Ang tumblr account na ito ay naglalaman ng mga panunuri sa pelikulang "Pan's Labyrinth" na ginawa ng mga mag-aaral ng LitFil102 sa pangangasiwa ni G. Alvin Ringgo C. Reyes.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Pan’s Labyrinth: Isang panunuring pampelikula ni Christine Angeline B. Reyes (2FM)
I. PANIMULA
Ang palabas na ito ay hango mula sa Espanya na may orihinal na pamagat na, "El Labirinto del Fauno". Ito'y nakaayon sa taong 1944 kung saan may nagaganap na matinding digmaan sa Espanya. Ang naturang palabas ay pinangunahan ni Direktor Guillermo del Toro at ipinahayag ito sa publiko taong 2006.
Unang ipinakita ang isang batang babae (Ofelia) na duguang nakaratay sa tila sementadong papag (labirinto). Tumutulo ang dugo sa kanyang ilong at kamay; masasabing sa mga oras na iyon siya'y naghahabol sa kanyang huling hininga; mayroon ding maririnig na isang babaeng naghehele; at habang ang mga manonood ay nagtataka kung bakit iyon ang nangyari sa bata at kung bakit may naghehele at ganoon na lamang ang simula ng palabas, unti-unting bumabalik ang dugo sa kanyang ilong at ipinopokus naman ang camera sa kanyang kaliwang mata --hudyat na magsisimula na ang palabas at ang kuwento'y nagmula sa kanyang pananaw.
Sa ipinakitang panimula, ang estilong foreshadowing o ang pagbibigay ng palatandaan ng dulong bahagi ang ginamit. Marahil, kaya ito naisip ng direktor ay upang makakuha ng malakas na atensiyon sapagkat magiging interesado ang mga manonood sa kaiisip kung ano at bakit ito nangyari.
*Ang foreshadowing na ito ay hindi lamang isang paraan upang mabigyan ng arte ang palabas. Subaybayan ang paliwanag na ito sa parte ng "General Criticism."
II. Buod ng Kuwento
Si Ofelia, isang batang babae na mahilig magbasa at mayroong malawak na imahinasyon, ay nagpunta sa kampo ng kanyang bagong amain kasama ang kanyang ina, si Carmen, na buntis at may sakit. Bago pa man matumpok ang kanilang pupuntahan, napahinto ang kanilang sinasakyan dahil sa dinaramdam ng kanyang ina, at habang tinutulungan ang kanyang ina ng mga guwardiya, siya'y nag-ikot-ikot muna sa kagubatan hanggang siya'y makapulot ng kapirasong bato, ibinalik sa nakitang monumento, at lumabas ang isang insekto . Mula doon, nagsimula ang kanyang pantasyang paglalakbay sa labirinto; nagkatawang-tao ang insekto at dinala siya sa loob nito kasabay ng pagpapakilala kay Pan, isang engkanto na mukhang kambing na nagsabi sa kanyang siya'y isang prinsesang imortal at nangangakong makikita niya ang tunay niyang pamilya kung matutupad niya ang tatlong misyon bago bumilog ang buwan. Samantala, ang kanyang bagong amain na si Kapitan Vidal, isang malupit at walang-awang kapitan na hindi naniniwala sa mga diwata't majika, ay abala sa pagpaplano kung papaano pugsain ang kabilang kampo: ang hukbo kung saan kabilang ang kapatid ni Mercedes, ang utusan ni Kapitan Vidal na nagpapaalipin upang makita ang kanyang mga gawi at nang sa ganon ay maibahagi niya sa pinapanigang kampo. Kakampi ni Mercedes ang doktor ng hukbong Vidal, na nagbibigay ng gamot kay Carmen at kasama sa pagpaplanong pagtakas ni Mercedes sa malupit na kapitan. Ilang araw pa ang lumipas, si Carmen ay malubha na sa kanyang sakit, kalauna'y nanganak ng isang batang lalaki at saka namatay. Doon nagsimula ang pagkatakot ni Ofelia na siya'y pagmamalupitan ng kanyang amain, kaya't nagmakaawa siya na sumama na lamang kay Mercedes, ngunit hindi ito natuloy dahil nahuli sila ni kapitan at sa kanyang huling misyon: kailangan niyang makuha ang kanyang kapatid mula sa silid ng kanyang amain at dalhin ito sa labirinto kung saan naghihintay ang pan para gawing alay ang dugo ng isang inosente . Nagtagumpay naman ang pagkuha ni Ofelia sa kanyang kapatid, ngunit nakita ito ng kapitan at hinabol niya ito hanggang sa kailaliman ng labirinto . Nang umayaw si Ofelia na maging alay ang kanyang kapatid at tanggapin na lamang ang pagiging mortal, nahabol siya ng kapitan; kinuha ang kanyang kapatid, at siya'y binaril. Paglabas ng labirinto, si Kapitan Vidal ay nawalan na ng kasapi at napaliligiran na siya ng kalaban, kaya't isinuko na lamang niya ang sanggol kay Mercedes, at siya rin ay namatay.
III. Paglalarawan - Pagsusuri
A. Mise-en-scène
Ang naturang tagpuan ay maayos at naangkop para sa dalawang panig: kagubatan. Dahil kagubatan ang naging pangunahing tagpuan, nababagay rin ang paglalagay ng labirinto at mga engkantong nakatira sa kalikasan. Kung pag-uusapan ang kasangkapan, mula sa babasaging baso hanggang sa bahay at baril, lahat ng ito ay naaangkop din dahil ipinakita na sa kagamitan pa lang ay malalaman na kung sino ang may-kaya at kung sino ang hindi.
Ang mga prostetiks at kolorete na ginawa ay makatotohanang tingnan; lalo na ang mga tama sa mukha; ang eksenang nakagapos na kalaban; ang paghiwa sa bibig ni Kapitan Vidal; at ang mga engkatong katulad ng pan at ng pale man.
Ang ilan sa mga tradisyon na naipakita, katulad ng pagkuha ng pagkain sa mesa, ang paggalang sa tao kapag aalis sa hapagkainan, at ang paghingi ng permiso kapag may nais sabihin sa kapitan ay nasunod mula sa tradisyon noong 1944.
Ang mga karakter na gumanap ay mga kapwa espanyol din. Narito ang ilan sa kanila:
Ivan Baquero bilang si Ofelia Ariadna Gil bilang si Carmen Sergi Lopez bilang si Kapitan Vidal Maribel Verdu bilang si Mercedes Alex Angulo bilang si Dr. Ferreiro Roger Casamajor bilang si Pedro
MGA SIMBOLONG NAKITA
Kapangyarihan ng kalalakihan kaysa sa kababaihan
Si Carmen- makikita na mula't sapul ay mayroon na siyang malubhang sakit, isang tanda na mahina o walang women empowerment; maari rin na kulang ang pagmamahal na naibibigay ng kanyang asawa sa kanya at sa kanyang anak (na kitang kita naman sa buong pelikula). (Gayundin ang pagiging sunud-sunuran ni Mercedes at ang kanyang mga kasama)
Estado sa lipunan
Ang nasa mababang antas gaya ng mga utusan ng kapitan at ang kalaban nito ay desperadong makalaya mula sa hindi patas na karapatan sa kanilang bayan. Isang patunay na sila ay mahirap ay ang kanilang kasuotan na walang ispesipikong uniporme at ang kanilang armas na marahil dating ginagamit sa pangangaso. Isa pang patunay ay yung dinadalhan sila ng pagkain ni Mercedes at kumuha ulit sila nito sa silid na pinagtataguan ng mga gamit. Masasabi ko namang kabilang sa gitnang uri ang mag-ina dahil matino-tino at nag-iiba naman ang kanilang kasuotan habang ang kapitan at ang kanyang hukbo ay higit na nakaaangat sa dalawang nauna sapagkat mayroon silang magandang uniporme, kumpleto sa armas, may pinagtataguang pagkain para sa kanilang sarili, at nakikihalubilo pa sa mga pari --isang pahiwatig na sa mga panahong iyon, tanging mga may-kaya lamang ang maaring makisama sa mga may kapangyarihan.
