thatthingcalledcooloff-blog
thatthingcalledcooloff-blog
Untitled
18 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
July 9
pag uwi ko ng bahay, cancelled pala class nila ian, so buong araw andito sila, hindi ako makatulog ng maayos. buong araw nasa kwarto lang ako. wala akong kinakausap wala ding ginagawa masyado. nakatulala lang. at nag memessage sayo. pero hindo consistent kasi inaantok ako. 
despedida nila mama at papa. umuwi si owen, tapos nagvivideoke kami para maaliw kaming lahat, bonding. 
nag away tayo, and inaayos natin tong problema. gusto ko talaga maayos to. gustong gusto. wala naman akong ibang hiling kundo maging okay tayo. yun lang naman. para hindi na tayo magkasakitan pa ulit. mahal na mahal kita e. sana nakikita mo na i can got through everything kapag kaya ko. pero kapag hindi ko kaya gingawan ko ng paraan. pero pag hindi talaga kaya, sinasabi ko na sayo. ayoko na kasi madisappoint ka. iniiwasan ko yun. mahal n mahal kita. sana tandaan mo yan. 
0 notes
Text
July 8
pag labas ko kanina walang tao sa bahay. ang sabi nila mama uuwi sila pero hindi sila umuwi kagabi, tinawagan ko si mama, nasa condo pa daw sila, edi sabi ko pupunta muna ako sa yfc. so pumunta nga ako
tapos ayun, nagulat sila na andun ako. tapos tinitiis ko yung antok ko, nangangamusta ako ng mga tao dun. kelangan ko sila kamustahin kasi hindi ko sila makamusta dahil hindi nga ako kumakausap ng tao recently. ang hirap itago ng tunay na nararamdaman. pero hindi namn nila ako nabuko sa tinatago ko. 
tapos 1 hr ako dun, umuwi na ako para magsimba, nag hilamos lang ako tapos dumiretso n kmi sa simbahan. yung preacher, yung preacher namin sa Olongapo, parang 13 years ata nung huli kming nagkita. natutuwa sya nung nakita nya kami. ang galing pa din nyang mag preach walang kupas. pero hindi ko kaya mahapdi yung mata ko, nakakatulog ako,nahihiya ako pero napaliwanag naman ni mama
buong araw na to, kailangan kong tiisin yung dibdib ko, ang hirap huminga, ilang araw na din akong hindi makahinga ng maayos. ang sakit sa dibdib :(((
0 notes
Text
July 7
off ko,andaming naghahanap sakin, kung pupunta daw ba akong CPVT kasi AYH pa din ako. inaasahan nila ako. pinaliwanag ko na nasa bicutan ako at gusto nila mama na mag spend kami ng time together. tapos nag pasama si mama sa palengke, tirik yung araw nun tapos hindi talaga maganda pakiramdam ko nun ang sakit ng dibdib ko nun promise. :( halos atakihin ako. 
kelangan kong pumunta sa cavite kasi may duty ako ng 10pm so nung pagpagkuwi namin galing sa palengke, pinatulog nila kami tapos ginising nalng nila ako mga 5.30 tapos nag prepare na ako tapos nag bihis kami ng color red family pic daw. tapos yun, umalis na ako. wala ako sa wisyo seryoso. nakaabot ako sa duty ko
1st time ko amg duty ng night duty, hindi ako pamilyar pero kelangan kong tiisin. ang creepy talaga ng hospital kapag gabi lalo na kapag madaling araw, bukod sa creepy sya tignan, meron at meron talaga. hayy. pero ayun, puro pagkain pag 10-6 ang duty. tataba ako pag dito ko. 
tulala ako halos sa buong duty. hindi ako makangiti. lagi akong tinatanong kung okay lang ba daw ako, sabi ko inaantok lang ako. ang hirap itago. :(
0 notes
Text
July 6
aga kong pumunta ng school, bastos na bata, wala pala kaming klase, hindi na natuloy. pero since nasa school na din ako, inasikaso ko nalng yung affidavit of loss at yung ID ko na nawawala. nalaglag db sa jeep. tapos yun, madami nakakita sakin. gusto kong kausapin pero umiiwas ako. pumunta akong classroom ng kaklse ko, nakisit-in ako. gusto ko lang makinig sa boses ng ibang tao. di ko alam siguro para ma distract ako sa boses n naririnig ko kapag ako nalng mag-isa.  
nag away tayo nito. gusto mo na maghiwalay na tayo. pero ayoko. nag tatalo tayo, ayoko lang naman talaga na mawala ka. ayoko. hindi ko kaya. :(((( 
nakipag kita sakin si kuya Aerol, nakipag kwentuhan sya sakin, kinakamusta ako. alam nya kung kelan ako hindi okay at okay. wala akong takas. pero ayun, ang ending di ako makapag salita ng maayos kasi nahihilo ako nag nag papalpitate ako, ang bigat kasi ng dib dib ko. di ko alam kung bakit. hayy. 
tapos nag txt at tumawag sila mama na pupunta daw kaming condo kasi day-off ko naman bukas. ayun late na kami nakarating dun. pero okay lang. ang presko sa pakiramdam dun. ang aliwalas. 
