Tumgik
tradartist-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
Di masyadong maganda pero pwede na (at Bagong Silang Caloocan City)
0 notes
tradartist-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
10 posts! Luh may paganito yung tumblr ahahaha award award 👑👑👑
0 notes
tradartist-blog · 8 years
Text
riˈvyo͞o
Tumblr media
Batch’81
-Mike De Leon
Brotherhood or Kapatiran ang laman ng pelikulang Batch’81. Isa sa ibinidida nitong organisasyon ay ang Alpha Kappa Omega na sinalihan ni Sid Lucero at ng labing apat pa ngunit walo lang ang natirang matibay. Masasabi kong isa ito sa mahusay na likha sapagkat hindi ito natakot o itinago ang baho bagkus ipinakita nito ang tunay at totoong nangyayari sa lipunan lalo na mga panahon na laganap ang mga organisasyong kagaya ng mga frat kung saan inaabuso ang mga karapatang pantao. Ikinuwento ng pelikula kung paano makapasok ng frat. Kinakailangang dumaan sa hazing o initiation ang magiging miyembro at dito sinusubok ang tibay pisikal man o emosyonal. Si Sid Lucero halimbawa nalang isa sa mga naakit na sumali sa frat dahil nakita nya kung paano nito kayang baguhin ang buhay niya kaya’t di sya sumuko at pinilit nyang kayanin ang mga pahirap na ginawa sa kanila ng mga neophytes. Sa loob ng kapatiran habang binubura ang kanilang dating pagkakakilanlan ay unti-unti ding hinubog at binubuo ang  bago nilang pagkakakilanlan. Dito hinihingi ng kapatiran ang buong pagkatao nila upang sa gayon maghari sa kanila ang layunin at puso ng isang tunay na Alpha Kappa Omega. Bukod sa mga pahirap ang isa sa mga di masikmura ng ilan ay ang pagpatay dahil sa maliit na pilit pinalalaki kung kaya’t di nareresolba ang problema. Nagakita ito ng isang rambol kung saan ikinasawi ng marami sa mga miyembro ng frat, kung iisipin may mga ganito pa ring pangyayari na ang mga miyembro ng frat na armado ng mga baril at patalim ay nagpapatayan sa di katanggap tanggap at makasarili nilang dahilan. Mas pinili nilang ialay ang mga  sariling buhay para sa isang kapatirang hindi naman talaga sila kayang ipagtanggol hanggang kamatayan. Ni hindi nga sila kayang mabigayan ng hustisya ng kapatiran kapag napatay sila sa isang engkwentro o rambol. Nakakatakot isipin pero marami pa ring mga ganitong kaso sa panahon ngayon.  Napansin ko rin ang pinakahuling pagsubok nila kung saan gumamit ng silya elektrika. Kung maaalala pa natin sa panahon ni Marcos naging patok at sikat ang parusang Death Penalty kung saan ang nagkasala ay pinauupo sa silya elektrika at kinukuryente hanggang mawalan ng malay at tuluyan ngang mamatay. Labis na kinakatakot natin ngayon ang pagbabalik ng administrasyon sa parusang Death Penalty dahil alam nating lahat na ang mga gagong criminal na nakakagawa ng kasalanan bukod sa dapat maparusahan sa kabilang banda may pamilya paring nagmamahal at naghihintay sa pag uwi niya. Di ko pa rin lubos maisip kung anong dapat pairalin ang batas na hindi dapat maawa sa sinuman o ang mapang-aliping kunsensya ng tao.
Pero dahil nga sikat noon at kinikilala ng mga unibersidad ang mga kapatiran gaya ng Alpha nagkakaroon sila ng mga taunang pagdiriwang gaya ng Upakan isang talent show festival kung saan isa sa naging masayang highlight ng pelikula. Dito nag-anyong mga transgender/bakla ang mga tigasing kalakihan. Naalala kong naging parte ng pagsubok nila ang pagpapraktis ng sayaw lahat pala ng pinagagawa sa kanila may dahilan siguro yung iba para patibayin ang loob nila at matutunan  na hindi dapat sila madaling matangay ng kasalan o ni awa.