Pagiging makasarili, praktikal, at 'makatotohanan'
Ang pamumuno ni Kapitan Vidal ay sagisag ng diktaturya sa panahong iyon; mataas ang tingin sa sarili; isang diktador na kayang talikuran ang lahat kahit ang kanyang asawa para sa kanyang pansariling layunin. May ilang parte sa pelikula na nagpapatunay na siya'y makasarili: Mas inaasikaso niya ang kanyang relo, na sumisimbolong "How a brave man die" (at isa pang simbolo na ang lahat ng materyal na bagay sa mundo ay pansamantala lamang); ang isang eksena na siya'y nag-aahit at naisipan niyang gumawa ng laslas sa salamin ngunit hindi ito nangyari ay isang simbolo na siya'y naghahangad na maging imortal (nakatutok sa camera ang repleksiyon niya sa salamin habang ginagawa niya ito at tila inayos ang anggulong ito sa paraang para niyang hihiwain ang kanyang leeg); ang palagian niyang pag-aayos sa sarili at pag-iinom ng alak kaysa sa pagkumusta at pagdalaw sa silid ng mag-ina; habol lamang niya sa kanyang asawa ay ang batang lalaki sa kanyang sinapupunan para may pagmamanahan siya. Nasuportahan pa ang kanyang layunin nang magkausap sila ng doktor at sinabi niya nang walang pag-aalinlangan na kung darating man ang paghahatol sa pagitan ng asawa at anak ay isalba ang bata sa sinapupunan. Taliwas sa personalidad ni Ofelia, hindi siya naniniwala sa mala-pantasyang mundo, na kahit ang pag-ibig para sa kapwa ay hindi niya kayang gampanan. (Hindi niya nakikita ang pan habang kinakausap nito si Ofelia.) Katulad ng ibang mamamayan sa panahong iyon, masyado silang naantig sa paghihiganti at pagpaplano sa pagkamit ng kalayaan na hindi nila naiisip ang tunay na kalayaan: ang pag-iibigan sa isa't isa.
Ang Lottery Ticket at ang Antibiotika
Unang nakita ang isang kahon na ipinasa ng doktor kay Mercedes at kalauna'y ibinigay sa panig ng kanyang kapatid. Ito pala'y naglalaman ng isang antibiotikang nakalagay sa isang maliit na lalagyanan. Nakita na naman ulit ang nasabing kahon na naglalaman ng anibiotika nang makita ni Kapitan Vidal ang pinagmumulan ng siga sa gitna ng kagubatan, kasama ng isang lottery ticket. Ang siga at ang mga nakita sa sigang iyon ang tanda na nagsisimula na silang kumibo para sa kanilang karapatan: nagbababala na silang mawawala ang swerte o luho (lottery ticket) ng kanilang kalaban (pamahalaan) sa pamamagitan ng kanilang mga masasamang balakid (antibiotika).
Si Ofelia at ang kanyang kapatid
Si Ofelia ay sagisag ng kabataang nabuhay at namulat sa digmaan, at sa darating na bagong henerasyon (ang kanyang kapatid) ay ikinuwento niya na sila'y minsang nangarap, at kung sakaling hindi man nila matupad ang pangarap na iyon sa kanilang panahon, silang susunod na henerasyon ang tutupad para sa kanila.
Ang Labirinto
Ayon sa mitolohiya, ginagamit ang labirinto para magsagawa ng initiation, ngunit sa pelikulang ito makikita na ang labirinto ay simobolo ng paghahanap natin ng kalayaan at katotohanan, at sa patuloy na paghahanap, handa nating isuko at gawing alay ang ating mga sarili.
Si Ofelia at ang eksena kasama ang Pale Man
Maalala na ang Pale Man ay nakaupo sa kabisera ng hapagkainan, hindi kumibo mula noong kinuha ni Ofelia ang platito na naglalaman ng kanyang mga mata hanggang makuha niya ang maliit na espada, ngunit kumibo lamang ito nang maramdaman niyang may kumakain; agad niyang inilagay ang mga mata sa kanyang mga kamay at nagsimulang hanapin kung sino ang hangal na iyon dahil kakainin niya ito.
Sa ipinakitang pagtatagpo, ang pale man ang simbolo ng mga kinauukulan sa panahong iyon, at ang mga nakahaing pagkain sa mesa ay ang kanyang kayamanan, kaya naman nang pumitas si Ofelia ng isang pirasong ubas ay saka lamang siya gumalaw --ibig sabihin, kung titingnan sa konteksto ng pamahalaan, masasabing nagbubulag-bulagan ang mga nakaupo sa naghihirap nilang mamamayan pero bukas na bukas ang kanilang mata sa kung sinuman ang mangangahas na kumuha sa kanilang ari-arian. (Kaya rin nasa kamay nakalagay ang mata ng pale man dahil ang tanging nakikita lamang nito ay ang kanyang mga nahahawakan: kayamanan at kapangyarihan.)
Si Ofelia at ang pantasyang paglalakbay
Mahahalata na produkto lamang ng kanyang imahinasyon ang buong paglalakbay niya sa labirinto, at kung pag-aaralan ang sikolohiya, ang bata na naasiwa sa kanyang kapaligiran ay hahanap ng paraan upang siya'y makatakas dito, at iyon ay ang kanyang paglalakbay.
Sa kanyang imahinasyon, kapwa kontrolado at hindi niya kontrolado ang mga naganap. Ang hindi niya kontrolado ay ang pagsasagawa sa tatlong gawain habang ang ilan sa mga eksenang kontrolado niya ay ang pagkain ng masarap na ubas nang matapos niyang kunin ang maliit na espada; ang pagkaroon niya ng isa pang pagkakataon upang magampanan ang huling gawain; at ang makita niya na siya ay malaya na at isa pang prinsesa kasama ang kanyang pamilya.
B. Sinematograpiya
Ang pagkakaanggulo sa buong palabas ay naiikot lamang sa: Extreme Long Shot para sa pagpapakita ng lugar lalo na ang labirinto; ang Extreme Close-Up para sa emosyon ng mga tauhan, lalo na sina Ofelia, Mercedes, at ang kapitan; ang Dynamic Composition na naipapakita tuwing may labanan at pagkakagulo; at ang Selective Focus para sa mga detalye sa kuwento na nilalapatan ng simbolo, tulad ng sa antibiotika at mandrake. Sa kabuuan, angkop naman ang mga pagkakaanggulo ngunit mas magiging kapana-panabik ang ilang mga eksena kung ito ay nakaayon sa paraang Telephoto, tulad ng mga eksenang nasa loob ng labirinto, maaring habang nasa loob si Ofelia sa puno o 'di kaya'y habang hinahanap ni Ofelia ang pinagmumulan ng ingay sa kanilang silid sa unang bahagi ng palabas.
C. Editing
May ilang bahagi sa pelikula na nakapagbibigay ng catharsis dahil nagmumukha itong makatotohanan para sa mga manonood. Halimbawa, ang eksena ng duguang kalaban na walang-awang minomolestiya ni kapitan habang siya'y nakagapos at ang paghaharap ni Mercedes at ng kapitan, lalo na yung parteng hiniwa niya ang kanang bahagi ng bibig ni Kapitan Vidal. Ang pelikula ay magkahalong pantasya at realidad, ngunit may mga bahagi rin sa pelikula na 'kulang pa sa pagkakatimpla'; may mga eksenang hindi mo mawawari kung ito nga ba ay mukha pa rin bang makatotohanan o sadyang nasobrahan na sa pagkaka-edit. Halimbawa, ang madalas na fairy dust; kahit nasa kagubatan at wala namang pantasyang eksenang nagaganap ay naroroon pa rin; ang pagluwa ng malaking palaka sa kulay dilaw nitong 'suka', may kaunting dapat baguhin, isama na ang anggulo nito na parang hindi makatotohanan; at ang pagbaril sa mukha ng kapitan, ang pag-iiba ng hugis ng mukha partikular na sa kaliwang bahagi na kitang kita ang pagkalusaw sa kanyang mata ay hindi rin gaanong kapani-paniwala. Samantala, kung tatanungin tungkol sa kabuuang liwanag ay masyado naman sa pagkadilim bagama't mayroong nais ipahiwatig ang direktor at ang pagkakasunud-sunod naman ay ito'y nagtuluy-tuloy bagama't sa simula ay gumamit ng foreshadowing upang magkaroon ng ideya ang mga manonood sa dulo ng kuwento.
D. Tunog/Musika
Habang ako ay nanonood ay hindi naman gaanong nasobrahan sa paglalagay ng non-diegetic na mga tunog; ang mga tunog na ito ay ginamit upang mas magkaroon ng intensidad ang eksena at mabigyan ng importansya. Isang halimbawa nito ay ang muling pagbuklat ng mahiwagang libro ni Ofelia at bumungad sa kanya ang pagkalat ng dugo na may halong boses ng babaeng sumisigaw. Samantala, mas nanaig pa rin ang paggamit ng diegetic na tunog kagaya ng eksenang barilan.
