Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Naka Punta ka naba sa Subic?

Kung ikaw ay di pa na kakapunta sa Subic Bay ano pa ang hinihintay mo. Sa aking pag punta dito masasabi kong ang subic Bay ay may roong magagandang pahingahan, at natural na kagandahan na tiyak na magugustuhan ng sinumang manlalakbay. Mula sa malinis na mga dalampasigan at makasaysayang mga lugar na maaaring mong masubukan sa pag punta dito . Kung ikaw ay naghahanap ng mga kapana-panabik na pag gagala o simpleng pagpapahinga sa tabi ng dagat, ang Subic Bay ay nag-aalok ng isang di malilimutang karanasan na tiyak na magpapabilis sa iyong puso at magbibigay ng ala-ala na hindi mo malilimutan. Kaya't magbalot ka ng iyong gamit, itala mo ang Subic Bay sa iyong mga susunod na distinasyon, at magsimula ng isang hindi malilimutang paglalakbay patungo sa Subic.

Sa aking karanasan sa pag punta sa Subic ay maaari mong gawin ang mga sumusunod upang mas maging masaya ang iyong pag didiskubre ang Subic.
- Maglakbay sa mga magagandang dalampasigan at maglibang sa puting buhangin at malinaw na tubig ng dagat.
- Magpasyal sa Subic Bay Freeport Zone at mag-shopping sa mga outlet stores, o kaya'y mag-enjoy sa mga restawran at cafe.
- Mag sa gawa ng picnic sa tabing dagat at panooding ang ganda ng paglubog ng araw.
- Wag palag pasin ang pag libot sa Olongapo public market at store na upang makabili ng pasalubong na pasok sa bulsa ang halaga

Aking masasaggest ko panaooring ang paglubog ng araw sa Subic Bay ay isang napakagandang gawing kung mapupunta ka sa Subic. Sa ganda ng pag lubog ng araw sa ay mababawi ang pagod mo sa mag hapong pag lalalakbay sa subic.

Puwede ding kayong mag picnic habang pinapanood ang pag lubog ng araw. Kaya ano pa hinihintay mo magdala ng sarili mong mga kumot, pagkain, at mga inumin, at pumunta sa mga magagandang pampang o park kung saan maaari mong mag-picnic kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan.

Masasabi ko lang na ang Subic Bay, ang pag punta dito ay kahanga-hangang karanasan na naghihintay sa bawat sulok na nag hihintay matuklasan mo mula sa mga malinis na dalampasigan hanggang sa nakakarelaks na mga paligid hanggat sa paglilibot sa Parke at pamimili sa mga outlet stores ay magdadagdag ng kasayahan sa iyong paglalakbay. Hindi rin dapat palampasin ang pagtunghay sa paglubog ng araw, isang sandaling puno ng kagandahan. Sa bawat pagbisita sa Subic, ang mga alaala ng picnic sa tabing dagat ay mananatiling buhay sa puso't isipan. Sa kabuuan, ang Subic Bay ay hindi lamang isang destinasyon kundi isang di-malilimutang karanasan at paglalakbay.
1 note
·
View note