Sa kabuuan ipinaramdam ng pelikula ang pag abuso ng mga pinaniniwalaan nating mas mataas sa atin o ng may kapangyarihan ang kanilang kapangyarihan upang manlamang sa kapwa, apakan ang karapatan ng sinumang mas mababa o di kaya pagkatuwaan lang para sa makasarili nilang dahilan.  Di mo rin masisi ang ilan sa mga sumuko dahil sa hirap at di nila masikmurang pinagagawa ng kapatiran. Tulad sa panahon natin maraming makamundong gawain ang pinipilit gawin at sikmurain ng mga taong gutom ang sikmura para lang mabuhay sa ating mundong ginagalawan habang may ilan na hindi man lang pinagpapawisan para makuha at maabot ang kanyang ninanais. Sino nga bang dapat sisihin? Sila? Ikaw? Ako? O Tayo? Di ko rin masabi dahil ayokong iligtas ang sarili ko sa mga makamundong kasalan na hindi ko rin maiwasan. Ngunit sa palagay ko kung magiging pantay pantay ang pagtingin ng batas sa karapatan ng lahat ng tao mahirap man o mayaman, may pera man o wala, gutom man o busog, maganda man o pangit, ,may buhok man o kalbo, may ngipin man o bungal marahil maitatama natin ang ilan sa ating pagkakamali at mabibigyan ng solusyon at sagot ang iilan sa mga problemang ating kinakaharap. Kung minsan hindi lang natatapos ang lahat sa pagsuko. Kung napapagod man tayo isipin sana natin na hindi laging sagot ang pagsuko kung alam natin na kaya nating ipaglaban ang isang bagay hanggang sa huli hindi dapat tayo sumusuko. Dahil sabi nga nila ang sumusuko ay di nananalo. Bago matapos dito naalala ko yung parte na isa sa mga anak ng naging miyembro ng frat ay minsang sumuko ngunit pinigilan ni Sid pero wala syang nagawa. Hanggang sa napilitan bumalik ang minsang sumuko dahil wala syang magawa at hindi niya maaaring suwayin ang ama niya na binugbog sya upang pabalikin sya sa frat. Nakakatawang isipin pero ng dahil don di sya sumuko wala lang pandagdag lang talaga ‘to. Tandaan natin na wag ugaliin ang pagsuko dahil ang ibig sabihin nito ay ipinapatalo mo na ang laban.
0 notes
tradartist-blog · 8 years
Text
riˈvyo͞o
Tumblr media
Ang Babae sa Septik Tank 1
-Marlon Rivera
Tipikal na pelikulang sumasalamin sa pamumuhay ng mga simpleng mamamayan ng nating bansa. Repleksyon ng isang mahirap na bansa na nagtataglay ng kumakalam na mga sikmura ng bata at matatanda na kapos at naghihikahos. Na may iba’t ibang diskarte upang matawid ang makitid at mala-sinulid na daan ng kahirapan. Dito araw araw silang malulugmok sa kumunoy ng kahirapan kapag hindi sila kumilos. Kapalit ng bawat kayod at pagtuka sa lupa ay kakarampot at barya na itinatapon ng mayayaman. Dito makikita ang mga sakit na di magagamot ng sinumang doctor o malulunasan ng kahit anong gamut. Ito ang mga sakit ng lipunan na di mamatay matay sa hinaba-haba ng panahong nagdaan. Unahin na natin ang kumunoy ng kahirapan na lumalamon sa mga naghihikahos, Sunod ang kaliwa’t kanang prostitusyon na sinisikmura para maitawid ang gutom at uhaw ng mga kapos, at ang mga suliranin sa mga karapatang pantao maging korupsyon ay iilan lang sa mga di  natin malunasan dahil ang mga may kapangyarihan kung minsan dinadaig ang may mga kapansanan. Kaya nilang magbingi-bingihan, magbulag-bulagan, di makaramdam, at di maamoy ang baho ng nabubulok nilang sistema.
