truetolifethings
truetolifethings
Spoken Words馃挋馃尯
13 posts
馃挋True to life馃挌
Don't wanna be here? Send us removal request.
truetolifethings 6 years ago
Text
"WAG KA MAG ALALA PAGOD NAKO"
馃摑atemongMAKATA
pagod na ako na mag paramdam sayo at habulin ka,
kaya hayaan mo,
hinding hindi na ako mag paparamdam sayo,
asahan mo,wala nang mangungulit sayo,
wala nang hihingi ng oras mo,
wala nang mang aaway kase dika nag paramdam,
wala nang makikipag talo,
nawag kang sumama sa iba,
sakanila,
kase gusto ko na sakin ka lang,
wag ka mag alala,
wala na,
wala na talaga,
mahal kita,pero siguro nga tama na,
mahal kita,pero masakit na,
kaya nakapag pasya nako,
MALAYA KANA,
may mga bagay kase talaga na sa simula lang masaya,
minsan,kailangan natin tumigil,
para mapansin nya ang mga bagay na ginagawa mo,
para sakanya,
sana lang,
pag may taong mag aalaga sakin,
dimo pag sisihan,
at sana lang,
kung naisipan mo,na pwede pa ulit,
eh pwede pa,
nakakatawa lang isipin na,sabi mo,
hindi mona ako pakakwalan pa,
sabi mo,
mahal na mahal moko,at ako lang ang kaligayahan mo,
sabi mo,
mawawalan ng kulay ang mundo mo pag nawala ako,
sabi mo,
hinding hindi moko paiiyakin at sasaktan gaya ng iba,
at sabi mo,
kung may gusto ka mang baguhin sakin eh wala nang iba kundi ang APELYEDO KO,
at gagawing apelyedo mo,
pero isang araw umayaw lang ako.,
umayaw kana rin,
gusto ko lang naman san na piliin moko,
pero hindi mas pinili mo sila,
nakakapagtaka,
nasan na yung mga pinangako mo,
na dimo na ako pakakawalan pa,
tinanong kita,
"kung pwede na ba tayo mag usap?",
pero sagot mo,
"wala nang dapat pag usapan pa",
ang bilis mong bumitaw,
kasing bhilis nang pag sabi mona,
na ako lang at wala ng iba,
pero hindi naman pala,
pero sana ngayon masaya kana,
kase,
MALAYA KANA.
0 notes
truetolifethings 6 years ago
Text
"MOVE ON"
馃摑atemongMAKATA 馃挋
Madaling sabihin mahirap gawin
Kapag ika'y nawala saakin diko alam ang gagawin
Dahil ikaw lamang ang aking mamahalin
Kahit anong anumang pagsubok ang dumating saatin
Ang dali dali kong binitawan pero diko alam paano ito sisimulan
Ikaw ba ang nag bago o tayo
Baka nga wala ng tayo kasi mayroon ng kayo
Baka kailangan na natin tapusin ito dahil alam naman natin na marami ng nagbago
At dumating na nga sa puntong natapos ang relasyong pinag hirapan para lamang siya ay malapitan
Ang hirap palang kalimutan ng ating pinagsamahan
Mga masasayang araw na pinag samahan at ang hirap nitong kalimutan
At nakita kita sa dati nating tagpuan na masayang nagduduyan kasama ang dati kong kaibigan
Kaibigan ko na naging kaIBIGAN mo
Kaya pinalaya kana dahil alam kong doon ka sasaya
0 notes
truetolifethings 6 years ago
Text
"FUCK BOY"
馃摑atemongMAKATA
(SPOKEN WORDS POETRY)
Tamaan na kung sino ang tamaan
Wala akong pakialam
Dahil kapag Fuckboy ang usapan,
Sa mundong ito hindi na bago yan
Once you fall inlove with a Fuckboy,
Uuwi kang laspag;Tipong pinagparausan ng kaligayahan,pinaramdam ang sarap
PERO SA HULI IKAW LANG ANG IIYAK!
