Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Simmel: Rasyonal o Hindi?
Sa kultura ng ating bansa, unti unti nang nagbabago ang ating mga pagtingin sa mga bagay na iba naman ang kahulugan noon at halaga noon ngunit ngayon, iba na ang tingin natin sa mga bagay na ito. Sa modernong panahon, talagang makikita na ang Trahedya ng Kultura.
Si Georg Simmel ay isa ring German social theorist na gumawa at nag lagay ng pakahulugan sa salitang Tragedy of Culture.
Maraming naimbag si Georg Simmel sa sosyolohiya, tulad na lamang nga mga Social Forms, kung saan kahit saan mang institusyon o relasyon, mayroong dalawang klase ng social form, ito ang Dominant at ang Subordinate. Ang Dominant ay ang tao na kung saan siya ang mas nasusunod sa dalawang tao na ito. Siya ang taga utos, ang tama, masusunod at siya ang mas makapangyarihan sa relasyon ng dalawang taong ito. Ang Subordinate naman ay ang taga sunod. Siya ang lagi lamang sumusunod sa Dominant, kung ano man ang sabihin nito, iyon na ang dapat niyang gawin. Kung anong sabihin ng Dominant, iyon ang tama, iyon ang papakinggan ng subordinate. Siya ang may kaunting kapangyarihan sa kanilang dalawa.
Isa pang teoryang kanyang naiambag ay ang “The Stranger”, kung saan lahat daw ng mga taong hindi natin kilala ay may nearness at remoteness satin. May nearness ito dahil mayroon pa rin kayong koneksyong dalawa kahit hindi kayo magkakilala. Halimbawa, iyong katabi mo sa jeep kanina, maaaring hindi mo siya kilala pero may koneksyon kayo, dahil kayo ang naging magkatabi at iyon ang nearness ninyo sa isa’t isa. Meron ring remoteness sa isang taong hindi natin kilala, dahil nga hindi natin sila kilala, mayroong remoteness o pagkawala sa pagkatao noong taong iyon. Halimbawa, katabi mo nga yung tao kanina sa jeep pero hindi ibig sabihin nito na may halaga na siya sayo ngayon. Iyon ang remoteness, mayroong parte na hindi kayo konektado sapagkat hindi kayo magkakilala.
Ang pinaka kilalang nagawa naman ni Georg Simmel ay ang ‘Tragedy of Culture’, kun saan mayroong Subjective at Objective Culture. Ang Subjective culture ay maihahalintulad natin sa indibidwalismo. Sa kulturang ito, niyayakap nito ang pagiging malikhain at matalino ng isang tao. Kung ano man ang ginagawa ng tao, ito ay ginagawa niya dahil gusto niya ito at ito ang isinisigaw ng kanyang puso at isipan na dapat niyang gawin. Ang Objective culture naman ay ang kultura kung saan ang mga bagay na gawa ng mga tao lang din ay nagiging parte na ng kultura ng tao. Halimbawa, ang mga damit, kung dati rati, ang gamit lamang ng mga damit ay upang matakpan o maproteksyonan an gating mga katawan laban sa mga bagay na makakapanakit sa atin, subalit ngayon, ang gamit na ng damit o ang pagtingin rito ay isang porma ng pagpapakita o pagpapahayag ng kung ano ang iyong social class sa lipunan, kung saan ka kabilang na klase sa inyong lipunan. Kung maganda, uso at mamahalin ang iyong mga kasuotan, ang pagtingin sayo ay mayaman, may kaya, elitista. Subalit kung ang damit na iyong sinusuot ay makaluma, marumi, at mumurahin, ganun rin ang pagtingin sayo ng mga tao sa inyong lipunan.
Sa obhektibong kultura, pinapatay nito ang pagiging malikhain at matalino ng tao dahil napupuno ng mga ideolohiya ang mga tao na ang mga bagay na gawa ng tao ay dapat na may halaga o may sabi sa kung ano ang isang tao sa lipunang kanilang ginagalawan. Dito rin pumapasok ang mga maka-kapitalismong pagcontrol ng mga taong makapangyarihan sa ating lipunan o Cultural Capitalism kung saan pinagaaralan ng mga kapitalismo ang paguugali ng mga mamimili upang macontrol ito at makondisyon sa kung paano nila gustong umakto ang mga tao. Halimbawa na lamang ang mga cellphone, kung ikaw ay naka Iphone, ito ay simbolo ng estado mo sa buhay, na ikaw ay mayaman, ikaw ay makapangyarihan sa lipunan dahil ikaw ang mayaman, ito na lamang ay nagiging “statement”. Hindi na natin pinahahalagahan ang mga bagay dahil sa mga pakinabang nito ngunit sa kung ano ang ibig nitong sabihin sa lipunang iyong ginagalawan na hinubog rin ng mga kapitalista upang kumita sila ng tuloy tuloy. Dahil dito, pinapatay nito ang indibidwalismo ng isang tao. Kung noon, ang form of expression ng tao ay ang paglikha ng art, ngayon ang form of expression ng tao ay ang consumption. Bili na lamang tao ng bili dahil uso, dahil sabi sa patalastas na maganda ito, sabi ng artistang iyong iniidolo na bilhin ito.
Wag nating antayin na mabago ang ating buong kultura dahil lamang sa mga bagay na gawa ng tao o paniniwala sa mga bagay na ito na hindi rasyonal o walang solid na rason upang ito ay maging tama. Ang teknolohiya ay hindi natin mapipigilan sa pagusbong at pagsulong, ngunit ang ating mga paniniwala, kaugalian at pinahahalagahan ay ating macocontrol.
Maging responsableng mamayan,
mahalin ang sariling atin,
magisip muna bago bilhin,
kailangan ba ito or kagustuhin lamang?
Magisip mabuti,
Sapagkat ang mga tao sa mga susunod na henerasyon ang maaapektuhan nito.
