TRUE friendship is TREASURED. True FRIENDS are hard to find.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Maikling Kwento ng Ikatlong Pangkat 10-C
Hindi Magbabago ng ikatlong pangkat "Yelena, kailangan na naming umalis." Humarap sa akin si Anilov. Namumula ang mga mata niya, pagod na sa kaiiyak. "Anilov, aantayin ko na makabalik ka." Tuluyan ko nang niyakap si Yelena, kailangan ko nang tanggapin na aalis na ang pinakamatalik kong kaibigan. Pumatak ang luha sa aking mga mata. Masakit, siguradong malulungkot ako sa kanyang pag alis. "Mamimiss talaga kita Yelena. Babalik ako. Pangako." Kumalas siya sa pagkakayakap at pinunasan ang aking pisngi. Di ko mapigilang humikbi. Di ko kayang mawala ang matalik kong kaibigan. Kinagat ko ang aking labi upang mapigilan ang aking sariling humikbi. Binigyan ako ni Anilov ng isang ngiti. Ngiting humihingi ng paumanhin. Nagsimula nang pumatak ang ulan, kasabay ng pagtalikod ni Anilov. Naglakad na siya papalayo at wala na akong ibang nagawa kundi ang tumingin na lamang sa kanya. Mula sa malayo, nag-iwan siya ng mga bakas. Mga bakas ng pagkakaibigan namin na ngayo’y magsisilbing alaala na lamang. Makalipas ang ilang taon.. "Ate. Magkano po dito sa gulay?" "Ay. Trenta na lang para sayo Yelena. Lagi ka namang nabili dito hija eh." Woooh! Nakamura pa ako kay Aling Beka. "Nako. Salamat po aling Beka." Inabot niya na ang pinamili kong gulay at agad naman akong umalis. "Aww!" "Aray!" "Nako miss. Pasen-" natulala ako sa babae sa harapan ko. Nag-aayos siya ng "damit" niya. "Yelena?" "A-anilov?" Halos sabay naming sabi. Alam kong parehas kaming nakangiti na parang baliw. Niyakap ko si Anilov. Niyakap niya rin ako pabalik. Sa wakas, nagkita na ulit kami! "Kumusta ka naman? Grabe! Ang laki ng pinagbago mo ah. Pati pananamit mo nag-iba na. Pero syempre, maganda ka pa rin." Papuri ko kay Anilov ng makarating kami sa bahay. Ngumiti siya. "Naku! Wala ito. Ikaw rin Yelena. Maganda ka pa rin." Nag-usap lang kami. Marami nang nag-iba sa kanya. Nung umpisa ay parang siya pa rin ang Anilov na nakilala ko pero noong umalis siya, napagtanto ko na ibang-iba na siya. Wala na ang dating Anilov na nakilala ko. Iba na ang kulturang kanyang ikinagisnan. Lumipas ang mga araw at ganoon pa rin siya. Nakakalungkot man ngunit kailangan ko na siguro siyang layuan. "Hija, anong problema mo? Tila malalim na naman ang iniisip mo ah. May problema ka ba?" Napalingon ako kay inay. "Wala po ito nay. Si Anilov po kasi, nag-iba na siya. Hindi na po siya yung Anilov na matalik kong kaibigan." Malungkot kong sagot kay Inay. "Paanong nag-iba?" Tanong ni inay. Napa buntong-hininga ako bago sabihin na, "Iba na po kasi yung mga kilos niya." Tinapik ako ni inay sa balikat. "Marahil mag-iiba nga talaga ang kilos at ang kanyang kultura ngunit kung alam mong siya pa rin ang dating mabait, mapagmahal, at masayahing Anilov na nakilala mo, siya pa rin ang kaibigan mo." Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Ngumiti rin siya bago umalis. Makalipas ang ilang araw.. Magkasama kami ni Anilov sa simbahan malapit sa ilog. Dito kami pumupunta dati pa. "Yelena, ang dami nating alaala dito, ano? Nakaktuwa talagang bumalik sa Russia." Banggit ni Anilov nang nakangiti "O-oo naman." Alanganin kong sagot sa kanya. Tumitig siya sa akin. Matagal kaming natahimik. Bigla niya akong niyakap. "Yelena. Ako pa rin to. Sobrang namiss kita. At sa maniwala ka man o sa hindi, ang tagal kong inantay na makabalik dito sa atin." Bigla akong natauhan. Mali ako. Hinusgahan ko siya dahil sa kanyang bagong kilos. "Oo. Patawad Anilov. Akala ko kasi hindi na ikaw yung kaibigan ko. Naiintindihan ko na. Kahit marami na tayong pagkakaiba, ikaw pa rin ang Anilov na nakilala ko. Magtulungan tayo para maging pamilyar ulit sa isa't-isa. Namiss din kita. Sobra." Pinunasan ko ang luha ko at ganoon din siya. Nagtitigan ulit kami at sabay na tumawa. "Oo. *drook." Ngumiti ako sa sinabi niya. Isang totoong ngiti. Gaya ng ngiti niya sa akin noong muli kaming nagkita at hanggang sa ngayon. Tama. Hindi dapat maging hadlang sa mga magkakaibigan ang kanilang pagkakaiba o ang kanilang mga tunay na ugali. May mga bagay talaga sa mundo na sadyang di permanente. Pero ang mahalaga, bago ito mawala ay natuto tayong bigyan ito ng pagmamahal at pagpapahalaga. Gaya ng pagkakaibigan, hindi sa habang panahon ay kami pa rin ang laging magkasama, ngunit hangga't nandito pa ang isa't-isa, uubusin lang namin ang bawat oras na masaya at magkasama dahil ang tunay na kaibigan, bihira lang matagpuan.
0 notes
Video
youtube
PROMISE/PANGAKO by Group 3 of 10-C
A short story on friendship.
Members:
Cayla Gauna
Mhelbbie David
Blessie Diaz
Jeri Dimaranan
Frankie Junio
0 notes