Dahil motto ng mga Fuckboy
VIRGIN ANG PINAKAMASARAP!
Parang sa dota na kapag NAFIRSTBLOOD mo, GG kana,HERO kapa.
Dahil nasaksihan mo ang unang pagdugo na nagpapatunay kung gaano ka kamahal ng babae na isa na naman sa nabiktima mo
Ganyan kaba talaga KAGAGO?
Na kapag alam mong maluwag na,
Game over kana sa laro mo?
Tol,kahit kelan hindi basehan ang madaming NATIRA
Dahil ang tunay na lalaki,hindi NANINIRA
Hindi NAGPAPAASA,higit sa lahat hindi NANG-GAGAGO
Paalala lang pare,hindi ka si Stephen Curry kaya wag kang pumapel
Tipong kapag naka three points,tatakbo kang may ngiting anghel
Sa pagsapit ng kabilugan ng buwan
Lalabas sila para maglabas ng kalibugan sa katawan.
TIPONG UP AND DOWN PARA MANIGAS
TIPONG DOWN AND UP PARA KUMATAS
Kaya magingat ka miss sa kanilang matatamis na salita
Dahil ang asukal kapag nilagay sa mainit na kape kusang nalulusaw
Para silang hurado sa pagkain,hahanap ng ulam
PAGKATAPOS MASARAP LANG ANG TITIKMAN
Maginoo ang datingan,pero Fuckboy ang galawan
Ganun ba talaga kayong mga lalaki?
Na kung sino ang maraming babae? Siya ang bibida bida.
Kelan pa naging basehan ang madaming karanasan
Kung ang dulot lang habangbuhay na kalibugan
Kapag madami kang natira, SIKAT KA?
Kapag madami kang nafirstblood,HERO KANA?
Nasaan ang hustisya? Na mas pinipili na ngayon ang manloloko kesa sa seryoso?
Okay lang pumatong kase may gamit na condom?
Ayos lang tumira kase sa huli ligtas ka?
Wala naman yan sa laki ng pag aari e,nasa laki ng RESPETO
Kung paano mo gagalangin at ipagmamalaki ang sinisinta mo
Sa panahon kase ngayon bilang na lang sa daliri ang maginoo.
Dahil mula Batanes,hanggang Jolo
Nasaan man PDA kayo,isang pasok isang libong tuwa,buong oras Eat himasan,Eat hawakan,Eat bulagaa.
Ganun ka ba
0 notes
truetolifethings 6 years ago
Text
"HINDI AKO ALAM KO"
馃摑atemongMAKATA
Ginoo maaari ko na bang limutin ang oras na meron pang TAYO?
Nabuo natin sa isang maliit na kwaderno?
Pwede ko na bang limutin ang mga alaalang nating binuo?
Kung saan tayo naging masaya at hindi problemado?
Rinig ko pa ang mga tawa mo
Kahit na wala kana sa tabi ko
Rinig ko pa ang tono mo
Noong nagsasabi ka pa ng salitang
"I LOVE YOU"
Alam kong hindi ako yung mahal mo
Ginawa mo lang ako na pampalipas oras para maghintay sa mahal mo
Na kahit minsan hindi mo naisip ang nararamdaman ko
Pagkat nakatuon lang ang atensiyon mo sa taong kakadating sa buhay mo.
Ngayong petsa baynte otso ng setyembre kung saan tutuldukan ko na ang nararamdaman ko sayo
Subalit napakasakit na makita ka na maligaya na hindi ako ang rason nito
Napakasakit na makita kang yakap ng iba kahit dapat ako yung yumayakap saying
At napakasakit na dapat ngayon eh ang nabubuo mo ay ang salitang TAYO at hindi ang salitang KAYO.
0 notes
truetolifethings 6 years ago
Text
"BAKAS NG ALA-ALA"
馃摑atemongMAKATA
0 notes
truetolifethings 6 years ago
Text
"If you love the person just love him/her don't own him"
-atemongMAKATA
0 notes
truetolifethings 6 years ago
Text
"KUNG MAKIKIPAG HIWALAY KA"
馃摑atemongMAKATA
NAALALA MO BA,
YUNG MGA ARAW NA TAYO'Y MASAYA PA?