0 notes
Text
Pagtingin sa mga opinyon ni: Max Weber
Bukod kay Karl Marx ay mayroon pang isang importanteng tao sa Sosyolohiya, siya ay si Max Weber. Isa siyang German theorist at kilala siya sa paggawa ng apat na pagiisip o kung ano ang rasyonal. Ayon kay Weber, mayroong apat na rationalidad, ito ang Practical Rationality kung saan ito ang ating mga ginagawa araw-araw upang masagot o malampasan ang mga sitwasyon sa ating buhay kung saan mahirap ang makalampas. Tulad na lamang ng sitwasyon sa ating buhay na kapag isinarado o may harang sa daanan ng ating dapat daanan papasok sa eskwelahan, tayo ay iisip ng iba pang alternatibong daan upang makarating sa ating pupuntahan. Ang pangalawa naman ay ang Theoretical Rationality, ito ang pagbuo ng iba’t ibang teorya upang masolve rin ang mga problema na kinakaharap natin araw araw. Ito ang pagiintindi sa mundo na ating ginagalawan. Ang pangatlo ay ang Substantive Rationality, katulad ito ng Practical Rationality na dapat ay may ginagawang aksyon upang ito ay maging rasyonal. Sa rasyonalidad na ito ay kinapapalooban nito kung ano ang kultura ng isang sibilisasyon at kung anong panahon isinagawa ang pagkilos. Ang mga pagkilos ay nagiging rasyonal depende sa kung anong pinaniniwalaan sa inyong lugar o kung ano ang “acceptable” sa inyong lipunan. Ang isang pagkilos ay maaaring hindi rasyonal sa isang lipunan ngunit rasyonal sa isa pa dahil ito nga ay naka depende sa kung ano ang mga paniniwala at kultura ng iyong lipunan. Kung ano ang katanggap tanggap noong panahon ng 80’s at nasa kanlurang bahagi ng mundo ay maaaring hindi katanggap tanggap ngayon dito naman sa ating bansa. Ang pinaka pinahahalagahan ni Weber ay ang Formal Rationality, ito ang mga aksyon kung saan nakabase ang mga ito sa mga patakaran, batas at mga regulasyon sa inyong lipunan. Kung ano ang isinasaad ng mga batas at mga regulasyon sa inyong lipunan, ito ang dapat na masunod at ito ang dapat gawin ng mamamayang sakop ng lipunan na ito. Ngunit, nauna itong umusbong at umunlad sa Kanlurang bahagi ng mundo noong pausbong pa lamang ang industriyalisasyon. Dahil dito, mas naging interisado si Weber na hanapin kung ano ang puno’t dulo kung bakit sa ganoong panahon at doong lugar lamang nagging matagumpay ang Formal Rationality.
Noong siya ay nagimbestiga ay nalaman niya na ang mga businessmen pala ay mayroong common denominator noong mga panahon ng pagunlad ng industriyalisasyon; at iyon ay ang pare-parehas sila ng relihiyon. Ang relihiyon na aking tinutukoy ay ang Protestantism. Sa paniniwala ng mga protestante lalo na ang sekto ng Calvinism, ang kanilang mga katapusan o kalalagyan pagkatapos ng kanilang mga buhay ay nakatakda na simula pa lamang ng sila ay isinilang. Wala silang magagawa para mabago ang kanilang mga mapupuntahan, kung ito ay langit man o sa impyerno. Ang tanging tanda lamang upang iyong malaman kung ikaw ba ay aakyat sa langit o sa mainit at hindi nakakatuwang impyerno ay kung ikaw ay matagumpay sa buhay. Matagumpay sa mundo ng pagnenegosyo. Kung ikaw ay maraming kita, ikaw ay masasalba dahil ito ang tanda na pupunta ka sa langit. Kung kaya’t ang mga tao ay nahihila sa paniniwala na ito at ang kanilang paniniwala o kung ano ang rasyonal sa kanila ay nakapaloob rito. Ang mga tao ay nagiisip na imbes na gastusin ang kanilang mga pera ay nagiipon sila upang maging capital ito at bumuo ng negosyo upang sila ay kumita at lalong lumago ang kanilang mga negosyo at malaman nila na sila ay masasalba. Ang mga manggagawa rin noong mga panahon na ito ay nagiisip na dahil lumalago ang may-ari ng kanilang pinagtatrabahuhan, sila ay nakikiambag doon sa pagunlad ng negosyo kung kaya’t sila rin ay maililigtas na. Ang mga kapitalista naman ay walang pakielam kung may mga taong hindi gaanong maunlad ang buhay dahil nga nakatakda na ang kanilang mga kapalaran sa bandang huli. Dahil sa gantong paniniwala ay nagbukas ang pinto patungo sa pagunlad at pagbago sa mundo ng tinatawag na Spirito ng Kapitalismo na nagtungo sa kapitalismong sistema ng ekonomiya. Ang kanlurang parte ng mundo ay hindi pa napapangunahan ng kasakiman ngunit sa tagumpay sa buhay at ang etikal na sistema noong panahon na ito na nagtungo sa pagunlad ng ekonomiya. Nang dahil sa Calvinism ay naging etikal ang kapitalismo sa mata ng mga tao dahil ang gusto lamang nila ay ang malaman na sila ay masasalba sa bandang huli. Kung sa kanluran, ang nagpausbong at nagpa ”tama” sa kapitalismo ay Calvinism, ang sa silangan naman ay ang Confucianism at Buddhism ngunit iba ang rasyonal sa mga nasyon na mayroong gantong mga paniniwala.
Ang mga Chinese ay kilala bilang mga businessmen noon pa man. Sa kalakalan, sila na ang naghahari dahil sa kanila lamang naman nanggagaling ang halos lahat ng produkto na ginagamitan ng makinarya sa panahon natin ngayon. Ngunit, sa kabila ng ito, bakit hindi umusbong ang kapitalismo sa lugar na ito?
