testingsite16-blog
testingsite16-blog
Untitled
3 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
testingsite16-blog · 8 years ago
Text
Blog Post 3
May maraming interpretasyon ang panitikan, at lalo pang mas marami ang epekto’t impluwensya nito sa buhay ng bawat isang indibidwal na hantad dito. Siguro’y aakalain ng marami na naging sakim na rin ako nito nang tumanda ako dahil nga ang ikinalakihan kong lipunan ay isang lipunang materyalistiko at nais maging tanyag. Ngunit, para sa akin, ang impluwensiya ng kantang “Billionaire” ay hindi lumago mula sa isang simpleng katatawanan lamang na pangarap, o kaya’y isang sapak sa buwan.
Kahit lumaki ako sa isang lipunang abalang-abala sa kayamanan at katanyagan, siguro’y tamang-tama lang ang pag-gabay sa akin ng aking mga magulang, o epektibo ang mga tinuro sa akin ng mga guro ko kasi hindi ko gaano pinagaabalahan ang mga bagay na ito. Kahit hindi maiiwasang gamitin at pahalagahan ang pera sa pang araw-araw na buhay, naniniwala akong hindi nararapat na pangunahing layunin ng likas na pagkatao ang pagpapayaman, kundi palaganapin ang kasaganaan ng lahat ng grasyang bigay sa atin ng Diyos.
Sa anumang maaaring nangyari, ang siguradong masasabi ay kahit tinanggap ko o tinanggihan kong gamitin ang mga impluwensya ng lipunan sa sarili kong buhay, naging bahagi pa rin ako ng kaluwakang kasaysayan ng lipunang kinasasamahan ko. Makasaysayan ako dahil naimpluwensiyahan ako ng panitikan na ito, at samakatuwid, ang mga isip, wika, at gawain ko ay salamin (o kabaligtaran) ng impluwensiyang iyon, at sa gayon tuloy, ang mga isip, wika, at gawain na ito ay salamin mismo (o kabaligtaran) ng kalagayan ng lipunan noon.
Gayunpaman sa mga sumusunod na panahon ng buhay natin, nasa sa atin ang pagtanggap o pagtanggi sa mga impluwensiya ng lipunan na makakaapekto sa sarili nating buhay.
0 notes
testingsite16-blog · 8 years ago
Text
Blog Post 2
Maikling sipi lang yan sa isa sa mga kantang bumuo sa aking pagkabata. Hindi gaano kaseryoso, at hindi rin gaano kahalaga, ngunit kung susuriin pa ng mas malalim ang karanasan ko at ang kantang “Billionaire” na naging isa sa mga usong kanta noong 2007 hanggang 2012, ano kaya ang matutuklasan natin tungkol sa lipunan noon? Higit pa rito, ano kaya ang matutuklasan kong sanhi o paliwanag sa mga hindi ko pala namalayang naging mga katangian ko (hanggang ngayon) na dulot ng mga impluwensya ng kantang ito at ng lipunan noon?
Makikita sa unang dalawang linya:
“I wanna be a billionaire, so fucking bad, Buy all of the things I never had”
na hindi lang palarong pag-iisip ang pagiging isang bilyunaryo, kundi tila para sa persona, isang layunin talaga sa buhay. Bukod pa rito, agad-agad din makikita ang pangunahing intensyon para sa dami nang pera na ito: upang bilhin ang lahat ng mga ninanais at gusto ng persona. Sumusunod dito ang ikalawang intensyon na makikiya sa linyang ito:
“I wanna be on the cover of Forbes magazine Smiling next to Oprah and the Queen”
kung saan pinaguusapan ang pangarap na maging sikat o tanyag. Tutal, hindi ba’t magkasama naman talaga ang katanyagan at kayamanan? Kaya nga’t may pariralang “Fame and fortune,” diba?
Dahil dito, masasabi na kung tutuusin, hindi talaga kahit papaano matatanggihan na para sa mga tao sa lipunan, isang layunin sa buhay ang katanyagan at kayamanan. Malapit-lapit din ito sa mga natuklasan nina Twenge, et. al. (2012), na “Millennials considered goals related to extrinsic values (money, image, fame) more important and those related to intrinsic values (self-acceptance, affiliation, community) less important.” Bukod pa rito, masasabi na materyalistiko at ambisyoso (o nais nila maging sikat) ang mga tao noon kahit sa pinakamaliit na bagay lamang.
“Yeah I would have a show like Oprah I would be the host of Everyday christmas give Travie a wish list I’d probably pull an Angelina and Brad Pitt and adopt a bunch of babies that ain’t never had shit Give away a few mercedes like here lady have this And last but not least grant somebody their last wish Been a couple months that i’ve been single so you can call me Travie Claus minus the ho ho Ahaa get it I’d probably visit where Katrina hit and damn sure do a lot more than FEMA did Yeah can’t forget about me stupid Everywhere I go I'mma have my own theme music”
Sa unang berso na kinanta ni Travie, makikita na pareho rin namang may materyalistiko at ambisyosong pag-iisip, ngunit may mga dagdag-palambot din ito dahil ninanais din naman daw niya na ibahagi ang kanyang mga kayamanan sa mga mahihirap at nangangailangan. Ang ilang halimbawa nito ay ang pagbibigay ng regalo sa pasko, pagkukupkop sa mga nangangailangang bata, pagbibigay ng mamahaling kotse, atbp. Ipinapahiwatig ng mga halimbawa na ito na gusto ni Travie maging mayaman, at sa kabilang palad naman, malinaw o tahasang nakikita (sa unang linya at huling dalawang linya) na gusto niya maging sikat o tanyag.