MGA ILOVEYOU-HAN NATIN SA ISA'T-ISA?
YUNG PUYATAN NATIN?
DAHIL TAKOT MAWALA SA MATA NG BAWAT ISA
YUNG MGA PANGAKO MO NA "MAHAL, IKAW LANG GUMUNAW MAN ANG MUNDO!"
MGA MABUBULAKLAK NA SALITANG BINITAWAN MO
MGA BANAT NA NAGPAPANGITI SA MUNTI KONG PUSO
NAALALA MO NA? KASI WALA LANG
PINAALALA KO LANG, KASI BAKA MATAUHAN KA
AT HINDI NA MAGTANGKANG AKO'Y HIWALAYAN PA
PERO MAHAL, KUNG BUO NA ANG IYONG PASYA
AT ANG ATING ISTORYA'Y WAWAKASAN MO NA.
BAGO KA MAGKIPAGHIWALAY AALAHANIN MO,
AKO YUNG SUMALO SAYO NUNG IKA'Y INIWAN NIYA,
AKO YUNG NAGSILBING PANYO NA PAMUNAS SA MGA UMAAGOS MONG LUHA
AKO ANG NAGBALIK NG MATAMIS MONG NGITI SA'YONG LABI
TAPATIN MO NGA AKO,
MINAHAL MO BA TALAGA AKO O PANAKIP BUTAS MO ?
KASI KUNG UTANG NA LOOB ANG PINAG-UUSAPAN
EDI SANA NAG "THANKYOU" KA NALANG? NG WALA NG IBA PANG MASAKTAN.
BAGO KA MAKIPAGHIWALAY MAG EXPLAIN KA NAMAN
HINDI YUNG "I LOVE YOU,BUT I HAVE TO BREAK UP WITH YOU"
SABIHIN MO KUNG ANO MERON SIYA NA WALA AKO
KASI AMPOTA LANG, HINDI KO MAINTINDIHAN
AKO BA'Y MAY PAGKUKULANG?
SABIHIN MO KUNG ANO AT HANDA KONG PUNAN
MAS MASAYA KABA SA KANYA!
MAS NAPAPASAYA KABA NIYA?
MAS GWAPO BA SIYA?
O MAS MAGALING SIYA SA KAMA?
BAGO KA MAKIPAGHIWALAY MAG ISIP KA MUNA,
MAG ISIP KA NG MALUFEETANG DAHILAN
HINDI YUNG MAY CANCER STAGE 69 KA
HINDI YUNG DAHIL AALIS KA NG PINAS KASI SA US KANA MAG-AARAL
HINDI YUNG "SORRY BABE, STUDY FIRST DEACT MUNA TAYO"
PERO ANG TOTOO LIPAT ACCOUNT NAMAN PALA
AYY POTA NGA NAMAN OH!
BIGYAN MO NAMAN AKO NG DAHILAN
YUNG KAPANI-PANIWALA NAMAN
OO TANGA AKO PERO HINDI AKO BOBO!
KASI KUNG MADALI LANG SAYO SABIHING AYOKO NA
AT WALA KANG PAKI SA NARARAMDAMAN NG IBA
EDI SANA NUNG UNA HINDI MUNA AKO SINAGOT PA,
KUNG BALAK MO LNG NA AKO'Y SAKTAN.
DAHIL HINDI NAKAKATUWANG MAPAGLARUAN.
0 notes
truetolifethings 6 years ago
Text
"FIND WHAT YOU LOVE AND LET IT KILL YOU"
~atemongMAKATA
0 notes
truetolifethings 6 years ago
Text
"LASING NA DAMDAMIN"
馃摑atemongMAKATA
Ilang bote na ba ng beer ang iyong nahalikan,
Ilang tequila na ba ang iyong napagbuntunan,
Sa mukhang akala nila absent lagi sa inuman,
Minsan ka din bang nagpakalasing ng di nila alam.