Dahil ang kanilang relihiyon ay Confucianism. Sa relihiyong ito, ang paniniwala ay dapat mayroong kang maayos na edukasyon lalo na pagdating panitikan. Ang isang taong magaling sa larangan ng edukasyon lalo na sa panitikan, at kung ikaw ay matalino at wais sa iyong mga desisyon, ikaw ay pinahahalagahan ng lipunan. Sa kanila, hindi ganon kaimportante ang tagumpay sa negosyo o ang kumita ng malaking malaking pera dahil hindi naman ito nakaungkat sa kanilang paniniwala sa Confucianism. Iba ang pinahahalagahan nilang katangian, hindi tagumpay o kung ano man kundi ang katalinuhan ang importante upang masabi na mahalaga ka at nakikinabang ang lipunan sa iyo.
Katulad sa China na Confucianism ang paniniwala, sa India naman, ang kanilang paniniwalang panrelihiyon ay tinatawag na Hinduism, kung saan sila ay ipinapanganak base sa kanilang mga nagawa noong sila ay nabubuhay pa sa kanilang nakaraang buhay. Kung kaya’t ang dapat na gawin nila habang nabubuhay ay maging mabait o ang gumawa ng mabait sa kapwa o kung saan man, dahil kung ano man ang gawin mo ngayon sa buhay mo dito, iyon ang kalalabasan mo sa iyong susunod na buhay. Kung ikaw ay naging mabait, ikaw ay magiging tao sa iyong susunod na buhay. Kung ikaw naman ay naging masama, mapupuna ang iyong kaluluwa sa ibang uri ng katawan, maaaring mas mababa kesa sa tao, pwedeng hayop o insekto, depende kung gaano ka kasama noong ikaw ay nabubuhay pa.
Dahil dito, walang umusbong na Kapitalismo sa ibang mga bansa sa silangan dahil nga ibang mga paniniwala at mga kaugalian ang kanilang pinahahalagahan; iba ang rasyonal sa kanila kumpara sa kanluran na naka ugat ito sa Calvinism o Protestantism.
Ang rasyonalisasyon ay atin ring makikita sa autoridad o kung sino ang sa tingin nating dapat mamuno satin at sundin sa isang lipunan. Sa paglawak ng kanyang pagtingin sa kanyang teorya ng rasyonalisasyon, nakita niya na mayroong tatlong klase ng autoridad, ito ang Traditional Authority, Charismatic Authority, at ang Rational-Legal Authority. Nakita ni Weber a magtatagumpay sa mahabang panahon ang direksyon ng sa Rational-Legal Authority.
Sa Traditional Authority, ang pamumuno sa isang lipunan ay nakabase sa kung sino ang laging namumuno noong unang panahon pa lamang at kung sino lamang ang taga sunod. Madalas, ang mga matatanda ang namumuno sa gantong klase ng autoridad at kung sino ang maging anak nito, siya ang susunod na tagapagmuno ng kanilang lipunan. Ngunit, sabi ni Weber, ang Traditional Authority raw ay hindi rasyonal at humahadlang sa rasyonal na pagiisip ng mga tao.
Ang Charismatic Authority naman ay ang kapangyarihan ay napupunta sa kung sino ang pinaka magaling o may pinaka malaking karisma sa mga tao base sa mga ugaling pinapakita nito sa mga tao kung siya ay isang pinuno. Ang importanteng konklusyon sa autoridad na ang taong mamumuno ay hindi talaga kailangan ng karisma upang mamuno. Hindi rin daw rasyonal ang Charismatic Authority dahil nagkakaroon ng “routinization of charisma” kung saan kung namatay na o nawalan na ng kapangyarihan ang lider, ang mga taga sunod nito o ang mga susunod na gustong umupo sa pwesto ay gagawin rin o ipapakita rin ang mga pinakita niyang kaugaligan upang siya rin ay magustuhan ng tao at maupo sa pwesto. Dahil rito, ay makikita rin ng tao na wala nang extra ordinaryong makikita na katangian sa taong ito at matatapos na ang Charismatic Authority. Ngayon ay matitira na lamang ang Traditional at Rational Legal Authority na pagpipilian ng tao kung ano ang masusunod upang makipili sila ng kanilang pinuno.
Ang Rational-Legal Authority naman ay ang pinaka rasyonal raw na uri ng pamumuno sapagkat nauupo sa pwesto ang mga lider dahil sa mga batas, patakaran, at regulasyon ng lipunan. Ito ang pinaka pantay na pagpili sa pinuno ng isang lipunan ayon kay Weber. Sa Rational Legal Authority ay nabuo ang konsepto ng ideyal na lipunan o bureaucracy kung saan may iba’t ibang mga katangian ang bureaucracy na dapat tinataglay nito upang maging matagumpay ang isang lipunan.
Ngunit, nakita rin ni Weber ang problema sa ganitong klase ng pamumuno sa isang lipunan, ito ang pagkakaroon ng pagkakakulong ng mga tao sa loob ng isang lipunan at napapatay nito ang rasyonal na pagiisip ng mga tao dahil masyado nang nacocontrol ng mga lider ang mga tao. Dahil sa kagustuhan ng mga lider na ito na sila at sila lang din ang mamuno, ikinukulong nila ang mga tao sa mga batas rin na hindi naman ang mga tao ang MAS nakikinabang ngunit ang mga lider lang rin mismo.
0 notes
Text
Marxism
Si Karl Heinrich Marx ay isang German philosopher, economist, historian, political theorist, sociologist, journalist and revolutionary socialist. Siya ipinanganak noong May 5, 1818. At namatay naman noon March 14, 1883. Noong siya ay nabubuhay pa, dito nagsimula ang industrial revolution. Ngunit hindi nagsimula ang Marxism o ang paniniwala o paggalaw ayon sa kanyang mga obserbasyon at pagaaral kung hindi noong namatay siya. Ang Marxismo ay ang sosyal, political, at ekonomikong pilosopiya na pinagaaralan ang epekto ng kapitalismo sa paggawa, produktibo at ekonomikong pagunlad.
