Tumgik
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 16:  "21 Ektarya” ni Al Reile
Tumblr media
Ang Unibersidad ng Santo Tomas ay higit 21 ektarya. Sa loob nito, ang dami pwede mangyari upang madiskubre kung ano mga bagay makikita mo, sa loob ng apat na padre ng Unibersidad. Dito sa campus na ito, madami nangyari sakin patungo sa unang tagumpay kong bilang student leader, haggan sa pinaka mababa kong punta sa akin buhay. Mag simula tayo sa pagpasok ng P. Noval Gate. Araw – araw sa totoo lang, takot ako  pumasok, ayoko talaga kasi baka paano kuing ayaw ko ng prof? Ayaw ko yung asignature ang kukunin ko? Higit pa, paano pa kaya kung ayaw ako ng mga kamagaral ko? Pero, sabi ng nanay ko, ang pagaaral ay patungo kung saan mag tatagumpay sa buhag, na magkakaroon ng trabaho ng maganda sa dulo. Syempre, inisip ko, tiisin ko nalang na baka, maganda dulot ito para sakin. Higit, sa isang taon, masasabi ko madami nangyari. Sumali ako sa Media Committee ng SHS Student Council, naging parte ng Sinagtala Video Production, Kahit paano umayos ang grades ko. Kaso, sa taon na iyun, nakapag tatlong breakup, nakipag hiwalay sa mga kaibigan, at tuluyan nasisiraan ko sarili. Iniisip ko nalang, patapos naman ang taong na ito at pwede pang umulit ng bago sa susunod na taon.
Tumblr media
                                          Paglabas ng BGPOP ay ang field. Gabi-gabi lagi ako nakatamaby sa mga Gazebo, malapit sa field upang makasama ang aking cursh noong panahon na sawi ako. Sa totoo, ditto ko lang nalaman, pwede ka naman magmahal ng buo na hindi kailangan ng kapalit. Makita mo sya, okay na. Yung Mahal mo sya dahil kung sino sya at perpekto sa tigin ko. Dito rin, sa filed na ito, kasama kong ex ko sa pagkuha ng letrato mas lalo noong paskuhan mag lalaban kami kung sino mas maganda ang shot pero ito. Hindi lahat ay dumadating sa dulo.
Tumblr media
Dumating tayo sa Lovers Lane, “the magical place”. Maganda ditto, pag paiba-iba ang panahon, kung mahagin, tag-ulan, summer, mamulaklak ang fire trees. Pag lagi ako, dumadaan dito, ito aang lugar kung saan ako pwede mag reflect kung ano pwede isipin sa buhay, kung ano pagkamali ko, kung ano pwede kong gawin sa buhay. Ang lover’s lane ay matahimik ngunti may mga jowa kung ano ano ang ginagawa pero yung kasama mo ang kalikasan, yung                                       mundo mo ay mapayapa.
Tumblr media
Ang huli, ang Main Building. Pinakamalang Church, pag lagi ka dumadaan dito sa “historic” building na ito. Mapapa – wow ka sa kanyang ganda. Ang building na ito ay nagprerpesenta sa “Thomasian Identity”, pag lagi ako dumadaan dito ito lugar na ito, kahit pagod na pagod ka na, ayaw mo na, gusto mon a itigi ang lahat. Tigin ka lang, sa main building, nagbibigay sya ng lakas ng loob, sa sobrang kahgandahan nya, ikaw mismo mga pupursigido upang ang huli kita mo sa Main Building ay magiging tagumpay ka sa huli. Unibersidad ng Santo Tomas, ang unibersidad sa daming kong alaala, na nagbibigay ng kahulugan kung sino ako ngayon.
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 9:  "Mula sa Estudyanteng Atlete Hanggang sa Simpleng Estudyante" ni Patrick Cagara
Tumblr media
           Malaki ang pinagkaiba ng tinatawag na "Student-athlete" sa isang simpleng estudyante. Maraming sakripisyo ang kailangan gawin at kailangan matatag ang iyong puso kung gusto mo maging isang student-athlete. Dapat lahat ng kung anong mayroon ka ay handa mong isakripsiyo para kayanin mo ito. Dugo, pawis at luha ang kaya mong ibuhos para makaya mo ang student-athlete. Maraming oras ang makakain ng isang pagiging atleta sa iyong pag-aaral kaya dapat ay kaya mo itong balansehin.
