Tumgik
unabalita · 8 years
Text
EDITORYAL – Ang droga at epekto nito
Tumblr media
DROGA ang madalas nating naririnig at nakikita sa radyo, telebisyon, at maging sa social media ngayon. Pero ano ba talaga ang droga? Anong naidudulot nito sa ating bansa? Anong mangyayari kung ito ay ating masusugpo at bakit natin ito kailangang iwasan?
Ang droga na ating sinasabe ay ang mga ilegal at ipinagbabawal na gamot na ginagamit ng karamihan sa mga nahuhuli ng ating mga kapulisan ngayon. Ito ay ang bagay na sumisira ng buhay ng mga tao. Sinisira nito ang katinuan ng isang tao na nagdudulot sa kanya na gumawa ng masamang gawain na nagagawa ng isang kriminal. Ika nga ni Sen. Richard Gordon kay Kerwin Espinosa, anak ni Mayor Rolando Espinosa, na siyang nagtutulak ng droga, “Sa una lang magkakaroon ng magandang dulot ang droga pero sa huli, ikaw pa rin ang talo.”
Habang lumalaganap ang ipinagbabawal na gamot sa ating bansa, pababa na nang pababa ang ekonomiya ng bansang Pilipinas dahil kaakibat ng droga ay ang mga tiwaling opisyal na namumuno at nangungurakot sa atin. Mabuti na lamang at nagkaroon ng solusyon ang ating presidente. Bagamat marami itong negatibong pangitain, mayroon rin naman itong naidudulot na kaayusan sa ating bansa. Ayon sa Philippine Chamber of Commerce and Industry Chairman, Sergio Ortiz Luis, makabubuti ang aksiyong ginagawa ni Pangulong Duterte dahil lumilitaw na seryoso ang pamahalaan sa pagharap sa problemang kinakaharap ng bansa, partikular na sa kriminalidad. Sinabi din niya na, “Kung bibigyan natin ng pansin ang mga bagay na makaaantala sa tagumpay ay makababalam ito sa pag-unlad ng ating ekonomiya. Maganda nga na nararamdaman ng mga investor na seryoso ang ating gobyerno at ang Pangulo na isaayos ang ating pamumuhay kaya huwag natin hayaang madiskaril ito,” Ang droga ang isa sa mga dahilan kung bakit ang karamihan sa atin ay naghihirap. Dahil sa dito ay natututunan ng iba sa atin kung paano yumaman nang madalian at ito ay hindi maganda para sa ating bansa. Ito ay nagbubunga ng hindi maganda dahil ito ay walang buwis. Kahit na gaano pa kamahal ang kanilang maibentang droga, wala itong maiaambag na buwis sa Pilipinas dahil ito ay ilegal.
Isipin na lang natin kung wala nang Pilipino ang gagamit at magbebenta ng droga sa ating bansa. Magkakaroon ng kaayusan at kapayapaan dito sa Pilipinas. Magkakaroon ng mas magandang kinabukasan ang mga kabataan at mapapatunayan natin na totoo ang sinabe ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal na, “Ang kabataan ang pagasa ng bayan.” Magiging maunlad ang lahat at mas lalo tayong rerespetuhin ng ibang bansa at hindi na nila tayo maaaring maliitin. Ang kailangan lamang natin upang makamit ito ay disiplina ng bawat isa, tapat na mga opisyal ng Pilipinas, mahabang pasensiya at unawa, at takot sa Diyos.
0 notes
unabalita · 8 years
Text
Japan Niyanig ng 7.4 magnitude na lindol: Mga pinoy ligtas-DFA
Tumblr media
MANILA, Philippines – Kinumpirma kahapon November 22, 2016 ng Department of Foreign Affairs na walang nadamay sa daan-daan libong Pinoy sa Japan matapos na mu­ling tumama ang malakas na 7.4 magnitude na lindol sa hilagang silangang bahagi ng Japan malapit sa Fukushima Prefecture kahapon ng umaga. 
 Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, wala pa silang natatanggap na ulat mula sa Embahada ng Pilipinas sa Tokyo kung may Pinoy casualty sa pagtama ng malakas na lindol sa Japan. Aniya patuloy ang monitoring sa sitwasyon at pakikipag-ugnayan ng Embahada sa Filipino community upang matiyak na nasa ligtas silang kalagayan.
 “So far, there are no reports of any Filipino affected by the earthquake in Japan,” pahayag ni Jose. 
 Sinabi ng DFA na handa ang Embahada na bigyan ng tulong o ayuda ang Pinoy sa Japan sakaling may naapektuhan sa  lindol. 
 Sa ulat ni Ambassador Manuel Lopez ng Embahada, may isang Pinoy na na-natrap sa ilalim ng kanyang sasakyan sa kasagsagan ng pag-uga ng lupa subalit hindi naman nasaktan. Sa tala ng DFA, may 378,000 Pinoy ang nagtatrabaho at naninirahan sa Japan.
1 note · View note
unabalita · 8 years
Text
SINONG KANGKONG NGAYON?
Tumblr media
“Sinong kangkong ngayon? Uloool!” ani Mark “The Spark” Caguioa.
Walong taon na hinintay ng kuponan na ito bago sila magkaroon ng panibagong kampyonato. Sandamakmak na pangangantyaw at pagdududa ang inabot nila sa sambayanang Pilipino. Ang dating mga hari ng Philippine Basketball Association(PBA) ay itinuring na talunan sa loob ng walong taon. Kaya naman ay hindi natin maitatanggi na napakaganda nga ng pagkakapanalo ng Ginebra San Miguel Kings.
Ang nakakapangilabot na tres ni Justin Brownlee ang tumapos hindi lamang sa laro kundi pati na rin sa pagkagutom ng mga manlalaro ng Ginebra sa kampyonato. Ginawa niya ito sa harap ng libo-libong Pilipino na nakasaksi ng isa sa mga pinakamagagandang pagtutuos ng mga kuponan sa PBA Finals.
Ngunit hindi lamang siya ang gumawa sa larong ito, andiyan si LA “Tenyente” Tenorio na nakagawa ng 25 points, 6 assists, 5 rebounds. Ang “Tenyente” din ang ginawaran ng Finals Most Valuable Player ng PBA.
Kasama sa mga manunuod ang maalamat na si Robert Jaworski. Siya ang nagsindi ng apoy sa mga kalooban ng mga manlalaro noong sila ay natambakan ng 15 na puntos matapos ang ikalawang quarter.
Namangha din ang kanilang coach na si Tim Cone sa kanilang ipinakitang kalidad ng paglalaro ng basketbol. Ang nasabing coach ay nagbigay ng napakalaking tulong sa pagrereporma sa kuponan na ito. Masasabing mayroon silang malakas na katawan ngunit kulang sila sa ulo nitong mga nakaraang mga konperensiya. Ngunit makikita naman ang malaking pagbabago sa kanilang paglalaro noong dumating si Tim Cone.
Kasisimula lamang ng panibagong konperensiya ng PBA noong ika-20 ng Nobyembre sa kasalukuyang taon. Tunay na kaabang-abang ang mga kampyon at nagbabalik hari ng PBA. Ngunit karapatdapat din na abangan kung paano susubukang agawin ng ibang kuponan ang kanilang trono. Kaya naman… SAAN KA? KAMPIHAN NA!
0 notes
unabalita · 8 years
Text
PROTESTA LABAN SA LIBING NG DATING PRESIDENTE FERDINAND MARCOS
Tumblr media
               Nang simulang payagan ng Pangulong Duterte ang pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng bayani, maraming mamamayan ang nagbugso ang damdamin.  Ilan rito ay ang mga Pilipinong nakaranas ng pang-aapi noong panahon ng diktaturya ni Marcos.  May ilan din namang estudyante na laban sa pagpapalibing kahit hindi nila naranasan ang paghihirap sa kamay ng mga sundalo. Pero para saan nga ba ang kanilang protesta?
