thequeenberri
thequeenberri
A Travelers Dream 🏝
2 posts
🌹Mind over matter 🌹Environmentalist Little Miss Strawberry
Don't wanna be here? Send us removal request.
thequeenberri · 7 years ago
Text
Movie Review: TheDayAfterValentines 💕
Ang dami kong naririnig na reviews from “The Day after Valentines” na swak daw yung linyahang – “Ako ang nagsaing, Iba ang kumain.”
Kaya nung may opportunity na panoorin ko yung movie kahit alone ako, ginarab ko na. HHAHAHA.
Yes guys, I am alone nung pinanaood ko ito, katabi pa nang mga couples sa sinehan.
Ganito yung mga klase nang movie na gustong gusto ko panoorin sa sinehan, yung alam mo nang masakit at wasak sa puso na ending. Yung hindi typical love story nang mga Pinoy drama. Yon. Swak na swak sa akin yon.
Kaso, hindi ako naaware na comedy pala sha. HAHAHAA. Well, may love story shempre. Love story na totoong nangyayari. Literal na nangyayari sa panahon ngaun.
1. Unexpected person, unexpected place and time. Yung tipong out of no where may lalaking bubulaga sayo one day, na akala mo matagal mo na kaclose kase napakacasual nang convo nyo? Iwas na tau. Malas yan. Iiwan ka nyan. HAHAHA. Lesson? Don’t talk to strangers.
2. Getting to know his/her ex. Shempre, obvious naman if yun yung topic nyo eh HINDI PA NAKAKAMOVE ON yang kausap mo. Sino ba kase ang gaganahang makipagusap sa lalake/babae na topic eh yung mga ex-lover nila? So, para mabuhay ang convo. Payuhan mo sila. (Payuhan mo nang payuhan hanggang maging super honest nya sau na ang ending mafafall ka pero ang totoo wala lang sa kanya). Tip: Pag nagopen nang about sa ex. Iwan muna. HAHAHAAH.
3. Gaano ka-honest?. Hindi naman kase agad agad magiging honest ka sa isang tao diba? Dun tayo sa totoo. Magiging honest ka lang once naramdaman mo na yung attachment, right? Romantic attachment man o friendly. Basta ang point ko MAGIGING HONEST KA LANG ONCE NA-FEEL MO NA MATATANGGAP KA NYA. All your flaws, lahat lahat. Eh paano kung hindi? So paano na?
4. Paano maghilom?. Kahit ako hindi ko alam paano. Paano nga ba? Paano mo malalaman na naghilom ka na? San mo sisimulan ang pagtanggap?
Napakaraming tanong ang iniwan sa akin nang movie na ito.
Pero tama naman si JC eh, “Gusto mo ba na mahalin kita dahil sa may utang na loob ako sayo?”
Bro, alam ko un. Pero yung nangako ka. Nagpromise ka.
Wala akong pake kung prinsipyo mo sa buhay eh “PROMISES are meant to be broken.” Pero ang quotable quotes ko sa life eh, “HUWAG KA MANGANGAKO, KUNG HINDI MO KAYANG TUPARIN”. Maniwala ka. Hindi lang ako ang babaeng naniniwala sa PANGAKO. Kaya umayos ka.
Love,
Lynberri 🍓
0 notes
thequeenberri · 7 years ago
Text
“Let’s find some beautiful place to get lost.”
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Yung adik na adik ka lage maswimming kahit kakulay muna si Moana? Yung feeling na lage kang tinatawag nang dagat na parang si Moana? Yung pakiramdam na nakanta ka nang “HOW FAR WILL I GO” sa gitna nang dagat? Naramdaman nyo na ba yun? HAHAHA.
Ako kase lage. Makakita lang ako nang magandang dagat sa social media, gusto ko na agad puntahan yon. As in, magseserach nako nang itinerary and when everythings okay, I will make yaya my friends na. (ARTE? GANDA KA?) HAHAHAHAHA.
So, para sa huling hirit nang summer vacation ko. My friends and I decided to go to Five fingers Cove plus Laki Beach ng Mariveles, Bataan.