Pinakilala sa atin ang mga mukha sa likod ng pelikula na sina Rainier (JM de Guzman) at Bingbong (Kian Cipriano) at Jocelyn (Cai Cortez) mga film maker na nagnanais makagawa ng isang obra na kanilang ipapanglaban sa International Film Festivals. Ilan lamang sila sa mga film maker na minsang naghangad na makagawa ng mga pelikulang magkakamit ng karangalan at papatok sa takilya. Malamang para kumita at kumita. Ang kanilang pelikula ay pinamagatang “Walang-wala” kung saan may isang  nanay ang pilit iginnagapang sa kahirapan ang kanyang pitong anak. Narito’t di niya kayang tustusan ang pangangailang ng mga ito kung kaya’t ang kanyang naging diskarte ay ibenta ang ito sa isang mayamang matandang lalaki kahit na labag sa loob niya. Di ko alam kung bakit may mga nanay na may ganitong katibay na sikmura. Paano kaya nila nagagawa ang mga ganitong bagay? Para mabuhay? Para mabawasan ng poproblemahin? O para takas an ang responsibilidad bilang nanay? Kailanman di pwedeng maging sago tang pagtakas sa problema o maging ang pagbenta ng anak para lang mabuhay. Ang nanay na tinutukoy sa pelikula  ay si Mila (Eugene Domingo) na nagbigay ng iba’t ibang atake para ganapan ang role bilang mila  sa pelikulang “Walang-wala” maraming hiniling si Eugene upang “daw” mas magampanan niya ng mahusay ang role. At masasabi ko naman na mahusay niyang nagampanan ang role dahil di naman tatayo ang pelikula kung di sya magaling. May mga pinabago sya sa pelikula upang mas maipakita ang iba’t ibang perspektibo at posebilidad ng “Walang-wala”. Ang ibig kong sabihin sa perspektibo at posibilidad ay nariyang maging isa itong docu, musical at soap opera. At talaga namang na-achieve nila na kilitiin ang imahinasyon ng mga manonood sa maraming posibilidad ng isang material na pampelikula. Ang pelikulang Ang Babae sa Septik Tank ay isang realidad ng buhay na nararanasan ng karamihan sa populasyon ng ating bansa. Dito masisilip natin ang simpleng pamumuhay ng isang mumunti at hikahos na pamilya ni Mila. Bagama’t simple ang kanilang kwento ay hitik sa mensaheng pumapatungkol sa pang-aabuso ng sistema ng sining. Sapat na para mapukaw ang damdamin ng bawat isa at makiliti an gating mga natutulog na isip para pansinin ang mga inilawaran nitong sakit ng lipunang gaya ng walang kamatayang kahirapan at prostitusyon. Ang nararanasang kahirapan ng bansa ay patuloy lang na dumadaloy sa ating sistema at di sapat ang ginagawang aksyon ng gobyerno para ito’y maibsan. Sa halip na pagtuan ng pansin ang mga pangunahing problema ng bansa nariyan sila at pinagtatakpan lang ito, tinatabunan ng kung anu-anong isyu hanggang mabaon at malibing ang mga ito sa bundok ng mabahong basura. Maging sa larangan ng sining nangayayari ang pang aabuso nariyan silang mga alagad ng sining na nakahanap ng inspirasyon para gumawa ng obra na kung saan pwedeng magkamit ng karangalan para sa sarili nilang interes. Mabentang mabenta sa mga film festivals ang mga kwentong kahirapan, prostitusyon at iba pang sakit ng lipunan na makikita sa mga bansang kasali sa Third World tulad natin. Ang mga ganitong pelikulang may temang ganito ay sya ba nating pinakikita sa mga banyaga para kaawan tayo at bumaba ang tingin nila sa atin kapalit ng karangalan? Tagumpay, karangalan, pangarap sa likod ng madumi at nabubulok na sistemang patuloy na dumadaloy at pinaiiral sa ating bansa. Mga sakit na walang lunas at mga krimen na di mapuksa ang nakapagdadala ng karangalan sa bansa. Pinaparangalan yata tayo dahil nasisikmura natin ang ganitong klase ng pamumuhay. Tagumpay kapalit ng kahihiyan. Mahirap at masakit mang pakinggan wala na tayong magagawa hangga’t ang mga nakatataas ay nagbubulag bulagan, nagbibingi-bingihan at patuloy na ninanakawan ang sarili nilang bansa para pagkasyahin sa mga bulasa nila ang kayaman na dapat ay pinamamahagi sa mga nangangailangan. Ang mga pelikulang tulad nito ang dapat na isinusubo sa kanila para matikman nila kung gaano kapait ang pinagdaraanan ng mga taong tinatapakan nila.  Mabilis ang paglipas ng mga taon pero sa kabila nito napakabagal ng pag usad ng bansa. Maliit na bansa ang Pilipinas pero bakit hirap na hirap ang tayong umahon?