E. General Criticism
Matapos ko itong mapanood, narito ang mga kapansin-pansing tema sa kabuuan:
1. Naipakita na ang pamahalaan noong panahong iyon ay nasa diktaturyal (fascist) na anyo; 2. Ang pagbibigay-diin sa feminismo; 3. Ang namamayaning suliraning panlipunan dulot ng diktaturyal; at *4. Nasangkot din ang isang allegory na nais ipabatid sa ating mga manonood; nakita ito sa una at huling bahagi ng palabas; ito rin ang saysay kung bakit nilagyan ng foreshadowing ang nasabing allegory: na tayo'y isinilang ng Maykapal na inosente at upang makabalik muli sa kanya ay kailangan nating bumalik sa pagiging inosente. Sa kaso ni Ofelia, ang kanyang huling misyon ay ibigay ang kanyang kapatid dahil ito'y sanggol at masasabing inosente pa lamang, ngunit hindi siya nagpaaninag sa sinabi ng pan na maliit na sugat lamang ang makukuha ng kanyang kapatid dahil para sa kanya, maliit man o malaki, wala siyang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ang kanyang kapatid kaya't ibinigay na lamang niya kung saan siya sigurado: ang kanyang sarili. Ipinakita ni Ofelia na ang tunay na sakripisyo ay hindi yung tinanggap mo na wala na ang iyong ari-arian, kundi ang sarili mong minsan nang nangarap at lumaban. Ito ang tunay na nagwagi; hindi nangangailangan ng isang inosente upang takpan ang anumang kasalanan na ating ginawa, sapat na ang pag-alay sa ating sarili upang matugunan ito.
IV. KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Nagustuhan ko ang pelikula. Ang musikang inilapat ay madrama at nababagay para sa namamayaning emosyon noong panahong iyon gayundin ang kanilang buhay bagama't ipinahayag ito sa paraang makukuha rin ng mga tineyder (young adults). Para itong Alice in Wonderland sa mas malalim na konteksto; makatotohanan, at naangkop sa pagpapakita ng kasaysayan. Sa totoo lang, may dalawang dahilan kung bakit nilagyan ng pantasya ang madugong katotohanan: sapagkat para maunawaang mabuti ng mga bata na hindi lahat ng wakas ay kailangang buhay ang bida, na hindi natatapos ang aral kapag namatay na ito, dahil ang tunay na aral ay ang kakintalang mensahe na naibahagi sa atin, na bilang manonood ay dapat nating isabuhay kung anuman ang ating natutunan. At para maunawaan ng mga nakatatanda (lalo na ang mga taong subsob sa pagtatrabaho at abala sa pagpapayaman) na hindi lahat ng majika ay nasa imahinasyon lamang, madalas itong nasa paligid, at nag-aantay lamang na mapakilos tao, gaya ng pag-iibigan.
0 notes
Text
MAGANDANG PELIKULA
PAN’S LABYRINTH
2006
GUILLERMO DEL TORO
Jayvee P. Distajo 2FM
I. Panimula
Ang pelikula na pinanuod sa amin ay pinamagatang “Pan’s Labyrinth “. Tungkol saan nga ba ang storya at ano ang storyang ito ? Ang Pan’s Labyrinth ( El Laberinto del Fauno ) ay isang pelikulkang Espanyol hango sa pagsusulat ni Guillermo del Toro na siya rin ang direktor. Pinalabas ito noong taong 2006 sa Amerika at mabilisang nang sumikat at kumita ng limpak-limpak na pera. Ang istorya ay naganap sa Espanya noong Mayo-Hunyo 1944, limang taon matapos ang Spanish Civil War. Ang mga pangunahing artistang gumanap ay sina Ivana Baquero bilang si Ofelia/ Prinsesa Moanna. Isa siyang batang naniniwala sa fairy tales. Si Sergi Lopez naman ay si Kapitan Vidal, bagong amain ni Ofelia. Siya ang pangunahing antagonista sa istorya. Siya ay strikto at isang psychopath. Si Ariadna Gil ay gumanap bilang Carmen. Siya ang nanay ni Ofelia at asawa ni Vidal. Gumanap din siya bilang reyna ng underworld. Ang gumanap naman bilang Mercedes ay si Maribel Verdun na kasambahay ni Vidal. Mahalaga ang naging ganap niya sa pelikula dahil siya ay isang tauhan may rebelasyon. At ang huling mahalagang tauhan sa pelikula ay si Doug Jones bilang “Faun”. Isa siyang kakaibang nilalang na anyong puno. Nagsimula ang palabas sa tinatawag na foreshadowing sapagkat ipinakita doon ang isang eksenang makikita sa hulihan ng pelikula. Mapapansin ang batang babae na nakahiga at duguan. Naramdaman din ng bata na may kakaiba simula noong makita niya ang insekto. Pinapakita naman sa istorya na mahilig magbasa ang bata paraan para makawala siya sa katotohanan ng buhay niya kasama ang kanyang pangalawang ama sa panahon ng digmaang sibil sa Espanya. Nakikita mo rin sa istorya na to na gumawa sila ng twist na magpapagulo sa isip ng mga nanunuod kung paano ito magiging makabuluhan.
II. Buod ng Kwento
Nagsimula ang storya noong may nagaganap na digmaang sibil sa espanya. si Ofelia at ang kanyang nanay na si Carmen ay lumabas sa isang tumirik na sasakyan. Doon nakita ni Ofelia ang isang tipaklong na nagkaroon ng isang simbolismo. Si Kapitan Vidal ay dali-daling sumalubong sa mag-ina nang dumating ito sa kaniyang lugar. Halatang hindi gusto ni Kapitan Vidal si Ofelia dahil hindi naman niya ito tunay na anak. Habang natutulog si Ofelia ay dumapo ang tipaklong na nakita niya nung papunta siya sa lugar ni Kapitan Vidal, bigla itong nagpalit ng anyo. Pagkatapos ay pinasunod ng tipaklong si Ofelia sa labyrinth o isang lugar na may nakakalitong daan. Sa pinakababa ay nakilala ni Ofelia si Faun na tagapagbantay ng lugar na iyon, binigay niya ang isang blankong libro. Kailangang mapagtagumpayan ni Ofelia ang mga hamon na ibinigay ni Faun upang makabalik siya sa mundo ng pantasya na kung saan siya ay prinsesa. Ang unang hamon ay kuhanin ang susi sa ilalim ng puno ngunit nasa may malaking palaka ito. Nag aalala si Ofelia sa lumalalang sakit ng kanyang ina kaya binigyan siya ni Faun ng Mandrake root na pinaniniwalaan niyang magpapagaling sa kanyang ina. Nakumpleto ni Ofelia ang ikalawang pagsubok kasama ang tatlong diwata ngunit kahit na pinagbabawalan siya ng mga diwata na kumain, kinain niya pa rin ang dalawang ubas na gumising sa isang nakakatakot na nilalang at nakain ang dalawang diwatang kasama niya. Nakatakas si Ofelia ngunit nagalit sakanya si Faun dahil sa kanyang pagiging pasaway at hindi binigay sakanya ang huling pagsubok. Samantala, pinapahirapan ni Kapitan Vidal ang nahuling rebelde at pinatay si Doktor Ferreiro – isa sa mga rebelde. Nahuli ni Kapitan Vidal si Ofelia sa ilalim ng kama na inaayos ang mandrake root, nagising si Carmen at itinapon ito sa apoy pagkatapos ay naramdaman ni Carmen ang pagsakit ng kanyang tiyan at namatay habang nanganganak. Nahuli ni Kapitan Vidal na espiya si Mercedes kaya pinahirapan siya at si Ofelia naman ay kinulong sa kanyang kwarto, ngunit nasaksak ni Mercedes ang katawan at mukha ni Kapitan Vidal at siya ay umalis at sumama ulit sa mga rebelde. Samantala, bumalik si Faun kay Ofelia at sinabing dalhin ang kanyang lalaking kapatid sa labyrinth kaya ginawa ito ni Ofelia at matagumpay niyang naidala ang kanyang kapatid ngunit nasundan sila ni Kapitan Vidal. Inutusan ni Faun na buksan ni Ofelia ang lagusan papuntang underworld sa pamamagitan ng pagsakripisyo ng dugo ng kanyang nakababatang kapatid ngunit tumanggi si Ofelia. Nagalit si Faun at iniwan si Ofelia at natagpuan ni Kapitan Vidal si Ofelia na nakikipag usap sa mga guniguni nito. Kinuha ni Kapitan Vidal ang kanyang anak at binaril si Ofelia; pagkatapos, noong malapit na si Kapitan Vidal sa pasukan ng labyrinth ay napapalibutan na siya ng mga rebelde. Binaril ng mga rebelde si Kapitan Vidal,at pumasok si Mercedes sa loob ng labyrinth na nakita niya si Ofelia na mamamatay na. Bigla na lang lumitaw si Ofelia sa isang ginintuang trono at inaya ng reyna na umupo si Ofelia sa tabi niya. Sa mga naganap habang kanyang ginagawa ang mga pagsubok, unti-unti nang nagdulot ito ng resulta na maghahatid sa kanya sa lugar na minsan niya ng naisip at pinangarap. Sa pagwawakas, bumalik ang eksena sa labyrinth na kung saan ngumiti si Ofelia at namatay.