Mas masakit pala,
Ang parang may kayo sa umpisa,
Pero sa bandang huli sinuko ka niya,
Parang nilasing ka lang na iniwan bigla.
Sumuka, nagwala at nahiya ka ba?
Nagawa ang mga bagay na di mo inakala,
Dahil ang taong nasaktan pag nalasing,
Di namamalayan lumalabas ang pagkapraning.
Minsan may mga bagay na kailangan tanggapin,
Yung mga dumaan lang at nagpapansin,
Sinaktan ka at kahit ang sarap sapakin ng gin,
Sila yung dapat mo nang palayain.
Ano nga ba ang mas masakit,
Yung pinaasa ka ba ng saglit at pinagpalit?
O yung walang kayo pero ikaw yung nagpupumilit,
Baka sakaling mahalin ka niya kahit saglit?
May mga tao talagang minamahal mo na,
Pero ang panindigan ka ay di kaya,
At meron ding mahal kana mula pa sa umpisa
Pero di naman gusto ng isip, puso at kaluluwa.
Alin kaya ang pinakamahirap gawin,
Ang patuloy na umibig sa taong di ka kayang ibigin?
O ang ipagpatuloy ang buhay kasama ang taong ikaw ay sasambahin,
Kaya nga lang kahit saan sa dalawa sarili mo'y sinasaktan mo pa rin.
Pwede kayang lasingin si tadhana,
Para naman ma edit yung kanyang mga itinakda,
May mga nilalang na tayo ang mundo nila,
Pero tayo umiikot sa mundo ng iba.
Sa huli isa lang masasabi ko,
Mas madaling ibsan ang sakit ng ulo,
Sa kalasingang ginusto mo,
Pero walang gamot sa taong nagmahal at nasaktan ng todo todo.
Sa isang dosenang bote ng beer, tequila at gin,
Na lumapat sa labi ko ng lihim,
Ikaw yung di ko kayang palagpasin,
Kahit sa kabilang buhay pipiliin kitang inumin.
0 notes
truetolifethings 6 years ago
Text
"GURO"
Happy Teacher's Day Po sa lahat ng guro鉂o笍
馃摑atemongMAKATA
Sa apat na sulok ng aming silid aralan
Naroon siya't nakatayo sa aming harapan
Hindi lang para kami ay turuan kundi pati na rin ang sermonan
Sermonan sa tuwing nakakagawa kami ng mga kasalanan.
Bakit ganyan si titser?
Tambak na mga takdang aralin at proyekto
Ganito ang paraan niya upang kami ay matuto
Na kailangan maipasa sa palugit na araw nito
Kung ayaw mong bumagsak sa asignaturang ito.
Bakit ganyan si titser?
Ayaw niya ng kami ay maingay
Lalo na't kung sinasabayan niyo siya sa pagsasalita ng kanyang tinatalakay
Na kapag kami ay nag-ingay lagi niya kaming sinasaway,
Kaya't tumahimik ka na lang kung ayaw mo pang mapauwi agad sa inyong bahay.
Bakit ganyan si titser?
Ayaw niya ng walang nagpapartisipasyon sa kanyang mga tanong at gawain
Kung kinakailangan ka pa niyang tawagin
Walang pagaalinlangan niya itong gagawin
Mga tanong sa pisara ay kailangan mo munang sagutin bago ka niya paupuin.
Bakit ganyan si titser?
Ayaw niya rin ng hindi nakikinig sa kanyang mga leksiyon
Maging ang aming mga tenga ay kailangan din sa kanya ng pagpapartisipasyon
Na kung dapat ay nasa kanya lang ang buo nitong atensyon
Kung ayaw mong hindi masagutan ang kanyang mga mumunting kwestyon.
Bakit ganyan si titser?