0 notes
tradartist-blog · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang Babaeng bukod na pinagpala sa lahat, sa pakakaroon ng dalawang likod hahaha
kinuhanan ni pataponsupreme
inilawan ni mekpacatang
0 notes
tradartist-blog · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Hindi lahat ng malinaw sa paningin mo maganda, meron ding gumaganda habang lumalabo
0 notes
tradartist-blog · 8 years
Text
Pagsusuri
                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                      Saving Sally
-Avid Liongoren
Ano ang mga nagustuhan mo sa pelikula?
Bilang isang may kakayahan din gumuhit isa sa mga nagustuhan ko ay ang mga tauhang iginuhit sa pelikula medyo kengkoy at kakatuwa ang itsura. Lalo na ang mga memes na nakasulat sa mga bagay na  makikita sa paligid gaya nalang ng mga signages. Isa sa mga natatandaan ko ay tukmall na pangalan ng mall tapos mga brand ng pagkain gaya ng fita na naging tita pati ang pangalan ng park na sandara park. Sa kauna-unahang pagkakataon gumamit sila ng bagong konsepto kung saan pinaglaruan nila ng tunay na mundo at imahinasyon. Inilagay nila ang totoong  tao sa loob ng isang drawing, kung tutuusin para na kong nanood ng cartoon sa bahay na paborito ko noong bata ako magpahanggang ngayon kaya’t di ko na rin ikinagulat ang pagkapanalo nito ng kid’s choice award. Totoong namangha ako sa ganda ng pagkakaanimate ng pelikula lalo’t wala pa kong karanasan sa ganong bagay pero gusting gusto ko ng matutunan. Masasabi ko sobrang matiyagang proseso ang pagbuo ng ganitong klase ng pelikula. Pati nga sa mga pagbato ng punch line ng mga karakter pinag isipang mabuti dahil patok sa mga manonood napansin ko kasi na maraming nakakagets ng joke bukod sakin sa loob ng sinehan kahit pa medyo conyo dahil English. Yung theme song naman na ginagamit kasabay ng paggalaw ng drawing gandang ganda rin ako lalo na yung parang lulubog sa tubig tapos biglang tatangayin ng hangin basta ang ganda di ko maeksplain. Yung animation na pinakagusto ko yung nagalit yung parents ni sally tapos nagwala at nawasak yung bahay woooo shet pano ba yon gawin. Madami pa kong nagustuhan bukod don lalo na yung pagdrawing niya ng mga extrang monster ang astig pati yung mga machine na kunwaring inimbento ni Rhian Ramos bilang sally at Enzo Marcos bilang Marty nakakatuwa din. Pati si martin pati mga emosyong pinapakita niya ang lakas maka-anime. Ang dami ring hugot sa story na base sa totoong buhay kaya relate ang mga nanonood. Sa dulo ng pelikula may maiksing animation din na parang The Little Prince based yung pagkakaanimate sobrang nakakainlove yung Saving Sally kahit konti lang yung artist nila sobrang successful ng gawa. Sobrang polished na din ng paggamit nila sa green screen (kahit 2D lang naman) para mapalitan ng monster karacter ang mga tauhan sa kwento gaya nalang ni Tj Trinidad bilang Nick.
Ano ang mga hindi mo nagustuhan sa pelikula?
Siguro kung meron man akong di nagustuhan yun ay di ko sya nasimulan ng maayos kaya di ko alam kung paano nagsimula ang kwento pero mga 15 mins lang siguro dahil ang haba ng pila non sa cashier/ ticket station o kung ano man ang tawag don. Tsaka may mga dad joke na di naman pwedeng pambata kaya bakit sya naging kids choice? o baka di ko lang alam kung anong tinitingnan para masabi na kid’s choice ang isang pelikula.