             Sa loob ng apat na taon sa Junyor Hayskul sa paaralan ng Unibersidad ng Santo Tomas ako ay isang "Student-Athlete" sa larong Basketbol. Aaminin ko na mahirap ang maging student-athlete kaya saludo ako sa mga kapwa ko student-athlete. Nakakapagod ang ganitong sitwasyon dahil sa araw-araw na pagpasok ay kailangan kong mag-aral ng mabuti at pagkatapos ay sasabak ako sa mahirap na ensayo. kailangan kong pag sabayin ang pag-aaral at paglalaro at dapat wala akong maiwan sa dalawa dahil pag hindi ako nakapag aral ng maayos at bumagsak ako sa klase maaring hindi ako makapaglaro at kapag naman hindi ako nakapaglaro ng mahusay maaring matangal ang aking iskolarsip sa pag-aaral. May pagkakataon rin na nagsasabay ang aking praktis para sa aking mga proyekto sa eskwelahan at ang aming laro sa basketbol kaya minsan ay nahihiya ako sa aking mga kagrupo dahil kailangan ko unahin ang paglalaro at mayroon rin pagkakataon na ang dapat ang araw ng linggo ay para sa oras ng pamilya ay nakakaen ito ng paglalaro ko. Kahit na mahirap ang pagiging atleta eto naman ay buong puso kong tinanggap dahil mahal ko ang basketbol at ito ang masasasbi kong "first love" ko. Kaya kahit na sabay ito sa aking pag aaral lahat talaga ay ginagawa ko para mapagsabay ko sila. Kinakaya ko naman sila pag sabayin dahil inspirasyon ko ang aking pamilya para maging matagumpay sa larangan ng basketbol at sa aking pag-aaral. Dahil para sa akin sa bawat tagumpay ko sa basketbol at pag aaral sobrang laki ng saya na dulot nito sakin. At natapos ko naman ang aking pagiging "Student-Athlete" sa loob ng apat na taon na hindi sumuko at walang problema sa paglalaro at pagaaral. Ngunit bago ako pumasok sa senior High School ay pinagisipan ko muna kung itutuloy ko parin ba ang aking pagiging "Student-athlete". Matapos ang ilang buwan ng pag-iisip kung itutuloy ko ito at napagdesisyunan ko na itigil ko na ang pagiging "Student-Athelete" at napili ko nalang maging isa simpleng estudyante lamang at masasabi ko talaga na malaki ang pinagkaiba ayon sa aking karansan gaya ng noong ako ay Student-athlete pagkatapos ng oras sa eskwela ay may kailangan pa ako gawin yon ay ang aming ensayo hindi tulad ngayon pagkatapos ng eskwela ay pwede na ako umuwi at marami pa akong oras upang magpahinga o gawin ang aking mga proyekto at marami narin akong nailalaan na oras sa aking pamilya at kasintahan. Hindi ko naman sinasabe na madali ang maging isang simpleng estudyante dahil marami rin responsibilidad na kailangan gawin. Noong ako ay student-athlete kahit na mababang grado ang aking nakukuwa ay sapat na para sa akin at sa aking pamilya dahil naiintindihan nila ang hirap ngunit ngayong isang simpleng estudyante nalang ako kailangan kong makakuwa ng mataas na grado dahil tutok na ako sa aking pag-aaral. Paminsan-minsan ay naalala ko ang paglalaro ko ng basketbol para sa aking eskwelahan pero hindi ako nagsisisi sa aking naging desisyon dahil masaya ako.
             Para sa akin ang pagiging atleta ay isang mabigat na desisyon at responsibilidad na kailangan kong patunayan na kaya ko itong panindigan. Habang ang pagiging simpleng estudyante naman ay kailangan ng determinasyon at pokus para magawa ko rin ang aking mga proyekto at makapag aral ng maigi. Ang natutunan ko ay dapat kahit ano man ang mapili ko sakanila dapat ako ay masipag at may determinasyon sa pinili kong tatahakin para mapagtagumpayan ko ang nais kong marating.
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 6: "Yugto” ni Schneider
Tumblr media
      Ang paaralan ay maihahalintulad sa isang minahang nagtataglay ng mga brilyanteng may  iba’t-ibang katangian at halaga na naghihintay lamang mapansin at matagpuan. Ang mga brilyanteng ito ng paaralan ay ang mga mag-aaral na hindi kikinang kung hindi lilinangin at pakikintabin.