III. Paglalarawan/Pagsusuri
Bilang paglalarawan o pagsusuri magiging tapat ako kasi sa totoo lang na boring ako sa umpisa pero nung pinakikinggan at pinapanuod ko ng mabuti sabi ko sa sarili ko siguro nasa kalagitnaan at dulo ang mga magagandang scene dito hindi nga ako binigo ng storyang ito dahil tumutok ako dito kahit yung ibang scene dito ay nakakadiri at hindi para sa mga kabataan ang pelikula na ito. Masasabi ko namang natural ang mga ibang tagpuan dito katulad ng kagubatan at bahay pero ung bandang huli lang yung hindi ako naniniwala na natural lang kasi ito’y kumikinang at mahiwaga. Ang labanan ay maayos naipakita sa pelikula at ang tagpuan ay may malaking kinalaman sa bansang Espanya kung saan talaga may naganap na Civil War. Ang mga kagamitan na ginamit ay mga bagay na makikita sa panahon ng labanan katulad ng mga baril. Ang mga pananamit ay tugma sa panahon at antas sa buhay, at lugar ng mga karakter. Ang pelikula ay nagpakita ng mga cinematography katulad ng selective focus at extreme close up sa paglapit sa mga mukha ng karakter ng kamera upang maipakita ang mga expression nila at maipahatid sa mga manonood ang kanilang mga emosyon katulad ng takot, saya at lungkot at iparamdam ang kadiliman at malamig na panahon sa araw ng labanan o Civil War. Ang tunog na ginamit sa pelikula ay diagetic at non diagetic. Diagetic dahil natural o orihinal na mga tunog ang pinakita sa pelikula katulad ng mga eksena na pagsabog at ang pagputok ng mga baril at ang pagkanta ni Mercedes kay Ofelia. Non diagetic naman dahil nagkaroon ng mga tunog na hindi natural o katulad ng mga kapanapanabik na tunog habang hinahabol si Ofelia ng Pale Man at ng hinahabol naman si Mercedes ng mga tauhan ni Kapitan Vidal. Nakabuo rin ito ng catharsis. Sa kabuuan maganda ang istorya at super ganda ng mga effects dito kahit ako’y natakot at naboring pero worth it naman sa dulo dahil napaganda nitong pelikula na ito.
IV. Kongklusyon/Rekomendasyon
Ang masasabi ko lang sa pelikulang ito ay sobrang ganda marunong silang magbalanse ng scene dahil naboring talaga ako sa umpisa pero nung bandang gitna at dulo na dun ako naganahan manuod. Yung mga tagpuan nila magaganda naman tama lang sa mga scene sa pelikula. Yung mga karakter napakahusay nabigyang justice nila ang kanilang role. Yung gustong iparamdam at ipahiwatig ng istoryang ito sa panahon ng civil war naipakita naman nila. Ang pelikula ay nagpakita ng panlipunan na naranasan ng mga tao sa panahon na ito, Ang panahon ng civil war nagkaroon ng kakulangan sa pagkain ang mga tao at maraming naging rebelde sa pamahalaan at karaniwan sa mga tao ay naging katulad ni Ofelia may takot at gumawa ng paraan upang makatakas sa katotohanan. Dapat lahat ng tao o karamihan ng tao sa bansang ito ay katulad ni Ofelia na dapat ipaglaban ang katotohanan dahil dun tayo makakalaya hindi nabubulag tayo sa katotohanan kaya hindi umuunlad ang Pilipinas kasi hindi natin minumulat an gating kaisipan sa mga wastong bagay. Gusto ko irekomenda ang storyang ito sa mga katulad kong guro sa hinaharap at mga guro rin ngayon para malaman ng mga estudyante na kanilang tinuruan ang gawin kung anong mas makakabuti sa kanila dahil ang pelikula na ito ang masisilbing instrumento o inspirasyon nila sa kanilang tatahakin sa buhay. Katulad ko parang naliwanagan na ako sa aking pag iisip na masama ang pagtapon o hindi pag ubos ng pagkain dahil base nga sa pelikula na ito maraming tao ang hindi kumakain. Dapat magpasalamat tayo sa Diyos dahil may kinakain tayo hindi katulad sa pelikula na ito. Sa kabuuan naman nagpakita ang pelikula na ito ng kahusayan sa bawat karakter na ginagampanan. Ito ang gustong gusto ko pag nanunuod ako ng pelikula dapat nabibigyang ganda ang pag aarte ng isang tauhan.
o� qʰd
0 notes
Text
Pan’s Labyrinth
Rainald Alba
Ang pelikula na pinamagatang “Pan’s Labyrinth” ay sinadya hindi para sa mga bata ngunit para sa mga matatanda. Ito ay rated R. Ang mga kabataan ngayon ay maaring mahanap ang palabas na ito na maganda at nakakakuha talaga ng atensyon. Ngunit ito ay isang marahas na palabas tulad lamang ng ilang mga bidyo geyms. Ang “Pan’s Labyrinth” ay isang naratibong kwento kung saan para kang nasa loob ng isang “maze”. Nasabi kong para itong “maze” dahil sa loob ng palabas na ito ay may samu’t saring mga maliliit na kwento kung saan ang karakter na si Eddy ay kung saan saan na lamang sumusulpot. Siya ay parang nawawalang bata na kung saan saang parte na siya ng kwento napupunta. Ang istorya sa pelikula na ito ay naganap sa Esapnya, 1944. Kung saan may mga matatapang na mga mandirigma na lumusob sa kahuyan at kabundukan sa paglalakbay at pangangarap na matalo at mawakasan na nila ang kahagupitan ni Franco. Bago pa man tayo makakuha ng ideya sa istroyang ito, bigla bigla na lamang mayroong nagparinig ng boses. Ang boses na iyo ay ang kay Pan (isang pangalan na ang hangin at ang mga puno lamang ang makakapagpabigkas). Sinabi ni Pan ang patungkol sa isang patay na na prinsesa kung saan ang kanyang amang hari ay naghihintay sa kanyang pagbabalik ngunit sa ibang anyo na. Hinihintay siya ng kanyang amang hari na muli nang bumalik ang prinsesa sa kaniyang karapatdapat na kinaroroonan at masamahan na niya siya ulit sa tabi niya sa kaniyang trono. Sa unang minuto ng palabas ay napunta tayo sa mundo ni Ofelia. Si Ofelia, isang labing-isang taong gulang na bata, na noong panahon na iyon ay lumalakbay kasama ng kaniya ina na nagdadalang tao na si Carmen patungo sa isang matandang ipunan ng tubig sa kagubatan. Habang papunta sila’y ang step-dad ni Ofelia na si Capitan Vidal ay inutusan ang isang grupo ng mga sundalo. Sa kabilang bahay lamang ay isang “Lybirinth”. Ang “labyrinth” ay isang lugar kung saan nakakalito at para bang nawawala ka kahit san ka magpunta. Sa gabi ng kanilang pagdating si Ofelia ay takot na takot na kumakapit kay Carmen habang ang kanyang nakababatang kapatid ay walang pagod na sinisipa ang tiyan ng kanyang nanay. Si carmen ay hinilingan si Ofelia na kwentuhan ng isang istorya ang kanyang kapatid para silang lahat ay ma-kalma. Si Ofelia ay agad na isinandal ang kaniya ulo sa tiyan ng kanyang nanay, dito ipinakita sa pelikula na ang fetus ay tila umiilaw at nagkakaron ng liwanag. Ang kwento ni Ofelia ay patungkol sa isang napakadalang at napakaganda na isang asul na rosas na bumubusilak lamang kapag gabi. Ito daw ay tumubo sa tuktok ng isang bundok. Ito din daw ay napapalibutan ng maraming mganakakalason na nakakatusok kung kaya’t mas naging misteryoso ang dating ng bulaklak. Isang insekto na parang mantis ay parang lumiwanag sa likod ng pangyayari. Itong napakagandang pangyayari na ito ay magsisilbing maliit na bahagi ng kwento subali’t ito ay para naring katulad ng punto ng buong storya. Ito’y mahirap unawain ngunit ito ay ka-aya aya. Palabas pasok ang tema ng kwento sa isang realidad at sa isang pantasyang pagiisip. Magnda ang konsepto ng pelikula na ito. Ang lahat ng mga aswang o mga nilalang na kakaiba doon ay lahat galing s aimahinasyon ng isang batang babae. Si Pan ay isang nilalang na mayroong ulo ng kambing at katawan ng isang puno. Si Pan ay naniniwala na si Ofelia ang nawawalang prinsesa kung kaya’t binibigyan niya ng maraming pagsubok si Ofelia upang sagayon ay mapatunayan niya na si Ofelia nga ang namatay at nabuhay na na prinsesa. Maganda ang naging mga epekto ng mga biswal na disenyo sa pelikula. Nagustuhan ko ang pelikulang ito hindi lang dahil sa maganda ang kalidad ng mismong mga bidyo, ngunit dahil din sa misteryosong nakakaintriga na kwento.