Sa story bakit parang malapit yung doreamon sa ibang bahay di ko alam kung ako lang nakapansin pero dun sa bahay ni Marty parang bahay ni Nobeta. Tsaka nakakagago yung ginawa niya sa mga brand naging mga memes pero ok lang naman yata yon nag-enjoy naman mga tao. Siguro nainspire yung artist sa kwento ni The Little Prince kaya may concept na ganon sa dulo ng story. Medyo nakakaloka yung bida kasi ang dami nyang portrait ni Sally sa kwarto isang buong wall basta I didn’t  find it sweet kaya rin siguro nagwalk out non si Sally after seeing those drawings posted in his wall.  
Sunday Beauty Queen
-Baby Ruth Villarama
Ano ang mga nagustuhan mo sa pelikula?
Una sa lahat nagandahan ako sa concept na ipakita kung anong buhay meron ang mga ofw na naninilbihan sa ibat ibang lupalop ng mundo gaya nalang sa bansang hongkong na kung saan mgaraming bilang ng Pilipino ang naroroon. Nakakaantig ng puso ang kwento ng ilang kababaihan na sina Rudelyn Acosta, Cherrie Mae Bretana, Mylyn Jacobo, Hazel Perdido, Leo Selomenio naninilbihan sa ibang tao kapalit ng kaunting pera kahit pa inaabuso ang kanilang karapatan at hindi sila paminsan itunuturing na tao. Halos maiyak ako sa pinagdadaanan ng mga kapwa ko piliipino dahil sa hirap ng pinagdadaanan nila. Totoo wala kong magulang na nasa ibang bansa pero ilan sa mga kaklase at kaibigan ko dumadaan marahil sa ganoong sitwasyon at dahil sapelikula mas naunawaan ko ang ilang bagay bagay sa buhay ko. Sino bang makapagsasabi kung p-agdaan ko rin yon baling araw.Nakakatuwang isipin na may mga iilang kapwa Pilipino ang naroroon at gumagawa ng hakbang upang makatulong sa mga dumaranas ng kaapihan sa kamay ng kanikanilang mga amo. Ang mga ibang anggulo naman ng kuha halatang video cam na marahil medyo mabab yung quality kasi medyo grainy. Ang ganda din ng makukulay na damit at props nung pageant na lalo na yung mga make up ng mga candidates puta may igaganda pa pala sila. Sino kaya yung nagkilay sa mga candidates ang galing. Nakakainggit nga don yung nag oorganize ng event kasi ang galing niya without any formal experience or formal na pag aaral kaya nyang humawak ng ganong event. Di lang yon kasi inaadmire ko rin sya dahil s pageant for a cause dahil pinapangtulong nila sa kapwa nila ofw yung nalilikom nilang pera. Oh diba dalang dala ko sa story which is maganda naman talaga. Di nga ko halos makapaniwalang mamamatay si Jack soon a isang film maker nakalimutan ko kung anong tawag sa kanya basta worldwide syang gumagawa din ng movie. Sobrang ganda ng timing na yon at buti naitape din nila yon.pati yung pagkakaterminate ng isang ofw nnila dahil sa pageant. Tapos yung scene na paalis na yung isang girl na decided na lumipat sa japan tapos nagbago yung isip nakakatuwa yung ending nila. Tsaka ngayon lang din ako nakanood ng two years yung tinagal ng docu dahil inabangan ulit nila yung yearly pageant. Yung Sunday beauty queen di sya matawag sa pansin ng ordinaryong tao lalo na kung di mo pinanood yung trailer kasi maganda yung story at ganung din naman halos lahat ng mmff entries. Dito makabuluhan at masasabi  kong may saysay ang storya dahil tumatakay sya sa isang mahalagang issue na dapat harapin nan g gobyerno. Ang maganda pa ditto di nila kailangan gumastos ng malaki sa prod dahil nga sa docu ‘to kailangan lang nilang macapture yung kwento at maliliit na detalye na bubuo sa kwento. Sana makagawa ko ng ganito someday hihi.
