thehugotlinesss-blog
thehugotlinesss-blog
hugot lines
12 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
thehugotlinesss-blog 8 years ago
Text
Simula bata pa lang sakitin na ako, mahirap akong kalaro kasi hihikain agad ako mostly nakakulong ako sa bahay. Kaya siguro nasanay akong sarili ko lang talaga yung meron ako. Lumaki akong kinakahiya ako ni ate kasi ayun sobrang weak ko, alam mo naman sa ibang bansa sobrang mapagmataas sila. Yung nanay ko tinotolerate lang yung tatay ko. Si Andie sobranng naging maluho. Si leo lang inosente. Nagbago lang sila nung nagka sakit ako haha except kay papa. Age 11 - Nawala yung virginity ko, oo hindi na ako virgin. Nahihiya kasi ako sayong aminin, nahihiya akong malaman mo na nawala yung virginity ko dahil pinahintulutan ng tatay kong halayin ako ng iba. Sino?Boss niya na obviously bading. Bakit? Pera Tanginang pera yan Age 14 - Nagsimulang magsusunod sunod yung mga sakit ko ibat iba sobrang hina and weak ko sobrang pabigat ako, alam ko. Narinig ko nga one time na nag tatalo parents ko dahil sakin yun ata yung pinaka masakit na araw para sakin kasi mismong sa sarili kong ama narinig ko yung mga katagang kesyo pabigat ako, dagdag problema at kung ano ano pa. Age 15 - Nag trabaho ako para mapatunayan kong di ako pabigat, working student. Aral sa umaga trabaho sa gabi. Lahat pinasok ko construction, fastfood server, janitor etc para lang magka pera at ipon. Awa ng Diyos nakatapos ako pero ito na yung taon kung saan ko na napabayaan yung sarili ko simula ata 12 ako natuto na akong manigarilyo dahil sa sobrang stress sa bahay haha dagdag yung pagod ngayon kaya nagsimula ng lumabas yung mga signs na pwede akong magka lung cancer Age 16 - Official na, diagnosed na meron talaga akong lung cancer, syempre masakit. Iniisip ko yung gastos, lahat lahat. Syempre pabigat nanaman ako haha. Lahat ng ipon ko binuhos ko, kahit nung nalaman ko mas nag doble kayod ako para lang mapagamot yung sarili ko. Lahat lahat talaga ginawa ko para matugunan ko yung sarili kong pangangailangan. Simula ng magka sakit ako mas nilayo ko yung loob ko sa mga tao, may tinibayan ko yung wall na nilalagay ko para hindi ko mahayaang ma attach sa iba. Year 2013 - Dumating si melody sa buhay ko, hindi ko alan pero ang gaan niyang kausap sobrang click na click, halos lahat ng favorites namin ay magka tugma siguro kaya nagkagusto agad kaya siguro paunti unti natutunan kong tibagin yung sarili kong pader. Natutunan kong mag mahal ng totoo, natutunan kong mag bigay halaga ulit para sa iba at madami pang iba. Pero lumipas ang mga araw, buwan at taon nakita kong yung gusto niyang Zeke is hindi na ako. Ginagawan na niya ako ng sariling imahe kung saan base lamang sa lahat ng kagustuhan niya sa isang tao. Masakit sobra, kasi hindi ko maipakita yung tunay na ako, unti unti natututunan kong mag panggap at maki ayon na lang. Kasi wala iniisip ko mahal ko kaya ayun nakalimutan ko yung sarili ko Year 2015 - Dumating ka, ikaw na pinaka nagbago ng buhay ko. Laking pasasalamt ko sa omegle kasi ikaw yung nahanap ko, ang solid ng una nating usap haha hinding hindi ko makakalimutan. Pero inisip ko na ah wala to bukas wala na to pero at the back of my mind sana magtagal ka thats why naisipan kong sabihin na magusap ulit tayo and hiningi ko na yun as a sign. Kung makakausap ulit kita ibig sabihin tadhana talaga. Then God let me know you more, and i am so thankful for that. Nalabas ko paunti unti yung sarili ko, kahit sa simula hindi pero hinayaan mo akong