               Sumailalim sa pagsusuri ang pagpapalibing ng labi ni Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Habang pinoproseso pa ang hearing sa pagpapalibing ay naglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) upang hindi panghitulutan ang pagpapalibing.  Natapos na ang proseso at tinangal na ang TRO ng pagpapalibing kay Marcos.
               Maraming nagprotesta dahil sa pagpayag ng Korte Suprema na ilibing sa Libingan ng mga Bayani si Marcos.  Sa kabilang banda, kahit maraming nagpoprotesta, nagdiwang ng pribadong pagpapalibing ang mga Marcos.  Maliit na programa lang ang kanilang isinagawa ng pamilya kaya't nakakuha ito ng negatibong reaksiyon sa masa.  Sa mismong araw na lang nalaman ng mga mamamayan na ang libing ay ginaganap na.
               Ano nga ba ang tama, ipalibing sa libingan ng mga bayani o hindi?
0 notes
unabalita · 8 years
Text
‘Missing link’ sa NBP drug trade: Dayan naaresto
Tumblr media
MANILA, Philippines – Matapos ang ilang linggong pagtatago, nasakote ng mga operatiba ng pulisya ang dating driver at lover ni Sen. Leila de Lima sa operasyon sa Sitio Turod, Brgy. San Felipe, San Juan, La Union kahapon.
Bandang alas-11:30 ng tanghali nang masakote ng pinagsanib na elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) La Union, Pangasinan Provincial Police Office (PPO) at Bacnotan Police Station si Dayan sa nasabing lugar. Si Dayan ang umano’y bagman ni De Lima noong Kalihim pa ito ng Department of Justice (DOJ).
Una nang nag-isyu ng contempt at arrest order ang Mababang Ka­pulungan ng Kongreso noong Oktubre matapos na mabigong dumalo sa pagdinig si Dayan kaugnay ng kalakalan ng illegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) kung saan nakinabang umano si De Lima dahil pinondohan umano ng mga drug lord ang pagtakbo nito hanggang sa magwagi bilang Senadora noong May 2016 national elections.
Naglaan din ang Vo­lunteer Against Crime and Corruption (VACC) ng P1 milyon reward para sa mabilis na ikadarakip ni Dayan.
Samantalang si Pa­ngulong Rodrigo Duterte naman ang nagbulgar sa umano’y bawal na relasyon ni De Lima sa driver-lover nitong si Dayan na siyang bagman nito sa NBP kung saan sinasabing milyong halaga ang naging payola ng dating Justice Secretary.
Magugunita na inamin ni De Lima na nagkaroon sila ng relasyon ni Dayan pero itinanggi na tumanggap siya ng payola sa mga drug lord.
Inamin din ni Dayan sa press conference sa Camp Crame kagabi na tumagal ng 7 taon ang relasyon nila ni De Lima. Itinanggi nito na may pulitiko na kumanlong sa kanya.
Sinabi ni PCO Asec. Ana Marie Banaag sa Malacañang reporters, welcome sa Palasyo ang pagkakaaresto kay Ronnie Dayan na naaresto na sa La Union kahapon umaga.
Umapela naman ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na magsasabi ng totoo si Dayan kaugnay ng nalalaman nito sa NBP illegal drug trade matapos maaresto ito kahapon ng umaga.
Ayon kay Aguirre, si Dayan ang maghahayag ng mga “missing link” sa mga kasong nakabinbin sa DOJ kaugnay ng illegal drug trade sa Bilibid.
“Dayan’s capture will tie up loose ends and supply the missing links in the cases (NBP drug trade) before the DOJ,”ayon sa Kalihim.