Bago magkaroon ng Industrial Revolution, ang mga tao ay gumagawa sa kanilang kagustuhan sa kanilang paggawa: kung anong materyales ang gagamitin, kung anong paraan ang gagamitin upang magawa ang produkto, ang oras kung kailan sila magtatrabaho, at kung magkano nila ibebenta ang produkto na kanilang ginawa. Mayroon silang kamalayan at koneksyon sa kanilang mga ginagawa kung kaya’t kanilang nararamdaman na sila ay mahalaga sa produksyon ng kanilang mga produkto. Ngunit, nung dumating ang Kapitalismo, dito nagbago ang lahat.
Ang lahat ng tao ay may kanya-kanyang kakayahan at kagalingan upang makagawa ng bagay na kanyang ikabubuhay. Kaya tayo naiiba sa mga hayop dahil sa kakayahan na ito, tayo raw ay may “human potential”. Kaya nating magisip ng paraan kung paano mapapadali at magiging epektibo ang ating paggawa sa pangaraw araw na buhay. Sa Kapitalismo, dapat ay mas lalo pang dapat na malinang o mahubog ang mga kakayahan ng tao dahil mayroon nang mas makabagong mga teknolohiya at organisasyon na makakapagpalabas o hubog ng buong potensyal ng tao sa kanyang pagtatrabaho. Ngunit, umikot ang kapitalismo sa mga kapitalista na may kagustuhang mas marami ang kanyang ambag sa lipunan upang makakita ng mas malaking pera at siya ang maging monopolyo sa industriya upang sa kanya na lamang pupunta ang lahat ng mga mamimili at kontrolado nito ang presyo dahil wala itong kakumpetensya.
Mayroong dalawang klase ng tao sa kapitalismo, ang kapitalista na kung saan siya ang nagmamayari ng mga teknolohiya at hilaw na materyales para sa produksyon, at ang manggagawa o ploretariat na kung saan siya ang mga kamay ng mga kapitalista, sila ang tagagawa ng mga produkto.
Dahil sa kagustuhan na makakita ng mas malaki ng mga kapitalista, ang mga trabahador noon na nagtatrabaho sa kanilang sariling kagustuhan ay nagpupunta na at nagtatrabaho na sa pabrika upang magtrabaho para sa kapitalista. Ang kondisyon ng kanilang pagtatrabaho ay talaga nga namang hindi na makatao dahil iisa lamang ang kanilang ginagawa sa buong produksyon at paulit ulit lamang ito; para silang mga robot na iisa lamang ang dapat na gawin at ito ay idinidikta ng kapitalista. Walang karapatan magdikta ang mga ploretariat sa kung paano nila gustong gawin ang trabaho, kelan ito gagawin, anong mga materyales na gagamitin at kung magkano ito ibebenta sa merkado.
Sa mga mata ni Marx, dito nagkaroon ng tanong sa kanyang isipan na dapat nga bang ganun? Totoo nga ba na ganito ang kalagayan ng mga manggagawa? Ito ba ay patas? Ano ang ibig sabihin nito? At ang pinaka laging tinatanong sa lipunan ay kung bakit iilan lamang ang mayayaman at ang iba naman ay mahihirap? At dapat bang ganto na lamang ang kaayusan ng lipunan?
Si Marx ay naghanap ng mga kasagutan sa mga tanong na ito sa pamamaraan na sinubukan niyang intindihin kung paano tumatakbo ang kapitalistang lipunan at kung sino ang nakikinabang dito at sino naman ang nahihirapan nang dahil dito. Sa kanyang mga obserbasyon at mga pagaaral, siya ay nagpokus sa sosyal at ekonomikong relasyon kung paano kumikita ang mga tao upang mabuhay. Nakita ni Marx ang mga nasa likod ng mga batas at kaayusang itinatakda ng lipunan at relihiyon na idinidikta rin naman ng mga kapitalista, na kung saan mayroong dalawang klase ng tao sa lipunang ito, ang mga kapitalista, na nagmamay ari ng mga teknolohiya at mga hilaw na materyales na kinakailangan sa paggawa, at ang mga ploretariat o ang mga manggagawa na siyang mga kamay ng paggawa at nagtatrabaho ang mga ito upang mabuhay. Marxismo ang pagsusuri ni Marx sa kumplikado, magulo at naglilinang na relasyon ng dalawang klase na ito.
Sa ganitong sistema, dapat ay mayroong pantay na karapatan at benepisyo ang dalawang klase na ito, ang kapitalista at ploretariat, dahil parehas silang may ambag sa produksyon ngunit nakita ni marx na hindi pantay ang kanilang mga nagging kalagayan sa kapitalistang lipunan. Nakalalamang parati ang mga kapitalista. Si Marx ay bumuo ng teorya na nagsasabi na “all value comes from labor”, lahat daw ng bagay na importante at nilalagyan ng paggawa. Dahil sa teoryang ito, ang ploretariat ang mas mahalaga sa isang produksyon at hindi ang kapitalista. Dahil hindi mabubuo ang isang produkto, kung walang gagawa nito. Kung wala namang mga kapitalista ay kaya pa ring gumawa ng mga tao ng kani-kanilang mga produkto dahil sila ay may human potential. Sa natural na mundo, ay mayroong class consciousness ang mga tao, ito ang pagkakaroon ng kamalayan o pagkakakita ng malinaw o totoong kondisyon ng lipunan at pagkakaroon ng solusyon sa mga problema ng lipunan. Ngunit, sa kapitalismo, nagkakaroon ng exploitation o pananamantala ng mga kapitalista sa mga manggagawa dahil sa mga kondisyon ng mga pagtatrabaho nito na hindi na makatao na kung saan ang humuhubog rin naman ay ang lipunan mismo at ang relihiyon na kontrolado rin ng mga kapitalista.
