When it rains, look for rainbows. When it's dark, look for the stars.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Sa phase ng buhay may asawa ko na 'to. pinanghahawakan ko nalang talaga yung "When the time is right, I, the Lord will make it happen".
Lord gustong gusto na po namin magkababy. Pero nagtitiwala po ako sa timeline nyo. Alam ko pong ibibigay nyo sya saamin pag fully prepared na kaming dalawa ng asawa ko. Naiinggit po ako sa mga nakikita ko, alam ko pong masama 'yon. Hindi ko po maipapangako na hindi na ako mageexpect every month na buntis ako. Pero itinataas ko na po sa inyo. Kayo na pong bahala saamin ni Jerome.
Sabi po kasi nila pag nagdasal ka, lubos lubusin mo na. 😅 Kaya kung hindi nyo po mamasamain Lord, kung ready na po ang baby namin na ibigay saamin, sana po Baby Boy. Kamukha ko pero ilong at mata po ni Jerome. Sana po kasing haba ng pasensya ko pero kasing talino po ni Jerome. Kasing bait ko pero kasing lakas ng loob ni Jerome. Batang marespeto sa kapwa dahil yun po ang alam kong magdadala sa kanya sa mundong 'to. Sana po maging funny and witty din sya at the same time very sensitive sa jokes nya sa ibang tao. Batang kakatuwaan po ng lahat dahil mabait at magalang sa nakakatanda sa kanya. Bata na may mataas na pangarap sa buhay tulad ng Papa nya at bata na mapagmahal sa pamilya tulad ng Mama nya.
Lord, habang wala pa po sya sa amin, pakisabi po sa kanya na ngayon palang, mahal na mahal namin sya ng Papa nya at nireready na namin lahat, para pag dumating na sya ay mabibigay namin lahat para sa kanya.
Lord, promise ko po sa inyo na aalagaan namin sya ng sobra at mamahalin. Hindi ko po maipapangako na magiging perfect kami na magulang, pero itatry namin na ibigay sa kanya lahat ng gusto at kailangan nya.
Sa ngayon po, habang wala pa sya, kayo na po muna ang bahala sa amin ni Jerome. Gabayan nyo po kami bilang magasawa na gagabay sa magiging anak namin sa future.
0 notes
Text
Daming nangyari. Dami kong utang sayo Tumblr. Wag kang magalala, babawi ako sayo pag nakabwelo na ko magtype ulit.
0 notes
Text
May pumasok lang sa isip ko kanina kung bakit ako naiyak maliban sa sugat ko.
Bakit ang dali para sa ibang tao na bitawan ako? Hahahaha! tingin ko swerte naman ako sa dinidikitan ko, bat ganon? hahaha
Yung totoo kong nanay, ipapamigay ako sa ibang tao, buti nalang kinuha ko ni Mama ko ngayon.
Yung mga kaibigan ko nung Highschool, ganun ganun nalang din ako hiniwalayan kasi hindi ako nakakasama sa kanila dati.
Yung Mama ko ngayon, mas pabor lagi sa Ate ko.
tas ngayon nag-away kami ng asawa ko, lalayasan daw ako.
bat ganyan kayo sakin? HAHAHAHAH
0 notes
Text
FEBRUARY 24, 2024
share ko lang.
nagkekwentuhan kami ni Jerome kanina about pangarap nya, pangarap nya para sa magiging anak namin, then bigla nyang sinabi na "kung mabubuhay ako ulit, gusto ko sa linya parin ng pamilya ko, parang magiging apo ako ng sarili kong anak, kasi wala naman naging problema sa pamilya ko, natupad ko naman pangarap ko kahit papano"
tas ako, natahimik, naiiyak ako. tas sinabi ko na nga sknya na naiiyak ako. nung tinanong nya ko ng bakit? sabi ko "pano ako? saang pamilya ako pupunta? san ako pupulutin pag nabuhay ako ulit? gusto ko nalang maging kangkong"
tas breakdown talaga ko. napahagulgol na ko. di ko na napigilan. 😭😭
0 notes
Text
Ako yung tipo ng asawa na medyo nagkakaron na ng anxiety kung kelan kami bibigyan ng baby. To know 3months palang kaming kasal pero 1yr na kami nagtatry. I'm always and constantly asking Jerome, "kelan kaya tayo magkakababy?" or minsan pa nga "kailan kaya ako mabubuntis? gusto ko na magkaanak tayo". Minsan naiinggit pa ko pag nakakakita ako ng baby, or pag yung Daddy nagaalaga ng baby nila na newborn. Naiinggit nga din ako sa mga friends ko na buntis na or kakaanak lang. Kasi gusto ko na din talaga makakita ng 2 lines sa pregnancy test ko.