Siguro yung ayoko lang sa pelikula ay yung way ng pag iinterview sa mga bida kasi pansin ko lang sa mmga nag iinterview palagi nilang pinapaiyak yung mga tao ang sama nila haha joke basta ganun lagi iiyak tapos nakakahawa naiiyak din ako mukhang tanga lang.
Masakit isipin na kailangan pang gumawa ng maraming ganitong pelikula para langmaip-arating sa ating gobyerno ang hinaing ng mga taong naaabuso angkarapatan at nayuyurakan ang karapatang pantao gayong ginagawa naman nila ang kanilang parte bakit ang gobyerno hindi magampanan ang kanilang parte.
Die Beautiful
-Jun Robles Lana
Ano ang mga nagustuhan mo sa pelikula?
Sa pelikulang pinagbibidahan ni Paolo Balesteros bilang Patrick at di naglaon naging Trisha Echavarria binigyan niya tayo ng isang makulay, masaya, malungkot, minsan nakakaiyak na buhay bilang isang miyembro ng lgbt community o trans. Ang kwento ang pinaka nagustuhan ko dahil punong-puno ng pagmamahal at aral ang hatid ng bawat tauhan sa kwento. Pati na rin pagkakaayos ng scene at pagsisimula sa pagflashback maayos na naisagawa. Gumamit din sila ng matitingkad na kulay para buahyin ang set ng pelikula. Ang tinutukoy kong matitingkad na kulay na ginamit sa gate ng bahay at pintura ng labas ng bahay pati din sa mga pageant at costume ay ang bumubuo ng kulay ng rainbow pag pinagtabi-tabi. Rainbow na sumisimbolo sa lgbt community. Isa ito sa mga napansin ko at nagustuhan dahil ito ay tungkol sa kwento ng isang trans na hindi tanggap ng kanyang ama na minsang nangarap na maging isang beauty queen at nagtyagang sumali sa iba’t-ibang beau-con kasama ang mga kaibigan at di nalaon nakamtam ang pinakaaasam-asam na pangarap ngunit sa pagkamit nito agad namang binawian sya ng buhay. Sobrang artistic din ng talent ni Paolo ditto yung paggaya ni ng mukha ng iba’t ibang artista mapa-local o Hollywood. Ang galing nila ng bestfriend niyang manggaya. Pinaka-highlight na nito yung burol niya kung saan anim na magagandang artista ang ginaya niya pinangunahan na ni Angelina  Jolie, Iza calzado, Miley Cyrus, Beyonce, Julia Roberts, at as him o mas tamang her. Sobrang bait ng character ng bestfriend niya dahil kahit patay na sya ginawan pa rin sya ng pabor which is ginawa yung hiling niya na sinabi pa niya bago sya mawala sa mundo.
Ano ang mga hindi mo nagustuhan sa pelikula?
Meron ding down moment syempre isa na don yung mga pangit na nangayari kay Paolo which is gang bang o gang rape, mali kasi na mapanood sya ng bata kasi may nakita ko sa sinehan na isang pamilyang nanonood tapos feeling ko lang di pa naman naiintindihan yon ng mga bata na nasa edad 10 pababa at pati na rin kalupitan ng tatay ni Trisha sa kanya pati sa mga kaibigan niyang bakla na gusto lang naman syang tulungan. Saklap ng buhay pag-ibig niya para syang ginagago ng mundo una yung boylet niya penerahan lang sya tapos yung pangalawa may matinding revelation at nauna ng namatay. Tapos yung nakakainis na Q and A portion na di nya masagot sagot at yung kaisa isang tanong at sagot sa Q and A na nakabisado nya at ikinapanalo niya sa huling contest na sinalihan niya. Nakakatawa na sa dinami dami ng