Tumgik
tripletsss · 11 years
Text
Spotlight
'He and I had something beautiful but so dysfunctional, it couldn't last I loved him so but I let him go 'coz I knew he'd never love me back...' She was at a bar with friends. Niyaya kasi siya ng mga ito since malapit na matapos ang show nila and they wanted to have a little get together before it ends. "Julie napapadami ka na." Jmee, her Yaya Gigi said. "Okay lang po, ate. Kaya pa." she replied and drank another shot of tequila. Honestly, she's already feeling dizzy but she wanted to drown herself in alcohol para naman kahit paano, makalimot siya. She wants to forget about her past. Yung nakaraan na sobrang nasaktan siya because it didn't work out. 'Such pain as this shouldn't have to be experienced I'm still reeling from the loss, still a little bit delirious' "Julie Anne, I think you've had enough." Lucho said. "I'm still okay guys. Ang aadik niyo. Di naman porket di ako party girl eh di na ko marunong uminom. I can handle this. Okay? Enjoy lang tayo!" she said and drank another shot. "Let her be..." Kris said. "Alam naman nating lahat pinagdadaanan ni Julie eh." he added. Everyone nodded. Dahil nga matagal din silang nagkasama sa show, naging open silang lahat sa isa't isa and every one of them has an idea of her real story. Kung bakit ganun ang nangyari and bakit ganun ang status nila ngayon. "Guys..." Julie said. Tumingin naman lahat sa kanya and waited for her to continue. "Miss na miss ko na siya." she began. 'Near to you I am healing but it's taking so long coz though he's gone And you are wonderful it's hard to move on yet, I'm better near to you...' Flashback... "Okay, artists ng It's Complicated! Places na!" Direk Rico yelled. It was the last act of their musical play in Party Pilipinas. Nasa Ynares sila sa Antipolo and they were about to rehearse the last scenes of the play. "Julie and Elmo!" tawag ni direk. Lumapit ang dalawa sa kanya and he instructed them on what they should do. "Elmo, after mo sabihin yung line mo, you'll kiss Julie. Okay?" Halatang nagulat ang dalawa sa sinabi nito. "Parang sa Wazak lang yan mga anak. Ha?" "Ah. Okay po." Julie said. "Okay sayo?" Elmo asked her. "Oo. Eh diba daya lang yung sa Wazak? Edi ganun din dito." she replied. "Game na, Rocky. Bagal oh!" "Okay! Ready! Oh action!" Direk shouted. "Cindy..." Elmo started. "I love you." he closed the gap between them and did the 'kiss' direk told them to. "Elmo ano yan?" Direk asked. "Direk sabi mo I'll kiss her parang sa Wazak." "Oo nga. Eh wag mo takpan. You know your blockings naman diba?" he asked. Tumango ang dalawa. "Isa pa. Make sure na kita sa camera when you kiss her." After they rehearsed for the play ay pinagdinner break muna sila ni direk. "Direk..." Elmo said as he walked towards DRG. "Oh. Bakit, Moe?" "Yung kiss po..." "You want a real kiss?" he asked. Di naman nakasagot si Elmo. Direk Rico knows what's the real score between the two. Para na niyang mga anak ang artists sa Party Pilipinas. Especially Julie and Elmo. Because they are his favorites. "Ask permission from her dad. Pag pumayag, you get to kiss her." he said and patted Elmo's shoulder. Nagliwanag naman ang mukha ng binata and looked for Julie's dad. "Moe! Tara sa inyo. Pakain!" pagyaya ni Sef. "Yeah sure. Pero wait lang ha. May hahanapin lang ako." he said and went out of the stadium. He found Julie's dad walking to the parking lot kaya hinabol niya ito. "Sir!" he called. Lumingon naman si Tito Jonathan sa