Kanina tinanong ko sya, "Mahal, pano kung baog pala ko? okay lang ba?". Medyo naririndi na yata sya kaya sabi nya sakin "Wala akong pakialam kung baog ka" then after mga 5seconds sabi nya "Wag mong intayin kasi. Ibibigay sya satin pag time nya nang pumunta satin". Then there's me thinking na "Oo nga no? Yung iba nga ang tagal bago hinintay, kami pa kaya na 3months palang kasal and never pa naeenjoy yung honeymoon phase namin? I guess I'll just have to enjoy our time muna as newlyweds. Sabi siguro ng anak namin "Ma, Pa, enjoy muna kayo dahil sa 8years nyo as magjowa never nyo pa naexperience magdate ng malala, I'll come to you when it's the right time". Okay anak. Mama and Dadi will wait for you. Wag mo lang tagalan nak at baka magexpire si Mama, okay?.
Disclaimer lang. Hindi po ako nalaglagan. Hahahaha! Baka akalain nalaglagan ako eh.
JANUARY 15, 2024 | 00:52
0 notes
Text
January 5, 2024
Another Pag sila- Pag ako moments for me.
ATM. naglalaba si Mama. nagsalang sya ng damit nya. Sinama nya yung mga damit ni Ate at Enzo.
Pag si Ate ang hindi nakapaglaba, sinasama nya na sa labahin nya kaso nakakaawa naman daw.
Pag ako ang nagpasama ng labahin, kesyo ginagawa ko syang katulong. Walang awa. Tamad and the list goes on.
Bukod na kami talaga. Intay intay lang kayo.
0 notes
Text
Today, December 17, 2023, I just confirmed something. Something na umiikot at gumugulo sa utak ko since bata pa ko.
Akalain mo, in my 30yrs of living dito sa Earth, may madidiscover pa ko tungkol aa sarili ko. Akala ko sapat na yung sama ng loob, pagod ng katawang-lupa, puso at utak ko. Hindi pa pala.
Kaya pala iba ang itsura ko sa kanila. Matagal kong pinaniwala yung sarili ko na kamukha lang talaga ako ni Papa. Kay Papa ko nakuha yung pagiging morena ko.
Kaya pala wala silang kwento paano ako dumede ko nung bata pa ako, kasi wala silang experience na ganon.
Kaya pala wala akong picture na karga nila ako nung sanggol palang ako kahit yung Ate ko may picture sila na karga sua nung around 1-2months palang siya, kasi iba pala ang nagkakarga sakin.
Kaya pala ayaw nila na lumalapit ang loob ko sa mga tao sa kabila. Ayaw pala nila na malaman ko.
Kaya pala ayaw nila na tinatawag nila kaming kambal. Akala ko allergic lang si Mama dahil sawa na kakapakinig sa mga taong lagi nalang yun ang sinasabi samin.
Nabuo nanaman yung kutob ko noon na matagal ko nang kinalimutan. Ayaw ko at never kong inisip yan dahil ayokong magbago yung tingin ko sa kanila. Kaya kahit may naririnig din ako na kambal kami, iniignore ko kasi nga magkamukha lang naman kami. Yun ang alam ko.
Yes, I'm adopted.
Don't get me wrong. sobrang grateful ako sa lahat ng binigay nila sakin na materyal na bagay. Ramdam na ramdam kong minahal naman nila ako na parang tunay nilang anak. Lahat ng gusto ko nabibigay naman, be it material or love. Hindi naman sila nagkulang. Halos sumobra pa nga.
Nabuhay ang kutob ko nung inabot sakin ni Mama yung old Baptismal ni Andeng. Ang alam kong birthday ni Andeng ay March 30, 1994. Pero may nakita ako sa inabot ni mama na Baptismal Certificate. Same kami ng birthday, same kami ng Baptismal date. etc., Nung nakita ko na pareho kami sa lahat ng nakasulat, kinutuban na ko at parang umabot na sa 70% ang hinala ko.
Hanggang nagtanong na ko sa pinsan ko, at naconfirm na totoo nga. Ampon nga ako.
Ipapaampon daw ako noon sa ibang tao dahil siguro na rin sa hirap ng buhay. Ako ang sakitin, maliit at kulubot na nangangailangan talaga ng magaalaga. Hindi na daw mabuntis si Mama noon kaya napagpasyahan nya na sya nalang ang aampon sakin, makikita pa ko ng totoo kong Nanay, pero sa isang kundisyon, WALANG MAKAKAALAM AT MAGSASABI NA KAMBAL KAMI.
