Text
“Never judge people by their past. People learn. People change. People move on.”
— Unknown
5K notes
·
View notes
Photo
Moments from life drawn with acrylic markers
Kickstarter: https://www.kickstarter.com/projects/angelapanart/moments-from-life
4K notes
·
View notes
Text
“As far as we can discern, the sole purpose of human existence is to kindle a light of meaning in the darkness of mere being.”
— Carl Jung, “Memories, Dreams, Reflections”
1K notes
·
View notes
Text
“There is nothing in this world that can trouble you more than your own thoughts.”
— Unknown
1K notes
·
View notes
Text
You have sole ownership of your vision. And the Universe will give you what you want within your vision. What happens with most people is that they muddy their vision with ‘reality’. Their vision becomes full of not only what they want but what everybody else thinks about what they want, too. Your work is to clarify and purify your vision so that the vibration that you are offering can then be answered.
Abraham Hicks
25 notes
·
View notes
Text
“At any given point you have the power to say, this is not how the story is going to end.”
— Unknown
3K notes
·
View notes
Text
“You know you are on the right track when you become uninterested in looking back.”
— Unknown
5K notes
·
View notes
Text
Saan ako huhugot sa'yo ng tula? Wala naman tayong ginawa kundi maglaro ng taguan, hanapan, at kung sino ang taya. Ilang beses ko nang inisip kung ilang beses ka na ring nadulas. Malay ko ba kung totoo ang mga laro ng dila mong di malaman kung sadya ba o sumabog na lang at naging pahimakas. Sa'n mo ko pupulutin kung palaging nakabitin ako sa kawalan? Anong aasahan mo sa aking tula? Saan ako kukupit ng mga bagay na salita para sa atin? Inaakala mo bang maglulumuhod ako sa'yo para umamin? Hindi. Sabay tayong manigas hanggang dulo, nang malaman natin kung sino ba talaga sa ating dalawa ang mas pakipot at s'yang dapat na sisihin.
.
.
.
.
–WMAB
5 notes
·
View notes
Text
PALABOY
Heto na naman ako sa bakanteng daan. Wala nang nakahawak sa manibela kundi ako na lang Maski na ang mga manghuhuli ng mga ligaw na isip ay di matagpuan Gusto ko sanang mawala na lang ng biglaan. Wala na ngang angkas, wala pang mapuntahan.
Kung inaakala mong kalmado ang mga ulap ko sa ulo, mali. Hindi madaling patayin ang malinaw na mga imahe. Masaya sigurong mag-isa kapag marunong kang mapakali Pero hindi. Mahirap na solohin ang masibang na sikmura ng pamimighati.
Bakit kung kailang sana'y tahimik, doon pa guló? Mas masahol pa sa pagkatanto ang masiyahan sa malabo Hugot lang ang lakas sa buntong hiningang tagó. Magulo ang mga linya sa kalsada at mahirap nang malito Baka di ko makayang isipin kung ano pa ba ang matino?
Gusto ko nga sanang magpa-dakip na lang. Sa nga nanghuhuli ng mga nawawalang isipan Heto na naman ako sa madulas at delikadong daan, Mahirap talagang walang humahawak sa puso mo kundi ikaw lang.
.
.
.
.
-Wag Mo Akong Bitawan
3 notes
·
View notes
Text
TALI
Hindi ako masyadong hanga sa tingkad at sikat ng araw tuwing umaga. Sa nag-uunahang mga tao sa lansangan o sa mapanghatak na tawag ng nailigpit nang higaan, kung ano ba ang mas nakakayamot sa mga yan, hindi ko malaman.
Palaging ang akala nila ay nakukuha ang lahat ng saya sa pagsalubong sa liwanag, Naisip kong baka hindi pa sila sumubok na tanggapin rin ang kulay ng buhay sa takipsilim.
Walang maibabahid na lait ang maghapon sa kakayanan ng mundong magsiwalat ng reyalidad sa magdamag Kung ako ang papipiliin, sa gabi pa rin ako nakakakitang mas maliwanag.
Di hamak na mas makulay ang lahat kapag nababalot ng karimlan dahil mas kita ang kislap. Kaso ay mali palang dilim ang nagbibigay ng muwang sa mga bulag Liwanag pa rin ang aakay sa'yong paglakad. Kaya kumapit akong maigi sa dala mong sinag.
At sa kabila ng muntik nang pagkawala, sa tali natin ay buong tapang kang humawak. Iniikot ang mundo na halos walang hirap Totoo nga, walang tumapang sa dilim na hindi minsang inisip na sumuko sa liwanag.
Kaya nang minsang magmulat sa umaga, Ang alam ko'y di ako sanay sa matamis na salubong pagka bumabangon mula sa kama, Kaya hindi rin inasahang ang simpleng ngiti ay itatayo ako sa umaga na pagod pero maligaya.
Nakakagising na ‘ko sa umaga dahil sa'yo. Sabik pa rin sa gabi pero walang katulad ang ganito: Pumapayapa ang bawat daanan; Umaayos ang itsura ng di pa nasisinop na higaan—dahil himbing ka. At bago ka ay hindi pa 'ko nakakita ng matatag na dahilan para lumaban. Hindi na ulit matutulog at gigising ng walang kapakanan. Nakakamangha lang kung gaano kalaki ang ang isang munting rason para maging matapang. . . . -Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
59 notes
·
View notes
Text
TAONG HALOS
Ako ang taong halos.
