Text
What We Have In Between
We have distance that is measured by miles and miles of smiles. We have distance that is measured by kilometers of sadness. We have distance that is lengthy longing for each other's caresses.
0 notes
Text
Sino?
"For the world so loved God that it took His only begotten son." Sino? Para sa iba may brief na pula na sa labas inisuot, at may kapa. Pag nagliligtas ng siyudad damay ang mga gusali pati na rin ang mga bata. Ngayon, kung isang araw nagdesisisyon si Superman na maging normal— sasama ang loob natin. Bakit hindi siya tumulong gayong kaya niya naman? Sino? Para sa iba kumot lang ang suot. Tiga-Israel pero maputi at mahaba ang buhok. Samantalang siya na rin ang nagsabing huwag magpahaba ng buhok. Maraming disipulo, at isang araw na nagdesisyon siyang baguhin ang mundo— sumama ang loob natin. Ipinako siya sa Krus. "Di nila alam ang ginagawa nila, patawarin." Bakit di niya iniligtas ang sarili, gayong kaya niya naman? Pinili raw niya tayong iligtas. Patawarin tayong mga tao. Patawa rin tayong mga tao. Di alam ang ginagawa nila. Patawa rin. Sino ba ang magliligtas? May suot ba siyang gintong kalatas? May kakaibang kapangyarihang iwinawasiwasiwas? Sa lahat na sala-salabat na sumpa'y kaya niyang umiwas? Sabi sa kanta ng YANO: bakit ka nakapiit? Bakit ka tumatakas? Bakit kailangan ng magliligtas? At sino? Sino? Tumingin ka sa salamin. Makikita mo.
0 notes
Text
Send Nudes
ni Toni Panagu Namuhi ako sa lahat ng uri ng telang bumabalot sa iyong katawan. Sumaludo ako sa iyong katawan. Ang aking paningin ay waring aktibistang nagwewelga at ang iyong saplot naman ang guwardiyang di nagpaparaan sa entrada ng Mendiola. Ako ay nagsusumamong magpetisyon ng kalayaan. Ang iyong leeg, dibdib, at baywang ay pawang pinaglaanan ng isang araw para lang hulmahin ng lumikha. Isang linggo naman ang inilaan para lang ipinta ang 'yong mukha. Siyam na buwan dinala, ilang taong lumago— naniniwala akong ang ganiyang klaseng rikit ay 'di na dapat pang itago. Nakaririmarim man pakinggan: pero ito ako— karnal na nagnanasa sa biyayang taglay mo. Hinuhubad ang saplot ng moralidad at tinatangkang ipakita ang tunay na pagtingin sa iyo. Binibini, send nudes ka naman diyan.
0 notes
Text
Send Nudes
ni Toni Panagu Namuhi ako sa lahat ng uri ng telang bumabalot sa iyong katawan. Sumaludo ako sa iyong katawan. Ang aking paningin ay waring aktibistang nagwewelga at ang iyong saplot naman ang guwardiyang di nagpaparaan sa entrada ng Mendiola. Ako ay nagsusumamong magpetisyon ng kalayaan. Ang iyong leeg, dibdib, at baywang ay pawang pinaglaanan ng isang araw para lang hulmahin ng lumikha. Isang linggo naman ang inilaan para lang ipinta ang 'yong mukha. Siyam na buwan dinala, ilang taong lumago— naniniwala akong ang ganiyang klaseng rikit ay 'di na dapat pang itago. Nakaririmarim man pakinggan: pero ito ako— karnal na nagnanasa sa biyayang taglay mo. Hinuhubad ang saplot ng moralidad at tinatangkang ipakita ang tunay na pagtingin sa iyo. Binibini, send nudes ka naman diyan.