Napagtahi tahi ko na lahat. Kaya pala gusto ni Andeng na magpanggap kaming kambal sa nung Highschool. Kaya pala nagtatakip sila ng mukha everytime may nagtatanong kung nasaan yung kakambal ko. Kaya pala may picture kami ni Andeng na pareho kami ng damit. Kaya pala marami kaming picture na magkasama. Kaya pala si Sheila lagi ang nagluluto pag birthday ko. Kaya pala pinagtatakpan lagi ako ni Sheila kay Mama. Kaya pala saktong isang taon yung agwat namin ni Andeng. Doktor pala lahat ng documents ko. kasi nga may kakambal ako.
0 notes
Text
Nagkwento yung asawa ko sakin kaninang lunch, sumabay daw sakanya yung kawork nya na taga Toolroom. Sabi ko "Ah okay, musta naman sya kasabay?". Sagot nya "Okay naman. binaba ko sya ng Zapote, tapos ewan ko don out of nowhere tinanong ako na 'buti di ka nagpapamasahe sa mga tulad ng ganyan?(mga massage boutique na may extra service)'" Edi ako na nagulat sa ganung tanong, tinanong ko din sya kung anong nasabi nya? Dito ako kinilig sa sagot nya. Sabi nya "nako Sir, sobrang bait po ng asawa ko para lokohin ko lang" 🥹🥹🥹
Low-key appreciative ang asawa ko. Sabi ko na nga ba di ko kailangan itanong kung naaappreciate mo ko eh. In your own little surprising ways, alam kong nakakaappreciate ka at lablablab mo ko lagi. ❤️
0 notes
Text
Hindi araw araw mahal mo yung asawa mo. Minsan gusto mo nalang syang sakalin habang natutulog.
0 notes
Text
Kailan nga kaya? 😮💨
Kailan kaya talaga tayo magiging FULLY OKAY? 🤔
73 notes
·
View notes
Text
Hello. today is October 28, 2023. And guess what?! We got married last October 5, 2023! Sobrang biglaan, like kumuha lang kami ng Marriage License ng October 4, then we decided na magpaschedule na agad agad kinabukasan sa Civil Wedding. Without suppliers and help from other people, natapos namin ni Jerome ang 19hours preparation for our Civil Wedding.
2:30pm kami nakapagpaschedule, 3pm nasa SM Molino na kami para bumili ng damit ni then fiance now hubby Jerome. Buti nalang may nakaready na kong white dress 1month ago pa at old sandals pa ko na pwede ko pang magamit.
Around 4pm nagpunta pa kami ng RFC Molino para naman bumili ng kaunting pangdesign sa bahay. Yes, dahil sa bahay namin napili na magvenue. Actually bahay to ng parents ko, pinarenovate at wala pang gamit, so pwedeng gawing venue. Tamang foil curtain at letter ballins pwede na. Nagpareserve na din kami ng tables ang chairs don.
5pm nakauwi na kami. Naglista na ko ng food na ipeprepare. nagluto nalang ako ng 2 kinds ng ulam tapos the rest inorder nalang namin. Then 5:30pm umalis na kami ni Jerome. Siya umuwi ng Batangas para sunduin ang Papa nya tapos ako namalengke na at naggrocery para sa mga gagamitin at lulutuin.
7pm nakauwi na ko then nagprepare na din lahat. Sangkutsa everywhere lahat. para pagdating ng 4am lulutuin nalang dahil 10am ang dating ng magoofficiate ng wedding namin. Around 1am nakauwi na si Jerome from San Juan Batangas. Sleep sya agad kasi pagod na talaga sya eh. Ako halos 1hr-2hrs lang ata tulog ko.
Then 9am nagumpisa na kong magasikaso, BTW naligo na ko a night before. Buti nalang nagaral ako magmakeup ng sarili ko lang. sobrang simpleng eyeshadow, konting contour at lipstick talo talo na. Ako na din nagbraid ng buhok ko, why? eh kaya ko naman eh. 🤣
At ayun 10am dumating na yung magoofficiate. after 45mins, Mrs. Rustia na ko agad. Wala nang party party nyan ah? di narin namin pinili na magparty dahil wala na kaming lakas para jan. Sobrang worth it lahat ng pagod. Dahil sobrang saya namin ng araw na yan.

0 notes
Text
September 20, 2023
Ito yung araw na ang ganda ng gising mo. tapos babasagin ka lang ng nanay mo. pinalabas sayo yung halaman sa loob ng bahay. tinatanong mo lang naman bakit ilalabas pa eh maganda na nga yung halaman dito sa loob. bigla kang bubusargahin ng "ilabas mo nalang! ang dami mong daldal! pinapalabas ko lang sayo daldal ka pa ng daldal! ayaw mong sumunod nalang agad!"