0 notes
Text
PAN’S LABYRINTH
Mendoza, Justine Camil T. 2FM
I. Panimula
Ang Pelikulang “Pan’s Labyrinth” ay nagpakita ng foreshadowing dahil ipinakita sa simula ng pelikula ang hinaharap na mangyayari sa bida na si Ofelia at ang foreshadowing ay nagpapakita sa simula ng mga pangyayari sa hinaharap upang magkaroon ng kaalaman ang mga manonood sa palabas at iparamdam ang pananabik sa mga manonood. Sa simula ng pelikula nakahiga si Ofelia mayroong tumutulong dugo sa kaniyang ilong habang tumutugtog ang lullaby na kanta at nang may nagsalita upang ikwento ang buhay ni Ofelia ang dugo na tumutulo sa ilong niya ay bumalik. Sa simula ng kwento ipinakita o ipinahihiwatig na ang magiging takbo ng pelikula at ito ay ang buhay ni Ofelia at ang magiging hinaharap niya na kamatayan. Pinakita sa pelikula ang ilang mga simbolo katulad ng Guillermo del torro na nagsisimbolo ng Civil War sa panahon na iyon. Mga bagay na nagpagulo sa kwento ay ang mga bagay na hindi makatotohanan katulad ng diwatang insekto at mga kakaibang ginawa ni Ofelia at ang huling parte ng pelikula na nakapunta si Ofelia sa kabilang mundo sa ilalim ng lupa maaari na ang mga mahiwagang bagay na ito ay ginawa lamang ng bidang si Ofelia upang mawala ang kalungkutan at takot sa panahon ng labanan ng mga rebelde at pamahalaan.
II. Buod ng Kwento
Ang kwento na ito ay umikot sa karakter na si Ofelia na iniisip na siya ay prinsesa ng kabilang mundo. At Si Kapitan Vidal isang kapitan na naghahanap ng mga rebelde upang patayin o sugpuin at si Mercedes isang babaing naglingkod kay kapitan vidal ngunit tumutulong sa rebelde. Tumakbo ang pelikula patungkol sa isang prinsesa na pumunta sa lupa ngunit nabulag at nawala ang alaala at naging mortal at namatay. Ang ama na hari ng prinsesa ay naniniwala na ang kaluluwa ng prinsesa ay muling babalik. Ang kwentong ito ay ginanap sa panahong 1944 Civil War umikot sa batang babae na si Ofelia. Ang Ina ni Ofelia ay nagasawa ng sikat na kapitan na humahanap ng mga rebelde. Ipinakita sa kwento na siya ay naniniwala sa mga mahika at nang makakita siya ng insekto pinaniwalaan niya ito na ay isang diwata at may nakilala siyang faun na nagbigay sa kaniya ng mga pagsubok upang patunayan na siya ay ang prinsesa sa kabilang mundo . Ang unang pagsubok na kaniyang ginawa ay ang pagkuha ng susi sa malaking palaka ang pangalawang pagsubok ay ang pagkuha ng dagger sa tahanan ng Pale Man. Ang Ikatlong pagsubok ay ang pagkuha sa kapatid niyang lalaki at gagawing alay upang mabuksan ang pintuan sa kabilang mundo. Habang ginagawa ni Ofelia ang mga pagsubok, si Kapitan Vidal ay kasalukuyang naghahanap ng mga rebelde at ang mga nahahanap ay pinarurusahan o pinapatay. Sa huling pagsubok ni Ofelia ang kapatid niyang lalaki na pinag buntis ng kaniyang ina na naging sanhi ng pagkamatay nito. Kailanagn ni Ofelia itakas kay kapitan vidal ang kapatid ngunit nahabol siya nito at binaril at ito ang naging sanhi ng kaniyang pagkamatay at ang kaniyang dugo ay tumulo at naging pang-alay upang mabuksan ang lagusan sa kabilang mundo papunta sa kanyang tunay na ama at nakita niya ang kaniyang ina na namatay sa kabilang mundo at naging masaya ngunit sa ibabaw ng lupa o sa realidad makikita si Mercedes kasama ng ibang rebelde at pinatay ang kapitan na si Kapitan Vidal at nagtungo sila upang hanapin si Ofelia at ng nakita nila si Ofelia ay nakahandusay na at duguan nalungkot si Mercedes at kinantahan si Ofelia upang mapayapang mamatay.
III. Paglalarawan/Pagsusuri
Ang mga tagpuan sa pelikula ay natural na makikita katulad ng bahay at kagubatan ngunit ang huling parte ng pelikula ay nagpakita ng ibang tagpuan naging mahiwaga at makinang ang lahat. Ang labanan ay maayos naipakita sa pelikula at ang tagpuan ay may malaking kinalaman sa bansang Spain kung saan talaga may naganap na Civil War. Ang mga kagamitan na ginamit ay mga bagay na makikita sa panahon ng labanan katulad ng mga baril. Ang mga pananamit ay tugma sa panahon at antas sa buhay, at lugar ng mga karakter. Ang pelikula ay nagpakita ng mga cinematography katulad ng selective focus at extreme close up sa paglapit sa mga mukha ng karakter ng kamera upang maipakita ang mga expression nila at maipahatid sa mga manonood ang kanilang mga emosyon katulad ng takot, saya at lungkot at iparamdam ang kadiliman at malamig na panahon sa araw ng labanan o Civil War. Ang tunog na ginamit sa pelikula ay diagetic at non diagetic. Diagetic dahil natural o orihinal na mga tunog ang pinakita sa pelikula katulad ng mga eksena na pagsabog at ang pagputok ng mga baril at ang pagkanta ni Mercedes kay Ofelia. Non diagetic naman dahil nagkaroon ng mga tunog na hindi natural o katulad ng mga kapanapanabik na tunog habang hinahabol si Ofelia ng Pale Man at ng hinahabol naman si Mercedes ng mga tauhan ni Kapitan Vidal.
IV. Konklusyon
Ang pelikula ay maganda dahil nagpakita ito ng mga kapanapanabik na eksena at mga misteryong pakiramdam sa mga manonood na magpokus sa panonood. Ang takbo ng kwento ay maliwanag at tumugma ang mga tunog sa mga pinakikitang eksena. Naihatid ng pelikula ang gusto nitong ipahiwatig sa mga manonood at naiparamdam ang pakiramdam sa panahon ng civil war at ito ay ang malamig at nakakatakot na panahon. Ang pelikula ay nagpakita ng panlipunan na naranasan ng mga tao sa panahon na ito, Ang panahon ng civil war nagkaroon ng kakulangan sa pagkain ang mga tao at maraming naging rebelde sa pamahalaan at karaniwan sa mga tao ay naging katulad ni Ofelia may takot at gumawa ng paraan upang makatakas sa katotohanan. Nirerekomenda ko ang palabas na ito sa mga edad na kaya ng magsuri at maintindihan ang ganitong pelikula. Ang pelikula ay nagpakita ng kahusayan sa paghahayag ng kalagayan ng bawat karakter.
�R��Bܓ
0 notes
Text
Sumaoang, Nixon Paul J.