0 notes
Text
General Insanity
General Insanity Like me, I know that you are stressed and lonely. You want to be pampered like a baby. And more likely to feel ugly when there is no one to describe and derive metaphors from your beauty. Like me, you are anxious and shy. Afraid of you not getting by to me and vice-versa. Like me, you fear rejection. You use several coping mechanisms such as agression and projection. You often revert to your younger-self when no activity seems to help. Like me, you are wasting sands of time letting it be permanently washed by the sea of what happened that we could not relive again. Like me, you are full of regrets. Full of opportunities wasted. Like me, you are puzzled of what to say to give me a good impression. Unable to find the words to start a conversation, and trade words and wisdom like gold and silver from to distant mountains we separately grew up from. Like me, we both err in understanding the context of our eye contact and body-language. We are both immensely infected by our impostor syndrome. We have bestowed judgement that we only deserve to be unloved. We only deserve to be alone. Like turtles hiding its head in its hard, carapace home. Like me, you are insane and not aware of it. Let me be your psychiatrist— let us be each other's patient implying psychoanalysis. You too, fart. Picks nose— and at times you may want to try to taste your own slimy snot. You too, sniffs nose harshly, whenever tears come rushing down your cheeks that used to be warm because of a childish smile. Like me, you use your mouth to eat, and your butthole to poo in the toilet. You too would like to retrospect when the scenery comes quiet. Or perchance whenever you sit on the toilet. Like me, you may want to be anybody else. But Bob once adviced: be yourself— whoever that person is. Like me, you are you. And you and I, we are both human. Helpless. And I am ready to help.
0 notes
Text
Sinag-Taon
Pistinyawa ang mga tala. 'kingina ng distansiya. Naaaninag mo ang mga bituin; habang nagagawa mong damhin ang malamig na simoy ng hangin. Pero kaya mo bang abutin? Pistinyawa ang mga tala. 'kingina ng distansiya. Maliwanag pa sa sinag ng Sirius at mas mapula pa sa Betelgeuse, hindi tayo magtatagpo ni hindi man lamang dadaplis. Kaya anu't ano pa ang silbi ng puso't isip na nagtatagis? Pistinyawa ang mga tala. 'kingina ng distansiya. Hindi makukuntento sa pagsulyap sa teleskopyo. Hindi mahihimbing mula sa oyaying galing sa modernong aparato. Kailangan ko ng sa aki'y gagapos. Kailangan ko ng saki'y lalapnos. Kailangan ko ng mahahaplos. Ngunit kung sinag-taon ang distansiyang tumutuligsa sa mga pagkakataon: Pistinyawa ang mga tala. "Kingina ng distansiya.
1 note
·
View note
Text
Isanlibo
"You think I just wasted your time, but did every wise things in life. And you can proudly smile 'cause you made life worth while. Sometimes I would worry, that nothing's gonna be the same again. Haven't you noticed? The sun has suddenly forgotten to paint the day. And now I'll say..." Isanlibong gabing walang tulog. Isanlibong palapag na pagkahulog sa isang diwatang may taglay na isanlibong halimuyak. Sa isang ngiting katumbas ng isanlibong halakhak. Parang isang sipa ng alak na dahilan ng isanlibong balak. Parang isanlibong pamasko ni ninong sa kanyang inaanak. Sa isanlibong paraan kita mailalarawan. Madalas, pinipili ko ang katahimikan. Isanlibong palusot ang nabanggit kung bakit sa isanlibong pagkakataon na dumaan— hindi ko pa rin naipahayag ang aking nararamdaman. Isanlibong litro ng laway na ang inialay para lang magkaroon ka ng kadamay. isanlibong litro na ng pawis na rin ang naibuwis, isanlibong butil ng alikabok na ang nawalis isanlibong oras na rin ang lumipas mula nang ikaw ay umalis. "Ayaw sa'tin ng tadhana, halatang kinikilabutan sa yanig na dulot ng lupit ng ating pagkakaibigan." Isanlibong beses na tinawag mo akong kaibigan. Isanlibong beses kong hiniling na mag-iba ng diin ng mga titik at maging kaíbigan. Isanlibong mangingibig na rin ang sayo'y dumaan para ka lang saktan, Isanlibong taon na akong nakakulong sa tahimik sana ay ibinulong na lang ng sa'yo hangin ang sigaw ng pag-ibig. Isanlibong beses kang nagdrama tungkol sa iba. Isanlibong beses kong itinago ang aking nadarama. Isanlibong maling desisyon para sa tamang tao. Isang posibilidad ang tuluyang naglaho, ang posibilidad na maging tayo. "Alay sa'tin ng tadhana ang perwisyo at sumpa na naging mas makahulugan ang buhay nang tayo'y naging magkakilala" Isanlibong messages sa messenger Isanlibong dahilan para magpalit ng nickname at chat color Isang dahilan para mag-ayos ako at magtanggal ng body odor— ikaw. Isanlibong sariling baho ang inalis ko. Isanlibong sikreto mo ang tinanggap ko. Sa isanlibo mong pagkaligaw ako ang iyong naging sundo. Bakit sa aking pagtatapat, hindi tayo nagkasundo? "Ayaw sa'tin ng tadhana ba't lahat na lang lilisan pinagtuunan pa naman ng panahon ngayon tayo'y maglalaho" Isanlibong litrong laway ang nasayang mula sa unang bati ng "Hi!" hanggang sa pinakahuling "Goodbye?" Isanlibong araw ng buhay and kumalas sa aking pagkatao isang segundo pagtapos na iwan mo. Isanlibong piso pa yung utang mo, bayaran mo na. Bigay lang sa'kin yun ni mama, pambibili ko dapat yun ng damit pamorma! Pero kung may isang ng pagkakataon na puwede kong ulitin ang lahat gagawin ko— ng isanlibong ulit. Isanlibong beses kong sasayangin ang buhay ko sa'yo. Dadaigin ko 'yong mga isang dekada na sa kolehiyo. Isanlibong ulit akong babagasak at magpapakawasak sa piling mo. "Perhaps I just wasted your time for sharinf my thoughts with you. But you could proudly smile 'cause you made life worthwhile 'cause I'd waste another lifetime with you. I'd waste another lifetime with you."
