uselessanonymous1-blog
uselessanonymous1-blog
GALAXIE 🌹
1 post
YNA PAGALING
Don't wanna be here? Send us removal request.
uselessanonymous1-blog · 7 years ago
Text
PANITIKANG MEDITERRANEAN
Ano nga ba ang panitikang Mediterranean?Ang panitikan sa Mediterranean ang nagsisilbing simbolo ng kanilang malaking kontribusyon sa mundo ng panitikan. Napakarami at may iba't ibang paniniwala at kultura ang mga tao sa Mediterranean. Ito'y dahil magkaiba ang naging pinag daanan at prinsipyo ng bawat lugar. At ang mga tao dito ay naniniwala na sila ang humubog at nagpabago ng lahat ng uri ng panitikan sa buong mundo, dahil sila ang nakatuklas ng sistemang pagsusulat at ito ay tinatawag na cuneiform. Ang cuneiform ay ang paraan ng pagsulat ng mga sumerian na kung saan sa ay gumagamit ng tabletang luwad bilang kanilang papel at stylus bilang panulat. Madami rin ang naniniwala na sakanila nanggaling ang mga akdang mitolohiya na nanggaling sa bansang Italya, parabula na nanggaling sa Syria, sanaysay na galing sa Gresya, epiko na galing sa Iraq, maikling kwento at nobela na galing sa bansang Pransiya at iba pang istoryang pwedeng makita rito. Ilang sa kanilang naisulat na akda ay ang istoryang " Si Pygmalion at Si Galatea " na isang uri ng mitolohiya na patungkol sa isang imortal na umibig sa isang babaeng hinubog ng kanyang malikhaing kamay bilang isang iskultor, " Ang Parabula ng Sampung Dalaga " ay isang uri ng parabula na patungkol naman sa sampung dalaga (limang hangal at limang matalino) na mag babantay sa pagdating ng binatang ikakasal at marami pang iba.
0 notes