Mga kinukubling damdamin Na Hindi masabi ng harapan, mga damdaming nasaktan sa pag lisan, mga damdaming di alam kung may kapupuntahan. kaya naman mas pinili Na lamang maglaro ng taguan
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Tsinelas ni Rizal -- A Spoken Word Poetry
Isa sa mga paborito kong storya nung ako ay bata pa ay ang storya ng Tsinelas ni Rizal Na kung saan kayang pinakita ang pag alala sa iba at kayang pag mamahal. Ang kahandaang ibigay ang lahat ng mayroon ka alang alang sa iba. Naisip na dapat pag lumaki ako maging ganoon din ako, handang magbigay , handang mag mahal, handang mag paraya alang alang sa pag laya. Tumakbo ang oras na mas mabilis , parang pagkuha ng pusa sa mismis. Matulin ang agos ng ilog ng buhay patungo sa dapat nitong puntahan. Isa akong Bangka na pumalaot at ginaygay ang karagatan, Di ko inaasahang dadaong ako sa iyong mga palad, Para akong isda na nahuli ng lambat ng iyong mga ngiti Nabingwit ng sima ng iyong mga titig Nanatili ako, nanatili sa islang tinawag kong “tayo” Sa paraiso ng ikaw at ako… Sa tinagal tagal na mag kasama tayo para akong tsinelas mo. Sumasalo ng lahat ng sakit, lahat ng init, iniingatan ka sa matatalim na bato at mga bubog na maaaring sumugat sayo. Ginamit mo ako, hanggang dumating sa punto na pudpod na ako ubos na ubos na di ko na kaya pang salagin ang mga bato na ipinupukol sayo. Dumating sa punto na sa Bangka ng tayo ako nalang yung sumasagwan. Marahil pagod ka na, iniisip ko na baka kailangan mo nang magpahinga. Pero di kalang tumigil sa pag sasagwan, ang mas masakit dito ay bigla mo akong iniwan. Para mo akong nilaglag sa Bangka ng walang life vest. Parang teacher na hindi ititnuro pero inilagay sa test. Noong ipinaanod mo ako papalayo sa piling mo, naalala kong muli ang kwentong kinagisnan ko, ang kwento ng tsinelas ni Rizal. Isnisip ako ba yung kanang paa o kaliwang paa? Ako ba yung nahulog ng di sinasadya o dahil di na kailangan ay tinapon nalang ng bigla. Nag palutang lutang ako nag hihintay na muling pulutin mo, na baka maisipan mong kailangan mo rin pala ako, baka kasi maisip mo na mahalaga din pala ako sayo. Nilumot ako sa ilog na pinagtapunan mo. Sa kakahintay ay rumupok ang puso ko. Ngayon natatakot na ako, kasi naisip ko na baka wala nang magkagustong mag mayari sa isang tulad ko, basa, pudpod, nilulumot, basa, pudpod, nilulumot, basa, pudpod, nilulumot… malungkot… walang pumupulot. Bakit ba kasi hindi na wakasan ang kwento ng tsinelas, tuloy hindi ko alam kung makakahanap ba ako ng kapareha o babalikan mo at pahahalagahan pa. Sa huli ang hiling ko nalang.. Mahal Kung maka kita Kaman Ng ibang Tsinelas Na sukat Sa iyong mga paa Pahalagahan Ingatan Mo sya Dahil alam ko ang pakiramdam ng ginagamit, alam ko ang pakiramdam ng nanghihiram ng iilang saglit. Kung sya may mapudpod at maubos sa pagod, wag mo syang itapon at sa tubig ay ipaalon.