tanong yun ulit ang tumapat sa kanya at saw akas nagging daan para makamit niya ang pinaka aasam niya. Pero nakakapagtaka bakit biglang kasama si Eugene sa eksena ng burol niya at may dalang gown nakakagulo pero naisip ko na rin ang sagot dahil sa linyang “Ang gunting” natatandaan ko na minsan na ring naging bida ng pelikula ni Jun si Eugene kung saan pinanaloo sya ng Best Actress award sa pagganap sa The Barbers Tale. Tsaka bakit kaya si Iza Calzado ang nag award sa kanya? Siguro si Iza lang yung available nung time na yon o baka dahil minsan narin gumanap sa pelikula ni Jun si Iza. Tsaka bakit kaya sa PUP nila napiling magshoot? Dahil ba libre o dun madalas magshoot ang ibang tao gaya nalang ng mga kwento ni Marcelo Santos. Ang pangit lang kasi kung iisipin mo pinalabas na nag-aarala sa PUP kunwari yung mga gumahasa kay Paolo basta parang nakakasama sa image ng school pero wala naman sigurong nakapansin non. Bumaba tuloy confidence ko ng mga 8% pero di naman sa sobrang taas ng tingin ko sa school. Sana lang next time yung magandang bagay naman yung ishoot sa school. Meron din silang mga pamahiin na nilabag sa shoot tulad ng pagtataking picture sa patay diba bawal yon. Di ko sigurado kung bakit bawal pero baka di lang din conscious si direk Lana kaya di na nila pinansin yung ganon kaliit na  bagay. Sa atin kasi masyadong mapamahiin ang mga tao pero baka dala na din ng modernisasyon kaya nakakalimutan na natin mga nakasanayan noon.
Nagtataka lang ako kasi yung poster na ginamit nila wala sa movie, sa burol inassume ko nay un ang huli nilang gagamitin pero hindi. Kahit saang part sa movie di nila nagamit yon bakit kaya? Pang-poster lang po ba talaga yung Katy Perry na look ni Paolo?
 Anong masasabi mo sa mga hanay ng pelikula ngayong taon kumapara sa mga nakalipas na taon? (5 years ago)
Five years ago ang alam ko na pelikulang ipinapalabas tuwing pasko ay ang sikat na sikat, sinusubaybayan at walang kamatayang Enteng Kabisote na pinagbibidahan ni Vic Sotto kasama sina Jose at Wali, kanyang anak na si Oyo Sotto at ilang artista ng Eat Bulaga syempre di mawawalan ng batang leading lady. Sa sobrang kasikatan nito minsang naging leading lady nya si Ai-ai Delas Alas na bida sa Ang Tanging Ina, at ang kinalabasan ay Enteng ng Ina mo (diba nakakatang ina). Sa sobrang haba na nga Enteng Kabisote umabot na ito sa ikasampung episode. Gayundin ang mga palabas na hatid ng viva records at star cinema na itinatampok ang mga artistang palagiang nakikita sa tv o mainstream kung tawagin, gaya nalang ni Vice Ganda sa kanyang praybeyt Benjamin 1 and 2 pati Girl Boy Bakla Tomboy.
Isa sa mga napansin ko, tuwing pasko gumagawa sila ng palabas na siguradong kililiti sa puso ng mga tao at maghahatid ng tuwa para syempre kumita at magbox office. Halos karamihan Comedy pero may konting kurot na magpapaiyak sa atin at maghahatid ng magandang aral kaya’t palaging masaya ang ending. Sinanay tayo ng mga pelikula na makuntento sa ganong sistema pero di nagtagal natutunan ko na nakakasawa na pala kaya naghanap ako at duon nalaman kong meron palang indie film na maganda ring panuorin.