0 notes
Text
July 5
last day ko sa reception, muntik pa kaming ma-gg. may nagawang bawal gawin. ang hirap ipaliwanag pero muntik na kaming matanggal hayy. pero okay lang nagawan ng paraan. hindi na daw matutuloy yun. nanlambot ako nung narinig ko na grave violation yun. :(( 
sobrang yung pagod din ngayon araw. gusto ko nalng matulog ng matulog. wala akong oras para makipagusap sa ibang tao. wala din ako sa wisyo na makipag usap sa knila. ayoko sa kanila. nahihiya ako. baka naaabala ko sila. baka nasasayang ko oras nila. baka masyadoo na akong kulang sa pansin. binabawasan ko na din pag popost sa social media. bahala na. 
0 notes
Text
july 4
hindi tayo makapag usap ng maayos. at lumalakas yung urge ko to end my life. hindi ako sanay na ganito tayo, nahihirapan ako. minsan hiniling ko na sana masagasaan ako pag labas ko ng duty. para tapos na. para wala na akong iisipin, or baka sakaling pumunta ka or baka maging okay tayo pag ganun. baka mapatawad mo ko. siguro. hindi ko alam, bahala na. 
0 notes
Text
July 3
when will this end? kailan ba tayo magiging okay? :( gusto ko lang naman na maging okay tayo, sana maintindihan mo ko, sana maintindihan mo na nauubos yung oras ko sa acads ko. kailangan ko pang mag review ng mga eexamin namin. :( nakakaubos nakakatuyo ng utak. hindi ko alam pano ko makakalagpas dito. kailangan kita. kailangan kita. mahal na mahal kita. ikaw ang nagpapakalma sakin, ikaw ang nag bibigay ng motivation sakin. sana wag mo kong sukuan
i do have blades in my pocket. ayokong maging mag-isa. ayokong nag iisip ng kung ano anong bagay. natatakot ako sa urge. sa mga naiisip ko. natatakot ako sa mga pwede kong gawin. :(( hindi ko kayang mawala ka. ayoko. at hindi ko kayang isipin na isang araw gigising akong wala kana. :(( mahal na mahal kita e. mahal na mahal
0 notes
Text
July 2
MONDAY NGAYON! ibig sabihin, madaming patient! shet, as in sobrang daming patient ngayon, hindi kami magka aligaga sa pag cater ng kaliwaang bilang ng patients. hindi nakaktuwa maya-maya may lumalapit para mag tanong at magpa issue ng marker. 
nag x-ray kami ng taga-provincial jail ang dami nila as in sobrang bugbog kami kanina sa reception. :( nakakapagod. 
0 notes
Text
July 1
sunday, day-off ko, after ng stressful na araw kahapon, mag sisimba ako today, nag simba kami, pamilya, kulang lang si Owen, pero okay lang, ilang araw nalang kasi aalis n sila mama, tapos ayun, pag uwi namin, may mga dumating dng mga tao dito sa bahay para mag bible study at ibaptize sila ian, nag punta kmi ng tanza para i-baptize sila. tapos yun, sobrang saya ni Mama nung nakita nya na tapos na yung baptism. I am proud of her. She raised us as Christians. Grabe lang talaga yung pag tingala ko sa magulang ko to give us a Christian life and Family. 
nahihiya ako sa’yo sa mga oras na to, dahil, hindi ako sobrang consistent sa pakikipag usap sayo. bigla bigla akong nawawala, bigla bigla nalng din kasi sila mag decide dito sa bahay. 
0 notes
Text
june 30
1st day ko sa Reception ngayon, at sobra akong natanga, hindi ko alam gagawin ko, hindi sobrang tambak yung pasyente pero nakakatanga kasi andaming lumalapit samin, ang stressful ng reception kasi lahat ng trabaho ng pakikipag interact sa patient kami gumagawa. pero okay lang, step-by-step matututo ako. :)  
nag kita-kita din kami nila Nick, Yanyan, at Cindy. gusto nila ako makita di ko alam kung bakit. nag kwentuhan lang kami. Nakalimutan ko sandali kung ano bang problema ko sa mundo, pero ayun, pag-uwi ko, andun pa din yung katotohanang nangungulila ako sa’yo.