0 notes
Text
Piring --Spoken Word Poetry
Takot. Alinlangan. Walang pag-asa. Lungkot. Pighati. Pag iisa. Binalewala. Naguguluhan. Lumbay. Galit. Pag-ganti. Pinabayaan. Poot. Pagdududa. Isang madilim na gabi isang buwan matapos ang aking kaarawan nakaupo ako sa gilid ng aking higaan nakatulala sa bintana tinatanaw ang buwan at mga bituin iniisip kung hindi kaya sila napapagod sa pagbibigay ng liwanag kahit ang gabi’y sobra nang dilim, sobra nang lunkot, sobra nang lamig, sobra nang takot ang idinudulot sa musmos kong kaisipan. Pumasok ang aking ina sa aking silid Tinanong nya ako, “bakit hindi ka pa natutulog?” Tumingin lang ako sa kayang mga mata Naupo sya na tila alam na ang nais kong sabihin sa kanya Muli syang nag tanong “Gusto mo bang kwentuhan kita?” Nang di pa naririnig ang aking tugon nag simula sya “isang gabi, sa isang panig ng tahanan ay may mag inang alitaptap na limilipad, nakakita ang batang alitaptap ng isang lampara, namangha ito sa liwanag na hatid. Sinabihan sya ng ina na huwag lalapit sa liwanag, paglayo ng ina ay muling lumapit ang alitaptap sa lampara lalong namangha sa liwanag nitong dala. Lumapit ng lumapit ng lumapit at dali’y nasunog ang kaniyang pakpak.” Lumipas ang mga panahon, ilang taon na rin mula sa pagkakataon na iyon. Tila namuhay ako sa dilim ng kahapon, walang tinatanaw na bukas o di kaya nama’y liwanag sa ngayon. Ang musmos kong isipa’y binalot ng ibat ibang emosyon. Na tila mga balaraw na tumatarak sa aking dibdib Sa aking puso, na kung bubuksay walang pag lagyan ang sariwang sugat at pilat Sa mag karanasang tila ayaw ko nang dumilat At muli naalala ko ang kwento ng alitaptap. Napaisip ako, ako ba yung liwanag na sumusunog sa pakpak ng iba, o ako ba yung insektong sumusugod sa liwanag na di ko kaya. Dahil ngayon di na muling bubukas ang pintuan kapag ako’y na iisa. Wala nang magtatanong ng “kamusta kana?” Di na ako maaabala ng mga salitang “bakit gising ka pa?” O di kaya naman’y tanungin kung gusto mo bang kwentohan kita?” Sa pag lipad ko patungo sa liwanag na inaakala ko Sa saya na hinahanap ng puso ko, Natupok ng tuluyan ang ina kong gamogamo. Sa pag pilit na abutin ako, na iligtas sa pagsunog ko sa sarili ko. Muli akong napaisip… ako ba yung liwanag na sumusunog sa pakpak ng iba, o ako ba yung insektong sumusugod sa liwanag na di ko kaya. Na di ko pala kaya… kasi di ko na talaga kaya…. Lumapit ako sa liwanag, Kahit alam kong mahirap, kahit alam kong masakit, kahit alam kong hindi madali. Pero isang bagay ang totoo, ito ang tama at dapat na gawin ko. Dahil alam ko muling darating ang gabi pero sa pagkakataong ito pipiliin ko ang liwanag Dahil sawa na ako, sawa nang mangapa sa dilim, sawa nang manginig sa lamig, sawa nang tiisin ang lukot, ang takot, ang poot,-- ang lukot, ang takot, ang poot, Sawa na ako, ayoko na, ayoko nang maglakad mag isa. Na tila naglalakad sa baha ng walang sapin sa paa. Hindi alam kung may bubog ba sa kalsada o matalim na bato na susugat sa aking paa. Ayoko na… AYAW KO NANG MAGTAMPISAW SA ALA ALA NA AKO LAMANG MAG ISA AYAW KO NANG LUMUSONG SA LUNGKOT AT KAWALANG PAG ASA AYAW KO NANG LUMANGOY SA LUMBAY AT MABALEWALA AYAW KO NANG MALUNOD SA KATOTOHANANG TAKOT NA AKONG MAGTIWALA Dahil minsan pa ayoko nang masaktan, ayoko nang ako ang nililisan. Ayoko nang maiwan sa kadiliman. Na para bang nakipag laro ng taguan Ako na nga itong taya, Nilagyan pa ako ng piring sa mata. Ng piring sa mata… Nag lakad ng may piring sa mata… Ngunit sa pag lalakad ko, paghahanap sa sarili ko, sa aking pag katao na nawala nung akoy iniwan mo. Iba ang natagpuan ko, isang pag ibig, isang pag ibig na higit pa sa sinasabi ng bibig, pagibig na di lumalagpas sa akin ang mga titig. Isang pag tangi na ang mga matay di