1 note
·
View note
Text
May Babae
May babaeng ganto at babaeng ganyan lahat ay kasapi ng sambayanan: mahirap, mayaman, bitukang halang, at mabuti— may hinugot sa tadyang ni Adan. Kapita-pitagang katipun si Gabriela Silang. Palaban, kagaya ni Maria: na Clara, at merong Ozawa at teka, sino pa ba? May inang makalinga, May Mia Khalifa— at teka— Mayroon nga rin palang Maria— sa Bibliya. May Napoles, De lima, may Cory, may Gloria— pareho pala sila ng nunal ni Nora. Merong masining at merong artista, merong modelo't mabahong trabaho. May gumaganda lang pala— dahil sa pera. May lumaban sa giyera, kumawala sa kadena, hindi lang sila bagay do'n sa kusina. Hindi lang sila tagalaba ng kurtina. Pag iyong nakikita, tuhod nanghihina. Para kang sinapak sa bagang, noong mahanap mo ang nawala mong tadyang. E babae si Eba't lalake si Adan, inyong pagkukulang ay sabay na punan, hindi mahalaga kung merong lamang, ang mahalaga ay kung meron laman, luha, pawis, binhi at dugo nang makabuo ng tao. May babaeng ganto at babaeng ganya, pero wala rin si Eba kung wala si Adan. Wala ang saya ni Adan, kung wala si Eba Wala ang lahat, kung wala ang isa. Wala ang lahat, kung hindi magkakaisa.
0 notes
Text
3/3/17
"Adlaw" Sinag ng araw ang ganda mo; masyadong masakit sa mata kung tititigan lang— kailangang kumilos na parang katutubong sisisid sa putikan para sa kinang ng ginto; mga batang ubos-hiningang sisisid sa pusod ng dagat para sa mga kakaibang kabibe. Kung tatagal pa ang pagtitig— mabubulag na ang mata mula sa mundo dahil sa sobrang pagkatuon sa'yo. Darating ang mga umagang diwa mo ang gigising sa akin. Bubulong mula sa bintana ng kaluluwa: harapin mo na ako, dilat na. Darating ang dahilan ng dali-dali kong pagbangon mula sa pagkakahimbing, unti-unting aangat mula sa dilim, ibubunyag ang mga nagkukubling lihim. Marahas ang kinang na mistulang patalim— natatakot ako sa'yong magpaangkin. Kailangan natin ang init ngunit natatakot ang lahat sa sunog. Kung ibon akong pumapagaspas sa himpapawid: matagal na akong pawis na pawis sa'yong init na hatid, tuluyan nang nahulog, baka sakaling ang uhaw ay mapatid. Kinakabahan akong lumipad papalapit sa piling mo— tumugon ka— kaya mo ba akong pasilungin sa init mo? Bigyan mo ako ng rason upang titigan ka.
0 notes
Text
Noting this.
