the-absolutely-wild
the-absolutely-wild
The-Wild-One
23 posts
She's a tornado with pretty eyes and a heartbeat. "Samantha Trix. Pretty and Blessed since '99. " Love dancing, traveling, and eating. KEEP THAT FAKE LOVE AWAY FROM ME.
Don't wanna be here? Send us removal request.
the-absolutely-wild · 8 years ago
Photo
Tumblr media
👌🏻
0 notes
the-absolutely-wild · 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Tama nga naman. Siguro nga mahirap talaga, pero kailangang kayanin. Lalo na ngayon at wala namang pinapakitang motibo sa’yo kung gusto pa ba o wala na talaga. Masakit, oo. Pero kailangan kong kayanin. Eto na lang siguro yung gagawin kong motivation para sa sarili ko. Lahat ng sakit na’to, gagawin kong motivation. Mahal kita, sobra pa. Mahal mo pa rin kaya ako? Tama na. Ang dami ko ng tanong, hindi mo masagot lahat. I deserve happiness. At alam ko ikaw rin. You deserve happiness. Siguro yung happiness na yun ay wala naman talaga sa’kin. Tanga ko, umasa akong hindi mo ko iiwan. Pilit kong sinasabi sa sarili kong, wag ka ng alalahanin. Kaso ang hirap. Bawat kilos ko kasi, ikaw ang naalala ko. Kailan mo ba ko mamimiss? Kapag masaya na ko? Kapag okay na ko? Ang hirap. Pero it’s your choice eh, i will respect your decisions. Especially if pursigidong pursigido ka na talaga. Di ko talaga ‘to matanggap, pero rerespetuhin ko. Mahal. Na. Mahal. Na. Mahal. Kita. Kung may iba ka man, kung ano mang gumugulo sa isip mo. Sana wag mo kong kalimutan. Naaawa na ko sa sarili ko, pinapatay ko na. Ikaw lang kasi makakapagpa-okay sakin ngayon. Sayang no? Pero wala na. Salamat ng marami.
0 notes
the-absolutely-wild · 8 years ago
Text
To the one I love, good bye..
Everything is falling apart.. Naranasan niyo na bang maiwanan? Naranasan niyo na bang maloko? Naranasan niyo na bang magpanggap na masaya? Kasi ako, oo.. sobra. First time kong maramdaman maiwanan.. Ang sakit.. Sobrang sakit.. Yung tipong, siya yung nag loko, pero ikaw tong humahabol.. Gustong gusto kong maging masaya ulit kami, pero paano? Kung siya mismo, sumusuko na?
18th birthday ko, nag debut shempre.. Sobrang saya ko.. Almost complete family, umuwi yung mga nasa ibang bansa just to attend my 18th birthday. It’s like magical, i’m so happy na hindi ko na mai-express pa kung gaano ako kasaya. Kasabay nun bigayan ng grades sa school, mataas grades ko, actually nakapasok pa ko sa top 10. Grabe, sobrang ramdam ko yung blessings nun. Sobrang feel ko yung saya. Kaso sa isang araw at gabing yun.. Nagbago lahat.. Nawala lahat ng saya..
After my Debut, may nalaman ako sa mga kaibigan ko. Matagal na nilang alam, bago pa ko mag 18th. Naiintindihan ko naman sila, na ayaw nila masira yung saya nung birthday ko.. pero ewan, parang mas gugustuhin ko nalang malaman bago ko mag birthday para naiwasan ko yung saya.
- Before my 18th birthday na wala akong ka ide-idea sa mga nangyayari. Nasa classroom ako, nagaaral shempre. G na g ako magaral eh, pero di na kami ganun ng boyfriend ko na lagi magkatext sa room, di tulad ng dati. Kapag nagkakatext man kami, sobrang titipid ng replys. Nasanay na ko dun, kase nga ganon siya talaga. Nababasa ng mga friends ko minsan. “ Sge, okay po, po “ actually, dinedemonyo nila ko.. yung tipong “ may iba na yan may iba na yan “ pero shempre, nagtitiwala ako eh. May tiwala ako. Sobrang laki ng tiwala ko. “ di niya gagawin sakin yan. Kilala ko yun, hindi siya ganung tao. “ i defended him sa lahat. Pero mali pala. Mali pala ko.
Sobrang sakit malaman. Niloloadan mo, unli call and text. Ikaw hindi ka matawagan, pero yung iba natatawagan. Kaya pala mabagal magreply sayo kase may iba nang katext. Birthday niya, ayos ayos mo nag susurprise sa bahay nila, may kasabay palang iba palabas. Kaya pala hindi nagpapahiram ng phone. Kaya pala iniba password sa facebook. Kaya pala nagiging cold. Kaya pala..
