tetangdiaries
tetangdiaries
Tetang
8 posts
God's advocate | catechist writer | certified teachable spirit |
Don't wanna be here? Send us removal request.
tetangdiaries · 5 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
tetangdiaries · 5 years ago
Photo
Tumblr media
1st Catholic Virtue
0 notes
tetangdiaries · 5 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
tetangdiaries · 5 years ago
Photo
Tumblr media
Happy New Year! Life’s gonna make sense someday.
0 notes
tetangdiaries · 6 years ago
Text
Hawla ng Akala
Dear Passion,
Naubos ang maraming taon sa buhay ko. Sa maraming taon maraming akala na mali pala. Mga akala na nakasakit ng lubos sa damdamin ko. Totoo nga yung kasabihan, maraming namamatay sa maling akala. 
Naaalala ko noong nasa Grade 5 ako, pinagtawanan ko ang kasabihan na yun. Hindi ko akalain na may kaklase akong masasaktan, bigla na lang siya umiyak tapos ang sabi niya, "H'wag niyong pagtatawanan yan dahil yung uncle ko namatay sa maling akala." Napangiwi lang ako, totoo ba yun? Ano bang alam ko? Grade four lang ako at hindi ko pa alam ang ibigsabihin ng maling akala.
Pero nakakamatay nga pala dahil naranasan ko. Akala ko kasi, akala ko, kapag may pangarap ka magiging masaya ang lahat para sa yo. Akala ko kapag nagbahagi ako sa kapwa ko ng mga bagay na nasa imahinasyon ko mauunawaan nila. Akala ko, walang maling akala. Ilang taon sa buhay ko ang nasayang sa pag-aakala na balang-araw makikita rin nila ang nakikita ko. Mahirap magkwento ng mga pangarap sa maling tao. Pero akala ko kasi kapag kaibigan mo, kapag kamag-anak mo, kapag close kayo, pareho ang makikita niyo. Mauunawaan nila na balang-araw magiging malaking bagay ang mga pinapangarap ko lang na imahinasyon.Nakakamatay ang maling akala. Bakit nakamamatay? Ang pangarap na naibihagi sa maling tao ay nakakawasak ng pangarap. Naranasan ko kasing mabuhay sa ilalim ng pahintulot ng ibang tao. Iniisip ko kung napapangiti ba sila ng mga isinusulat ko? Kapag sinasabi nila na babasahin nila ang gawa ko, naniniwala ako. Kapag nangangako sila na susuporta sa hirap at ginhawa nananalig ako. Hanggang sa maumpog ako at napagtanto na may mga tao sa buhay natin na paniniwalain tayong nandyan sila. Pero kahit ganoon masaya pa rin akong naging bahagi sila ng buhay ko. Inaalala ko pa rin ang masasayang tagpo sa buhay ko na kasama sila.Masaya ako ngayong araw kaya nakapagsulat ako ng ganito. Nakalaya na ako sa hawla ng maling akala. Natutuhan ko na, ako lang at walang iba ang makakakita ng mga pinapangarap ko. Dahil yun ang tanging paraan ng Dyos upang ipakita ang kinabukasan ko. Naging malinaw na sa akin na magaling ang Dyos. Kusa pa lang dadating ang mga taong hindi natin akalain na nandyan lang para suportahan tayo. Sila yung mga tipo ng tao na hindi mo kailangan kumbinsihin. Sila pa mismo ang mangungulit na sumulat ako. Sila yung klase ng taong nagbubukambibig na balang-araw magbubunga ang mga paghihirap ko.Nakalaya na ako sa hawla ng maling akala. Natuto na ako at mas lumalim na ang pag-unawa ko. May kanya-kanyang laban ang mga tao sa mundo. H'wag natin idepende ang tagumpay sa pahintulot ng iba. Maaaring may pinagdaraanan din sila. Maaaring may mga mabubuting kaibigan na hindi  nakikita ang parehong repleksyon na nakikita natin sa salamin, ayos lang yun. Kagaya ko ngayon, nagpapasalamat pa rin ako na dumaan sila sa buhay ko.
0 notes
tetangdiaries · 6 years ago
Text
Hahanap-hanapin
I would always wonder what’s on his mind as if it’s a never-ending mystery
Para akong nasa loob ng gubat
naririnig ko ang mga huni ng ibon ngunit
hindi ko mahagilap kung nasaan siya
Pero kahit patuloy akong mangapa
mananatili siyang magandang HIMIG
na hahanap-hanapin ko pa rin
- Tetang  Dedicated to #GOD
0 notes
tetangdiaries · 6 years ago
Text
Kahapon
Subalit nag-iba na ang takbo ng oras
at lumipas na ang mga araw niya
wala siyang mapagpipilian kundi ang
manatiling anino ng kahapon
Isang alaala na kahit balikan ninuma’y
hindi na mauulit pa @Tetang
0 notes
tetangdiaries · 6 years ago
Quote
Love is more than a ritual. It is far from superstitions. Love is something to decide for. It never depends on premonitions.
Ferris by Tetang
0 notes