42 Questions You've Probably Never Been Asked
1. First thing you wash in the shower? 2. What color is your favorite hoodie? 3. Do you plan outfits? 4. How are you feeling right now? 5. What’s the closest thing to you that is red? 6. Tell me about the last dream you remember having? 7. Did you meet anybody new today? 8. What are you craving right now? 9. What comes to mind when you think of eating cabbage? 10. Have you ever counted to 1,000? 11. Do you bite into your ice cream or just lick it? 12. Do you like your hair? 13. Do you like yourself? 14. Would you go out to eat with George W. Bush? 15. What are you listening to right now? 16. Are your parents strict? 17. Would you go sky diving? 18. Do you like cottage cheese? 19. Have you ever met a celebrity? 20. Do you rent movies often? 21. Is there anything sparkly in the room you’re in? 22. Have you made a prank phone call? 23. Ever been on a train? 24. Brown or white eggs? 25. Do you use chap stick? 26. Can you use chop sticks? 27. Are you too forgiving? 28. Ever been in love? 29. Last time you cried? 30. What was the last question you were asked? 31. Favorite time of the year? 32. Do you have any tattoos? 33. Are you sarcastic? 34. Ever walked into a wall? 35. Favorite color? 36. Have you ever slapped anyone? 37. Is your hair curly? 38. Do looks matter? 39. Do you like your life right now? 40. Do you sleep with the TV on? 41. Can you handle the truth? 42. Do you have good vision?
88 notes
·
View notes
Text
Isip, bata.
Ni Toni Panagu Matataya, maghahabol, madadapa. Pag-uwi ko, pagkahubad ng uniporme ay tinitigan kong mabuti ang patpatin kong katawan. Mula noong bata ako hanggang ngayon, ako pa rin ang taya sa habulan. Matataya, maghahabol, madadapa. Palaging saling-pusa. Palaging nabuburot. Hanggang ngayon. Nagpatintero tayo nang ilang linggo. Doon ko napagtanto, madulas ang aking mga braso pumiglas ka sa higpit ng akap ko. Nagkainitan tayo, pero mukhang sadyang malamig at mahina ang mga banat ko. Matataya, maghahabol, madadapa. Ayaw mo na akong kalaro. Hindi na dumadampi ang palad ko sa palad mo, hindi ka na nakikipag-apir. Para tuloy akong batang sutil, hindi marunong sumunod at naturingang inutil. Pawis at luha sa'king mata'y unti-unting nagbubutil-butil; bakit hindi ka muna lumapit, at muli akong tayain? Matataya Maghahabol Madadapa. Hindi na ba tayo bati? Hindi na ba tayo magkakaayos muli? Dahil unti-unti na rin akong namumuhi sa dating napakaaliwalas mong ngiti. Dati'y di ramdam ang pagod pag hinahabol ka’t nanlalambot ang mga tuhod at binti. Ngayon ay parang gusto na lang kitang sipain papalayo. Walang pakialam kung isumbong mo man ako sa mama mo. Sabi kasi ng mama ko, kailangan ko ring alagaan ang sarili ko. Matataya Maghahabol Madadapa Kaya mamaya: bibili ako ng Ice cream na nasa apa. Kasabay na matutunaw ang mga ala-ala. At pangako, isa lang ang bibilhin ko, para sa akin lang; hindi na kita bibigyan. Nek-nek mo, 'di tayo bati.
1 note
·
View note
Quote
May Patay. Panay ang patay sa Tanay, may maghuhugas-kamay mabilis na binuwis ang buhay may magsisinungaling— may magpapatunay na may kamatayan dahil ang tao'y minsang gumawa ng kasalanan. Ang mundo ay Eden, sila'y sina Eba't Adan: napangakuan lang naman ng Ahas. Gradong mataas, tila makinang na alahas, kaya naman kumagat sa prutas at sa puno ng buhay sila'y nangamatay. Sa kabilang dako, may pinaglalamayang sanggol sa aming kanto; bata-bata, ginawa ka lang ba upang masira? Bata-bata, sinong gumawa? Pasmado ba ang banal na palad, manhid at di naaasiwa? May patay; May lamay— kaya may sugarol. May lamay, kaya may alkohol. May patay, kaya may tagapagtanggol. May patay, kaya may buhay na pilit nating tinatakasan.
0 notes
Quote
Wasak ang puso ni Nasty Mak-ata pag-asa, wala na luha, baha na sugatan nagnaknak may nana nalunod sa 'sang basong tubig nasawi sa pag-ibig nadulas sa balat ng banana. Kuwento nating dalawa'y nakatha na. Ngayon ay sugatan na-samurai, na-katana.
—Tagpi-tagping Tugma
#sulatkamay#filipino#hugot#hugot101#hugotpamore#hugotpagibig#hugotpoetry#love#pagibig#tagalog#tagalogtula#tula#mga tula
1 note
·
View note