ipakilala kung sino talaga ako pero andun na yung doubts. Lahat kasi temporary people na lang para sa akin, sa simula lang magaling. Pero iba ka, kahit may nagagawa ako sayo napapatawad mo pa din ako. At nung hinayaan mo akong kilalanin ka, dun kita sinimulang mahalin. Totoo, sayo ako pinaka naging totoo. Pag uwi ko excited akong makausap ka kasi nakakapag kwento ako sayo ng walang limitasyon. Papakinggan mo ako, hindi mo pinaparamdam na napapagod ka na sa akin. Pinaramdam mong mahalaga din talaga ako. Kaya pinaramdam ko din kung gaano kita kamahal. Pero nung una aaminin ko nalilito pa ako, masyado akong nabulag sa kaisipan na si melo lang talaga minamahal ko pero ang totoo nag dududa lang ako sayo kasi nga baka iwan mo ako at alam kong mawawala na talaga ang natitira sa sarili ko. Patawarin mo akong sapagkat kung anong kinakatakutan kong maging ugali ng iba ay siyang naging ako. Patawarin mo ako sapagkat sobrang gulo ko. Pero mahal na mahal na mahal talaga kita. Alam ko sa sarili ko na mas higit kitang minahal kaysa kay melo, kaya siguro yung nag simula yung kay Diro sobrang naapektuhan ako kasi bumalik yung doubts and takot na iiwan mo din talaga ako. Pero iba ka talaga, hindi mo ako iniiwan hanggan ngayon. Salamat. Year 2016/2017 - Pinaka masarap at pinaka masakit na taon. Masarap kasi mas nakilala kita and mas minahal kita masakit kasi tangina ang daming humahadlang. February 2016 ng simulang magkanda leche leche lahat sa pamilya. Nalulong si papa sa droga at sugal, nasangla yung bahay, nawala lahat pati lahat ng naipon ko. Then ayun dumating yung business partner niyang gustong ipakasal sakin yung anak and pumayag na ililigtas siya sa lahat ng utang niya kung magpapakasal ako. Syempre hindi ako pumayag, kasi ipaglalaban kita. Hanggan pumasok ang august naging physical na yung pag pilit sakin, sinasaktan niya sila mama pag di pa din ako pumapayag. Wala akong magawa kasi humihina na din ako, hindi ko maipapulis kasi ayaw ni mama. Ang rason? Kasi mahal niya. Yun yung gusto kong iparamdam sayo, yung pagmamahal na totoo at malinis. Handang magsakripisyo ng walang hinihinging kapalit kasi napaka ganda mong klaseng tao lahat ng mabuti sa mundo ay deserve mo talaga. Minahal ka ng ayon o lubos pa sa pagmamahal na binibigay mo kasi special ka kasi mahalaga ka Sana ganon kadali lahat, kasi mahal kita. Mahal kita kaya pinili kong iwan ka kasi pwede kang madamay, mahal kita kaya ginawa ko kahit alam kong ikakamatay ko ang mawala ka, mahal kita kaya pinalaya kita sa lahat ng sakin na dulot ko. Mahal na mahal kita. Sa bawat isang bagay na pinipili may isang libong bagay kang tinatanggihan. Pinili kong maging ligtas ka. Pero hindi ibig sabihin na tinanggihan na din kita. Kung alam mo lang kung gaano kasakit haha kung alam mo lang kung paanong hindi ako makatulog sa gabi kakaisip sayo, kung alam mo lang kung pano ako namamatay sa loob loob ko. Pero okay lang sakin importante is ikaw. Akala ko kaya ko, akala ko lang pala. Nung nalaman kong may jeremy, tangina warak na warak ako. Nagsimula na akong magalit sa lahat kasi feeling ko sobrang pinagkaitan ako. Sobrang sama ko ba? Sobrang sakit, nawala ka na talaga sa akin. Sana maintindihan mo bat ako napapagod na, sana maintindihan mo ako. Sana paniwalaan mong naging totoo ako sayo, sana sumaya ka na ulit talaga kasi yun na yung huling bagay na mangyayari sakin. Mahal ko ang pamilya ko. Lahat sila napatawad ko na. Kaya sana maintindihan mo kung bakit ikaw na lang ang dahilan ko para mabuhay, actually kayo