At higit sa lahat,ayaw niya ng nangongopya kami
Lagi niyang sinasabi na "honesty is the best policy"
Subalit noon din naman ay sinubukan niya rin iyon
At walang pinagbago dahil mandaraya pa rin siya hanggang ngayon.
Bakit nga ba ganyan si titser?
Pero sa kabila ng kanyang mga sermon
Sa kabila ng mga gawain at proyekto sa kanya na aming hinahamon
Sa kabila ng kanyang bawat pasaring sa aming seksyon
Ay napagtanto ko na para rin sa sariling kapakanan namin iyon.
Hindi siya magbibigay ng mga gawain
Kung hindi namin kayang gawin,
At hindi siya magbibigay ng palugit na oras
Kung wala siyang tiwala na maipapasa namin ito bago magwakas.
Ayaw niya ng kami ay maiingay
Kasi gusto niya na maririnig ng lahat ang kanyang tinatalakay,
Gusto niyang pumasok saming isipan ang mga impormasyon na kanyang binibigay,
Tumahimik ka lang at makinig ay isa na 'to sa kanyang malaking bagay.
Ayaw niya ng walang nagpapartisipasyon sa kanyang klase
Kasi dito niya sinusubukan ang talino at kakayahan ng isang estudyante
Dito niya kami hinuhubog at sanayin sa mga hamon nang hindi umaatras kundi umaabante
Mahasa at matuto kami,iyon sa kanya ang importante.
Ayaw niya ng hindi kami nakikinig sa kanyang mga leksiyon
Kasi wala kaming matututunan kung hindi sa kanya nakalaan ang aming atensyon
Hindi alintana ang paos niyang boses upang makapagbigay siya samin ng impormasyon,
At kung ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng edukasyon.
At ayaw niya ng nangongopya kami
Kasi ayaw niyang balang-araw ay umasa kami sa mga masama naming gawi
Dahil hindi na baleng marami kang mali
Basta't huwag ka lang pupuslit ng sagot sa katabi.
At Oo mandaraya siya..
Dahil sa likod ng kanyang nakangiting labi
Ay nababakas ang paos niyang boses kakaturo samin
Sa likod ng mapupungay niyang mga mata
Ay nababakas ang puyat kaka-aral sa tatalakayin kinabukasan ng umaga
At sa likod ng matatayog niyang mga paa
Ay nababakas ang hapo't pangangalay kakatayo magdamag sa eskwela.
Marahil ay madalas sila kung magalit at magsermon sa atin
Pero hindi para tayo ay pahiyain
Kundi para maisip na mali ang ginagawa natin
Kasi hindi naman nila tayo papagalitan
Kung wala tayong ginagawang kasalanan.
Kaya nararapat lang na sila'y pasalamatan at magpugay
Dahil sa kanila ay makakamit natin ang minimithing tagumpay
Sa loob ng eskwelahan sila ang iyong karamay
Karamay sa bawat baitang ng paglalakbay sa hamon ng buhay.
Kahit minsan ay hindi sila nagkulang,
Lahat ng sakripisyo nila sa amin ay isinaalang-alang,
Kaya lubos silang ginagalang,
At dito sa paaralan sila ang nagsisilbi naming pangalawang magulang.
0 notes
truetolifethings 6 years ago
Text
"PINAGTAGPO PERO HINDI TINADHANA"
馃摑atemongMAKATA
spoken word poetry
Ang piece ng tulang ito ay para sa mga taong
umasa sa panandalian,
sumaya ng panandalian,
nag mahal ng panandalian
pero nasaktan ng pangmatagalan...
Isa...Dalawa....Tatlo...
San mo gustong simulan to?? sa una o sa dulo???
o sige sa dulo ko n lang sisimulan to tutal dun naman tayo tutungo..
sa dulo kung saan nag tapos ang relasyon nyo.
Ay teka, may relasyon nga ba talaga kayo?
o baka naman ikaw lang ang nag iilusyon na may kayo pero ang totoo wala namang namamagitan sa inyo..
Mag bibilang ulit ako pero sa ngayon sisimulan ko sa tatlo pababa..
