Tumgik
Text
“Kukulitin mo lang ako eh.”
Feb 18, 2018
Me: Dala ka cp para matext kita pag nasa bilyaran ka na
Jerome: Kukulitin mo na naman ako eh.
Hayyy, Nakakapagod na. Nakakapagod ka nang asikasuhin at intindihin. Tama ka nga, kukulitin na naman kita.
Kukulitin na naman kita sa text para sabihin na “kumain ka muna.”
Kukulitin na naman kita na umuwi nang maaga.
Kukulitin na naman kita na wag magpatuyo ng pawis
Kukulitin na naman kita na ayusin mo mga gamit mo
Kukulitin na naman kita na wag masyado magpapawis
Kukulitin na naman kita na wag magsinungaling
Kukulitin na naman kita na wag gumawa ng mali na dapat di ko naman sinasabi kasi alam mo naman na.
At, higit sa lahat. Kukulitin na naman kita bigyan ako ng atensyon...
Nakakapagod din. Nakakapagod din pala na kulitin ka. Nakakapagod din pala suyuin ka.
1 note · View note
Text
Nalulungkot ako. Feeling ko nagkukulang na ako sa’yo bilang girlfriend mo. Baka hindi ko lang “feeling” yon, baka totoo talaga g nagkukulang na ako sayo. Pasensya ka na mahal ko sa mga pagkukulang ko. Nalulungkot ako ngayong oras kasi naisip ko mga bagay na di ko nagagawa para sa iyo. Mahal ko, sana sabihin mo sakin kung nagkukulang ako o hindi, kung napupunannko ba yung obligasyon ko sa’yo bilang girlfriend mo o hindi. Kasi, Napapaisip ako kung napupunan ko ba o hindi. Ayoko kasi na maramdaman mo yun eh kasi mahal na mahal kita sobra. Walang pagdadalawang isip...
:(
0 notes
Text
122617
Hindi ko alam paano mo kinakaya yung araw araw na naiinis ako, nagagalit ako, o tinotoyo ako pero sobrang thankful ako kasi (di sa pag compare ah) IKAW lang bukod tanging nakakatiis ng ugali ko ng di nagagalit ng as in sobra. Nagagalit ka sakin, Oo. Pero sa huli, lalambingin mo rin ako. 
Hindi ko alam paano mo kinakaya kapag minsan naririnig mo name ng ex ko kapag nagcchat minsan tita niya sakin. Hindi ko alam paano mo kinakaya na di magalit sakin, napaka haba ng pasensya mo at pag intindi mo sa akin at sa mga tao na nakapaligid sakin.
Hindi ko alam paano mo kinakaya na maging mabait sa akin kahit na sobrang salbahe ko sayo. Hindi ko alam saan mo hinuhugot yung kabaitan mo. Satin dalawa, Mas mabait ka. Ako mas walang masasabi sa kabaitan mo. pero di ko magawa sabihin kasi ayoko ma-overwhelmed ka tapos bigla kang magbabago....
Hindi ko alam kung paano mo ginagawa yung maparamdam mo sa pamilya ko na mahal mo din sila. Sobrang bait mo sa kanila ni hindi kita nakaitaan ng kahit anong singhal pag may pakiusap sila na iakyat yung ganito ganyan e alam mo naman ikaw lang pinaka malaki maskels dito eh. Tska, Kusa mo gonagawa lahat at kusa ka nagpepresinta which is sobrang proud ako.
At higit sa lahat, Hindi ko alam paano mo nagagawa na patuloy ako mahalin ng sobra sa kabila ng mga kasalanan ko sayo, sa kabila ng mga pananakit ko sayo physically and emotionally. Paano mo kinakaya lahat? Palaisipan kasi sakin paano mo kinakaya lahat eh, kasi kung ako sa lugar mo sumuko na ako kahit mahal ko. pero ikaw sobrang down to earth mo. sobrang bait mo. Hindi ko alam kung ano ginawa kong sobrang maganda sa universe at ikaw ang ibinigay na kapalit noon. Kung ano man yun, Uulit ulitin ko gawin basta ikaw at ikaw pa din ang kapalit na ibibigay sa akin.
Mahala na mahal kita.
0 notes
Text
You made my 21st birthday a memorable one.