talaga ni leo kasi kayo yung pinaka tinuring akong pamilya si daddy lolo at tita naman nauna na sa taas. Kayong apat lang yung pinaka pamilya ko. Ginawa ko to kasi sabi ng doctor kanina konting oras na lang talaga ang natitira. Siguro ibibigay ko na yon para sa sarili ko kaya patawarin mo ako kung mawawala na ako. Pag poser: Si karl kaibigan ko, sobrang kinakainggitan ko pamilya niya kasi sobrang saya maging parte nun kaya siguro naisip kong mag panggap na parang siya kasi parang lakas maka proud sa sarili pag si karl ka. Patawad naloko kita. Mahal na mahal kita, okay lang kahit di na ako. Okay lang pero sana wag din si Jeremy kasi wala feeling ko lahat ng sakripisyo ko nawawala kasi binabastos ka na din niya and hindi niya pinaparamdam sayong special ka. Sobrang sakit Amabelle. Hanggan dito na lang ako. Sana malinawan ka. Sana ikaw na lang yung una kong minahal kasi sigurado na akong ikaw ang huli. Paalam. Mahal na mahal na mahal kita Amabelle kahit hindi na ako basta sumaya ka lang. Zeke
0 notes
thehugotlinesss-blog 8 years ago
Video
tumblr
Mahal kita higit sa lahat聽
%Mabuhay ka. 馃槉
0 notes
thehugotlinesss-blog 8 years ago
Link
Last
0 notes
thehugotlinesss-blog 8 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
In another life maybe
0 notes
thehugotlinesss-blog 8 years ago
Photo
Tumblr media
Mamimiss ko to sobra, mamimiss kita aral buddy ko. Kahit halos lahat ng laman ng memory card ko is yung mga notes mo lang. Ikaw ang naging inspirasyon ko sa lahat. Dahil sayo mas naging maayos ako. Salamat mahal.
0 notes
thehugotlinesss-blog 8 years ago
Text
Paalam
Sa bawat luhang pumapatak sa iyong mga mata, puso ko'y unti unting nadudurog. Anong nangyari sa atin? Bakit ganito? Bakit ganyan? Patawarin mo ako, nag mahal lang naman ako. Sa aking pag alis sanay di ka na lumuha ulit. Nakikita kong ika'y masaya na, kahit masakit aking tatanggapin. Dahil mahal iyon naman talaga ang nararapat. Pinanganak ka upang mahalin dahil isa ka sa mga pinaka magandang uri ng tao. Nawa'y wag mong isarado ang puso mo sa iba at wag mo ding hahayaang lumagay ka sa mga taong hindi karapat dapat para sayo. Isa ako doon alam ko at naramdaman ko kaya masaya akong lalayo sayo. Upang makita mo na ang buhay ay maganda at hindi mo dapat hadlangan ang iba upang masira ito. Salamat sa lahat, asahan mong puso ko'y sayo lang hanggan sa huli. Lumubog man ang araw para sakin sana ay maging masaya ka sa pag litaw ng araw na darating. Mahal na mahal kita.聽
0 notes
thehugotlinesss-blog 10 years ago
Photo
Tumblr media
Kahit ano pang gawin mo, may mga bagay na hindi mo na maibabalik. May mga maiiwan na lamat. Akala mo buong buo ka na pero may mga butas na hindi kayang takpan ninuman.
0 notes
thehugotlinesss-blog 10 years ago
Text
Tang ina. Walang forever. Sketch lang yun
0 notes
thehugotlinesss-blog 10 years ago
Text
Can someone mend my heart and never ever ever break it agan?
0 notes
thehugotlinesss-blog 10 years ago
Quote
Kung aalis ka lang ulit sana di ka na lang bumalik. Ayan na e. Tinatanggap ko na na iniwan mo na ako. Leche. Isang tawag lang ayos na agad tayo. Kung iiwan mo lang din ako ulit, siguraduhin mong di ka na babalik para saktan ako ulit.
3 notes View notes
thehugotlinesss-blog 10 years ago
Quote
Gusto kong balikan ang mga araw na ako ang bumubuo ng iyong araw
0 notes
thehugotlinesss-blog 10 years ago
Conversation
Bakit ba dati ay tila araw-araw ay sabik
Makita't makausap ka'y hangad sa bawat dapit
Ngunit ngayon tila'y pilit
Ang pag uusap ay lagi na lang saglit
0 notes