Dahil rito, ang mga trabahador ay nakakaramdam na sila ay alienated o nalalayo ang nawawala ang kanilang kamalayan sa panlipunang kalagayan at wala silang magawa para ito ay mabago dahil pakiramdam nila ay hindi sila kabilang sa kabuoang produkto ng kanilang nagawa. Ang mga kinaharap na problema ng mga manggagawa ay (1) Wala silang karapatang magdesisyon ng kahit ano ukol sa paraan ng produksyon, ang dapat lamang nilang gawin ay sumunod sa kung ano ang sabihin na gagawin ng mga kapitalista. Iisang trabaho lamang ang kanilang ginagawa sa buong produksyon kung kaya’t kanilang nararamdaman na wala silang role o importansya roon sa kanilang pinagtatrabahuhan. (2) ang mga taong ito ay mayroon lamang subsistence wage o living wage kung saan sila ay nakakatanggap ng pera na sapat lamang para sa isang araw upang mabuhay upang bukas papasok ulit sila at kung sila naman ay mamatay, ang kanilang anak ang magtutuloy ng kanilang trabaho. (3) Sila ay nailalayo sa kanilang mga kapwa dahil may kanya kanya silang stasyon sa produkyon. At pinaglalaban laban pa sila sa kanilang mga sarili dahil kung sino ang mas maraming nagagawa, siya ang mas pupuriin ng kapitalista, dahil dito, sila rin ang nagkukumpetensya upang mabuhay. Mas gusto ng kapitalista ang gumagawa ng mas madami sa mas kakaunting sahod dahil sila ang makikinabang dito. Nawawala na ang human potential ng tao. Ang consciousness ng tao ay manhid na at tuluyan nang nasira ang kanilang mga relasyon sa kapwa nila tao at sa kapaligiran at tuloy tuloy nang naputol.
Ang naiisip noon ni Marx ay:
Bakit habang tumataas ang dami ng ginagawa ng mga manggagawa ay bumababa ang halaga ng mga nitong mga taong ito? At bakit habang lumalaki ang naiaambag ng isang manggagawa ay lumiliit ang halaga nito sa kapitalista?
Ang solusyon na naiisip ni Marx ay ang Komunismo. Ang komunismo ay isang teoryang pam-pulitika na nanggaling kay Karl Marx na nagtatanggol sa laban ng mga klase at nangunguna sa lipunan na kung saan lahat ng ari-arian ay pag-aari at bawat tao ay nagtatrabaho at binabayaran nang naaayon sa kanilang abilidad o kakayahan at pangangailangan. Ito raw ang ideal o eutopian society na kung saan andito ang total o perfect man dahil ang tao rito ay maaaring makamit ang perfectability.
Hindi raw maaaring magkaron ng pagbabago kung walang rebolusyon na mangyayari. Dadanak at dadanak ang dugo, hindi ito maiiwasan kung magkakaroon ng pagbabagong panlipunan. Sa isang lipunan na kung saan may naaapi at mayroong nangaapi, oras lamang ang bibilangin bago magising ang mga ito ay lumaban sa nangaapi upang magbago ang sistema at makamit ang dapat na kanilang mga makuha.
0 notes
Text
Emile Durkheim : Social Solidarity
Si Emile Durkheim ay kilala bilang isang French Sociologist na nakilala dahil sa kanyang teorya at sadyang galing sa pagobserba at paglalahad ng kanyang mga obserbasyon sa paraan na maiintindihan ng madla at nakita ito ng madla na talaga nga namang totoo ang kanyang teorya na tungkol sa istraktura ng lipunan kung kaya’t sabi nila ay siya ang nagtatag ng French School ng sosyolohiya.
Ang kanyang teorya ay umiikot sa isang lipunan na kanyang naobserbahan sa nakaraan ng kanyang panahon at ang kasalukuyan niyang panahon noong panahon na inaaral at inooberbahan niya ang lipunan. Mayroon daw dapat na pagkakahati hati ng trabaho bawat tao sa isang lipunan, kung sa triangulo sa lipunan na sinasabi ni bamboo ay ang dapat na nasa ibaba, ay nasa ibaba lamang at manataling gawin ang mga trabaho na nararapat para sa mga nasa ilalim ng triangulo. Mayroon siyang mga jargon sa kanyang mga teorya, tulad na lamang ng “Collective Conscience” na nagsasabi na ang nagbubuklod sa isang grupo ay dahil sa kanilang mga pagkakapareho tulad ng paniniwala, ugali, relihiyon at iba. Ang “Social Solidarity” naman ay nagbubuklod sa isang lipunan kahit na ang mga tao rito ay mayroong iba’t ibang papel at trabaho sa lipunan.
Mayroon siyang dalawang lipunang pinagkumpara noon, ang “Mechanical Solidarity” at ang “Organic Solidarity”. Ito ay tinawag na Mechanical dahil iisa lamang ang galaw ng mga tao rito at walang mga pagbabago kahit na ano pang sirkumstansya ang dumating, tutuloy tuloy lamang ito sa pagandar. Ang Mechanical Solidarity ay ang isang lipunan na kakaunti lamang ang bilang ng tao tulad na lamang ng mga tribo noong unang panahon. Ito ay ang isang lipunan kung saan wala masyadong pagkakaiba ang mga tao, halos magkakapareho lamang ang mga trabaho nito at kung mayroon mang naiiba ay kakaunti lamang ang mga ito. Kung wala ang isa rito, tuloy lamang ang buhay ng lahat dahil nga wala namang naiibang trabaho sa kanila sa lipunan. Ang pagkakaroon nito ng solidaridad ay dahil sa pagkakaparehas nila. Parehas rin sila ng mga paniniwala; at dahil dito, malakas ang kanilang collective conscience dahil nga sila ay nagkakaisa dahil sa mga paniniwala. Kung mayroong magkasala sa kanila, tulad na lamang ng hindi pagboto sa panahon ng botohan, ay matindi ang parusang matatanggap ng taong ito dahil pagpapakita ito ng walang respeto sa karamihan sa lipunan dahil alam nilang importante ang boto ng bawat isa sa kanila. Isa pang halimbawa ay kung magnakaw ka ng baboy, ikaw ay puputulan ng kamay, dahil mali ang magnakaw sa iyong kapwa. Ang ganitong batas ay tinatawag na “Repressive Law”, ang mga may sala ay matindi ang mga matatanggap na parusa sa kanilang mga ginawa na sa tingin ng pinuno at ng mga tao sa lipunan ay mali at hindi dapat ginagawa. Dahil sa kanilang pagkakaroon ng malakas na collective conscience o pagkakapareho ng mga paniniwala ay walang makakalusot sa mga kanilang sala at makakatanggap ng matinding parusa; ito ay dahil rin sa iisang relihiyon lamang ang kanilang pinaniniwalaan at halos lahat ng kanilang mga batas ay nakaangklas sa kanilang mga paniniwala at relihiyon kung kaya’t matindi rin ang kanilang mga parusa, kung ano ang nakasulat sa kanilang mga bibliya at ang mga sinasabi ng matatanda, ay iyong ang masusunod; wala nang kung at mga pero.