kanya. "Oh. Parekoy bakit?" "Uhm..." bigla naman siyang napipi dahil kinakabahan siya sa itatanong niya. "Oh. Ano na?" "Sir..." "I'm not your professor Elmo. Ilang beses ko ba sinabing tito na lang itawag mo or parekoy." "Ah. Uhm. Tito about the play. Y-yung kiss po..." "What about it?" "Pwede po bang..." "You want to kiss Julie for real?" tango lang ang naisagot ng binata. "As long as di halatang totoo yun then go ahead. Boto naman ako sayo eh." sabi ni Tito Jonathan. "Talaga po?!" "Ayaw mo? Babawiin ko na lang." "H-ha? Hindi po. Gusto po gusto. Thank you tito." "Sus. Basta ba ikaw eh. Osige na." he nodded at saka na nakipag shakehands kay Tito Jonathan before he went back inside. "Lawak ngiti boy ah." Sef said. "Abangan mo bukas dude. I'm gonna be the happiest man on earth." he said. ***** Party Pilipinas We Rock came. Puno ang buong Ynares. From the vip slots to the general admission seats. "You ready?" Julie asked him nang sabihin sa kanila na start na ng musical after the commercial. "Yeah. Ikaw?" he asked. Tumango naman si Julie and smiled. "Galingan mo ha? Break a leg." "Ikaw din. Kaya mo yan." sabi ni Julie sabay pat sa balikat niya. "Sige. Punta na kong stage. See you in a few minutes." She said and went out from the dressing room. The play started at lahat ay nakatutok sa bawat nangyayari. May tumatawa dahil kay direk Teddy. May kinilig. Madaming emosyon ang naramdaman. Especially when the revelation part came. "Rocky, diba sabi mo kanina kung alam mong di si Christine yung gumawa ng kanta di mo siya liligawan? Bakit?" "Dahil ang minahal ko naman eh yung babae na nagsulat nung kanta. Pero... Pero hindi ko alam eh. Hindi ko alam kung paano mamahalin ang bestfriend ko." everyone at the studio screamed. A song started playing and Elmo sang with P4. "...mahirap ba akong mahalin." he sang. "Cinds, sana sinabi mo sa akin. Diba bestfriends tayo?" Rocky asked. "Yun na nga eh. Pang-friendzone lang kasi ako. Ang manhid mo kasi!" Cindy replied. The piano started playing and the intro of 'Manhid' was heard. "Mahal kailan mo ba ako tunay na makikita... Mahal yayakapin kita nang walang hanggan... Ngunit hindi ako ang iyong nakikita... Hindi ang puso ko ang iyong nadarama..." Julie began to sing. They both entered the make-shift azotea on the stage and the other girls began to sing parts of Manhid. Elmo knelt down and kissed the back of her hand. Naiiyan na si Julie but she has to stop herself from crying. And then Elmo hugged her. Ramdam niya ang tibok ng puso nito. And gusto niya na siya ang tinitibok nun. "Ako ba'y tunay mong nararamdaman? Ako'y ba'y tunay mong nararamdaman?" she sang as she looked at Elmo straight in his eyes. He nodded slowly and guided her down the stairs. "Kailan mo ba ko mararamdaman?" she finished the song. "Cinds..." Rocky said. "Dito tayo." They sat down the stairs on the stage. "Sorry na. Sorry na kung naging manhid ako sayo. Akala ko lang naman kasi hindi ka maiinlove sa mga kagaya ko." "Ako din Rocky. I'm so sorry. Hindi ko kasi maamin sayo na... I've fallen inlove with you." after her line ay kinanta nila ang Paano Kita Iibigin. Dama sa buong studio ang emotions nilang dalawa. Especially the fans. Ramdam nila how they wanted each other but can't because of circumstances. "Maghihintay ako na sabihin mo..." they sang. "Mahal mo rin ako..." "Rocky... Palagi mo lang tatandaan nandito lang ako. Nagmamahal palagi sayo." Cindy said. She stood up para iwanan si Rocky. "Cinds..." Rocky called her. Lumingon