      Sa bawat paaralan na aking napasukan nakatagpo ako ng iba’t-ibang klase ng brilyante; mga estudyanteng makukulit, walang galang, stupido, tahimik, galit sa mundo, at walang pakialam. May mga katangi-tangi din naman na aking tinangkilik at naging inspirasyon. Sila ang mga estudyanteng kadalasang namumuno o tinatawag na “Student-Leader”. Sabi ng iba, ang pagiging “student-leader” daw ay isang karangalang puno lang ng palamuti at pribilehiyo. Ang hindi nila alam sa kabila ng mga positibong benepisyong dulot nito ay iba't ibang pagsubok na parte ng yugto ng buhay ng isang pinuno.
      Apat na taong gulang pa lang ako ng magsimulang mamuno. Nagkaroon kami ng simpleng gawain sa aking paaralan sa kahabaan ng kalye sa Samplaoc, Maynila. Naatasan kaming bumuo ng grupo. Sa murang edad, hindi namin alam kung paano ito gawin. Gumitna ako at pinangkat sila. Dagli namang sumunod sila at sumang-ayon sa aking desisyon. Napanatag ako at napaisip na kung sakaling gawin ko ito ulit, magiging maayos ang lahat.
      Ganun nga ang ginawa kong estratehiya sa nilipatan kong paaralan sa may Lacson, Espana ng bigyan kami ng pangkatang gawain. "Gawin mo nga ito! Madali lang 'yan", ang sabi ko. Ngunit sinabihan nila ako ng mayabang. "Bakit matagal ka na ba dito?", tanong ng isa sa mga estudyante. Nasabi nila ito dahil "transferee" ako sa nasabing paaralan. Nasa ikatlong baitang na ako ng lumipat sa paaralang ito. Nagalit ako dahil hindi nila sinunod ang aking inutos at iniwan nila ako bigla. Sa mga sandaling iyon, naguluhan ako. Palagi ko namang sinasabi ang mga katagang iyon dati, ngunit bakit hindi gumana sa kanila? Pinagtawanan ako ng buong klase at wala akong nagawa kung hindi manahimik. Simula noon, hindi muna ako sumubok mamuno.
      Hindi pala madaling gawin ang isang bagay na nakasanayan mo ng gawin sa mga taong nakasama mo na kumpara sa mga taong bago mo pa lang kasama.  Panandalian akong nanahimik ngunit mayroon talagang nag-uudyok sa akin na subukan muli ang pamumuno. Sa katunayan, naiinggit ako sa mga estudyanteng namumuno sa mga programang idinadaos sa aming paaralan. Kaya kahit hirap na hirap ako, hindi pa rin ako sumuko. Habang sinusuklayan ako ng buhok ng aking ina, palagi niyang sinasabi sa akin na “Anak, huwag kang matatakot gawin ang gusto mo.” Ang payong iyon ang muling nagbigay lakas sa akin na gawin ang nais ko. Unti-unti akong sumali sa mga proyekto at organisasyon sa paaralan.  Doon, napansin ng mga piling guro ang aking kakayahan at sinabi nila sa akin na “Magaling ka.” Para akong isang dyamanteng inilawan sa unang pagkakataon. Nakita na nila ang aking potensyal at nagpapasalamat ako sa kanila. Nagtuloy-tuloy ang aking pagsisikap. Nabigyan ako ng mga akademikong parangal habang naging isang “student-leader na nagbigay daan sa pagtakbo ko bilang kinatawan ng "pupil government" sa aming paaralan.
      Noong nagkaroon ng pagpupulong, naguguluhan ako dahil hindi ako sigurado kung gusto ko ba talagang tumakbo o hindi. Hindi ako nanalo sa eleksyon noon. Nasayangan at nalungkot ako pero hindi naman ito nagtagal. Huli ko ng napagtanto na wala ang puso ko sa serbisyo. Hindi ko pa talaga nauunawaan ang tunay na layunin ng isang "student leader".
