Tumgik
twinklewiddle · 5 years
Text
“EL MAGA KUMIDA NA CIUDAD DE ZAMBOANGA”
Bago natin simulan ito, mayroon kaming ibabahagi na mga sikat na pagkain na matatagpuan rito sa Zamboanga City. Magandang araw sa ating mambabasa. Kami ang inyong food blogger sa araw na ito. Nais namin sana kayong aanyahanin na bumasa at makialam sa mga pagkaing may mahalaga tayong makukuha. Ang mga pagkaing ito ay kadalasan lamang dito makikita. Ang mga pagkaing itatampok natin sa araw na ito ay kakaiba at matatagpuan sa Ciudad ng Zamboanga. Halina't basahin natin kung ano ang Satti, Balot, Knickerbocker, Bibingka, at Mee goreng.
Tumblr media
"SATTI"
Ang Satti ay isa sa mga pagkaing matatagpuan sa ciudad ng Zamboanga ito ay hango sa pagkaing Malaysia na tinatawag na "Satte". Ang satti ay matatagpuan sa centro del pueblo o kalagitnaan ng lungsod.
Source of Photo : https://www.google.com/amp/s/escapemanila.com/2016/07/10-must-eat-in-zamboanga-city-and-where_7.html/amp
Tumblr media
"BALOT"
Ang balot naman ay isa rin sa mga sikat na pagkain na matatagpuan dito sa Zamboanga City. Ang balot ay nagmula sa itlog ng pato na pinapatagal ng 16,17,18 na araw bago inihahanda. Kinakain ito sa paraan na pag lagay ng tinimplang suka upang gawin itong sawsawan. Madalas natin matatagpuan ang balot sa mga tabing daan at mas sikat ito sa Lim Boulevard.
Source of photo : https://m.facebook.com/pg/Dawangbalut/posts/
Tumblr media
"KNICKERBOCKER"
Ang knickerbocker naman ay isa rin sa mga sikat rito sa Zamboanga City. Ito ay isang halimbawa ng halo halo pero ang mga sangkap nito ay gawa sa mga prutas gaya ng mangga, saging, mansanas, at pakwan. Hinahalo rin dito ay ang gelatin, ice cream. Ito ay sikat rito at karaniwan ay sa Paseo del mar natin ito matatagpuan.
Source of photo : https://www.google.com/amp/s/escapemanila.com/2016/07/10-must-eat-in-zamboanga-city-and-where_7.html/amp
Tumblr media
"BIBINGKA"
Isa rin ito sa mga sikat rito sa Zamboanga City. Dahil sa masarap ito mabibili rin natin ito sa nakamumurang presyo, at dahil sa mura ito; maraming mga mamimili ang mas nae-enganyo na bumili nito. Ang bibingka ay gawa sa galapong, coconut milk, margarine, at asukal.
Source of photo: https://ang-sarap-pinoy.blogspot.com/?m=1
Tumblr media
"MEE GORENG"
Ang mee goreng naman ay sikat rito sa Zamboanga City. Ito ay nagmula sa Malaysia. Ang mga sangkap sa paggawa nito ay isa lamang tinimplahang pansit. Pinupuruhan ito ng sauce na maanghang at isang sunny side na itlog. Karamihan sa mga nagbebenta nito ay mabibili lamang sa halagang 30 to 35 pesos.
Source of photo : https://www.blissfulguro.com/2016/07/where-to-eat-in-langkawi-malaysia.html?m=1
Yun lamang ang mga pagkaing aming mga ibinahagi sainyo sa araw na ito. Maraming salamat at magandang araw sainyo, dito magtatapos ang aminy blog. At sa uulitin; kami po ang ika-tatlong grupo (Group 3).
Emielyn Jumayce Uy
Matthew Ed Lim
Zulaika Haradji
Hanajane Abdul
Arwa Hassim
Paul Fabros
Jolo Baird
6 notes · View notes