Uumpisahan ko sa maraming salamat.
Maraming salamat kasi isa ka sa mga dahilan bakit masaya akong cinelebrate birthday ko. Maraming salamat kasi pinasaya mo ako sa birthday ko. Maraming salamat kasi ikaw ay ikaw.
Birthday ko pero ako magpapasalamat kasi sa araw na ito kasama kitang magdiwang ng araw na sinilang ako dito. Salamat kasi sa piling mo parang araw araw birthday ko. Spoiled ako sayo at lagi mo ko binubusog (kita naman diba? 😂)
Alam mo gusto kong nangyari ngayong araw na ‘to? Yun ay yung binati mo ako ng happy birthday with yakap pa ng mahigpit. Di ko nga namalayan na birthday ko na eh. Sobrang saya ko kasi nakahanap ako ng tao na mas excited pa birthday ko kesa sakin. 😅
Pero ang pinaka gusto kong nangyari ngayong araw eh yung habang yakap mo ko sinasabi mo na mahal na mahal mo ko at di mo ko iiwan kahit ano mangyari habang umiiyak ka. Sobrang touched ako mahal dun sa part na yun, alam mo ba yun? Kasi shet sobrang genuine ng iyak mo mahal habang sinasabi mo yun. Sobrang thankful ako kasi nabuhay ako kasi kung hindi di kita makikilala eh. Sobrang sarap mo magmahal, mahal ko! Sobrang mahal kita. Sobra sobra.
Sa likod ng mga sampal, kurot, batok, kagat, o pangaasar. Sa lahat na yun, MAHAL NA MAHAL KITA SOBRA. Sorry doon sa mga yun ha? Mahal na mahal kita.
On the other hand, Natatakot ako. Natatakot ako baka one day magsawa ka na sa mga good morning at good night msg ko sayo. Natatakot ako baka one day napapagod ka na katext ako maya’t maya just to update. Natatakot ako baka one day mapagod ka na sa kakaintindi sa pagiging maldita ko at suplada. Natatakot ako baka one day mapagod at magsawa ka na sa akin. Natatakot ako one day baka iwan mo na ako ng tuluyan. At, higit sa lahat natatakot ako baka one day magising ka na lang di mo na pala ako mahal... Mahal, Natatakot ako. 😞
Pero think positive. Sabi mo nga “Trust me, Mamahalin kita habangbuhay”
I will baby, I will.
Happy 21st birthday to me! 🎈
0 notes
Text
Memories
Naaalala mo pa ba lahat ng masasayang alaala na mayroon tayo mahal?Naaalala mo pa ba yun lahat mahal ko?
Kasi ako naalala ko lahat yun mahal ko. Simula sa una noong una tayong nagtext at noong una tayong nag date sa QC park. Naalala mo yun?
Naalala ko yung mga araw na genuine pa yung happiness na nararamdaman natin. Yung tipong hindi natin kailangan mag effort pangitiin ang isa’t isa. Yung mga araw na wala tayong nararamdaman kung hindi genuine love and happiness. Sabi ko pa sa sarili ko noon “Ngayon ko lang naramdaman yung ganitong feeling” Yung kahit sandali pa lang tayo magkakilala noon pero parang ang tagal na kitang kakilala, parang kilala na kita noon pa. Even before I met you or siguro kaya ganun yung naramdaman ko noon kasi sobrang masaya tyo at click na click ika nga,
Naalala ko pa noon yung mga long messages natin na napaka sarap basahin sa gabi bago matulog at sa umaga bago gumising. Ang sarap kasi makabasa ng mga message na tapos sa puso eh yung tipong damang dama mo yung pagmamahal sa texts pa lang eh. Na yung tipong kahit busy ako at di ako nkakapagtxt naglolong msg ka sakin. random long message ika nga.
Naaalala ko pa din yung mga araw na lagi tayong magkasama, lagi mo kong inaalala kaht nasa work ka, lagi mo kong pinag eeffortan na kapag nagtatampo ako issurprise mo ko na nasa kanto ka na namin or minsan andon ka sa labas namin.Naalala ko pa yung mga araw na masaya lang tayo. Yung kaya natin lahat ng problema.
