unfilteringthefiltered
unfilteringthefiltered
Unfiltered
11 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
unfilteringthefiltered · 4 years ago
Text
Mawala na lang muna ako. Tutal lagi naman ako ang naghahanap. :)))
0 notes
unfilteringthefiltered · 4 years ago
Text
Iipunin ko lang lahat. Para sa tamang panahon, magagamit ko. Hindi ako magsasalita. Titiisin ko. Sana wag mong maranasanan at maramdaman ang mga ganitong bagay. ((:
0 notes
unfilteringthefiltered · 4 years ago
Text
Gusto ko talaga ma-push na marenew ang phone plan ng company kasi gusto ko magamit yon. Sa kadahilanan na gusto ko ibenta yung phone ko ngayon dahil mabigat na sa bulsa huhuhu. Kaya inemail ko na ang globe to inquire Kasi kung hindi pa ko kikilos, baka walang mangyari dahil si Ma’am Raqs parang di naman interested. Hay, sana lang may patunguhang maganda tong pag-inquire ko. Sana ma-avail namin yung iPhone 12 Pro Max 256/512GB na 3799 pa rin per month. Praying!!!
0 notes
unfilteringthefiltered · 4 years ago
Text
Anim na taon. Anim na taon na simula nang mag-umpisa ang lahat. Anim na taon na rin simula nang magtapos. Anim na taon na, pero bakit naghihintay pa rin ako? Bakit parang hinihintay pa rin kita?
0 notes
unfilteringthefiltered · 4 years ago
Text
Hay, ang dami kong gustong gawin sa buhay ko ngayon. Pero bakit ba pakiramdam ko, nauubusan ako ng oras? Bakit pakiramdam ko, huli na ako para gawin ang mga bagay na gusto ko? Haaay...
0 notes
unfilteringthefiltered · 4 years ago
Text
Tumblr media
Posting this here. No explanation.
0 notes
unfilteringthefiltered · 4 years ago
Text
02/11/2021
Pakiramdam ko sasabog ako. Sobra kong kinikimkim 'tong nararamdaman ko. Alam mo yung gusto ko nang sabihin yung nararamdaman at naiisip ko, pero natatakot akong maging magulo na naman ang lahat. Natatakot akong bumalik sa dati na kinakatakutan ko yung meron ako ngayon. Maayos ang lahat dahil hindi ako umiimik, dahil hindi ako kumikibo. Pero natatakot ako, na kapag binuksan ko na naman ang bibig ko, magiging magulo na naman ang lahat...Kaya siguro para sa akin, ayos lang na mahirapan ako kesa gumulo na naman ang lahat...
0 notes
unfilteringthefiltered · 4 years ago
Text
01/21/2021
A thought.
Ano kayang pakiramdam nang matignan? Ano kayang pakiramdam ng maging espesyal? Ano kayang pakiramdam ng kinakailangan ka?
Minsan naiisip ko, sana kung paano ko tignan yung taong espesyal sa akin, sana ganon din ako matignan balang araw. O higit pa. Sana kung paano ko iparamdam na espesyal sa akin ang isang tao, sana maramdaman at maranasan ko rin yun balang araw. Balang-araw...
Ang saya sigurong matignan, ano? Yung tingin na makakaramdam ka ng paru-paru sa loob ng tiyan. Yung tingin na parang ikaw yung pinakamaganda, pinakamahalaga, at pinaka-espesyal...
Masaya sigurong maranasan yung mga ganong bagay. Yung mga ganong pakiramdam. Hindi pa siguro ngayon, pero baka balang-araw...
0 notes
unfilteringthefiltered · 4 years ago
Text
i lost it last night. i let my mind take over me. i wasn't able to keep my calm. i wasn't able to think straight. but that's the last time i'll be like that. mark this. that's the last time.
0 notes
unfilteringthefiltered · 4 years ago
Text
12/22/2020
Hindi naman dapat ako nakikipaglabanan eh. Wala naman akong dapat ipaglaban at patunayan. Hindi ko na dapat inuubos pa ang lakas ko sa mga ganoong bagay. Hindi ko na dapat isinasangkalan ang kapayapaan ng isip at puso ko. Kaya nagpagdesisyunan kong tumigil na. Ayoko nang lumaban. Tapos na ko. Dapat na akong mapanatag at makuntento sa kung anong meron. Tigil na sa pagpipilit. Tigil na sa pakikiusap. Tigil na sa pangingialam. Magsimulang mabuhay ng may kapayapaan dahil nararapat kong maranasan 'yon.
0 notes
unfilteringthefiltered · 4 years ago
Text
12/15/2020
Hi!
So I made a new tumblr account. With the username 'unfilteringthefiltered'. This would be my outlet for everything. I won't follow anyone, and i think wala naman ding makakakita ng account ko na 'to. I will be transparent and true here. I will write everything I feel, my thoughts and ideas and other stuffs that I can't say out loud. I will unfliter here everything that's filtered. :)))
It's a nice feeling to write something without worrying that someone's gonna judge you. I will write for myself. I will write to be free. I will write whatever I want!!! Yes, that's the goal.
So hello, tumblr! I am back again. This time, I am unfiltered.
1 note · View note