagkukumpara sa pagpanood ng buong musikal pero ito lang ang nahanap ko ngayon. Eh, yoon at interview kay Gio Gahol at Marynor Madamesila? Parang wala ka namang makukuha kung hindi mo pinanood, anon.
2 notes · View notes