Sa panig ng Kamara, posibleng buksan muli nito ang imbestigasyon sa NBP drug trade makaraang mnaaresto si Dayan.
Ikinatuwa naman ni House Speaker Panta­leon Alvarez ang pagkakahuli kay Ronnie Dayan, ang lover boy/drayber/bodyguard ni dating DOJ Secretary at ngayon ay Senator Leila de Lima sa isang lugar sa Northern Luzon, kahapon.
“It’s good kaya kaila­ngan dalhin si Dayan ng mga awtoridad sa House Committee on Justice na siyang nag-isyu ng ‘warrant of arrest’ dahil ina­akusahan ito ng sangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison(NBP).’ sabi ni Alvarez.
Sinabi ni House Committee on Justice chairman Reynaldo Umali, kakausapin niya si Majority leader Rodolfo Fariñas tungkol sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa ka­lakalan ng illegal na droga sa NBP.
Sinabi naman ni Majority leader Rodolfo Fariñas ay dapat ipresenta si Da­yan ng Philippine National Police (PNP) kay Speaker Pantaleon Alvarez dahil ito mismo ang lumagda at nagpalabas ng arrest warrant. - Joy Cantos, Butch Quejada, Gemma Garcia, Malou Escudero, Rudy Andal at Doris Franche-Borja
0 notes
unabalita · 8 years
Text
Extrajudicial Killings
Ang tinatawag na extrajudicial killings ay ipinagbabawal na narkotika. Paano kamo? Una, ito ay ipinagbabawal. Pangalawa, ito ay narkotika. Ang kanyang pangako ay mistulang pang-uuto. Ang pakay ay manlinlang. Ang alok: ilayo ka sa totoo – ibsan ang pagdurusa mo, mamanhid ang sakit na nadarama mo, pupurol ang mismong talim ng nakapanghihiwang kahirapan. Subalit sa huli, ang lahat ay panandaliang pagpapatighaw. Ang bisa ay lilipas, at ang maiiwan ay isang katawang malayo sa paghilom, bagkus ang mga sintomas ay lalong lumala. Wala na ngang ginagamot, lalo pang nagpapasaklap. At bagaman walang dulot, nakaka-adik. Masdan kung gaano karami ang magsasabing sana'y matapos na ang lahat ng kabaliwan, subalit mapapabuntong hininga na lamang sa bawat umagang babaling ang madugong balita na tuloy at walang humay ang patayan. Kaya sige. Isa na lang. Isa pa nga. Ang pagtanggap sa extrajudicial killings – mga pagbitay na walang pahintulot ng batas – bilang lehitimong gamot sa kalupitan at krimen ay pinsala sa ating mga pamilya at lipunan. Ito ay paanyayang linlangin at yurakan ang ating mga sarili, na sundin ang huwad na pangangatwiran at nagbubulag-bulagang pagpipilit...: ... na ang may pagkakasala lamang ang mamatay. ... na hindi natin kailangan ang hukuman upang malaman kung sino nga ba ang nagkasala. ... na kung iyon lang naman ang pag-uusapan, aba, ay buo naman nating kayang pagkatiwalaan ang mga parak at mga tanod. ... na mabali man o maabuso ang tiwalang iyan ay OK lang, sapagkat kaunting tiis lang naman ito habang may binubunot na bulok ang pamahalaan sa ating katawan. Lilipas din ang bangungot at kirot sa budhi, at babangon tayo sa bagong umaga, sa isang makintab at mabangong pagkakataong magbagong buhay. Sa totoo lang, walang wakas ito kung hindi natin hihilingin na wakasan. Hindi natin sukdulang pasya kung ang lahat na mga napaslang o mapapaslang ay tunay na nagkasala. Bumabatak ba talaga siya, o baka naman iskolar lamang na napagkamalan? Tulak ba ang naabutan sa bahay kung saan nagkabarilan, o