0 notes
Text
June 29
friday na naman, so may friday class kami today, i went to schol at sobra lang din yung natutunan ko, naappreciate ko yung prof ko na akala ko dati sobrang boring mag turo, tapos ayun, ang galing pala nya. haha. galing ni sir! 
last day ko pala kahapon sa duty ng X-ray, bale nasa reception n ako bukas. hindi ko alam kung anong gagawin ko dun, bahala na. 
ilang araw na rin akong tulala, ang hirap. nauubos na rin idea ko kung pano ko mag co-cope up sa mga gingagwa ko. napapagod na rin ako. natutuyo na ako. yung puso ko inaalalalayan ko nalang.
0 notes
Text
June 28
Pumunta Clinical Instructor namin, inaassess ako kanina. Tumambay pa sa post ko kanina, grabe. Andaming patient. Tapos ilang beses akong nagkamali, lalo na nunb sinabi nya saking "diba sabi ko sayo ako na?" E sobrang nagpapanic na ako nun. Kaya ning hinanap sakin ng pasyente ako ma gumawa. Huhu 😭😭
Tonight, nag usap tayo, u asked for an answer. Ayoko mag fucked up sa sagot ko sayo. Ayokong masayang lahat. Kinoconsider ko yung mga possibleng mangyare, tinitimbang ko kung anong mas maganda. Hindi ko pa alam. Ang alam ko gusto ko makasama ka, gusto kitang yakapin. Gusto ko paramdam sayo na mas masarap sa pakiramdam na okay tayo. :(
Tumawag ka, nag away tayo, nag kasigawan. :( ayoko ng ganun. Sobrang nasasaktan ako. Alam kong nasasaktan ka sa mga sinasabi ko, pero nasasaktan ako :( i am in pain, kaya ganito ako. Hindi ko kasi maexpress sarili ko, kahit kanino, sa kahit na anong paraan. :( hindi ko na alam kanino ko mag oopen up. Kasi kahit ikaw wala. :( sorry kung nasaktan kita. Sorry kung nagkakasakitan na tayo, maniwala ka sakin, hindi ko hangad na magkasakitan tayo. Gusto ko lang sana iprove yung point ko.
Natapos yung gabi after nung call mo, pero hindi ako makatulog. Sobrang in pain ako. At alam kong ikaw din, sorry. Sana mapatawad mo ko. Mahal na mahal kita.
0 notes
Text
June 27
Naiistress ako ng sobra sa internship, kung ano ano nang pinapagawa na projection. Pero okay lang mas matututo ako nun. Madaming bagong natututunan yeheey!
Mabigat pa din sa pakiramdam na hindi tayo nag uusap. Hindi ko alam pano tayo makakapag usap. So kinausap na kita. Sabi mo, okay kana. Na hindi kana nakakaramdam ng kahit ano, ang sama. Hindi ko hiniling kahit kailan ma mawalan ka ng nararamdaman, hindi ko gusto yun. Pero sabi mo okay kana. Tinatanong mo ko kung ako ba desisyon ko, tbh, i dont really know. Sobrang hirap ng tanong. :( sabi ko sayo pag iisipan ko. Kaya and ending, natulog ako nung gabing yun na walang binibigay n sagot sayo.
0 notes
Text
June 26
Sobrang toxic ng araw na to, dayoff ni Chari at ni Abgao, kami nalang ni Quene yung naiwan, tapos lagi pa syang wala nalipat ng ibang post. 35 patients ata ako kahapon tapos karamihan dun ako lang yung nag x-ray. nakakatuwa kasi natututo ako. hindi din ako masyadong kinakabahan gaya ng dati. nag iimprove na ako :D be proud of me. yiee! 
Ngayong araw, nag message ako sayo, nag sorry ako for using a term na inappropriate. tapos sabi mo okay ka na. tapos you don feel anything at all na, nagulat naman ako, kasi ayoko naman mangyari na ganun yung mangyari sayo. :( nasaktan ako sa sinabi mong wala ka nang maramdaman hindi ko masabi na it’s a good thing. tho, sabi mo okay na tayo.
Natakot din ako nung sinabi mong last chance ko na to, natatakot akong baka masayang yung “last chance” na sinasabi mo, ayoko mapunta sa wala lahat. sobrang stress, toxic at pressure na nararasanan ko sa internship/ acads ngayon, umpisa palang to. Pano pa mag mid-sem na. Gusto kong bumawi sayo, like you said, pero natatakot akong masayang yun kasi hindi ko maassure sayo na mabibigay ko sayo lahat-lahat ng oras at atensyon ko. nakita mo naman kung anong daily routine ko. Messed up. 
Nasasaktan ako na mas pinili natin na hindi mag usap. :( ang sakit nun, im always looking forward na maging okay tayo, that’s what i want. mahal na mahal kita e. hindi ko alam pano ko mag susurvive ng isang araw kapag nawala ka, pero ayoko namang sayangin yung last chance na ibibigay mo. Ayokong mawala ka e. 