Ang ikalawang lipunang kanyang inobserbahan ay ang mas panibagong lipunan na tinatawag niyang “Organic Solidarity”. Ito ay tinawag na ‘organic’ dahil kapag isa ay nawala rito, magkakaroon ng pagkakagulo sa paggalaw ng lipunan at hindi nito kakayanin na mawala ang isa; lahat ng mga nabibilang sa lipunan ay mahalaga upang mapanatili itong buhay at gumagana. Ang organic solidarity ay ang isang lipunan na mayroong solidaridad dahil sa pagkakaiba iba ng mga tao nito. Maraming mga tao ang nabibilang sa ganitong lipunan. Hindi nabubuklod ang mga tao dahil sa parehas nilang paniniwala sa mga bagay, kundi ang mga pagkakaiba nila. Ang mahirap lamang rito ay ang kanilang batas kung saan ang mga sinasakdal ay hindi gaanong matindi ang mga parusa katulad na lamang ng nasa Mechanical Solidarity na lipunan. Ang halimbawa na lamang nito ay kung nagnakaw ka ng baboy, kailangan mong isauli ang baboy na iyong ninakaw o di kaya’y magtatrabaho ka sa kanilang babuyan ng isan-daang oras. Ang batas na ito ay tinatawag na “Restitutive Law”, ito ay ginawa upang maibalik sa maayos ang mga nasirang relasyon dahil sa mga pagsasala ng mga sinasakdal; kinokonsidera nito ang mga karapatang pantao. Ang ganitong batas ay dahil sa kanilang mahinang collective conscience, marami sa kanila ang magkakaiba ng trabaho, dahil dito mayroon silang iba’t ibang grupo kinabibilangan kung kaya’t nahahati ang mga opinyon ng kada isa kaya’t ganito lamang ang mga parusa sa mga nagkasala. Isa pang halimbawa ay kung ikaw ay hindi bumoto, ay halos walang makakapansin nito at walang magiging parusa kung ikaw ay hindi boboto hindi tulad sa mechanical solidarity na sobrang pinapahalagahan ang pagboto kung saan ikaw ay itatakwil na ng iyong lipunan dahil sa iyong hindi pagboto. Ang mga pagiisip ng tao sa mga panahon ng mechanical solidarity ay pang-lahatan; kung aking bibigyang halimbawa ay kung galing sa isang gera ang kanilang hukbo, ang unang tanong sa kanilang pagbabalik ay kung nanalo ba. Kung ito naman ay sa panahon ng Organic Solidarity ay ang unang tanong kapag nakabalik ang mga hukbo galing sa gyera ay kung buhay pa ang kanilang kapamilya. Noong panahon pa ng Mechanical Solidarity ay kung namatay ang lahat ng tao sa iyong hukbo at ikaw lang ang nabuhay, dapat lamang ay patayin mo ang sarili mo bilang pagpaparangal sa iyong mga kasama na namatay sa laban.
Ang batas na Restitutive Law ay tinatawag sa lipunan na Civil Law, sa Pilipinas, mayroong limang klase ng civil law ito ang Property Law, Tort Law, Family Law, Procedural Law, at Contract Law. Ang Property Law ay ang mga batas para sa pagmamayari ng lupa at iba pa. Ang Tort Law naman ay ang pagaareglo sa iyong nakaaway o nakasangga sa isang tunggalian, kadalasan, ang may sala ay nagbibigay ng pera upang maareglo ang kanyang nabiktima upang hindi na ito magsampa ng kaso. Ang Procedural Law naman ay dyan nabibilang ang mga paghuhukom sa hukuman, ang mga abogado, ang senado at iba pa. Ang Contract Law naman ay para sa mga manggagawa kung saan may kontrata ito sa kanyang employer kung gaano ito katagal magtatrabaho.
Ang tawag sa transisyon mula sa Mechanical patungong Organic Solidarity na lipunan ay ang Dynamic Density, ito ang mga dahilan kung paano nagkakaroon ng pagbabago sa Sistema ng lipunan. Mayroon itong dalawang katangian, ang populasyon, dapat raw ay dumami ang populasyon mula sa Mechanical upang ito ay maging Organic dahil sa pagdami ng tao, dumadami ang mga pangangailangan ng tao at hindi na ito kayang punan ng mga yamang panlipunan at hindi na pwedeng iisa lamang ang trabaho ng lahat ng mga tao sa isang lipunan. Ang pangalawang katangian ay ang social interaction kung saan dapat raw ay tumaas ang pagkakaroon ng pakikipagugnayan ng nakakararami sa isang lipunan sa iba pang mga tao sa mismong lipunan nito at sa ibang lipunan.