Naalala ko pa yung mga gabi na nakasakay tayo sa motor mo magda drive ka ng walang destinasyon na walang alam saan pupunta pero kahit paikot ikot masaya pa din kasi magkasama tayo. Sobrang masaya pa din.
Tanong ko lang, mahal...
Ano nangyari sa atin?
Ano nangyari mahal ko sa mga araw na dapat masaya tayo? Bakit yung dating masayang araw nagiging araw na lagi na lang tayo nagaaway at nag gagalit? Bakit yung mga gabi at araw na inaantay natin yung mga long message napunta na sa mga gabi at araw na nakakalimutan na natin ni mag goodnight? Bakit? Bakit parang hindi ko na makita effort mo sakin? Bakit parang hindi ko na makita yung dating ikaw na sinusurprise ako na andyan ka sa kanto namin.Sinursurprise ako ng effort ng long message ng effort na ikaw nagpplano kung ano gagawin natin sa gabi pag nagkita tayo. kasi ngayon lagi na lang ako nagpplano na parang wala kang pakiealam. isa pang Effort ba na tulad ng dati. Ngayon pag wala ka ng load wala di ka lang magtetext bigla. E dati pag wala kang load o data nakikitext ka para lang sabihin sakin at wag ako magalala. Bakit ganun? Bakit ang daming nagbago? Bakit kahit na lagi tayo magkasama sa gabi parang may kulang pa rin? Parang hindi pa rin yun yung tayo dati.. Hindi na natin kaya mag ikot ikot tulad dati kahit walang pupuntahan masaya lang... Bakit?
Bakit ganito? Bakit tayo napunta sa ganito? Masaya, Oo. Pero hindi na tulad ng dati.
Hindi na tulad ng dati...
0 notes
Text
12/02/17
Hay... I don’t know where to start pero shet. Sobrang naiiyak ako sa effort mo para sakin baby. Sa effort mo para sakin araw araw. Sa effort mo pasiyahin ako. Naiiyak ako!!!!!!!! Sobra!!!! Grabe. Sobrang mahal na mahal na mahal kita baby lahat din gagawin ko para magng masaha ka sa pang habang buhay. Mahal na mahal kita. Lahat ggwin ko pra sayo. Hnding hndi kita Iiwan. Ikaw at ikaw lang!!!! Sobrang salamat baby sa lahat! Pagsisilbihan kita sa paraan ng pagaayos ng gamit mo pag gasing ng mas maaga pra maiayos mga isusuot mo pra punasan ung pawis mo para mahalin ka habang buhay asawa ko!!! Sobrang mahal kita. Ikaw yung buhay ko. Ikaw yung pang habang buhay ko. Ikaw lang. i love you sobra asawa ko 😭😭😭😭😭😭😭😭😭
0 notes
Text
Malungkot ako. Hinahanap ka ng sistema ko kasi di ako sanay eh. Hindi ako sanay na wala ka. Kaso ayoko na mas mahirapan ka. Siguro nga this time, Let's make it happen.....
0 notes
Text
Siguro kahit gaano natin ka-perfect tignan ang isa't isa, Hindi talaga pwede eh. Hindi talaga pwedeng maging maganda kalabasan ng pinagsamang toxic na tao at mabait na tao. Kahit anong gawin nating way, Wala eh.
Kumbaga sa Pusoy. May Isang way yung baraha mo pero ang pangit. Kaya, Maghahanap ka ng way na mas maayos, way na hindi ka madodoble ng bayad sa huli, kumabaga yung way na hindi ka mapupusoy ika nga. Kaso kakahanap mo ng way, Maiisip mo na wala talaga eh. Wala talagang ibang way, Ayun lang talaga yon. Doon lang talaga papunta ang baraha mo eh. Ayon lang kay ng baraha mo eh.
Kasi pinagsamang maganda at pangit yung laman ng mga baraha mo. Kumbaga, Ang daming kulang. Pwede kang ma- royal flush kaso nagkulang ng isa. Pwede ka maflush pero iba yung kulay ng isa. Pwede kang mastraight pero may kulang. Alam mo yun? Laging hindi pwede, Laging may kulang... Laging hindi okay.
Napaka toxic kong tao. Alam ko. Damang dama ko naman yon eh. Dama ko na toxic akong tao para sa'yo. Kaya siguro kapag nagaaway tayo gusto ko hiwalay agad kasi para di ka na mahirapan at magalit ka na sakin at tuluyan tayo mag drift apart kasi toxic ako eh.