isang working student lamang na minalas sa napaki-usapang kaibigang pakikisilungan? Ni hindi nga natin alam kung ang mga berdugo ay walang kasalanan. Kung kaya hindi maaliwalas ang gising mo sa bangungot. Ang kakamayan mo sa umaga ay may bahid ng dugo. Nangangatal mong sasabihin mo sa kanya: "Salamat, ha?" Kahit hindi mo alam kung ano talaga ang ginawa niya. Ang pasasalamatan mo: Siya ba ay tunay na tagapagligtas, o ang huling buhay na kupal na naunahang ubusin ang mga kalabang dati'y kakontsaba? Magkalinawan lang: Ang ipinagbabawal na gamot ay kanser. Sinisira nito ang ating dangal, ang ating mga pamilya, mga anak, mga buhay. Ito ay salot sa lipunan. Tama ang Pangulong Duterte na ituring itong pambansang krisis. At kung tama siya na kasapi sa mga sindikato mismo ang mga heneral ng AFP, mismong mga opisyal ng bayan at mga kabayanan, ay naroon na tayo sa bantang peligro ng tinatawag na “narco-politics”. Malalalinan, malalason, nunuotan ang mismong pamamalakad ng bansa, mismong mga patakaran, ng lason at kasibaan ng droga. Linawin natin, para walang lito: Sang-ayon at sumusuporta kami sa kampanya ng Pangulong Duterte laban sa krimen, at mismo sa kanyang "war on drugs". Ang hindi natin tanggap ay ang pagtanggol at pagtulak sa extrajudicial killings, ang pagbasura sa mga pangako ng Saligang Batas na ang bawat mamamayan ay makaaasa sa makatarungan at pantay-pantay na pangangalaga sa batas, at ang kasinungalingan na ang mga nagtataguyod ng Karapatang Pantao ay kampon ng mga gustong gumiba sa ating republika. Kaya bang pagtagpuin ang layunin ng kampanyang kontra-krimen at ang sigaw na itaguyod ang batas at Karapatang Pantao? Bakit naman hindi? Arok ito ng mismong hepe ng ating Pambansang Kapulisan. Mismong si National Police Chief Ronald "Bato" Dela Rosa na ang nagsabi na gipit man ang taumbayan sa kaayusan at katarungan ay kailangan parating nakatayo tayo sa batas at sa Katipunan ng mga Karapatan sa ating Saligang Batas. Aniya minsan sa radyo: "Bibigyan ko ba ng paubaya ang extrajudicial killings at ang vigilantism? Siempre hindi. Labag 'yan sa ating mga batas." Pero dagdag ni Bato, dahil tanto niya sa mga naghihirap at nagdurusa ang udyok at halina ng kapit sa patalim: "Hindi ko hahayaan. Kahit pa gusto ko." Madali magsalita, alam namin. Subalit heto pa rin ang matibay at walang-lusot na katotohanan: Ang murder ay murder ay murder que se joda pa na ang pamamaslang ay dulot ng kriminal, may basbas ng mga may kapangyarihan, may paubaya ng mga namumuno, o sipat ang mga pinakasusuklaman at malinaw na tiwali. 'Hindi ko hahayaan ang extrajudicial killings at vigilantism. Kahit pa gusto ko.' – PNP Chief Ronald Dela Rosa Si Pangulong Duterte mismo ang nagsabi na ang pinaka-ugat sa mga problema ng bansa ay hindi droga, hindi krimen, hindi katiwalian. Sa pinakadulo ng lahat ng ating hinaharap ay ang pagwaldas at pagbastos sa tiwalang ibinigay ng mga mamamayan sa kanilang pamunuan. Ultimo tuloy ang mga naitalaga upang mamuno at ipagtanggol tayo ay mahirap paniwalaan. Sa harap nito, may tiwala ang mga Pilipino kay Duterte. Ayon sa mga survey, 91 percent ang nananalig ng manunguna siya sa tunay na pagbabago. Mahaba pa