      Junior High School ako sa UST noon ng tinanong kami sa isang gawain sa "homeroom",  “Ano ba ang isang Lider?” Ito raw ay isang taong matapang, kayang manindigan para sa kaniyang kapwa, at tapat. Simple lang ang kahulugan ngunit para sa akin kulang ito. Karagdagan sa mga nabanggit na katangian ng isang lider ay ang pakikinig sa boses ng iba at pakikisalamuha sa mga pinamumunuan. Sa yugtong ito ng buhay ko napalawak ang pananaw ko sa lanat ng bagay. Natuto akong mas umunawa sa kapwa at maging sensitibo sa damdamin ng iba. Nagpapahiram ako ng tainga sa abot ng aking makakaya. Kung kaya anumang desisyon ang gawin o ipatupad ay mula hindi lamang sa namumuno kungdi mula sa nakararami. Muli, sa yugtong ito ng aking buhay ay nakatanggap ako ng parangal dahil sa aking pagiging "student leader"; ang pagkakaroon ng mataas na grado at medalya.
      Sa kasalukuyang yugto ng aking buhay, muling nasubukan ang aking kakayahan sa pamumuno. Ang Senior High School ang nagtulak upang mapalakas at mailabas ang iba ko pang kakayahan sa pagiging "student leader". Noong una, nahihiya akong manguna sa mga gawain dahil ayokong muling mahusgahan at masabihan ng mga  di kanais-nais na salita ng aking mga kamag-aral. Subalit naglakas-loob ako na pamunuan ang pangkatang gawain sa klase. Siniguro kong hindi ako makatapak o makasakit ng damdamin. Naging maingat ako sa mga salitang binitawan ko. Nabigyan din ako ng pagkakataon na maging opisyal ng STEM Society. Sa kasalukuyan, ako ang treasurer ng STEM Society. Habang sumusulyap ako sa mga estudyanteng nagpupursiging maging "student leader", naaalala ko ang tamis at asim ng pagiging "student leader". Napapabulong ako sa aking sarili, "Nagsisimula ka pa lang kapatid" habang itong yugto ng aking buhay ay nakabukas at maghihintay ng pagtatapos upang muling simulan ang kasunod na yugto sa aking buhay kolehiyo.
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 39: Travel Essay ni Lorraine
Tumblr media
           Ang Baler, Aurora ay kilala sa pagkakaroon ng malalakas na alon na matatagpuan sa karagatan na pumapalibot dito. Ito ang nagmamay-ari ng titulong “Birthplace of Surfing in the Philippines.” Noong ika-11 ng Abril, natuklasan kong hindi lamang iyon ang dahilan kung bakit dinarayo ang bayan ng Baler. Mula sa Maynila, halos limang oras ang byahe papunta rito. Sa dalawang araw naming pananatili rito, masasabi naging magandang karanasan ito sa akin.
           Dinaanan namin ang Balete Park kung saan matatagpuan ang anim na raang taon na Balete Tree. Ito ay tinatawag ding “Millennium Tree” dahil sa edad nito. Sinasabing ito ang pinakamalaking puno ng Balete sa Asya at humigit-kumulang animnapung katao ang kailangan upang mapalibutan ang puno. Walang bayad ang pagbisita sa parke ngunit kung nanaising pumasok sa loob ng puno ng Balete, kinakailangang magbayad ng sampung piso upang mapanatili ang kaayusan ng puno. Nakakamangha ang kagandahan sa labas at sa loob ng puno. Napakaraming litrato ang aming nakuha at magsisilbing magandang memorya na babaunin namin magpakailanman. Mayroon ding mga lamesa at upuan sa parke na maaaring kainan kaya naman doon na rin kami nananghalian.
           Inakala naming mahihirapan kaming makakuha ng matutulugan dahil sa pagdiriwang ng mahal na araw; kung saan walang pasok at napakarami ang nagbabakasyon kung saan saan. Lubos ang aming pasasalamat nang makakuha kami ng dalawang kwarto na pinaparentahan na matatagpuan sa harap lamang ng dagat. Nalaman namin sa may-ari na tuwing Huwebes at Biyernes Santo dinudumog ng turista ang lugar. Hapon na at papalubog na ang araw nang dumating kami at bilang hindi pala-langoy na tao, tumanggi ako nang sabihin ng aking pinsan na pumunta kami sa dagat. Nang sinilip ko ang dagat, nakita ko ang malalakas na alon kung saan napakaraming tao ang lumalangoy. Natuklasan kong ito nga ang lugar para sa mga taong mahilig mag”surf.” Nanatili ako sa kwarto at napagtantong mahina ang signal sa bayan ng Baler ngunit nabuhayan ang loob ko nang malaman kong mayroong wifi ang tutulugan namin.