Ngayon na mayroon na kong kaunting kaalaman sa MMFF (Metro Mnaila Film Festival) sila pala ang may dahilan kung bakit may mga pinapalabas na pelikula tuwing pasko. Mas naiintinhan ko kung ano ang mga entry sa MMFF dahil minsan na kaming sumali sa paggawa ng short film ng MMDA ang Cinephone 2015 at duon pinalad kaming manalo, pinanood ko rin ang ibang entry non sa iba pang category at nainlove ako sa mga pelikulang indie. Sa hanay ngayon ng mga pelikulang pasok sa MMFF ikinagulat kong nadisqualified ang Enteng Kabisote 10 at Parental Guardians siguro malaki ang panghihinayang ng mga producer at director non. Pero sa ibang banda natuwa ko ng mapanuod ko ang ibang entry dahil lahat sila nagpamalas ng isang maganda kwento at talaga namang nakamamanghang cinematography, sa trailer palang nabusog na agad ako. Unahin na natin ang Seklusyon na humakot ng awards simula sa Best Director (shet galing ni papa Erik Matti), Special Jury Prize, Best Supporting Actress, Best Screen play, Best Cinematography, Best Sound Design, Best Theme Song, at Male Celebrity of the Night. Sinundan ng kakaibang Saving Sally na may di matatawarang animation ang sarap bumalik sa pagkabata para kong nanonood ng cartoons ang kaibahan lang totoong mga tao yung bida kaya di nakapagtatakang sila ang nagkamit ng best kids choice. Isunod natin ang Die Beautiful na pinagbidahan ni Paolo Balesteros, kwento ng isang Trans na minsang nangrap na maging beauty queen kung kayat sumali sa mga beau-con hanggang manalo kung kaya’t si paolo ang nagkamit ng best actor award. Isang documentary film naman ang Sunday Beauty Queen dahil idinukomento nito ang mga buhay ng OFW abroad. Inilatag nito ang mga hinaing ng Filipinong nagpapakahirap sa ibang bansa habang pinapahirapan sila ng kanilang among pinagtatrabahuhan at ito naman ay nagkamit ng best feature award. Nagkaroon na rin ng part 2 ang Ang Babae sa Septik Tank na dati ko ng napanood sa tv na ang bida ay si Eugene Domingo natatandaan ko dati walang budget ang pelikulang ito at ngayon kapansin pansin na medyo bongga na ang set nila at pati si Jericho nakuha na nila halatang may budget na sila ngayon. Nandyan din ang Oro at Kabisera ni Nora Aunor. Maging ang Vince Kath at James na di ko alam kung bumenta pero ayoko kasi don.
Dahil nagreserch na ko nakita ko na ang line up mula 2012-2015.
Line Up:
2012 Si Agimat Si Enteng At Si Ako, Sisterakas, El Presidente, One More Try, Thy Womb, The Strangers at Sossy Problems
2013 My Little Bossing, Girl Boy Bakla Tomboy, Kimi Dora, 1000 Hours, Kaleidoscope World, Pedro Calungsod, Pagpag
2014 My Big Bossing, Praybeyt Benjamin, Bonifacio, Kubot, Feng Shui, Shake Rattle and Roll XV, English Only Please
2015 My Bebe Loves, Beauty And The Bestie, Hunted Mansion, All You Need Is Pag-Ibig, Walang Forever (ps meron pa kaso tinatamad na ko ilagay)
Atleast tama naman ako na kinain ng mga pelikula ni Vic at Vice ang mga nakalipas na MMFF o baka ako ang kinain ng mga yon kaya nasanay na tayo na abangan taun-taon ang mga palabas na handog nila pero dahil nga ngayon ko lang nasubukang lumabas at manood ng MMFF kaya ko sinasabing maganda at sana sa susunod ipagpatuloy na nilang magpalabas ng mga pelikulang may temang kakaiba upang mas makilala ang galing at kakayahan ng mga bagong director natin. At mas makilala pa sana ng bawat isa ang tunay na kahulugan ng isang pelikulang Pilipino at may temang makakapagpagising sa natutulog nating pagmamahal sa sariling atin charot lang.
ݵ�AZ�
0 notes
tradartist-blog · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
finding what you really love and letting it kill you  
0 notes
tradartist-blog · 8 years
Photo
Tumblr media
may mga gulong na hindi ka kayang dalhin tungo sa nais mong puntahan, bagkus kayang bigyang kulay ang daan patungo sa iyong paroroonan
0 notes
tradartist-blog · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
matyagang kong iuukit ang bawat detalye na hinihingi ng panahon upang sa huli mabuo ang bawat piraso ng isang larawang pinapangako kong di mo malilimutan
0 notes
tradartist-blog · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media
Sa bahaging tahimik kung saan walang ibang tao sa paligid, mabubuhay ang natutulog mong talento para lumikha ng sining na binuo ng iyong isipan.
0 notes
tradartist-blog · 8 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
L A Y O N 
1 note · View note