BSE - 2E3
Panimula:
Ang pamagat ng pelikulang aking napanuod ay “Pan’s Labyrinth”. Ang istorya ay naganap sa Espanya noong Mayo-Hunyo 1944, limang taon matapos ang Spanish Civil War. Ang mga pangunahing artistang gumanap ay sina Ivana Baquero bilang si Ofelia/ Prinsesa Moanna. Isa siyang batang naniniwala sa fairy tales. Si Sergi Lopez naman ay si Kapitan Vidal, bagong amain ni Ofelia. Siya ang pangunahing antagonista sa istorya. Siya ay strikto at isang psychopath. Si Ariadna Gil ay gumanap bilang Carmen. Siya ang nanay ni Ofelia at asawa ni Vidal. Gumanap din siya bilang reyna ng underworld. Ang gumanap naman bilang Mercedes ay si Maribel Verdun na kasambahay ni Vidal. Mahalaga ang naging ganap niya sa pelikula dahil siya ay isang tauhan may rebelasyon. At ang huling mahalagang tauhan sa pelikula ay si Doug Jones bilang “Faun”. Isa siyang kakaibang nilalang na anyong puno. Ginabayan niya si Ofelia tungo sa pantasya. Gumamit ang direktor ng foreshadowing kung saan ang unang eksena ay may kaugnayan sa huling eksena.
Buod:
Nagsimula ang istorya ng si Ofelia at ang kanyang nanay na si Carmen ay lumabas sa isang tumirik na sasakyan. Doon nakita ni Ofelia ang isang tipaklong na nagkaroon ng isang simbolismo. Si Kapitan Vidal ay dali-daling sumalubong sa mag-ina nang dumating ito sa kaniyang lugar. Halatang hindi gusto ni Kapitan Vidal si Ofelia dahil hindi naman niya ito tunay na anak. Habang natutulog si Ofelia ay dumapo ang tipaklong na nakita niya nung papunta siya sa lugar ni Kapitan Vidal, bigla itong nagpalit ng anyo. Pagkatapos ay pinasunod ng tipaklong si Ofelia sa labyrinth o isang lugar na may nakakalitong daan. Sa pinakababa ay nakilala ni Ofelia si Faun na tagapagbantay ng lugar na iyon, binigay niya ang isang blankong libro. Kailangang mapagtagumpayan ni Ofelia ang mga hamon na ibinigay ni Faun upang makabalik siya sa mundo ng pantasya na kung saan siya ay prinsesa. Ang unang hamon ay kuhanin ang susi sa ilalim ng puno ngunit nasa may malaking palaka ito. Nag aalala si Ofelia sa lumalalang sakit ng kanyang ina kaya binigyan siya ni Faun ng Mandrake root na pinaniniwalaan niyang magpapagaling sa kanyang ina. Nakumpleto ni Ofelia ang ikalawang pagsubok kasama ang tatlong diwata ngunit kahit na pinagbabawalan siya ng mga diwata na kumain, kinain niya pa rin ang dalawang ubas na gumising sa isang nakakatakot na nilalang at nakain ang dalawang diwatang kasama niya. Nakatakas si Ofelia ngunit nagalit sakanya si Faun dahil sa kanyang pagiging pasaway at hindi binigay sakanya ang huling pagsubok. Samantala, pinapahirapan ni Kapitan Vidal ang nahuling rebelde at pinatay si Doktor Ferreiro – isa sa mga rebelde. Nahuli ni Kapitan Vidal si Ofelia sa ilalim ng kama na inaayos ang mandrake root, nagising si Carmen at itinapon ito sa apoy pagkatapos ay naramdaman ni Carmen ang pagsakit ng kanyang tiyan at namatay habang nanganganak. Nahuli ni Kapitan Vidal na espiya si Mercedes kaya pinahirapan siya at si Ofelia naman ay kinulong sa kanyang kwarto, ngunit nasaksak ni Mercedes ang katawan at mukha ni Kapitan Vidal at siya ay umalis at sumama ulit sa mga rebelde. Samantala, bumalik si Faun kay Ofelia at sinabing dalhin ang kanyang lalaking kapatid sa labyrinth kaya ginawa ito ni Ofelia at matagumpay niyang naidala ang kanyang kapatid ngunit nasundan sila ni Kapitan Vidal. Inutusan ni Faun na buksan ni Ofelia ang lagusan papuntang underworld sa pamamagitan ng pagsakripisyo ng dugo ng kanyang nakababatang kapatid ngunit tumanggi si Ofelia. Nagalit si Faun at iniwan si Ofelia at natagpuan ni Kapitan Vidal si Ofelia na nakikipag usap sa mga guniguni nito. Kinuha ni Kapitan Vidal ang kanyang anak at binaril si Ofelia; pagkatapos, noong malapit na si Kapitan Vidal sa pasukan ng labyrinth ay napapalibutan na siya ng mga rebelde. Binaril ng mga rebelde si Kapitan Vidal,at pumasok si Mercedes sa loob ng labyrinth na nakita niya si Ofelia na mamamatay na. Bigla na lang lumitaw si Ofelia sa isang ginintuang trono at inaya ng reyna na umupo si Ofelia sa tabi niya. Sa pagwawakas, bumalik ang eksena sa labyrinth na kung saan ngumiti si Ofelia at namatay.
Paglalarawan:
Maganda ang daloy ng istorya. Mahusay ang mga effects. Nakakabuo ito ng catharsis. Ang sinematograpiya ang napakagaling, tama ang mga anggulo ng camera na nagpapakita ng iba’t-ibang emosyon. Mahusay din ang pag ayos at pag galaw ng camera. Halimbawa angkop ang pag galaw ng camera na helicopter sa eksenang lumipad ang tipaklong. Tama din ang layo ng camera. Naipapakita nito ang setting at ang emosyon sa pelikula. Nagiging mas kapana panabik ang mga eksena dahil sa magagandang kuha ng camara. Isang halimbawa nito ay noong hinahabol si Mercedes ng mga alagad ni Kapitan Vidal na pinakita muna at puno pagkatapos at pinakita si Mercedes at malapit na sakanya ang mga humahabol.
Masasabi kong pinag isipang mabuti ang pelikulang ito. Maayos ang editing at may logic ang mga ito. May mga sangkap na sadyang iniayos tulad nung una at huling eksena. Magaling ang mga nag edit nito kasi wala akong nakitang palya at mali. Kapag lumalabas si Faun ay maayos naipapakita ang pag edit nito. Mahusay ding naipagdudugtong ang dalawang magkaibang kuha ng camera. Sa aspeto naman ng tunog ay masasabi ko ding napaka husay. Tama at angkop ito sa bawat eksena. Lalong naipararamdam ang kaba sa tulong ng tunog. Isang halimbawa sa maayos at angkop na tunog ay noong namatay si Ofelia. Mabagal at nakakalungkot ang tugtog.
Konklusyon at Rekomendasyon
Pagbabasa ng libro ang naging paraan ni Ofelia upang makatakas sa mga kaganapan sa realidad. Dahil dito, mas magkakaroon ng ideya ang mga manunuod kung paano makakaiwas sa mga problemang kinakaharap sa kanilang buhay. Isa din itong paraan upang ipaalala ang mga tao noong panahon ng Ikalawang Digmaang pandaigdig. Mabibigyan ng aral at ideya ang mga manunuod kung paano namumuhay ang mga tao noong panahon ng digmaan at ito ay magsisilbing gabay kung sakali mang mararanasan ulit ang ganitong pangyayari sa hinaharap.
Mahusay at nirerekomenda ko ang ganitong mga palabas. Kailangan ng mapanuring isip para maintindihan ang pelikulang ito. Dekalidad ang pelikula at halata naman na pinaghirapan at sinuri itong mabuti bago ipinalabas. Maraming mapupulot na kaalaman at aral sa ganitong klase ng pelikula na makakatulong sa mga manunuod upang magkaroon ng tamang pag-papasya sa lahat ng kilos at gawain.
0 notes
Text
El Laberinto del Fauno
PAN’S LABYRINTH
2006
GUILLERMO DEL TORO
> Junelle April P. Blanquera
I. Panimula
Nagsimula ang palabas sa tinatawag na foreshadowing sapagkat ipinakita doon ang isang eksenang makikita sa hulihan ng pelikula. Mapapansin ang batang babae na nakahiga at duguan. Para sa akin, naging simbolo ang insekto sa palabas dahil ito ay nagpapakita ng mala-magical na mundo mula nang lumabas ito sa malaking tipak ng bato. Naramdaman din ng bata na may kakaiba simula noong makita niya ang insekto. Bini-build up naman sa istorya na mahilig magbasa ang bata paraan para makawala siya sa katotohanan ng buhay niya kasama ang kanyang pangalawang ama sa panahon ng digmaang sibil sa Espanya.