Tatlo....Dalawa...Isa....
mag simula naman tayo sa umpisa
alalahanin natin yung mga panahong masaya kapa.
Masaya kapang kapiling sya..
San nga ba kayo nag simula???
Diba sa simpleng mag kakilala na minsan na nga lang mag kita pero daig nyo pa ang aso't pusa at isang malayang tula na di mag kasundo at kaylanma'y di mag tugma..
Hanggang sa dumating na yung puntong ang sarili mo
ay di mo na maintindihan..
at halos araw-araw gusto mo syang masilayan
na para bang hindi kompleto ang araw mo hangga't hindi nakikita ng dalawang mga mata mo ang taong dahilan kung bakit ka inspirado..
At ano na nga ang sumunod na nangyari sa inyo?
diba naging magkaibigan na kayo?
Hanggang sa humaba na ang pinagsamahan nyo at nag umpisa kana ding umasa na sa dulo ay magiging kayo.
Kahit sa una palang alam mong ikaw ay dihado,
pero pinagpatuloy mo sa pag aakalang magiging kayo.
Ika'y sumugal sa larong hindi mo alam kung ikaw nga ba'y mananalo.
Ano nga naman pala ang laban mo??
e iba naman pala ang gusto ng taong gusto mo...
Tama na.
Sumuko kana.
Isuko mo na sya at huwag ng maging tanga..
Huwag mo ng ipag laban na mahal mo sya kasi hindi naman ikaw ang taong ipinaglalaban nya...
Tama na.
Sumuko kana.
Imulat na ang mga mata, buksan ang puso't isipan at tanggapin ang katotohanang hindi ikaw ang gusto nya..
Marahil napasaya ka nga nya
Pinaramdam sayong special at mahalaga ka.
Pero sana
0 notes
truetolifethings 6 years ago
Text
"TOMBOY"
#lgbtq
0 notes
truetolifethings 6 years ago
Text
IKAW PARIN
(Hugot 101)
馃摑:atemongMAKATA
Makita palang kita hindi na kaagad ako makapagsalita
Hindi ko agad malaman ang nadama
Kung bakit ako tulala pag andyan kana
Libong saya saaki'y dala
Pasulyap-sulyap, pasekreto-sekreto kpa
Sabihin mo nalang kasi ang salita
Na gusto ko saiyo mismo magmula
Ang salitang mahal din kita
Tama ba na ginusto kita?
Kahit alam ko mahal mo pa sya
Nangangarap mag karoon ng TAYO
Pero papaano kung meron ng KAYO
Ano bang gagawin ko
Kay bilis ng araw hindi ko na napigilan ang bugso ng aking nararamdaman
Bat sa dinami dami ng tao ikaw ang kailangan
Taon, Buwan, araw at oras na naglaon pero bakit ikaw at Ikaw parin sa loob ng mahabang panahon
Ginusto kita, kahit gusto mo sya
Minahal kita, kahit alam ko naiba
Umaasa na babalik kapa
Pero kahit ganoon ikaw parin saaki'y nagpapasaya
Ngiti saking mga labi biglang kumukurba
At ngiti naman saying labi at Hindi naman sakin nag mula
Pusong sinaksak ng libong libong espada
Pag nakikita kong naglalambingan kayong dalawa
Luhang pumapatak mula saaking mga mata
Pag nakita kang kasama sya
At tawang tawa pa kayong dalawa
Sinubukan kung baliwalain ka
Patient nararamdaman ko
Pero bakit ikaw parin talaga
Bakit Hindi ko makalimutan yung mga sandaling pinagsamahan bating dalawa
Ang sakit sakit na malamang akoy nagpapatanga
Samantalang ikay nagpapasaya sa piling ng iba
Ikaw parin gugustuhin ko
Walang ibang mamahalin ko
Kahit sya na ang pinili mo
Mananatili parin ako sa piling mo
Dahil hang gang ngayon umaasa parin ako
Na babalik ka din sa piling ko
Tumblr media
1 note View note