Ang dami. Sobrang dami pa, pero di ko na babanggitin lahat kasi nasasaktan lang ako.. pero despite all the pains im feeling right now, i gave him another chance. Agad agad. Agad agad. Kahit masakit pa. Kahit sobrang sakit pa. Wag ka lang mawala sakin, mahal na mahal kita. Alam kong di mo na uulitin yun. Ikaw lang kailangan ko. Ikaw na ikaw lang kelangan ko sa mga oras na to, wag kang mawala sakin. Pagbibigyan kita. Alam kong ikaw lang magpapawala ng sakit na nararamdaman ko. Kasi nga ikaw lang kailangan ko.. Pero after kong malaman yan, iniiwan mo ko. Kasi sabi mo hindi mo na ko mapapasaya. Pero ano sabi ko?? Ikaw lang makakapagpasaya sakin. Wag mo kong iwan. Kasi mahal kita. Hinabol kita. Ang dami kong naiisip. Bat mo ko iniiwan? Dahil ba sa babaeng yon? Hay.
Di niyo naman ako mapipigilan kung aawayin ko o kakausapin ko yung babae. Natural, emotions ko to eh. Hindi maiiwasang hindi magalit, hindi mainis, hindi magselos. Alam mong may girlfriend yung tao, bakit mo pa tinatawag tawagan? Ang dami mo pwedeng makausap, bat naman yung boyfriend ko pa? Telegram? Text?? Magkikita? Magsesenyasan? Ano pa? Kahit na ba ang unang nakipagusap sayo is yung boyfriend ko, YOU MUST KNOW YOUR LIMITATIONS. Mahihirapan lang ako lalo kung hindi ko to ilalabas. Naging okay naman kami. Kasi nga i gave him another chance. Agad agad. Pinag ayos kami ng mga fam namin. Mga apat na araw siguro. Masaya na. Naalala ko, sinasabi ko ng maayos sakanya. Tatahimik ako, mapapatulala. Pero may time na siya pa galit. Pwede bang intindihin nalang ako? Kasi di pa naman ako totally get over don. Sobrang nasasaktan padin naman kasi ako. Pero di ko naman ginagawang away yun. Ang kelangan ko lang is suyo. Suyuin lang. Hay.
Nagkamali ako. Sumama ko sa kaibigan ko, na inaway yung babae. Ibang issue, hindi tungkol sa kanya. Pero kasi alam niyo yun, nadamay siya. Natanggal sa varsity ganon. Sirang sira siguro siya. Naiintindihan ko siya kung galit siya. Pero yung iwan ako? Hindi ko matanggap. Alam ko nagkamali ako.
Iniwan na niya ko ulit. Hindi ko na siya pipigilan muli. Hahayaan ko kung saan siya masaya.. pero bat ganon?? sobrang mali ko ba talaga? Ganto ba talaga ugali ko?? Kaiwan iwan ba talaga ko?
Ako tong nabiktima ng pagtatago at pagsisinungaling, ako tong nahihirapan? Ako tong iniwan, pero ako tong naghabol. Ngayong nagkamali ako, ako nanaman din ba dapat maghabol? Sa pangalawang beses na pag iiwan niya sakin.. i tried.. I tried to stop him.. i tried.. pero sumuko na talaga.
Pagod na’ko.. sobra. Sobrang pagod na ko. Sabi niya sakin ako pinaka importante sa lahat. Sabi niya sakin, mas mahalaga ko sa lahat. Sabi niya sakin, mawala na lahat. Wag lang ako. Pero naramdaman ko, nawala pagiging varsity niya, iniwan na niya ko. INIWAN NIYA KO. Ang sakit sakit maramdaman. Na lahat ng sinabi mo at pinromise mo sakin, naglaho lahat.
Di ko siya masisisi. Siguro pagod na rin siya, siguro nagsawa na rin siya. Tinatanong ko bakit niya ko iniwan. “ di ko na talaga alam “ ang sagot. Ang hirap naman non. Hindi alam. Pero shet, di ko alam. Nagkulang ba ko o sobra sobra ba talaga ko?? Sasabog na utak at puso ko sa kakaisip, bakit mo nga ba talaga ko iniwan? Sobrang nasasaktan ka na ba? Sobrang pagod? Sobrang nagsawa? Sobrang nasakal? Pero sabi mo sakin, hindi. Di mo lang talaga alam. Tangina, muka kong gago kakaisip kung bakit.
Kung alam ko lang talaga na iiwan niya ko, sana una palang umiwas na ko. First time kong maiwanan. Sa taong pinaka minahal ko pa. Sa lahat. Ang sakit sakit.