So ganto pala. Wag na kong magtatanong, magsasalita o magtataka? parang robot nalang ako. sunod nalang agad. Alis na ko talaga dito. konti nalang. yung pasensya ko ubos na. nasa part na ko ng utak ko na wala na kong pakealam.
0 notes
Text
July 25, 2023
Nagpaalam kami ni Jerome kahapon kung pwede kaming umuwi ng batangas sa wednesday kasi maghahatid ng pera kay tito. plus magtatanong na din ng requirements tas magsesecure ng date (June 16,2024) sa simbahan. Hindi umimik si mama kagabi.
tas ngayong umaga. like 5am in the morning ginising ako ni mama para sermunan.
Bakit daw ang agad namin magsecure ng date. isang taon pa daw. tatawanan daw kami sa simbahan kasi excited daw kami. Kating kati na daw ba ako magpakasal? nangangati na daw ba ako at nagmamadali na ko? magpakasal na daw ako sa huwes kung nangangati na daw ako. hindi daw yung magsisimbahan pa ko. excited daw ako yung iba nga daw linggo ang binibilang bago magpalista sa simbahan. as tinigitigan ako ni mama ng nasama na parang iniintay nya kong sumagot.
usually 1yr naman talaga ang preparation para hindi magahol sa oras. tapos may trabaho pa si jerome. di ko naman basta pwedeng kaladkarin si jerome anytime na gustuhin ko. may trabaho yung tao. 😭😭😭😭😭😭
linggo nalang bibilangin bago kpa magpalista sa simbahan? parang di ata naririnig ni mama sinasabi nya.
5 notes
·
View notes
Text
NAKAKALOKA MGA UNSOLICITED OPINIONS!!!!!!! DAPAT GANTO DAPAT GANYAN.. HUUUY! PAKASAL DIN KAYO PARA MAGAWA NYO YAN!!! 🤬🤬
1 note
·
View note
Text
Lord, sabi po kasi samin sa FCL dati, "when you pray for others, you technically prayed for yourself" kaya po I always pray na...
Lord, maraming salamat po sa lahat ng blessings. Pero hihingi parin po ako na sana bigyan nyo ng good health ang buong family ko pati po buong family ni Jerome. Bigyan nyo po ng lakas ang papa at mama ko pati pati magulang ni Jerome sa araw araw na trabaho. Ingatan nyo po si Jerome at Papa sa araw araw na pagdadrive. Sana po lumaking mabait at masunurin si Lelet at Yanna. Sana po tumanda na responsableng anak at kapatid si Enzo. Sana po maging maayos na lahat sa side ni Ate Sheila at Andeng. Gabayan nyo po si Sula at Xtian sa pagpapalaki ng maayos kila Kobe Kc at Yanna. Yung para saakin po, Kayo nang bahala sakin. Kayo na po ang nakakaalam kung anong para sa akin. Amen.
Pero this time parang gusto ko namang magdasal ng para saakin.
Lord, I want to be genuinely happy po. Yung walang pretentions at sapilitan. Yung hindi po ako nagaalala na masaya ako ngayon, paguwi ko, natatakot ako na baka sermunan ako. Bigyan nyo po kami ni Jerome ng baby na masunurin at mabait. Kahit sino pong kamukha samin, as long as kasing haba ng pasensya ko at kasing talino ni Jerome. I promise po na pag binigay nyo sya samin, Ipaparanas ko po sa kanya lahat ng hindi ko naranasan as a child para matuto syang maging matapang at independent on her/his own. Gusto ko matuto sya at magdesisyon ng sarili nya. Andito lang kami para gumabay lang sa kanya sa buhay nya. Gusto ko maging masaya sya at maexperience nya lahat, dahil don, matututunan nya paano lumaban ng patas sa buhay ng walang naaagrabyadong ibang tao. Alam kong wala naman pong perpektong tao, ang gusto ko lang po ay yung matuto sya sa sarili nyang desisyon at paniniwala. Maging sentro po sana namin kayo ni Jerome sa lahat ng desisyon na gagawin namin. Maraming salamat po sa lahat lahat. Amen.
2 notes
·
View notes
Text
When Jerome said "kailangan ko na palang magumpisang magtipid bilang asawa at ama. kailangan ko na din kayong protektahan sa mga ganyang klaseng tao, konting mali lang nila sayo pagpapapatayin ko na sila", natawa ako sa kanya but actually kinilabutan ako, kasi for once in my life, this time, ramdam na ramdam kong may kakampi na ako talaga. Wag kang magalala Jerome, #1 supporter at poprotektahan ko din yung tayo pati pamilya na mabubuo natin. ❤️
0 notes