siya rito and, "I love you." he said. He closed the gap between them and he brushed his lips against hers. Nagulat si Julie sa ginawa niya. He is kissing her. On national tv. She wanted to stop him but her heart tells her to kiss him back. And so she does. It wasn't a long kiss. Tama lang sa oras na binigay ni DRG at ni Tito Jonathan kay Elmo. After their kiss ay naluha si Julie. Gulat. Kaba. Takot. Kilig. Saya. All in one ang nararamdaman niya. Gulat because she was not expecting a real kiss from him. Kaba dahil baka magalit ang papa niya. Takot dahil baka may manggulo sa buhay niya at hadlangan nanaman sila. Kilig because this is Elmo Magalona she kissed. Yung lalaking mahal na mahal niya. And say dahil finally, sa isang halik lang na yun. Kahit pa kasama sa script iyon ay parang nalinawan siya sa kung ano ba talaga sila. Na meron pala talagang sila. Elmo gave her a sideways hug as they listen to Ms. Regine's song. After the play ay bumalik na sila sa backstage. Julie still mum about what happened. "Julie..." Elmo called her. "Uy." she said. "About kanina..." "Okay lang yun Moe. Part of work yun." "I just want to tell you n pinagpaalam ko kay tito yun. And uhm that uhh... That I really liked what we did." he confessed. Napangiti naman si Julie sa sinabi niya. "Ako din Moe. Ako din." she said and went inside the dressing room. End of flashback... 'Near to you I am healing but it's taking so long coz though he's gone And you are wonderful it's hard to move on yet, I'm better near to you...' Julie began crying as she remembered the times when everything was okay between them. Nung wala pang epal. Walang kung sino man na hadlang. Jmee hugged her at dun na siya lalong umiyak. "Shhh. Okay lang yan, Pau. Everything will be okay soon." Jmee said. "Jules..." Kris called her. Napatingin naman sila dito and he gave her his phone. "May gustong kumausap sayo." "Hello?" she said in between sobs. "Moe?" at lalo na siyang naiyak. "Julie. Baby umiiyak ka ba?" Elmo asked her full of concern. "No I'm not." Pigil iyak na sabi ni Julie. "Psh. Asus di daw. Ayan oh kitang kita ko na umiiyak ka." Nagtaka naman si Julie sa sinabi ng binata. "Ha? Nakikita mo ko? Asan ka?" "Look in front of you baby." Nag-angat ng ulo si Julie at nakita niya ang binata sa bar counter at titig na titig sakanya. Napatigil naman siya sa pag-iyak. "What are you doing there?" "Well, right now I'm looking at the most beautiful girl in my eyes while she's crying and I hate it. Stop crying please." Seryosong sabi ni Elmo. "Elmo naman eh." "Stop crying. Hang up the phone and come here." Elmo said with authority. Linapitan naman ni Kris si Julie at binulungan ito. "Oh Jules, puntahan mo na yung Prince Charming mo dun. Kanina pa yan dyan." Julie ended the call and returned Tun's phone sabay hampas dito. "Ikaw ha, di mo naman sinabi agad na andyan pala siya. Ayan tuloy nakita pa niya akong umiiyak." "Ayaw niyang ipasabi na andito siya. He's planning to surprise you eh kaso siya ang nasurprise dahil sa pagiyak mo dyan. Hala sige lapitan mo na. Sige na." "Thank you Kris." Julie said at naglakad na palapit kay Elmo. Paglapit niya sa binata ay agad naman siyang hinila nito palapit sakanya. "I love you." Sabi nito. "I love you too. Why are you here?" "Ayaw mo bang andito ako?" Kunwaring pagtatampo ni Elmo. "Hindi ganun ibig kong sabihin. I mean..." Naputol nanan ang sasabihin ni Julie ng magsalita muli si Elmo. "Let's go outside muna. I think you need some fresh air. Dun