May mali sakin eh. Oo, Alam ko. Kaso di ko alam paano ko mababago yun. I tried. Many many times..... pero here I am, Ganon pa din. Siguro mas better nga na lumayo ka na sakin para hindi ka na mas mahirapan at mas masaktan... tama nga.
Siguro nga.....
0 notes
Text
Sorry love....
Sorry love sa lahat ng ginagawa kong pananakit sa'yo... both physically & mentally.
Sorry love sa lahat ng mga pag iinarte ko.
Sorry love for hurting you the way you don't deserve. You deserve anything the world can give.
Sobrang swerte ko kasi nasakin ka. Mabait, Mapagmahal, Sobrang magalaga, at Sobra ako itrato na parang prinsesa. Yet, Lagi kota sinasaktan noh? Hayyyy... Alam ko ako ang mali. Nasa akin ang mali. Pero siguro after a year or more I couldn't let my guards down. I do, I do trust you pero not in a way na sobra. Kasi I came from a toxic— very toxic relationship. Hindi ko alam paano ko aayusin sarili ko but I guess kailangan ko na lang siguro dumistansya sa'yo. Kasi nasasaktan lang kita sa mga ginagawa ko. Hmmmm.... Ewan ko ba. Di ko alam gagawin ko. Nababaliw na ko noh? Hahahahhahahah! Di ko alam. Hindi ko na alam. I'm sorry, love!
;
0 notes
Quote
I started to love you so much, that I lost myself in the process.
impossiblycj  (via wordsnquotes)
2K notes · View notes
Quote
No relationship is perfect, ever. There are always some ways you have to bend, to compromise, to give something up in order to gain something greater…The love we have for each other is bigger than these small differences. And that’s the key. It’s like a big pie chart, and the love in a relationship has to be the biggest piece. Love can make up for a lot.
Sarah Dessen, This Lullaby (via wordsnquotes)
2K notes · View notes
Photo
That "someone" is you... so thank you, Thank you for saving me, my love. Thank you for loving me way toooo much. 💖
Tumblr media
please follow
916 notes · View notes
Text
Lagi mo kong inaasar, Iniinis, Laging mo pinapainit ulo ko, Lagi na lang matigas ulo mo, Lagi na lang tayo nag-aaway, Lagi ka na lang pasaway, Pero... Kahit ganyan ka, Ayoko mawala ka. Ayoko. Gusto ko dito ka lang sa tabi ko palagi hanggang tumanda ako. Gusto ko andito ka lang, Malapit sakin... Ayoko mahiwalay ka sakin, Ayoko maghiwalay tayo. Mahal na mahal kita. Ayoko. Dito ka lang sakin. Di bale ng lagi masakit ulo ko, Lagi tayo magaway, lagi akong maasar at mainis, Kahit lagi kita sawayin... Okay lang. basta andito ka lang sakin sa tabi ko. I don't mind. Ang mahalaga dito, Ikaw. Ikaw lang.
0 notes
Photo
Finally found you, love!
Tumblr media
follow for more :)
269 notes · View notes
Photo
Tumblr media
Get u man that spoils you.. not just with food, but with everthing.. 😀 Napaka spoiled kong girlfriend 'noh? Lagi na lang meron sa text mo na "Your wish is my command." that means, I won the arguement! 😀 Kainis ka eno? Lagi mo ko iniispoil sa lahat. Sa pagkain, Isang sabi ko lang na "baby nagugutom ako." Ikaw naman sasabihin mo "Ano gusto mo?" OR "Kain tayo?" Sa gusto kong puntahan or gawin, Sabihin ko na "baby punta tayo sa ganito" If walang school at work that day, Oo agad sagot mo walang pakundangan. Or if sabihin ko na "baby gawin natin to etc etc.." Hayyyy. Napaka swerte ko noh? Sa pagmamahal, Sobrang spoiled ko sayo dahil sobrang mahal mo ako at ayaw mo ko nagtatampo. Sobrang mahal mo ko kaya gusto mo ako nasusunod at ako inuuna mo. Hayyyy, What did I do to deserve you? Sobrang iba ka eh. Napaka iba mo sa lahat. Di ko sinasabi sa'yo to sa text or sa chat because I don't want you to feel na sobrang iba ka sa lahat so you started to do as what same boys always do. Dun ako natatakot, Dun ako natatakot dumating... dumating sa point na you became the man you promise you will never be.. I want you to stay like that. Gusto ko ganyan ka lang kalambing at kasweet sakin. Sobra. Iba ka eh! Mahal na mahal na mahal kita. Ikaw lang. Pang habang panahon. :)
#j
0 notes
Text
Mahal ko...