Pero grabe, thank you na rin at dumating ka sa buhay ko. Natututo ko maging magisa. Maging magisa. Nakaka alis na ko magisa. Kase gusto ko mapagisa eh. Hay. Siguro marami pa kong magagawa na hindi ko nagagawa dati.
Ikaw yung taong hindi ko ineexpect na gagawa sakin neto. Ikaw yung taong hindi ko inasahang sasaktan ako ng ganito. Ikaw yung taong hindi ko inasahang iiwan lang ako. Ang swerte mo, may nakuha ka. Pero sinayang mo.
Sobrang minahal kita. Akala ko tayo lang. Akala ko tayong dalawa na. Akala ko walang iwanan. Akala ko laban lang. Akala ko kaya natin to. Akala ko walang susuko. Akala ko lang pala lahat. Siguro nga di mo na talaga alam. Siguro nga ayaw mo na talaga. Maiintindihan ko kung space lang hinihingi mo, pero yung iwan ako? Hindi talaga.
Ang gulo gulo ng buhay ko. Sa mga oras na ganito, alam kong ikaw lang makaka ayos neto. Siguro nga nababaliw na ko sayo. Di makakain, tulala, gusto ko na nga lang mamatay. Kasi di ko kayang wala ka.
Mahal na mahal kita. Gagawin ko lahat para sa’yo. Kailangang kailangang kita. Mawala na lahat sakin, wag lang ikaw. Ikaw lang kailangan ko. Lalo sa mga oras na ‘to. Pero wala ka dito sa tabi ko. Lahat lahat ng gusto mo gagawin ko, dahil mahal na mahal kita. Kahit buhay ko kapalit, wag ka lang mawala. Dahil mahal kita. 😢
Mahal na mahal kita pero paalam na. Siguro hanggang dito na lang talaga tayo. Siguro nga bata pa talaga tayo. Siguro nga hindi talaga tayo para sa isat isa. Siguro nga may mas deserve pa para satin. Thank you sa lahat. Binigyan mo ng liwanag ang buhay kong madilim. Kahit anong mangyari, hindi ko kakalimutan lahat. Dahil sobrang laking parte mo sa buhay ko. Sana naisip mo lahat ng masasaya nating ala ala, nung iniwan mo ko. At sana naiisip mo ngayon yun. Sobrang sayang lahat. Papakawalan na kita. Alam kong hindi pwedeng one sided lang, yung ako lang. Alam kong hindi kita pwede pilitin. Tao rin ako. Napapagod. Pagod na’ko.
Mahal na mahal kita pero hanggang dito na lang.. Paalam.
0 notes
the-absolutely-wild · 9 years ago
Photo
Tumblr media
I’m getting worse and you don’t know.
➵ Follow for more quotes ✔
918 notes · View notes
the-absolutely-wild · 9 years ago
Photo
Tumblr media
You’re the one I stay up all night thinking about, coming up with cute things I wish could happen.
➵ Follow for more quotes ✔ 
1K notes · View notes
the-absolutely-wild · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Because nothing makes me happier, and nothing makes me sadder than you
➵ Follow for more quotes ✔ 
2K notes · View notes
the-absolutely-wild · 9 years ago
Text
HAHAHA. Hay nako friendsss 😂
PAMBANSANG TANGA
Alam mo yung tanga? Ako yun eh. Alam mo yun? Yung paulit ulit ka nalang nasasaktan dahil sa nararamdaman mo para sa kanya pero kahit ganon, pilit mo parin pinag sisiksikan sarili mo sa taong wala naman talagang paki sa nararamdaman mo. Wala eh mahal mo. Yung nasa bingit ka na talaga ng pag suko pero wala eh patuloy ka paring nag papaka tanga at umaasa na balang araw matututunan karin niyang mahalin. Tapos minsan sasabihin mo sa sarili mo “SANA AKO NA LANG” pero hindi eh wala talaga.
7 notes · View notes
the-absolutely-wild · 9 years ago
Photo
Pero ang taba ko kaya baka di bagay
Tumblr media
4K notes · View notes
the-absolutely-wild · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Yay or Slay? @elsaekman 👉 Follow our footwear page: @ootdfootwear
17 notes · View notes
the-absolutely-wild · 9 years ago
Photo
Tumblr media
It’s hard to wait around for something you know might never happen; but it’s harder to give up when you know it’s everything you want. ~Unknown
➵ Follow for more quotes ✔ 
2K notes · View notes
the-absolutely-wild · 9 years ago
Photo
Tumblr media
Yay or Slay? @mireyarios
12 notes · View notes
the-absolutely-wild · 9 years ago
Photo
Ohhh thisss
Tumblr media
The bravest thing I ever did was continuing my life when I wanted to die.