From the word itself, lima dapat yung cove pero tatlo lang napuntahan namen. Akala ko sya lang ang nagpaasa, akala ko sya lang ang manloloko. Pero baket pati ung COVE? HAHAHA. Char. So may chika kase na binili na nang San Miguel yung dalawang Cove kaya dapat palitan naren ang name to Three Fingers Cove para wala nang masasktan pa. Para wala nang aasa pa. Char. HAHAHAHA.
First cove, BAT CAVE – the what so called mapanghi cave o kia Jellyfish Cave dapt kase wala nang bat kundi jellyfish na malalaki kia. Sabi ni manong, maglangoy dw kame. Aba? For real kuya? Hahah. Char. Naimagine ko yung sarili ko na nilamon nang jellyfish pagkatalon ko so we decided na wag na lang.
Second, ____ COVE – the 40ft cliff diving spot. Yung malayo ka palang mahihimatay ka na sa taas. Kabilin bilinan ni manong na wag tatalon nang may lifevest. Parang pagibig, wag ka dw mafafall kung may reservations ka naman kase masasaktan ka ren naman dw. HAHAHAAH. Dahil takot ako masaktan, hindi ako tumalon. HAHAHAHAHHA
Tumblr media Tumblr media
Third, Nagbintana Arc – ang arc kung san nakatira si Superman. HAHAHA. Yun naun tlga. Andaming tao kia hirap kame magpicture so iexpand ang skills sa kung anung lugar lang meron. HAHAHA.
Tumblr media Tumblr media
Dapat last stop namen eh LAKI BEACH pero nabudol ata kame ni kuya kase sinabi namen bet naming me Sandbar na island so dinala nya kame sa LUSONG Beach. Habang papunta kame sa island, tinuro nya samen yung sandbar na hidden at bawal puntahan. Oh db si kuya? Katulad lang ren sya nang iba, ipapadama sayo ang excitement tas bigla ka nalang iiwan. IIwan sa ere. HAHAHAH.
Dahil ayokong iniiwan sa ere, pinilit pa ren naming marating ung hidden sandbar pagkaalis ni manong bangkero. HAHHA. SORRY kuya pero hndi kame pdeng magkaroon nang regrets sa buhay kaya ipupush namen ito. Dahil makamatay ang mga stunts para marating sya, wala kameng dinala kahit anu kundi sarili lang namen kaya hindi ren naming napicturan ang itinatagong ganda ng hidden sandbar ng Lusong Beach.
Dahil bangin na ang huling option namen para marating yun eh tnigil na namen ang malaDORA explorer na kwento na itu. Umuwi kameng hulaan at sugatan. HAHAHA.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Kahit sobrang saya ko sa trip nato I must say na mej disappointed ako sa Five fingers Cove nang Mariveles, Bataan. Why? Here are some reasons:
1. Bukod sa hindi pa sya well organized from the Port itself eh nahirapan kame to get our boat. There were no designated boatmen on the line depende sa kung ilan ung nagregister. Well, I understand naman kase kakastart pa lang nya makilala sa public.
2. Hindi economical ung mga boat price. Siguro, sa maramihan maganda sha kase fair share but then sa DIY travelers like us na konti lang ren, parang lugi sya. HAHAHAAHAH
3. On the itinerary itself, parang lageng nagmamadali yung mga boatmen na ihatid ka from cove to cove up until sa huling island na titigilan nyo. (Well, mabait nman yung bangkero namen kase nilibre nya kame nang cottage sa Lusong Beach pero hindi nmen naenjoy talaga vs sa expextations namen. HAHAHAHA
4. LAST, ANG DUMI DUMI! Ang dameng nakalutang na plastic bottles sa dagat, halatang mga walang travel pa more, tapon ditto later yung mga guest. Sosko nman, please lang? Magkaroon naman tayo nang care kahit konti sa Mother Nature. Mahiya naman tayo sa mga locals dun na sila ynug naglilinis nang mga kalat nyo. Kalalaki nyo na please. HAHAAH
Pero sabi nga “To TRAVEL is to take a journey into yourself”, so it’s a well spent summer feels anyway. 💕
0 notes