II. Buod
Noong may nagaganap na digmaang sibil sa Espanya, Si Ofelia ay humarap sa isang mundo kasama ang kanyang ina at anak na nasa sinapupunan nito. Sila ay tumira sa kampo ng nakakatakot na si Kapitan Vidal. Si Vidal ay malupit na pinuno at siya ang napangasawa ng kanyang ina matapos itong mabiyuda at ama ng kanyang magiging kapatid. Si Ofelia ay nagpatuloy sa pag-isip ng kanyang kakaibnag mundo kahit na may ama siyang istrikto . Si Mercedes ay isang katulong sa bahay na nais bawasan ang pasakit kay Ofelia at nais niya siyang matulungan upang makalimutan ang away sa lugar. Sa pagdating ni Ofelia sa bahay ng kanyang ama, siya ay nakapansin ng isang maliit na insekto dahilan para makapunta siya sa isang labirinto na may nakatagong faun sa loob. Binigyan siya ng tatlong pagsubok na dapat niyang magawa upang Makita niya ang tunay na mundong kanyang kinabibilangan. Sa mga naganap habang kanyang ginagawa ang mga pagsubok, unti-unti nang nagdulot ito ng resulta na maghahatid sa kanya sa lugar na minsan niya ng naisip at pinangarap.
III. Paglalarawan/Pagsusuri
Bilang paglalarawan, napansin kong natural ang halos lahat ng ginamit sa palabas, naipakita na tunay sa espanya ginanap at naipalabas din na makatotohanan ang digmaan. Sadya naming iniayos ang produksiyon ng pelikula. Maaari rin namang may mga bahaging artipisyal sapagkat sa palabas ay may ipinakitang silid sa ilalim ng kanyang kwarto at may mala-palasyong lugar na alam nating napakalabo talaga. Sa sinematograpiya naman, madalas ipakita ang framing na extreme close-up upang maipakita ang tunay na emosyon ng bawat karakter. Gaya na lamang sa parte na ang bata ay mamamatay at ang sundalong sinasaktan ng kanyang masamang ama. Naipokus nang matino ang bawat kuha na tila damang-dama mo ang bawat eksena sa palabas. Gloomy at tila malamig naman ang nagsilbing background color sa palabas upang maipakitang malungkot ang karamihan ng eksena. Selective focus naman sapagkat ipinapakita ng bawat detalye ang importansiya ng bawat bagay sa kuwento. Halimbawa na lamang ang parte na kinuha niya ang susi, ang espada at noong kumain siya ng dalawang ubas. Nagpapakita rin naman ng nostalgia ang ibang bahagi ng palabas nang ipinapakita ang pagkuwento niya sa bata, ang kalungkutan sa labirinto at ang parte na may namatay at pinatay.
Para sa editing, makatotohanan lahat ng gamit at materyales na ipinalabas sa pelikula. Sapagkat kahit na may pantasiya na parte, naipakitang konektado at makikitang natural ang bawat isa. Maayos naman ang pagdurugtong ng bawat kuha dahil madaling maintindihan at malinaw sa mata. Sa tunog naman namamayani ang diagetic sapagkat mapapansin mo talaga kung sino ang lumilikha ng tunog. Mayroon din naman itong non-diagetic sa parting suspenseful na ang palabas at sa bakgrawnd na tunog noong kumakanta si Mercedes. Natural talaga ang lahat kung mapapansin liban lamang sa parte na ipinakitang siya ay prinsesa na maayos at kamangha-mangha ang pagkakagawa ng pelikula. Ito rin ay may lohikang sinusundan at ipinakita rin na may pinagsama-samang emosyon o nararamdaman bilang manunuod. kahit na may ibang parte na hindi makatotohanan may natural na kasama sa realidad na magandang ipinakita sa palabas.
III. Konklusyon
Para sa aking konklusyon, maganda ang Pan’s Labyrinth kahit na may mga parteng magulo at tanging matatanda lamang ang maka-iintindi. Kung estetika ang titignan, maayos at masasabi kong napakagaling ng director sapagkat naipakita ang imahinasyong hindi ko akalaing mailalabas habang pinapanuod ko ang pelikula. Nawala na rin ang aking pagka-over acting pagkatapos kong pinanuod ang palabas sapagkat naisip ko na hindi pala ito tipikal na nakakatakot na pelikula.
0 notes
Text
Pan’s Labyrinth; Takas sa Realidad
MANALANSAN, SAMANTHA MARIE PAGUIA
Ang Pan’s Labyrinth ( El Laberinto del Fauno ) ay isang pelikulkang Espanyol hango sa pagsusulat ni Guillermo del Toro na siya rin ang direktor. Pinalabas ito noong taong 2006 sa Amerika at mabilisang nang sumikat at kumita ng limpak-limpak na pera. Pinangunahan ito ni Ivana Baquero at Maribel Verdu na siyang bida, at Sergi Lopez bilang kontrabida. Ang kuwento ay umiikot sa paglalakbay ng isang batang babae sa pagtakas sa realidad ng paghihirap bunga ng digmaang sibil ng Espanya noong 1944. Makikita natin dito ang isang madilim na kuwentong umiikot sa pagsasabuhay ng isang munting panaginip ng isang batang makatakas sa mahigpit at masamang pamamahala ng bagong asawa ng kanyang ina.
Nagsimula ang pelikula sa foreshadowing ng isang batang babae na si Ofelia (Ivana Baquero) na nanghihingalo sa lupang nagdudugo ang ilong at may dugo ang kamay habang may kumakanta ng oyayi at may nagsimula na mag-backstory ang tagapagsalaysay ng isang mito tungkol sa isang munting prinsesa ng lamang-lupa na pinangarap na mabuhay sa ibabaw ng lupa, pero sa pagpuntab doon ay nakaranas siya ng sakit at paghihirap at hindi nagtagal, namatay rin siya.
Pagkatapos noon ay nagsimula na ang mismong kuwento ng nasa loob ng kotse si Ofelia at ang kanyang ina na papunta sa kampo ng kanyang bagong ama pero nagkaroon ng panandaliang hinto dahil nasuka ang ina ni Ofelia na nagdadalang-tao. Habang iniintay ang ina niya, nagmuni-muni si Ofelia sa ggubat at may natagpuan siyang isang batong hugis mata, kasabay nito ang pagkita niya sa isang lumang rebulto na nadiskubre niyang kapiraso ang bato niyang nakita at agad na binalik sa tamang pwesto. Sa paglagay niya nito, may lumabas na insekto na inisip niyang isang diwata. Pagkadating sa kampo, pinasyal kaagad ni Ofelia ang kampo hanggang makarating siya sa tagong labyrinth. Kinagabihan, binista ulit siya ng insektong inaakala niyang diwata at kinausap ito. Sinundan niya ito hanggang sa pinaka puso ng labyrinth at dito niya nakilala ang isang faun na nagsasabi na siya ang nawawalang prinsesa ng Lamang Lupa. Ayon dito, makauuwi lamang sio Ofelia sa kanilang kaharian kapag sinunod niya ang lahat ng hakbang na ibibigay ng faun. Kapag nasunod niya ito na walang nilalabag na patakarang nilatag ng faun bago magbilog ang buan, ay walang hirap na makakapasok siya sa noong kinilala niyang kaharian. Pero, habang sinusbukan niya kumpletuhin ang lahat ng hamon na binigay ng faun, palala ng palala ang kalagayan ng kanyang ina dahil sa pagdadalang-tao at lumalala na rin ang pag-atake ng gilirya sa kampo. Dahil dito, napagpasyahan ng faun na tulungan si Ofelia sa pagpapagaling sa kanyang ina. Matagumpay na nagawa ni Ofelia ang unang pagsunok pero may nilabag siyang patakaran ng pangalawang pagsubok at namatay ang dalawa sa kanyang gabay na diwata sa isang halimaw na kumakain ng tao. Dahil dito, nagalit ang faun at binalaan siyang hindi na siya makakauwi sa kaharian at hindi na siya ulit magiging o matatawag na prinsesa. Pagkatapos nito, lumala ng lumala na ang kondisyon ng kanyang ina hanggang sa ito’y namatay dahil sa maagang panganganak. Nabuhay ang lalaking sanggol; kapatid ni Ofelia, at taimtim itong inaalagaan ng kapitan. Makalipas lamang ng ilang oras, sumugod nanaman ang girilya sa kampo ng kapitan at pinasok ang imbakan ng pagkain at gamot, pinagpapatay lahat ng sundalo ng kapitan. Habang nangyayari ito, binisita ulit ng faun si Ofelia at binigyan pa siya ng isa pang pagkakataon upang makabawi sa kasalanang kanyang nagawa. Sinabi ng faun na kailangan niya isama sa pagpunta sa labyrinth ang kanyang sanggol na kapatid. Pagkakuha sa kapatid, nakita siya ng kapitan at hinabol siya hanggang sa puso ng labyrinth. Nanag makarating sa puso ng labyrinth si Ofelia, nandoon na naghihintay ang faun. Dali-daling hinihingi ang sanggol upang gawing sakripsiyo at tumanggi si Ofelia na ibigay ang kanyang kapatid. Maspinili ni Ofelia na manatili sa ibaibaw ng mundo kaysa sa mawala ang kanyang nakababatang kapatid. Pagkatapos nito’y naglaho na ang faun at nahanap sila ng kapitan. Dali-daling kinuha ng kapitan ang sanggol kay Ofelia at binaril si Ofelia. Dito na uulit ang pangyayaring nakalupasay si Ofelia sa lupang nanghiingalo hanggang sa ito ay mamatay. Sa pagkamatay niya, napunta pa rin siya sa kaharian ng kanyang tunay na Ama at masaya siyang namuhay doon ng ialang libong taon.