➵ Follow for more quotes ✔ 
959 notes · View notes
the-absolutely-wild · 9 years ago
Text
The Broken Family
Do you even feel how hard is it to be in a broken family? Wooh, sobrang hard. Haha, di mo alam kung kanino ka ba talagang bahay titira. Is it in your father side ba or mother side. Yung gusto ng isa, sakanila ka pero yung isa naman ganun rin gusto. That feeling na hindi mo na alam kung sino ba talaga susundin mo. Pero ang hirap naman kase minsan gusto mo dun ka lang sa side na yun pero ayaw ng kabilang side. Di ka naman makakapili talaga kase minsan papagalitan ka pag di mo sinunod yung gusto. Do you easily get jealous in your friends looking that they have a good and complete family? Oh yeah, sometimes I looked at them and asked myself If happy families do really exist. Kasi eh, di talaga mawawala yung inggit kapag nakikita mong masaya sila. Alam mo yung ang dami mong tanong “bat nagkagan'to” , “ pano kaya kung di sila nagkahiwalay” , “ kanino ba talaga ko titira” at andami pa. Nalulungkot lang ako dahil sa mga nangyayari, pero wala. Di na rin naman ako umaasa kasi okay na'ko kung ano sila ngayon at ano ang buhay ko ngayon. Sobrang hirap lang talaga may mga bagay na hindi napagkakasunduan, palipat lipat ng bahay. Apat na bahay siguro nililipatan ko, ang daming gamit na dala dala. Yung minsan, gusto mo na lang tumira sa ibang bansa para di mo na nararanasan yung mga gan'tong gulo. I want to live my life w my own decisions eh, but I cant kasi maraming pumipigil at yung iba oo naiintindihan ko pa. Kase baby pa daw nila ko. Hay, pero wala naman na kong inaasahan ngayon. I want to live my life happy lang and wala masyadong iniisip. Happy na'ko ngayon w my life. Sanayan lang naman pero eto na siguro yung first heartbreak ko and this heartbreak thought me how to be strong. :-) 😊
1 note · View note
the-absolutely-wild · 9 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
He send this to me after naming hindi magusap ng almost a day. Ang sweet n'ya no? Pero super struggle yung nangyari yan. Ang hirap pala. Di ako mapakali, kung nasan ba siya, anong ginagawa niya at sino kasama niya. Ang hirap na di siya makausap ng ganung ka-tagal. Sanay kasi akong kausap siya lagi, ganon kasi yung gawain namin. Yung 10 mins pa lang na di pagreply, magagalit na. 1 hr at mahigit pa kaya, sobrang nakaka-miss na. Lagi kaming magkausap, yung tipong kahit may ginagawa siya, kahit habang natutulog naka- call pa rin, kahit pag-tae nga eh. Ganon kami ka- attach sa isa’t isa. Di kami nagusap ng halos isang araw dahil shempre nag-away, nagkaron ng misunderstanding. Then late night na, akala ko di ako makakatulog pero nakatulog ako agad sa sobrang pagod. Antay kasi ako ng antay ng pm niya, pero hindi ko rin naman kasi ineexpect na kakausapin niya ko kasi nga galit siya sakin. Then kinabukasan, hindi rin kami nagkatiisan. Nagusap kame as usual, actually di pa nga okay yun parang nagkaroon pa ng medyo away pero bigla niya agad sinend yan. Yan daw yung mga ginawa niya habang di kami naguusap. Grabe, habang binabasa ko super nakakapanlambot ng puso.. Iba yung feeling.. Parang yung nafeel ko shet eto yung hinahanap ko sakanya ngayon. Kaya after nun nagbati na rin kami agad and buong araw na ulit kaming magkausap na para bang hindi naubusan ng ikwekwento sa isat isa. Masaya ako and proud kase I have a boyfriend like him. He usually makes me happy everytime pero kadalasan din iniinis niya ko. Pero ganun naman talaga eh, and I will love him as much as I can. Proud ako and I will never get tired of loving him. Sana gan'to pa rin habang tumatagal. Hehe. :)
1 note · View note
the-absolutely-wild · 9 years ago
Photo
PEPPERONIIII
Tumblr media
Pepperoni Pasta Skillet
147 notes · View notes
the-absolutely-wild · 9 years ago
Photo
I MISS IN & OUT AF WAAAAAH
Tumblr media
in&out
2K notes · View notes
the-absolutely-wild · 9 years ago
Photo
Tumblr media
3K notes · View notes