tayo sa terrace." Agad naman niyang hinawakan ang kamay ng dalaga at dahan dahan na hinila ito palabas. "Moe..." Julie said when they're already outside. "Bakit ka umiiyak? Di ba sabi ko naman sayo ayaw kong nakikita kitang umiiyak?" Concerned na sabi ng binata sabay haplos sa pisngi ng dalaga. "Di mo naman ako makikitang umiiyak kung di ka pumunta dito eh." Parang bata na sagot ni Julie. "At kung wala ako dito di ka titigil sa pagiyak. What's the problem?" "Nothing." "I know it's not nothing. Julie come on. Tell me. Please baby." "Hmmm. Eh kasi naman eh. Naalala ko nanaman lahat ng nangyari at nangyayari parin." Tumitig ito sa binata at tuluyan nanamang umiyak. "Elmo, ang sakit sakit eh. I just wish na we could just go back to how we were before. Yung walang mga epal. Hindi magulo. Yung masaya lang tayo. Kelan ba babalik ha? Miss na miss ko na yun eh." "Hush. Julie, tama na please. Wag ka na umiyak." Hinawakan ni Elmo ang pisngi ng dalaga at pinunasan ang mga luha nito. "Ang sakit sakin everytime I see you crying. Kasi alam ko naman malaki kasalanan ko why those things happened eh. Julie, I'm doing everything para maayos lahat. Para di ka na masaktan. I can't afford to lose you again." "Hanggang andyan pa siya hindi magiging okay." Umiiyak parin na sabi ng dalaga. "I know. Pero alam mo naman eh. Alam na niya. Ikaw ang pinipili ko. Ikaw ang mahal ko. Ipaglalaban na kita. Julie, I'm ready and I'll do everything to fight for you." Nagulat si Julie sa sinabi ng binata. "You mean? You and..." "Yes baby. Everything's okay now. Magiging masaya na tayo ulit. So stop crying na my princess." Nakangiting sabi ni Elmo. "Promise? We'll be happy again? Wala ng problema?" Tumigil na sa pagiyak si Julie at hinawakan din ang mukha ni Elmo. "Yes, I promise. I love you so much my baby." And he kissed Julie on her lips. After their kiss ay hinampas naman ni Julie si Elmo. "Naka-score ka nanaman ah. Che. Pero, I love you too." Sabay yakap sa binata. "And I love it. Oh ano balik na tayo sa loob?" "No. Uwi nalang tayo. Pwede ba?" "Sure. Anything for my princess." Magkahawak sila ng kamay na pumasok sa loob upang magpaalam sakanilang mga kaibigan. "Hi guys! Aalis na kami." "Mabuti naman at maayos na kayong dalawa." Kris said. "Oo nga naman pero alam mo ngayon ko lang nalaman na ang isang Julie Anne San Jose pala ay medyo bad girl. Umiinom ng dahil sa pag-ibig?" Natatawang sabi ni Lucho. Natawa naman ang lahat. "Hindi na mauulit yun. Ito na ang huli na iinom siya." Elmo. "Paano guys? Una na kami sainyo ah?" "Teka teka! Kukunin mo na agad sa amin si Pauline? Ikaw Isagani ah! Naliligaw ka ng show! Hahaha!" sabi ni Yaya Gigi. Natawa naman uli silang lahat. "Haha! Oo na. Naligaw na kung naligaw at least siya naman ang napuntahan ko. Aalis na talaga kami. Hoy Kris!" "Hahaha! I know, I know!" Sabi ni Kris. At umalis na sila. Tahimik lang sila sa loob ng kotse at walang nagsasalita. Napansin naman ni Elmo na kanina pa siya tinititigan ni Julie. "Baby? Ayos ka lang ba? Nahihilo ka ba? Bakit kanina mo pa ko tinitingnan?" Umiling naman si Julie. "Ayos lang ako. Gusto lang kitang tingnan buong magdamag kaya hayaan mo lang ako. Please?" "Bakit naman baby? Ano bang meron sakin at gusto mo akong titigan?" Inilayo ni Julie ang tingin niya kay Elmo at tumingin sa labas ng bintana. "This past few months... days... hours... minutes... and seconds of my life... nabuhay ako ng tinitingnan ka lang mula sa malayo. Malapit ka lang pero pakiramdam ko million