Ako ang taong halos gusto mo na pero hindi masyado. Yung nandyan na pero "antay lang muna kasi baka may bumalik o dumating na bago". Yung mga inimpit mong salita kasi di ka pa sigurado. Dahil nga ako ang taong halos hangga't di pa dumarating ang mga para sa'yo.
Ako muna ang isasama mo sa mga lakad. Ang kachukchakan mo, ang kachat mula umaga, at ang kapuyatan sa malalamig mong magdamag. Ako yung klaseng pampalubag loob sa tuwing wala kang kumpyansa sa sarili, na kung sinabi kong sapat ka ay patay-malisya mo na akong isasantabi.
Ako yung mga lugar na pupuntahan mo sana pero inaatake ka ng pagiging batugan. Ako ang mga planong hindi naisasakatuparan. Ako ang halos na hindi nagiging magpakailanman. Ako ang mga muntikan. Mga katabing pangalan ng mga swerteng napipili sa bunutan. Ang pahingahan. Ako ang mga naisip mong saglit pero hindi mo masyadong pinagtampulan ng atensyon. Tinignan lang at hindi tinitigan dahil wala masyadong malakas na koneksyon. Ako ang taong parang sayang, pero hindi rin naman kawalan. Saktuhan lang.
Pupwedeng takbuhan papunta o palayo. Pupwedeng sumbungan ng sama ng loob, pwede rin namang kau-kausap lang hanggang makatulog.
Ako ang mga pagkakataong kukunin mo na sana kung hindi lang magulo ang lahat. Ako rin ang mga desisyong ayos na sana pero hindi ganun ka-sapat. Ako ang makikinig sa'yong mga komiko, sa mga patawa mong baduy at mga nakakabanas mong kwento. Ako ang halos at ang hintayan mo. Paradahan hanggat wala pang opisyal na pasahero. Naglilimlim sa loob mong di pa handang maneryoso. Ako ang mga halos sa lahat ng 'yong mga hindi sigurado.
Ako ang mga blankong pahina sa libro mong maraming kabanata. Papel na halos susulatan na sana pero itutupi lang para magbigay tanda na hindi pa ito ang panahon, na baka di mo pa pagkakataon para magmahal ng totoo kaya dito ka muna sa halos mo na di mo namamalayang may ambag din naman sa'yong mga kabanata; na hindi lang pahina na pampakapal sa malawak mong istorya; na pwede ring buklatin para sulatan ng mga mensaheng nagpapasaya; na ang halaga ay hindi lang magbigay tanda na kailangan mong magpahinga.
Ako ang mga halos na palagi na lang hanggang sana. Hindi na umabot sa dulo, at hindi na rin naisasama sa katapusan ng mga istorya—palaging nasa simula. Palaging nasa unahan ng mga kabanata at hindi ni minsan sa pagtatapos.
Ako ang taong halos. Mga "kung hindi lang sana, e di sana ay ganito". Mga ayos sana pero palaging may pero. Palaging nasa simula ng mga kwento, pero hindi naitatawid hanggang sa dulo. Hanggang halos lang at hindi hanggang sa wakas.
Ako ang taong halos minahal at hindi kailanman ang pinili. Palagi lang dadaanan at hindi kailanman magiging tahanan para iuwi ang lahat lahat ng 'yong mga komiko, ng patawa mong baduy, at nakakabanas mong litanya ng mabulaklak na mga berso. Antayan lang ng mga di pa sigurado, ng mga tumatantya ng damdamin, at ng mga isip na magulo.
Ako ang taong halos na kung wala ay di ka makukumpleto, pero hindi kailanman sapat para bumuo at maging wakas sa'yong kwento.
.
.
.
.
.
-Wag Mo Akong Bitawan
28 notes
·
View notes
Text
Kahit na siguro saan pa dalhin. Sa labanan man ng haba ng panahon o kahit na sa tanggíhan ng pansin, mukha ngang ang daan ko ay babalik sa'yo at ikaw, sa akin.
-WMAB
2 notes
·
View notes
Text
Sayang naman ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani
Kung ikaw mismo ay walang balak kumawala sa di ka naman pinipili.
-WMAB
5 notes
·
View notes
Text
PALAGI
Pakiramdam ko, kahit na kaninong matatag na balikat pa ay hindi rin aakma ang aking ulo.
Sa'yo lamang nakahulma ang aking pag-iisip at ang aking mga tunghay sa malayo.
Kahit na kanino pa sigurong matatag na bisig ang umagapay,
hahanapin pa ring mainam ang perpektong lapat ng palad mo sa aking uhaw na kamay.
Himlayan ka na habambuhay ng mapaglayag kong malay.
Nakatatak nang marahil kahit na sino pa ang humagkan.
Tanda na ng aking mga labi ang pasikot-sikot sa kalsada ng sa'yo at sa'yo lang.
Memoryado na ang mga galaw, ang katahimikan, at maski mga hiyaw.
Kahit na sino pa sigurong boses ay tanging bulong mo sa 'king nagniningas-kugon na pag-asa ang pakikinggan.
At kung sirain man ng paborito kong kadiliman ang yong pangalan,
ay sa'yo pa rin marahil mananahanan.
Ikaw at ikaw.
Palagi.
Araw-araw.
.
.
.
Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
22 notes
·
View notes