therealchichayyy-blog
therealchichayyy-blog
Silent Poet
51 posts
Your shoulder to cry on
Don't wanna be here? Send us removal request.
therealchichayyy-blog · 7 years ago
Text
Its been a while
4 notes · View notes
therealchichayyy-blog · 8 years ago
Text
hindi ko.pagsisisihan na nagpakatanga ako sayo, na umiyak ako ng todo, dahil sayo ako'y natuo, salamat sa pananakit mo.
2 notes · View notes
therealchichayyy-blog · 8 years ago
Text
Tatlong Salita, nagulo bigla.
Mali lamang ang ayos ng mga salita iba na ang kahulugan, Iba na rin ang kaganapan. Mahal kita pero... Pero Mahal kita... Ano ang mas maganda pakinggan, Ano ang makakapagbago aa iyong kasiyahan? Tatlong salita,naiba ang pwesto, Hindi alam ang tunay na lugar, parang tayo. Mahal kita , Ang dalawang salita na inaasam ko, Sinundan pa ng isa, Pero. Mahal kita Pero. Mahal kita pero... Ayaw ng kaibigan mo sa akin, Mahal kita pero... Ayaw ng pamilya mo sa akin. Mahal kita pero... Masyado pa tayong bata para sa ganito Mahal kita pero... Pagod na ako. Mahal kita pero... May iba na ako, Mahal kita pero... Duwag ako. Iba't ibang dahilan, Iisa lang ang kahihinatnan,may maiiwang luhaan, Tama lang siguro 'to, Para hindi na magkasakitan ng todo. Pero Mahal kita, Isang masakit na salita, Nadagdagan ng dalawa, Parang naging musika sa aking tainga. Ayaw ng kaibigan mo sa akin, Pero Mahal kita. Ayaw ng pamilya mo sa akin, Pero Mahal Kita. Masyado pa tayong bata para sa ganito , Pero Mahal Kita. Pagod na ako, Pero Mahal Kita. May iba na ako, Pero Mahal Kita. Duwag ako, Pero Mahal Kita. And sarap pakinggan, Nakakagaan ng kalooban, Totoo nawa sana ang nais ipakahulugan, Upang tumagal ang pagmamahalan. Pinakawalan ang tatlong salita, Agaran akong sumaya, Agad din naman itong napawi, Ang nauna ang lumabas sa iyong labi. May dahilan kung bakit mahal ka pa, At may dahilan kung bakit ayaw niya na, Nasaan man siya, Pakiramdaman mo baka nasasaktan ka na pala.
3 notes · View notes
therealchichayyy-blog · 8 years ago
Text
Tainga
Hindi ako nakatingin sa iyong mata, Magtiwala ka, Sa bawat linyang iyong ibinabato, Nakikinig ako. Maikli man ang unang tugon, Tatangayin ka ng mga ahon, Sa mga susunod na litanya, Kasabay ng pagpalo sayo ng mga salita. Hindi man magamit sa kasalukuyan, Nawa'y madala sa patutunguhan, Kasabay ng pabaon kong mga ngiti, Ikaw ay magtatagumpay sa iyong mga mithi.
1 note · View note
therealchichayyy-blog · 8 years ago
Text
Moving On to Moved On (real quick)
Someone asked me, "Paano ba mag move on" I just replied, " just keep moving forward" Then I realized something, Na if you still crying even after years that doesn't mean na di ka pa rin nakakamove on. Cause for me, moving on is accepting that you're done. You're just crying because you you remember something you did or you just remember him, but you don't remember the feeling anymore. Follow up question, "paano pag tanga ka?" Hindi ka tanga, Hindi naman masamang tumingin sa likod/pinanggaling mo bago ka pumunta sa pupuntahan mo diba? Sabi nga nila, "experience is the best teacher"(tama ba?lol) So let your past and pain be your strength for the (your) future. Makakamove on ka rin,maybe not now but maybe soon, you just have to do it slowly but surely. You dont need to rush Moving on, Its ok that he's already ok even if you're not because when you're finally healed you'll be more (10x) ok than him.😊 #latenightThoughts
4 notes · View notes
therealchichayyy-blog · 8 years ago
Text
Likido
Para sa sa,yo, Handog ng pusong naghuhurumintado, Pakingan mo ng husto, Kahit minsan, nawa'y madama mo ako. Humiling kahit ilang minuto, Naibigay mo ay ang iyong mundo, Na agaran mo ring inangkin, Ang akala ko'y naging akin. Sa paglisan mo'y sumabay ang pagtulo, Sabay ng pagalala sa pangakong napako, Pangakong susungkitin mga butuin sa langit, Ngunit sumabit at nagdulot ng sakit. Sabi mo iyong hihilumin, Ikaw ang gamot sa akin, Ikaw din ang sa akin nagpapahirap, Ang husay mo magpanggap. Nabighani ako ng iyong salita, Nabihag sa iyong mga gawa, Mahusay na nagamit ang maskara, Maling tao pala ang nakilala. Sa paglisan mo, Malalim man ang naiwang marka nito, Ikaw pa rin, hindi hanggang dulo, Hanggang sa matapos ang pag tulo nito. Para sa'yo, Handog ng pusong naghuhurumintado, Nais ko lang malaman mo, Na ang mga luhang dulot mo ay matagal ng tuyo.
