Tumgik
ultramegaqueen-blog · 7 years
Text
PAGDATING NG PANAHON
Darating yung panahon na mag-isa ka lang kaya wag mo masyado sanayin sarili mo na nakadepende sa iba matuto magadjust paminsan.
Darating yung panahon na magiging proud ang lahat sayo lalo na magulang mo kasi natuto kang tumayo sa sarili mong mga paa. Darating yung panahon na di mo na maiisip yung mga gusto mo kasi mas kailangan ng iba yung atensyon mo. Darating yung panahon na ikaw naman mag-aalaga at magpapaligo sa magulang mo na kahit napakapasaway mo noon mahal na mahal kapa rin nila at para sa kanila ikaw ang pinaka gwapo/maganda sa kanila. Darating yung panahon na masasabi mong masarap pa rin mag-aral kaysa magtrabaho, kaya ikaw kung may nagpapa-aral sayo wag mo sayangin at para dun sa working student kaya mo yan isipn mo paano ka nagsimula at para saan ba ang tatapusin mo. Darating yung panahon na balewala na ang libro kasi may internet connection naman mas mabilis pa diba, pero dapat tandaan saan ba tayo nagsimulang kumuha at matuto sa mga bagay na di natin nalalaman dati. Darating yung panahon na makakamove on ka dyan sa ex or past mo na sinusumpa ng mga bitter at tatawanan mo na lang kasi okay kana. Darating yung panahon na masasabi mo sa sarili mong kaya mo pala kahit gaano kahirap ang lahat ng problema basta positibo lang si God ang bahala. Darating yung panahon na di ka na sa quantity titingin kundi sa quality na lang, yung tipong magsshopping ka di kana mababahala kung mahal ang presyo ang mahalaga matibay at maganda. Darating yung panahon na ggraduate ka at haharapin mo yung tunay na realidad ng buhay kung saan masusubukan ang katatagan at ang diskarte mo. Darating yung panahon na di ka na sa GPA/GWA magbabase kasi wala namang kinalaman sa gagawin mo sa hinaharap yan mas magfofocus kana sa interest at kasiyahan mo sa paggawa at pagtupad ng propesyon mo, isa sa puhunan ang kasipagan. Darating yung panahon na may makikilala kang isang tao na makakasama mo sa hirap at ginhawa kahit na maraming nababahala sa walang hanggan. Darating yung panahon na isa ako sa makakaranas ng mga ito kasi naniniwala akong marami pang pwedeng mangyaring magaganda na kahit napakaraming pagsubok tuloy lang sa takbo ng mapaglarong buhay na to!
PS: Dumating man yung panahon na susuko kana please lang pag isipan mo muna mga ilang beses pwede naman muna magpahinga. Pero kung di na talaga kaya hayaan mo na wala e dumating na siguro yung panahon para tapusin ang isang bagay at magsimula ulit ng panibago.
0 notes
ultramegaqueen-blog · 7 years
Quote
Everyday is a learning process.
Anonymous
0 notes