nakatulala o nakatitig sa buwan mga tala at iniisip bakit kailangan pa nilang liwanagan ang gabi. Kung bakit ang buwan tila sa aki’y naka ngiti, Tila sinasabing may pag asa, may liwanag sa kabila ng dilim na tinamasa. Sa pagkakataong ito, unti unting nalagas ang takot, ang Alinlangan. Ang KaWalang pag-asa. Binasag Lungkot. Pag iisa. Lumbay. Pag babalewala. Hinilom ang kaguluhan. Galit. Pag-ganti. Pagpapabaya. Ibinaon ang Pighati. Poot. Pagdududa. Dahil sa yakap sa bisig ng sa aki’y lumikha Ang ama, ang anak, at ang espirito santong kasama nilang dalawa. Dahil ang pag ibig NYA ay higit pa sa aking inaakala. At ngayon di na ang puso ang simbolo ng pag ibig, kundi ang krus kung saan si Hesus ay nabayubay, namatay at muling nabuhay. At sa huli, kaya ko na uling tumingin sa mga tala at Makita ang pag asa, Makita ang liwanag at pag ibig nya ay mananatili at aking masasabi. “Di ko kailanman pagdududahan ang mga pangkong binitiwan Nya sa akin sa ginta kaliwanagan, dumating man ako sa kadiliman di magbabago ang kanyang katapatan.” Ngayon ako ay lalakad sa kanyang kaliwanagan…
0 notes
Text
Hanggang dito nalang --Spoken Word Poetry
Napaka hilig kong kumanta, napaka hilig kong kumanta – nakapa hilig kong kumanta ng mga awit na masasaya. Mga awit na pag naririnig ng iba iba ay maari sila nitong mapasaya. Dahil naniniwala ako na ang mundo ay bilog na kung ano ang binato mo sa kalawan ay babalik sayo. Kaya gusto ko na makapag pasaya ng iba dahil alam ko na darating ang araw na ako naman ang pasasayahin nila. At dumating ka… kumakanta ng mga himig na pamilyar sa aking tainga. Tumingin ako sayo taimtim na nakinig sa kantang inaawit mo. Para kang sirena sa nga lumang storya na ang sabi pag narinig mo daw ang tinig nila mahuhumaling ka at di kana makakabalik pa. nakuha mo ako. At sinabi ko sa sarili ko na baka ito na, baka ito baka ikaw na ang tuwa na bumalik saakin sa pag bato ko ng ligaya sa iba. Nakilala kita. Nakilala kita at naalala kita kasi mahilig ka ding kumanta. At Minahal kita, minahal kita, minahal kita ng buong puso at kaluluwa. Buong puso at kaluluwa kasama pa ang bulsa, at ATM kong daladala. Ang mga araw na kasama kita ang pinaka Masaya dahil wala tayong ginawa kundi kumanta. Kumanta ng paboritong awit na sinulat nating dalawa. Para tayong si ebony and ivory sa kanta kasi we live together in perfect harmony diba Para tayong dalawang nota na nahanap ang kapareha. Para tayong mga nota na nag blend sa isat isa. Mga betlog na di mapaghihiwalay dahil tayong dalawa ang bagay. Sa tagal nating magkasama akala ko ay habangbuhay na, akala ko ay magkakaroon na tayo ng mga maliliit na ako at maliliit na ikaw. Ngunit saan ka nagpunta? Sumama ka sa aking ka banda! Saan na punta ang mga pangako, saan napunta ang mga pagsuyo? Saan na na nagtungo ang ikaw at ako. Nanatili ako sa iyong pag layo naghintay at umasang ang mga paa mo’y maliligaw pabalik sa piling ko. Sinabi ko sa sarili kong di ako susuko. Nagpanggap na ako yung sinasabi ng kanta ng the script na the man who cant be moved. Naniwala ako sa hiniling ko sa bulalakaw. Na aking nais makasama habangbuhay ay ikaw. Ang buong akala ko ay habang buhay ang awit. Ang akala ko ay dadalin ko hanggang langit. Kay haba pa sana ng kanta, pero tumigil ka. Ngayon tumigil ako sa pag kanta. Kinalimutan ang bawat nota, ang bawat tipa na datiy nakapagpapasaya ng iba. Kinalimutan ko na. At ang tangi kong hiling sanay makalimutan nadin kita. Pakiusap ko lang tumigil kana sa pag takbo sa isip ko. Di kana pwedeng mag tago ditto. Dahil ngayon di na ang mga bisig ko ang kanlungan mo. Di na ang mga balikat ko ang sandalan mo, hindi na ang tinig ko ang minamahal mo. Pagkat ikaw ay pag mamamay ari na ng ibang tao.
1 note
·
View note