1 note · View note
therealchichayyy-blog · 8 years ago
Text
He maybe a part of my past , But atleast he's still in the cast.
1 note · View note
therealchichayyy-blog · 8 years ago
Text
When you want to, But you cant!
1 note · View note
therealchichayyy-blog · 8 years ago
Text
Nagmature o natuto? Ano nga ba pinagkaiba nila? Nagmula sa sugatang puso, Natapos sa paglipat sa susunod na pahina.
1 note · View note
therealchichayyy-blog · 8 years ago
Text
I will always be grateful to write for others 😊💕
1 note · View note
therealchichayyy-blog · 8 years ago
Text
I still remember you But I don't love you anymore. That's different
1 note · View note
therealchichayyy-blog · 8 years ago
Text
Pieces
Unfollow and unfriend me all you want I won't get hurt Because the moment you unlove me That's the moment I got broke into pieces
1 note · View note
therealchichayyy-blog · 8 years ago
Text
First love is hard to forget From the first time we met Until you say goodbye Your happiness I want to envy.
1 note · View note
therealchichayyy-blog · 8 years ago
Text
Ano nga bang laban ng mga pumatak na luha, Sa masaya mong ngiti sa mata?
1 note · View note
therealchichayyy-blog · 8 years ago
Text
Noon, Ikaw at Ako Ngayon, Ikaw at ang mga alaala mo.
1 note · View note
therealchichayyy-blog · 8 years ago
Text
Kape ang Solusyon
Gusto kong maranasan Ang magkaroon ng masinsinang usapan Sa loob ng simbahan Na kung ano ano lang ang pinaguusapan Kwentuhang nag umpisa sa wala, At sa seryosohan napunta Nabanggit ang pangarap na kasal Habang ako ang hinihintay sa harap ng mga banal Habang suot ang puti at mahabang bestida, Magandang belo na nakaharang sa mukha Dahandahang naglalakad Sa ritmo ng tugtuging ballad Ang huling pagkakataon na maihahatid Sa taong, ang mga luha ko ay pinahid Huling pagkakataon na ako'y akay-akay Inabot na ako sa iyong kamay Sa pagbanggit ng mga pangako Habang ang mga luha ay tumutulo Sa harap ng altar,tayo ay magsusumpaan Ng pagmamahalang tapat ay walang hanggan Napadilat ang aking mata Kinusot ng paulit ulit hanggang sa manlabo na Totoo ba ito? Na panaginip lang ang nakita ko? Nalala ko,wala pala akong makakasama Sa mga usapang unti unting nagkakakwenta Mga bagay na ngayo'y nasa imahinasyon Balang araw tutuparin kasama ang sa aking pangarap ay tutugon Ang mga ganyang bagay ay di minamadali Maghintay ng mahaba kung sakali Makakasiguradong tama ang lahat Lalo na kung ang araw at tama ay sapat Tamang pag-ibig sa tamang panahon, Hindi ba ang sarap pag ganoon? Sabay tutuparin ang magkaibang pangarap At sabay tatahakin ang daan paalapaap
1 note · View note
therealchichayyy-blog · 9 years ago
Text
Dos Katorse
Puno na naman ng nagtitinda ng bulaklak sa paligid Mga magkakasintahang nasa gilid Tila mga matatamis na salita ang binibitawan Habang pinaparamdam sayo ang paglutang sa kawalan Puno na naman ang mga kainan Nakapaligid ang mga kupidong puso ang nais tamaan Mga lobong hugis puso Na tila ba tinatawag ka na parang tukso Pula, Ang sakit sa mata Makakita ng magnobyo at magnobya Habang ikaw ay nag iisa Para sa may kapareha lang ba ito? Wala bang karapatan ang mga nag-iisa sa mundo? Sa inyo na yang isang espesyal na araw Mayroon pang 364 na araw upang maging masaya habang ang minamahal ay iyong tanaw Hindi lahat masaya sa araw na ito Ang iba,ang mga mata'y may mga luhang tumutulo Sapagkat sa maling araw napili ang paghihiwalay Ngunit hindi dapat doon magwakas ang lahat,ngumiti ng tunay at ipagpatuloy ang buhay Hindi kinakailangang ikaw ay may kasintahan Upang ito'y paghandaan Meron ka pang kaibigan at pamilya Na handang iparamdam sayo na hindi ka nag-iisa Ang araw ng mga puso Ay para sa lahat ng tao sa ating mundo At walang itong patakaran Kaya't ikaw ay may karapatan upang makasali sa kasiyahan Araw na naman ng mga puso,hay ang sarap umibig Pero mas masarap kung isip ang mananaig Siguradong magtatagal kayo hanggang dulo Kapag ganoon ang senaryo
2 notes · View notes