Sa pelikulang ito, natural ang naging setting at gumamit talaga sila ng totoong gubat. Magaan ang paglipat-lipat ng mga tagpuan at mabilis maintindihan ang kuwento. Close-up at Extreme close-up ang madalas na ginagamit na anggulo ng kamera sa pelikula na ito upang makita ang emsyong tinatago ng bawat karakter sa kuwento. Medyo madilim at malamig ang mga kulay na ginamit ng mananamit sa mga aktor na akmang-akma sa tema ng kuwento. Mahusay lahat ng mga visual effects na ginamit ang mukhang makatotohanan ang lahat ng sugat na natamo ng mga karakter. Damang-dama mo ang paghihirap na dinanas ng bawat karakter at maaagos ka sa dami ng emosyon na mararamdaman mo. Akmang-akma rin ang mga background music sa mga tagpuang nangayayri. Kung ang tagpuan ay nag-aaway, magpapatugtog ngt isang malakas at kasabik-sabik na tunog na mapapakapit ka sa kinauupuan mo. madalas na ginagamit ang natural na pagpapatugtog ng direktor upang ma-kuro mo ang nangayayri sa pelikula.
Maraming mapupulot na aral sa pelikulang ito. Hindi lamang ito nagbibigay impormasyon tungkol sa mga nangyari noong digmaang sibil ng Espanya, kundi binigyang diin din ang mga ugali at papaano sila naapektuhan ng digmaang iyon.Maganda sa kabuuan ang pelikula pero sana masnilinaw ang iba pang mga detalye para lubusang maintindihan ng mga manonood ang kuwento. Pinapakita dito ang paraan ng pagtakas ni Ofelia sa realidad kung saan nag-iisip siya ng mga bagay na makakaahon n g kanyang lungkot at binibigyan siya ng pag-asa na magiging mabutyi rin ang lahat kahit alam naniya sa realidad na magiging meserable ang kanyang buhay. Ginagamit niya ang kanyang imahinasyon para makasabay sa malaking pagbabago ng kanyang buhay.
0 notes
Text
Pan’s Labyrinth
Antonio, Cristine A.
I. Panimula
Ang Pan’s Labyrinth ay isang Espanyol-Mehikano na pelikula na nilikha ni Guillermo del Toro. Ito ay nagsimula sa pagpapakita ng kaalaman tungkol sa nangyaring civil war sa Espanya mula 1936-1939. Ang pelikula ay nagsimula nang mala-fairytale kahit na aaminin ko’y nalito ako sa naging simula nito. Nagpakita ito ng isang batang nakahiga na dumudugo ang ilong at wari’y namamatay na. Para sa’kin, isa itong signus na may mga mangyayaring masama o trahedya sa pelikula. Isa pang simbolismo na aking nakita ay ang kakaibang pagsasama ng pantasya at realidad. Ito ay ang pagkakaroon ng fairytale at isang totoong pangyayari sa Espanya noong mga panahong iyon. Sa aking palagay, magulo ang naging pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa pelikula. Minsa’y akala ko backstory ito subalit bigla itong magpapakita ng maliliit na foreshadowing at pagpapagulo ng iniisip ng awdyens na mangyayari sa pelikula. Magkagayon man, napakatalino ng pagkakasunod-sunod nito dahil nakakagawa pa rin ito ng kabuluhan.
II. Buod ng Kuwento
Sa likod ng digmaang nangyayari sa kapaligiran, ang batang si Ofelia ay humarap sa isang bagong mundo kasama ang kanyang ina. Sila ay tumira sa kampo ng kahindik-hindik na si Kapitan Vidal. Si Kapitan Vidal ay isang katakot-takot at malupit na pinuno kahit mukha siyang normal. Siya ang napangasawa ng kanyang ina matapos itong mabiyuda at ama ng kanyang magiging kapatid. Ang pag-uugaling ito ni Kapitan Vidal ay hindi nakahadlang kay Ofelia upang ipagpatuloy ang kanyang makulay na imahinasyon. SIya ay tinutulungan ng isa sa mga katulong na si Mercedes. Si Mercedes ay may tinatagong sikreto na taliwas sa utos ng kanyang amo na si Kapitan Vidal. Sa unang pagdating sa kampo ni Ofelia, siya ay nakakita ng isang labirinto sa tulong isang insekto. Dito na nagsimula ang kanyang pantasya lalo na nang may makilala siyang isang engkanto na tumutulong sa kanya at sa kanyang ina. Kapalit nito’y binibigyan siya ng mga pagsubok nito na dapat niyang matapos para makabalik siya sa mundong kanyang pinagmulan. Sa bilis ng mga pangyayari sa realidad at imahinasyon niya, nagdulot ito ng isang resulta na nakapagpabago ng aking pagtanaw sa magiging wakas ng pelikula.
III. Paglalarawan/Pagsusuri
Sa una’y akala ko ay isang nakakatakot at historikal na pelikula lamang ang Pan’s Labyrinth. Sa kung paano ipinakilala ang panahon at lugar ng pelikula, nagkaroon na ako ng ideya na magiging madugo ang pelikulang ito. Maganda ang naging paglalarawan ng direktor sa bawat eksena. Nabigyan niya ang karapat-dapat na ideya ang mga awdyens upang maintindihan at manghula sa maaring susunod na pangyayari. Hindi rin matatawaran ang sinematograpiya ng pelikula kahit na medyo pangit pa ang kalidad nito. Naipakita ng direktor ang ganda ng lugar at ang awra na kailangan upang maipahayag ang damdamin ng bawat eksena. Isa sa pinakamagadang nakita ko sa pelikula ay ang pagtakas nina Mercedes at Ofelia papuntang kagubatan at sila ay nabisto ni Kapitan Vidal. Humanga ako sa mabilis na pagbabago ng kapaligiran kahit na nasa kailaliman talaga ng kagubatan ang mga gerilya. May mga eksena rin naguluhan ako subalit sa dulo ay nagkaroon ito ng kabulihan dahil pandagdag lang pala ang mga ito sa pagpapagulo ng pelikula. Sa punto ng tunog, masasabi kong maganda at akma ang musikang ginamit ng direktor. Pinakanagustuhan ko ay ang lullaby na narinig ko sa simula na kinakanta rin pala ni Mercedes kay Ofelia sa dulong bahagi ng pelikula.
IV. Konklusyon/Rekomendasyon
Sa pangkalahatan, ang Pan’s Labyrinth ay isang pelikulang hindi lamang magpapagalaw ng iyong imahinasyon kundi manggigising din sa iyong kaalaman ukol sa panahong sinasaklaw ng pelikula. Sa aking panonood, mas naging bukas ang isip ko na ang imahinasyon ni Ofelia ang ginamit niya upang makatakas sa realidad. Ito ay nakatulong sa kanya upang mabaling ang isipan niya sa ibang bagay at mapreserba ang kanyang kainosentihan kaysa sa totoong mundo. Malaki man ang pagsubok na kinakaharap niya sa parehong mundo, Ito ay napakagandang kombinasyon ng pantasya at realidad na kahit ako’y napaisip sa kung paanong nagawa ng direktor na pagsamahin ang dalawang magkalayong bagay. Ang kuwento ay maaring magulo at nakakalito subalit hindi ito naging hadlang upang mabawasan ang kalidad ng dalawang genra. Walang naisakripsyo ang awtor sa lahat ng elemto dahil lahat ito ay nagkaroon ng kahulugan lalo na nang ipakita ang dulo. Kung ako ang tatanungin, masasabi kong karapat-dapat at hindi nakakasayang panuorin ang pelikula. Napakaganda at hindi matatawaran ang katalinuhan ng direktor sa paglika nito.
0 notes