miles away ang pagitan natin sa isa't isa." Pag-amin ni Julie. Iniharap ni Elmo ang mukha ni Julie sakanya. Nakipag titigan siya dito. "Baby, hindi naman ako nawala at hindi din naman ako lumayo. Nandito lang ako oh." Tinuro niya ang puso ni Julie. "Kahit kelan hindi na ako aalis dyan. Your heart is my home." Napangiti naman si Julie sa sinabi ni Elmo. "Namiss ko din yang pagka-sweet mo." "At dahil namiss mo ang pagka sweet ko.." "Hmm?" Nagtatakang tanong ni Julie. "Boss! Nandito na tayo." Tumingin si Julie sa labas ng bintana at nakita niyang hindi ito ang bahay nila. Nasa ibang lugar sila. Wala sila sa novaliches. Ynares. Nasa Ynares sila. Tumingin siya sa katabi at wala na ito dun. "Come, princess?" Pinagbuksan ni Elmo si Julie ng pinto. "Moe? Anong ginagawa natin dito?" Ngumiti si Elmo. "You'll see." At agad na kinuha ng binata ang kamay ni Julie. Pumasok sila sa loob ng Ynares. Madilim. Walang tao. "Moe?" Napakapit naman si Julie sa braso ni Elmo. "Relax, babe." "Ano ba kasing ginagawa natin dito? Wala namang tao dito eh." Nagulat si Julie ng bumukas ang spotlight. Pumunta sila kung nasaan ang liwanag na nangagaling sa spotlight. Tumayo sila dun. Tumingin tingin si Julie sa paligid at makikita mo na nasasakop pa din ng dilim ang buong paligid. "Elmo?" "This past few months, days, hours, minutes, and seconds our status is so complicated. Complicated that the girl that really mattered to me felt so much pain and sadness." Naluluha nalang si Julie habang nakikinig sa mga salitang lumalabas sa bibig ng kanyang mahal. "Hindi kita dinala dito para paiyakin ko o kahit ano pa man. Kaya kita dinala dito kasi may itatanong ako sayo." "Ano yun?" Hinawakan ni Elmo ang dalawang kamay ni Julie. "Do you trust me?" "Yes." Sagot agad ni Julie. "Then..if you really trust me..just go with the flow. Ok?" Nagtataka si Julie sa pinagsasabi ni Elmo hanggang sa magsalita ulit ito. "Naaalala mo pa yung mga linya mo Cindy? Yung sa last part?" Tumango naman si Julie. "Gusto ko marinig." Hindi man alam ni Julie kung ano at bakit ito pinapagawa sakanya ni Elmo ay agad niya itong sinunod. "Rocky, palagi mo lang tatandaan.." "Elmo." Singit ni Elmo. "Ha?" "Palitan mo yung Rocky ng Elmo. Gusto ko Elmo ang sabihin mo instead of Rocky." Sinunod naman ito ni Julie. "Elmo, palagi mo lang tatandaan..nandito lang ako nagmamahal palagi sayo." Lumapit si Elmo kay Julie. Nilapit niya ang kanyang mukha sa dalaga. "Julie, I love you." At ngumiti si Elmo. Naghihintay si Julie sa susunod na gagawin ni Elmo pero nakangiti lang ito sakanya. "Moe? Diba... nagkiss si Rocky at Cindy dun?" "Why? Do you want me to kiss you like Cindy and Rocky did?" Napangisi si Elmo. "Ha? Uhmm..ano..ah eh.." Inilagay ni Elmo ang mga kamay ni Julie sa batok niya. At nilagay naman niya ang kanyang kamay sa bewang ng dalaga. "I want my lips on your lips." Bulong ni Elmo kay Julie. Unti unting pumikit si Julie. Inaantay niya ang mga labi ni Elmo pero wala siyang naramdaman. "I need some audience." Napamulat si Julie sa narinig kay Elmo. "Audience?" Tanong ni Julie. Bigla namang bumukas ang mga ilaw at nakita niyang nakapalibot sakanila ang mga kaibigan nilang nakakaalam ng tunay na status nila ni Elmo. Nakita niya sila Kris, Yaya Gigi, Direk Rico, Direk Mark, Party Pilipinas family and of course her family. "Moe?" "I love you Julie. Dati our status is complicated. Ngayon? We're in a relationship." Then it happened. A kiss that's worth fighting for. - The Triplets.
40 notes · View notes