           Napagdesisyunan naming kumain sa labas dahil  hindi maaaring magdala ng pagkain sa loob ng kwarto. Dahil wala kaming alam sa lugar, nagtanong kami kung saan magandang kumain doon. Natuwa ako nang marinig ko ang mga pamilyar na kainan tulad ng Shakey’s at Chowking na matatagpuan sa sentro. Sampung minuto ang lumipas nang makarating kami roon. Nadismaya ako nang makita ang magkatabing Shakey’s at Chowking na nasa van lamang. Napgdesisyunan naming humanap ng ibang kakain kung saan makakaupo at makakakain kami nang kumportable. Nang may nakita kaming restawran na maraming upuan at lamesa ngunit walang tao, agad kaming pumasok sa loob. Nalaman naming tatlong oras na ang lumipas simula nang mailuto ang mga pagkain. Sa huli, nakahanap kami ng magkakahilerang karinderya at nagpaluto ng lutong bahay.
           Kinabukasan, gumising kami ng alas sais ng umaga upang mag-almusal at lumangoy sa dagat. Ako ay hindi marunong at hindi mahilig lumangoy kaya naman sa mababaw na parte lamang ako ng dagat. Hindi katulad ng kapatid at pinsan kong lalaki, nagrenta sila ng surfing boards upang masubukan ito sa dagat. Saglit lamang ako doon at nagbanlaw ako agad. Bago gumala, kumain muna kami ng tanghalian sa balkonahe dahil mayroon pa kaming tatlong pupuntahan bago umuwi.
           Una naming pinuntahan ay ang Museo de Baler na matatagpuan sa sentro o bayan. Napakaganda ang panlabas na itsura ng museo. Kinakailangang magbayad ng 30 pesos bago makapasok sa loob. Napakainit sa loob dahil walang aircon o electric fan doon  kaya naman tumatagatak ang aming pawis habang tinitignan ang mga artipakto at mga larawang tungkol sa kasaysayan ng Aurora. Mayroon ding mga pinintang larawan ng mga iilang grupong etniko at larawan ng dating pangulong si Manuel L. Quezon. Nalaman ko na ang Baler ang huling kinalagyan ng Espanyol noong Rebolusyon ng Pilipinas noong 1898 kaya naman mayroong mga mahahabang baril na maaaring hiramin habang nagpipiktyur.
           Pinuntahan din namin ang bahay ni Donya Aurora Aragon Quezon na asawa ni Manuel L. Quezon. Limang minutong lakad lamang mula sa Museo de Baler ang kinakailangan upang makapunta rito. Ayon sa mga nagbabantay, hindi na kailangan magbayad upang pumasok ditto kung ikaw ay galing sa museo. Nakakamanghang isipin na nakatayo pa rin ang bahay pagkatapos ng maraming taon. Mapapansin ang bubong na nipa at mga kahoy na pader na nagpapakita ng tradisyunal na bahay ng mga Pilipino. Mayroon ding mga artipakto tungkol sa Baler at mga lumang litrato at memorabilya ukol sa buhay ni Donya Aurora. Pinapakita ang isang tipikal na bahay na mayroong maliit na silid-aralan, sala, at lutuan.
           Ang pinaka-nagustuhan kong pinuntahan namin ay ang Mother Falls. Ang kinakailangang bayaran lamang ay ang tour guide na magtuturo ng daan tungo sa talon. Isa sa pakinabang ng pagkakaroon ng walang signal ay ang pagpapahalaga ng biyaya ng kalikasan sa atin. Nilakbay namin ang daan patungo rito nang isang oras. Mahirap at nakakapagod maglakad lalo na pagpaakyat dahil na rin sa madulas ang lalakaran. Ilang pansamantalang paghinto rin ang ginawa namin dahil sa pagod. Tinanggal naman ng pagbagsak ng tubig ang pagod na inabot namin sa paglalakbay. Iilang litrato an gaming kinuha nang napagdesisyunan naming lumangoy. Napakalamig ng tubig at hindi mo kakayaning magtagal doon dahil na rin sa mga bato na masakit sa paa pag inapakan. Tatlumpung minuto lamang ang tinagal namin nang magpasya kaming bumalik na. Habang naglalakad pabalik, nabanggit ng tour guide namin na mayroong Father Falls na mas malayo ngunit mas malaki kaysa sa pinuntahan namin. Dagdag pa niya, aabutin ka raw ng tatlo hanggang apart na oras upang makarating doon. Tiniyak ng aking tatay na pagbalik namin sa Baler, iyon ang susunod naming pupuntahan.