Hi mahal ko. Ang tagal na nung huli kong nag post dito. Siguro nakalimutan ko na sa sobrang dami nating happenings netong summer plus maraming nangyari. Una na yung swimmings kasama mga friends natin tapos nag masasa beach tayo tapos na confine ako for 7 fucking days. Pinaka matagal na pitong araw na nangyari sakin. Hehe. Pero andyan ka naman para samahan ako since day 1. Kaya sobrang thankful ako sa'yo. Anyway, After our 1st Anniversary dumadalas na yung away natin, ano? :( Pero naayos din naman. Tangina ko rin kasi minsan pinapalaki ko yung problema eh. Hayy.. pasensya ka na baby ha? Sa mga araw na sobrang mapapatangina ka na lang talaga sa attitude ko. Pero, 100000000% sure ako na mahal na mahal kita. Sobra pa sa sobra. Mahal na mahal kita. Walang katapusang mahal kita. I just can't contain my happiness & love for you kaya napa post ako dito. I need to expess it eh. May days na sobrang gigil ako sa sobrang mahal kita alam mo yun? I just wanna be clingy and be with you all day. Hahahahha. There are times talaga. But, May times din na gigil naman ako sa inis sayo pero... pero mahal na mahal pa din kita. Sobrang mahal po. Hindi ko akalain na kaya pala kong mahalin ng isang tao ng ganito kamahal. Even after a year di pa din nagbabago ng pag express ng feelings. Di ko lubos maisip na nakakaya mo kong pagpasensyahan ALL THE TIME ng di nagagalit... ng di nagagalit sa alahat ng sinasabi at pananakit ko sayo physically. Alam mo deep inside me? Putangina #HusbandGoalz ka na eh. Ganyang ganyan yung lalaking pang asawa na eh. Ang sarap mo... Ang sarap mong mahalin. Pero, Napaka sarap mo magmahal. Napaka swerte ko kasi ako yung minahal mo. Out of all the ~bAbY gUrLz~ dito sa mundo, Out of all the BILLION people, Sakin ka na-inlove. And, I am beyond thankful and grateful to Him for giving me you sa panahong wasak na wasak ako at tingim ko walang ng magmamahal sakin. You gave me hope, love. Walang katapusang pasasalamat sa Tao sa taas 🙏☝️ Grabe akala ko hindi na ko makakahanap ng taong mamahalin ako ng buo at ng walang pagaalinlangan.. Wala ako masabi. Ang dami kong gustong sabihin, pero di ko masabi.... Alam ko lately sobrang brat ko at napaka taas ng pride.. alam ko. Pero from now on baby, Aayusin ko na sarili ko. Magiging mabait na ako at papatunayan ko sayo na ikaw din sobrang mahal ko. Ipaparamdam ko sayo pagmamanal ko baby. Iintindihin kita hangga't maari. Hangga't kaya ko baby. Ayoko dumating yung araw na mawala ka sakin dahil sa mga kagaguhan ko. Ayoko dumating yung araw na magsasawa ka sakin at tuluyan mo na ko Iiwan. Ayokong iwan mo ko. Ayoko mawala ka. Natatakot ako mawala ka. Natatakot ako gumising isang araw na wala ka, na di na kita boyfriend. Ayoko... ayoko gumising sa araw na ganun. Ayoko. Sayo lang ako, Akin ka lang... Habang buhay. Habang buhay. Ikaw at ako lang. Mahal na mahal kita. Ikaw lang at Ikaw na pang habang panahon.
#j
0 notes
Quote
I’m tired, I’m so tired and feel like the whole world is crushing me down. I’m tired, but still not tired enough to sleep.
meghanabhange  (via wnq-writers)
:(
3K notes · View notes