man ang anim na taong kanyang pagka-pangulo, sa ngayon ay kabilang kami sa mga nagtitiwalang maibabalik at mai-aangat ng Pangulo ang tiwala ng madla sa pamahalaan at mga pinuno at mga tagapaglingkod. Subalit sa kampanya kontra krimen, ang bilang ng mga napapaslang – lalo na ang biglaang pagdami ng mga "nanlalaban" kahit nakaposas na – ay may dalawang magkasalungat na bunga. Sa unang banda, nagsisitago at takbuhan na ang mga pusher. Ngunit sa kabila, naaalala lamang ng mga mamamayan kung bakit nga ba hindi nila mapagkatiwalaan ang mga pulis. Nanlaban? Katarantaduhan. Kung nakaposas ka na sa likod, mangangahas ka pa bang mang-agaw ng baril? (Liban na lang siguro kung nakasaksak na ang bariles sa puerta mo.) Kung hindi titigil ang mga kahibangan na ganito, kahit pa tumahimik sa lansangan, hindi ito maituturing na kampanya kontra krimen kundi amnestiya para sa mga tiwaling pulis na walang ginawa kundi magkamot ng tiyan at magbulsa ng kotong bago dumating ang "pagbabago". Samantala, ang nakararaming matino sa kapulisan – ang mga nagtatrabaho ng maayos kahit pa kulang ang sahod, kulang ang training, at kapos ang kagamitan – ay kawawang madadamay sa kagaguhan ng iilan, at patuloy na mamasamain at kukutyain ng taumbayan. Malinaw sa mga nakaraang linggo na alam pala ng mga awtoridad kung sino ang mga salarin. Hindi sila kapos sa sipag at kaalaman. Ang pinagkait sa kanila ay sistemang mapagkakatiwalaan, para maayos at mabilis, halimbawa, ang pagkuha ng arrest warrants. Dehado sila hindi sa mga criminal, kundi sa bulok-rasyang uugod-ugod at naburo sa katiwalian. Kaya naman gigil na gigil ang mga alagad ng batas nang magbitiw si Duterte ng salitang "kill". Pero naiintindihan man natin sila ay hindi natin dapat tanggapin ang kawalan ng disiplina, ang pagsasantabi ng tinatawag na "rule of law" – o pagpapairal sa kung anuman ang nakasaad sa batas. Ang hamon ay palakasin ang lahat nang mabuti at nararapat sa kapulisan, hindi na kunsintihin ang mga masamang nakagawian. Kailangan natin ng propesyonal na kapulisan sapagkat heto ang masaklap na katotohanan: Mahaba ang digmaan laban sa droga, at marahil pa nga, ay walang katapusan. Kung kaya sa lahat ng kanilang kailangan ay paligiran at pabaunan din sana sila ng mga mamamayan ng pagpapaalala at mapagpalayang katiyakan: "Malalim at komplikado ang problema. Hindi ninyo kakayanin, at hindi niyo dapat tangkain matapos ito na kayu-kayo lang. At lalong hindi ito matatapos sa anim na buwan. Hayaan ninyong tayong lahat ang magtulung-tulong, kung kahit gaano katagal pa ito abutin." Ang hamon ay palakasin ang lahat nang mabuti at nararapat sa kapulisan, hindi na kunsintihin ang mga masamang nakagawian. At iyan ang problem sa extrajudicial killing. Wari nito'y simple lang ang problema. Bala lang ang katapat. Ang mababaw na pagtatasa ay ang umaakit sa ating magpaligaw sa landas. Sa Estados Unidos, sa iba't ibang bansa ng Latin America, kahit sa Thailand, patuloy ang pananaliksik at pag-debate kung nakabubuti talaga o nakakasama ang marahas na pagtugis sa mga pusher, at pati na mga user, ng ilegal na droga. Subalit nagtatalo man ang mga dalubhasa, nagkakasundo sila sa puntong ito: Ang mga