0 notes
Text
June 25
 happy 21st monthsary sating dalawa, masaya ako na umabot tayo ng ganito katagal :) literal, hindi madali yung mga buwan at taon na pinag samahan natin pero alam kong makakasurvive tayong dalawa dito kasi kaya natin tong dalawa. mahal kita, mahal mo ko, i see no wrong sa thought na yun. madami tayong naeencounter na humps throughout pero i know ma oovercome natin yun. 
sobrang nakakapagod yung duty namin ngaung araw, may mga patient akong inmates kanina, siguro mga 10-15 sila. Natest yung diskarte ko e. Natuto ako na maghandle ng patient ng dire-diretso. kinakaya ko naman. halos walang upuan yun, hindi na ako nakakapag pahinga. pero okay lang. late ako nakapag lunch tapos alam mo ba pagod na pagod ako pero okay lang. late na ako nakauwi kasi sunod sunod ung bugso ng patient kanina. hanggang sa sinabihan nalang ako ng tech ko, na last patient na yun. tapos inendorse ko na agad sa kasunod naming shift yung gagawin. kasi di talaga natigil pero okay lang, okay na nakauwi na ako. 
sobra kang nasasaktan sa araw na to, piniem mo ko, tinatanong anong nagawa mo bakit sobra kang nasasaktan, pero hiniram ni mama yung CP ko para tawagan yung mag aasikaso ng VISA nya at tinawagan din nya si papa. tapos ako, heto, nasa sala nag ta-type ng blog ko para sa araw nato :)
sobra kitang miss :( kung alam mo lang, madami akong kwento, kilala mo naman ako mahilig akong mag kwento, wala akong mapag kwentuhan, nalulungkot lang ako kasi hindi ako mag karoon ng lakas ng loob na kausapin ka, nirerespeto ko kasi yung gusto mo mangyari. gusto mo mag heal, it means gusto mo din ng time. so binibigay ko sayo. i respect you, trust and love you. basta tatandaan mo lang na andito lang ako para sayo. 
1 note · View note
Text
june 24
ang hirap sa duty ngaun, natutuwa ako kasi nag iimprove na ako. may mga bago kaming kasama sa duty, sila quene at abgao, galing sila ng Ultrasound at CT scan. wala pa silang alam sa xray, so ako nag guguide sa knila. the way kung pano kami ginaguide nung first day namin. mga ilang beses din akong natanga kanina, kasi binago bago ko yung factor sa exposure. pero okay lang, sabi nga nila, next time hindi na ganun. pero mostly ng patients kanina, ako nalng nag eexpose. 
pag labas ko ng duty ko, gusto sana kitang imessage ng “pauwi na ako babe” pero naisip ko wag nalang titiisin ko. kailangan mo ng “me time” para mag heal. ayokong guluhin ka baka mahirapan ka mag isip. iniisip ko nalang na gagaling ka. in time.  mahal pa din kita, sobra. :( nahihirapan ako at naguiguilty pa din ako kasi alam kong nasasaktan kita. 
pag uwi ko ng bahay ang tanging gusto ko nlang gawin ay matulog, ayoko kasing walang ginagawa kasi lagi kong naiisip na mag message sayo at kwentuhan ka. kesa sa mag kwento ako sa iba, eto ako, isinusulat ko sa blog ang mga kwento ko sayo. para pag dating ng panahon na handa kana, ibibgay ko nalng to sayo ;) 
nakakakaba tbh tong ginagawa natin. hindi ko alam kung anong magiging kahihinatnan, pero naniniwala ako sa mga sinsasabi mo. naniniwala ako na gagaling ka at babalik ka sakin. tandaan mo lang na mahal na mahal kita.  I L O V E Y O U
0 notes
Text
june 23
ngayong araw, nag usap tayo. nag vidcall tayo, binigyan mo ko ng hanggang 7pm para makapag usap tayo, naiiyak ako habang nag uusap tayo realtalk, naisip ko pano kaya gagawin ko sa buhay ko. gusto mo na mag tuloy tuloy na talaga yung cool off na gusto mo. ang hirap pero okay lang, para naman yan  sa’yo at sa atin, sabi mo gusto mo lang talaga na mag heal ka. nangako ka sakin na babalik ka, na babalikan mo ko. so ako, mag aantay lang. hindi ko na iniisip kung gaano katagal ang aabutin basta ang gusto ko, maging okay tayo. hoping ako na hindi mawala yung nararamadaman mo, kasabay ng pag galing mo. hinahanap pa din kita kahit tulog na ako. inaantay ko na mag message ka, namimiss ko pa din yung pagtatampo mo, paglalambing mo, lahat na mimiss ko. hindi ko alam gagawin ko kapag wala ka :(((
0 notes