“I be playing basketball with the president Dunking on his delegates Then I compliment on his political etiquette Toss a couple milli in the air just for the heck of it But keep the fives, twentys, tens, and bens completely separate And yeah I’ll be in a whole new tax bracket We in recession but let me take a crack at it I’ll probably take whatevers left and just split it up So everybody that I love can have a couple bucks And not a single tummy around me would know what hungry was, eating good sleeping soundly I know we all have a similar dream Go in your pocket pull out your wallet And put it in the air and sing”
Sa huli, tila pareho lang ang mga katangian ng mga personang kinakanta nina Bruno Mars at Travie McCoy. Makikita ito sa pangalawang berso na kinanta ni Travie, kung saan kapansin-pansin ang mabuti sana niyang layunin na pakainin ang mga nagugutom. Ngunit, hindi rin matatanggihan na hindi malawak-lawak ang abot ng mga nais niyang pakainin, at makikita ito sa linyang:
“And not a single tummy around me Would know what hungry was, eating good sleeping soundly”
kung saan maaaring tinutukoy lamang niya ang mga taong malapit sa kanya at hindi lahat ng tao, kung kaya’t hindi kasing bait ang persona sa una nating naisip.
Ngunit, tulad nga sa nasasabing “the author is dead,” hindi na mahalaga sa atin sina Bruno Mars at Travie McCoy at ang kanilang mga intenciones. Ang mahalaga lang ang sinasabi ng mga linya o liriko nila, kasi ito ang naglalarawan ng persona sa kanta, at samakatuwid, isang halimbawa ng karaniwang tao sa lipunan noong mga panahong iyon.
Ang mga naitala ay isa lamang sa tatlong kaurian, na ayon kay Mojares, ng kasaysayang mauuwi mula sa kantang ito. Ito ay ang kasaysayan ukol sa paraan ng pag-iisip. Siguro’y lumaganap ang ganitong mga uri ng pag-iisip dahil kapaki-pakinabang ito, o dahil nakakapaglapit ka sa mga makapangyarihang mga tao (hal. Pangulo ng Estados Unidos), o di kaya’t mapapaisip ng dalawang beses ang mga taong nais kumalaban sa iyo. Siyempre naman din, karaniwan ang pag-iisip na kanaisnais ang biglang maging bilyunaryo dahil likas na pagkatao lang din naman ang pagnanais sa mga premyo habang nagbibigay lamang ng konti o halos walang pagsisikap.
0 notes
testingsite16-blog · 8 years ago
Text
Blog Post 1
Noong nasa mababang paaralan ako, doon nagsimula ang pagiging uso ng kantang “Billionaire” nina Bruno Mars at Travie McCoy. Natatandaan ko talaga na parang ang astig ng kantang ito, lalo na’t palaging kinakanta ‘to ng mga kaklase ko tuwing naririnig ito. Medyo nakakaugnay ako sa mga liriko, at kagaya ng sinabi ko kanina, astig din ang mga sinasabi nito, kasi noong mga araw na ‘yon, para sa amin, mukha namang lohikal na walang aayaw sa pagiging isang bilyunaryo. Hindi naman kaming lahat nangangarap maging isang bilyunaryo, kasi kung tutuusin medyo ambisyoso rin naman kasi yun, pero masaya lang siyang isipin. Kung sakaling magkatotoo nga ito, siguro’y kay sarap naman nun. Yun ang mga iniisip namin noong bata pa kami, at siguro yun ang dahilan kung bakit ang astig din ng kantang ito. At malamang, yun at yun din ang mga pormang pampapogi sa mga kabataang kasama ko sa La Salle Green Hills.
Bago pa man iyon, noong mas bata pa ako, napagtanto ko na halos lahat pala ng mga kantang naririnig ko galing sa radyo ay palagi nalang tungkol sa pagmamahal. Pagmamahal sa iba’t-ibang uri at klase tulad ng dalamhati, romantikong pagmamahal, pagmamahal na hindi naibabalik, atbp. Wala naman akong siyentipikong basehen para dito, ngunit sa isip-isipan ng isang bata, lohikal na yun para sa akin.
Siguro isa na ring dahilan kung bakit sumasalamin ang kantang “Billionaire” sa akin ay dahil kakaiba siya sa mga karaniwan na mga kanta na palagi na nga lang tungkol  sa pagmamahal. At kahit may konting bakas ng pagmamahal sa kantang ito (na para kay Travie ay ang pagnanais na makapagbigay sa mga ibang tao kapag yumaman siya), hindi matatanggihan na ang pangunahing diin ng kantang ito ay ang pera at kayamanan. Sumusunod dito ang katanyagan, at saka pa lang papasok ang pagmamahal (na katulad ng binanggit kanina, sa paraan ng pagbibigay sa ibang tao).
Ilan lang ang mga ito sa mga dahilan kung bakit kaakit-akit ang kantang “Billionaire.” Lahat naman siguro sa atin ay gustong maging isang bilyunaryo, o di kaya’t hindi aayaw sa ideya na ito kahit hindi naman talaga ito ang pangunahing pangarap sa buhay natin. Bukod pa rito, tulad ng mga kanta noong 2007 hanggang 2012, magkasing-halaga lang ang tono at liriko sa pagiging kaakit-akit ng isang kanta. At totoo nga, kaaya-aya nga ang tono ng kantang ito.
0 notes