supplier at pusher ay mga kriminal, pero ang mga user ay dapat ituring na biktima. Masalimuot ang usaping narkotiko. Ang laban sa mga sindikato ay nangangailangan ng pagkakapit-bisig sa antas ng gobyerno kapwa gobyerno, bansa kapwa bansa. Ito ay digmaang pandaigdig. Subalit sa antas ng ating mga tahanan, pamilya, nayon ... ang usapin ng paghilom at muling pagdalisay ay talakayang pangkalusugan, edukasyon, pamilya, komunidad, at lahat nang ating pinahahalagahan bilang mga nakatatanda at mamayan. Di mabibilang ang dami ng mga Pilipinong handang tumulong sa digmaan sa droga kung ganito ang pag-unawa. Pero walang puwang, walang plataporma, walang programa para sa mga mamamayan – maging mga pangkaraniwang manggagawa, o doktor, nars, abogado, social workers, media, mga magulang, mga relihiyoso, guro o kahit pa nga kabataan – na makilahok sa kampanyang sana nga ang puno't dulo ay buhay, sapagkat nga walang ibang inihahaing solusyon ang pamahalaan kundi kamatayan. Ang pinakadelikadong panlilinlang tungkol sa "EJK" ay ang kaisipang wala itong pinsala sa ating mga walang bisyo, sa ating mga anak, at sa lahat ng ating ipinaglalaban bilang bayan. And pagtanggap sa extrajudicial killings – o kahit man lang ang pananahimik sa gitna nito – ay umaagnas sa mga prinsipyo at diwa na diba'y gusto natin ipamana sa mga susunod sa atin. Diba't turo natin sa ating mga anak: ... na mali ang pumatay. ... na hukuman ang dapat magpasya ng pagkakasala. ... na lahat ng tao ay pantay-pantay sa ating mga batas, at mapagbintangan ka man ay may karapatan kang malitis sa tuwid at maayos na pagtataguyod ng katarungan. Bukod riyan, itinuturo natin sa kabataan na maraming Pilipino ang nagbigay buhay upang paniguruhan na ang Pilipinas ay "nation of laws, not of men." Batas ang ating sandigan, hindi ang kanya-kanyang pasya ng tao. Dahil nga batid na ng kasaysayan ang karupukan ng tao. Dahil walang perpektong tao. Kung kaya – turo natin sa kabataan – sadyang magulo ang mundo, masalimuot ang mga suliranin, at walang simpleng solusyon sa malalaking problema. Hindi matatapos ang mga bagay na sadyang bumabagabag sa mundo, kung hindi ang lahat ay magsisikap at mag-aambag, araw-araw. Walang shortcut sa buhay, payo natin sa mga anak. At hindi natin puedeng dayain ang sarili nating mga patakaran. Dahil sarili lang natin ang lolokohin natin, at lalo lang tayong mapapahamak. Lalala ang sitwasyon, at alam natin ang panlololoko na tayo mismo ang may kagagawan, hanggang sa hindi na natin kayang magpakatotoo sa ating sarili. Ni hindi natin matatanggap ang aninag ng kaharap natin sa salamin. May mga suspek – sabihin na nating mga salarin – na pinaslang na walang paglilitis. May mga inosenteng napatay, at tayu-tayo ang pilit at pabulong na nagsasakatuwiran na hindi ito maiiwasan? Kung hahayaan nating magpatuloy ang mga kalungkutang ganito, tayo ay magmamanhid sa pag-aagnas ng ating Saligang Batas at sa paglabnaw ng ating pagiging magulang, mamamayan, at bayan.
by: InterAksyon
1 note · View note
unabalita · 8 years
Photo
Tumblr media
Magandang Araw sa inyong lahat.
Itong blog na ito ay ipapakita ang talento ng ikaapat na grupo sa pagbubuo ng isang news blog.
0 notes