Mayroon pang naisip na teorya si Durkheim na ito raw ay sakit ng mga tao na nabibilang sa Organic Solidarity na lipunan, ito ay ang Anomie. Ito ay ang hindi mo raw alam ang iyong mga gagawin dahil sa kawalan ng mga paniniwala at pagpapahalaga ng kagaya sa iyong lipunan. Ang mga sintomas raw nito ay ang hindi pagiging masaya, kawalan ng halaga, at paggawa ng mali laban sa kapwa o sa sarili. Sa kanyang pagaaral nito ay kanyang naobserbahan ang mga tao sa isang relihiyon kung saan ang mataas ang bilang ng pagpapakamatay. Nakita niyang ang mga nagpapakamatay ay ang mayroong sobrang paniniwala sa kanilang relihiyon at sa lipunang ginagalawan at ang isa naman ay ang kawalan o kakaunti ng paniniwala sa relihiyon at lipunan. Ang Social Integration raw ay ang tindi ng pagkakakapit o paniniwala ng indibidwal sa kanyang lipunan; ito ay nag dudulot sa suicide o pagpapakamatay sa sarili. Mayroon raw 4 na klase ng suicide o pagpapakamatay at ito ay nahahati sa dalawang matinding dahilan ukol sa paniniwala sa lipunan. Ang Altruistic at Fatalistic Suicide ay para sa mga sobrang nakakapit at matindi ang paniniwala sa mga paniniwala at ‘values’ ng kanyang lipunan. Ang Egoistic at Anomic Suicide naman ay ang pagkapit o di kaya’y karamdaman ng walang pakinabang sa kanyang lipunang ginagalawan.
Ang gustong mangyari ni Durkheim kung saan magkakaroon ng maayos na lipunan, ito raw ay magsasagot sa karamihan ng mga problema ng isang lipunan; Ito ang pagkakaroon ng malaks na collective conscience o matibay na paniniwala ng mga “values at beliefs” ng mga tao sa isang lipunan at ang pagkakaroon ng makataong Restitutive Law. Ang sagot raw upang ito ay makamit ay ang moral na edukasyon para sa nakararami, kung atin ngayong titingnan at gagamitin, pwede rin itong makamit gamit ang impluwensya ng media.
Maganda ang ineenvision ni Durkheim, kung aking titingnan ay ganoon rin ang gusto kong mangyari, kung saan, nasa gitna ang batas, may mga sala na dapat ay matindi ang kaparusahan samantalang ang mga magagaan ay pwede pang pagbigyan at sana ay makamit natin ang malakas na collective conscience sa ating lipunan o bansa upang hindi tayo magbuklod pero ayos rin ang pagkakaroon ng pagkakaiba iba ng trabaho ng mga tao dahil lahat nga naman ng mga ito ay kinakailangan upang mapanatilihing buhay ang isang lipunan. Ngunit, hindi katulad ng sinabi ni Durkheim, hindi ako naniniwala na ang mga dapat na nasa ibaba ng tatsulok ay manatili sa baba, maaaring ang iba ang umakyat at may manitili pero hindi lahat ay dapat manatili sa kung saan sila nabuhay at napalaki ng kanilang mga magulang.
0 notes
Text
Social theory: Its Uses and Pleasures
Kapag may mga problemang kinakaharap ang lipunan, ang mga tao ay nagiisip ng iba’t ibang paraan upang ito ay maresolba, ito ay tinatawag na “Social Theory” o mga sosyal na teorya. Ang mga sosyal na teorya ay ang nagbubukas ng mga panibagong pagtingin sa mga problema na kinakaharap ng lipunan. Nagsisimulang mabuo ang isang teoryang sosyal kapag ang tao ay hindi na tinatanggap ng tao ang ibinibigay ng kanyang lipunan. Kapag ito ay solid at nakakapag paniwala at hikayat sa ibang tao, ito ang paniniwalaan rin ng ibang tao at maaaring maging solusyon sa problema. Nagsimula ito sa Gresya at kumalat na sa buong mundo. Noong unang panahon ay ang mga propesyonal lamang ang mga gumagawa at pinaniniwalaan ng mga tao ngunit ng kalaunan ay kahit ang mga “lay” o mga ordinaryong tao ay gumagawa na rin ng kani-kanilang social theory sa lipunan na kanilang ginagalawan. Kapag hindi na nakakasabay ang pang-unawa ng isang tao sa pagbabago ng mundo, mapagiiwanan ito at mananatili sa kung anong panahon at lipunan siya huling nakasabay sa pagbabago. Kapag nagsimula nang magsuspetsya ang tao, dito ay maiisip niya ang kalagayan ng kanyang lipunan at matuto itong magisip ng paraan upang masolusyonan ang mga ito. Ang paggawa ng mga social theory ay wala sa edad, kasarian, kulay ng balat (race), o ang estado ng isang tao sa buhay. Ito ay natural na nangyayari sa tao dahil ang mga tao ay natututong makisabay sa kanyang mundong ginagalawan at iisip at iisip ito ng paraan upang maiayos ang mga problemang kinakaharap nito. Ito ay makikita kahit saan; kahit saan tayo lumingon sa ating bansa, makakakita at makakakita tayo ng problema, dahil dito, iba’t ibang tao rin ang may kanya kanyang social theory sa mga problema sa kanyang ginagalawan. Dahil rito, maraming marami ang mga social theory na nabubuo at nagkakaroon ng tunggalian sa pagitan ng mga taong nakakagawa at nagsasabi ng kani-kanilang social theory at maaaring pagdebatehan kung ano ang pinaka magandang solusyon sa problema; hangga’t walang nabubuong social theory na nakakapang hikayat ng ibang tao upang sila ay maniwala dito at talagang solid ay hindi matatapos ang problema at hindi rin matatapos ang pagdedebate ng mga mayroong social theory.
Sa paggawa ng social theory, talagang marami ang makakaisip sa mga problemang humaharap sa problema dahil may iba’t ibang paraan ng pagtingin sa problema, mayroon ding iba’t ibang paraan upang ito ay maresolba. Lahat ng problema ay hindi one-sided. Dahil rito, ang mga social theorists ay flexible dapat ang pagtingin sa mga problema. Ang mga social theorists rin ay hindi kakapusin sa pang-unawa kung sila ay maeexpose sa iba’t ibang social theory, sila ay makakakita ng iba’t ibang point of view at paraan ng pagresolba sa problema. Ito ang pleasure na naibibigay ng social theory.
Dapat tandaan na ang mga social theory ay may binabagayang panahon at lipunan na dapat galawan at iapply ang mga social theory na ito. Dapat rin ay mayroon tayong vantage point, ito ang punto kung saan ang dito na tumitigil ang pagtingin natin sa mga solusyon sa isang problema; ito na ang paniniwalaan at ito na kinokonsidera nating solusyon sa problema. Ang tama at mali ay relative; ito ay pabago-bago base sa panahon at lipunang ginagalawang ng mga tao; ang mga tama noong 1800’s ay maaaring hindi na tama sa panahon natin. Kung kaya’t dapat lamang ay mayroon tayong mga panibagong solusyon sa ating mga problema, maaari nating gawing halimbawa lamang ito o kaya’y isang paraan upang masolba ang problema pero hindi ito dapat gayahin ng lahat ng detalye nito ay gagayahin na, dapat ay mayroon pa ring mga pagbabago dahil iba na ang oras at lipunang ginagalawang natin ngayon kesa sa noong mga panahon na iyon. Sabi nga ni Erap, forward ever, backward never!
0 notes
Text
Sociological Imagination
Ayon kay Charles Wright Mills, upang lubusan nating maintindihan ang ating mga sarili at ang lipunang ating ginagalawan, kailangan raw ay maintindihan ng tao ang dalawang ito; hindi lang iisa, kung hindi dapat ay pareho silang maintindihan upang maunawaan at magkaroon ng mga solusyon sa mga problema ng mga ito. Ang “Sociological Imagination” ni Mills ay isinulat niya noong dekada ’50 kung saan ang mga tao raw ay may nakakaramdam ng walang kapangyarihan at walang usad sa kani-kanilang mga buhay dahil sila ay nakukulong sa mga problema na kanilang kinahaharap, maging sa panlipunang paghihirap o sa kanilang mga sarili, para bang kapag natapos na ang isang problema ay hindi pa talaga matapos tapos ang mga problemang dumarating. Ang sosyolohikal na imahinasyon ay may pangakong maiiayos ng isang tao ang kanyang sarili kung aalamin at uunawain ang talagang kinakaharap at ang kalagayan ng mga tao sa kanyang sarili at sa lipunang kanyang ginagalawan.
Sa mga kinahaharap na mga problema ng isang tao, kung kanyang iisipin ay problema niya ito na siya lamang ang may karga nito at ang may sala sa lahat ng ito. Halimbawa na lamang ang kawalan ng trabaho, diborsyo, ang paglaki ng magisa, walang kakayahang magaral, at marami pang mga problema ng isang tao. Ngunit ang hindi alam ng nakakarami ay kung hindi natin aalamin ang nakaraan ng ating lipunan at kung ano ang kalagayan nito sa kasalukuyan, ay hindi natin maintindihan kung ano nga ba ang problema sa ating sarili o kung ito ng aba ay nakapa loob lamang sa sarili at siya lamang ang dapat isisi rito at ang mas mahalaga, hindi masosolusyonan ang problemang kanyang kinakaharap.
Bata pa lamang ako ay marami na akong naiintindihan sa aking kapaligiran at sa aking buhay. Lumaki ako sa puder ng aking mga lolo’t lola habang ang aking ina’y nagtatrabaho sa ibang bansa at nung nakabalik na siya dito ay hindi rin naman kami masyadong nagkikita dahil nagaaral ako sa umaga at nagtatrabaho naman siya sa gabi. Marami akong mga katanungan kung bakit ganoon na lamang ang nangyari sa aming pamilya ngunit noong ako’y nagkamulat na at mas marami na ang nalalaman, marami pala ang mga nabuntis noong dekada ‘90. Maraming mga kabataan ang hindi alam ang kontrasepsyon at ang mga bata ay naguusisa sa mga bagay na kanila lamang nakikita sa tv o di kaya’y nadadala raw ng kanilang damdamin. Noong malaman ko to ay mas naintindihan ko na kung bakit may mga batang kagaya ko na wala ang ama at hindi ko ito kasalanan.
Kung sa isang lipunan ay mayroong 300 na katao na may kakayahan nang magtrabaho ay lilima lamang ang walang trabaho, pwede pa itong masolusyunan ng indibidwal ngunit kung mayroon nang 120 na walang trabaho, ito ay problema na ng lipunan at hindi ito masosolusyonan lamang ng pagbibigay ng trabaho dahil hindi naman lahat ito ay maaaring mabigyan ng trabaho.
Sa aking paguusisa at pagkakaintindi sa The Promise ni Mills ay tayo raw ay mayroong kinakaharap na marami at samu’t saring mga problema sa ating mga pangaraw araw. Atin raw mareresolba ang ating mga problema kung: una, ay alam natin ang ating mga kakayahan at mga pinagdaanan at kung nasaan ba tayo sa ating lipunan ngayong panahon na ito ay doon natin malalaman ang ating mga oportunidad sa ating mga buhay. Ang sosyolohikal na imahinasyon ay nagbibigay satin ng pagkakataon na malaman ang ating mga nakaraan upang lalo nating maintindihan ang ating mga kasalukuyan, panlipunan man o ang ating sarili sapagkat makakakuha tayo ng mga leksyon sa mga hinarap na nating mga problema noon at matututo na tayo sa dapat gawin ngayon.
Ang mga tao sa lipunan at produckto ng lipunan mismo at ng panahon. Wala tayo kapag wala ang lipunan at wala rin ang lipunan kung wala tayo. Kahit saan man tingnan, ang indibidbwal at ang lipunan ay hindi maihihiwalay ito ay nakabuklod na noon, ngayon at sa mga darating pang mga panahon. Sa pagintindi ng mga pagbabago sa ating mga sarili, kailangan rin nating tumingin lagpas pa sa pansarili lamang na kalagayan; nasa lipunan AT nasa iyo ang solusyon ng problema, hindi lang sa iisa dahil kung magkakaroon man ng magandang kinabukasan, kailangan ang lahat ay nakaiintindi ng kanyang lugar sa lipunan at ang mga nakaraan at ang kalagayan ngayon ng lipunan upang mabigyang daan sa magandang kinabukasan.
0 notes