           Masasabi kong napakaganda ng Baler, Aurora. Napagtanto ko na hindi lamang ito binubo ng dagat na mayroong malalakas na alon. Marami pa kaming hindi napuntahan ngunit hindi na ako naghahangad ng mas marami dahil nasiyahan ako sa pananatili namin doon. Sa maikling panahon, nalaman kong hindi pa masyado sibilisado ang Baler kumpara sa Manila. Mahina o walang signal ang mga cellphones ngunit naging daan iyon upang mas magkaroon ng oras ang magpapamilya sa isa’t isa. Hindi rin pala masama na walang fast food sa pagpipiliann mong pagkakainan. Napaka-matiwasay doon at natagpuan ko ang kapayapaan at katahimikan. Makikita mo na pinapahalagahan ng bawat tao ang kultura dahil hindi sila gumagawa ng paraan upang mawala ito. Bagkus, pinipreserba nila ang kagandahan ng tradisyunal na kultura na mayroon sila. Dito rin matatagpuan ang lugar kung saan wala masyadong polusyon. Maamoy mo ang simoy ng hangin at makikita mo ang magandang kalikasan. Sa huli, masasabi kong magandang desisyon ang pagpunta sa Baler upang ipagdiwang ang mahal na araw. Hanggang sa muling pagkikita, Baler! 
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 37: “Saan aabot ang labing - limang piso mo?” ni Elaisha
Tumblr media
Bilang isang estudyante na nakatira sa Quezon City at nag – aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas na makikita sa Maynila, kinakailangan kong gumising ng maaga araw – araw at bumyahe ng isang oras at kalahati hanggang sa dalawang oras. Sumasakay ako ng dyip bago mag alas – sais at nakakarating naman ako sa aking paaralan bago mag alas – syete. Limang taon ko na ito ginagawa at hindi ako nagsasawa sa mga lugar na nakikita ko. Isa sa mga pook na dinaraanan ko ay ang Muñoz. Maraming tao ang napapadpad dito upang mag – abang ng sasakyan sa kanilang pupuntahan at mamili ng kung anu – ano sa palengke. Isa na rito ay ang aking nanay. Pumaparoon siya sa Muñoz para bumili ng mga pwede niyang lutuin tulad ng mga karne, isda, at gulay. Ang sumunod na destinasyon ay ang Fishermall, maraming mga tao ang pumupunta rito dahil lahat ng mga kailangan nila ay naroon na, mga kainan, pamilihan, sinehan at palaruan. Madalas na matraffic dito tuwing rush hour at tuwing may sale ang mall. Malimit kaming tumungo rito ng aking mga kaibigan dahil malapit lang ito sa aming mga bahay. Ang ikatlong lokasyon ay ang Santo Domingo Church. Dumarayo ang mga tao upang magdasal at magsimba tuwing Linggo. Ang simbahan rin na ito ay madalas na pinupuntahan ng mga estudyante na taga – UST at ng iba’t ibang paaralan upang ipagdiwang ang La Naval. Ang aking pamilya ay paminsan – minsan na nagsisimba dito lalo’t na pag may kaarawan ang isa sa amin. Ang sumunod naman na madadaanan ng dyip ay ang monumento na matatagpuan sa Welcome Rotonda. Sa lugar na ito, minsan ay makakakita ka ng mga tao na nagtipon – tipon upang maipahayag ang kanilang hinanakit at saloobin sa gobyerno sa pamamagitan ng pagrally. May isang beses na natunghayan ko ang pagwewelga ng mga tao. Ito ay ang araw na may pasok. Kinabahan ako sapagkat malapit na akong mahuli sa klase. Madalas ay maraming sasakyan dito dahil may iba’t ibang mga ruta na pwedeng daanan ng mga taong pupunta sa Cubao at sa Dapitan. Bago ka makarating sa Unibersidad ng Santo Tomas, ay may paaralan kang malalagpasan. Ito ay ang Ramon Magsaysay High School. Makikita mo ito kaagad dahil sa kulay asul nitong pader. Madalas tumitigil ang sinasakyan kong dyip dahil may mga nakakasabay akong estudyante na nag – aaral dito. Minsan sa buhay ko ay naglakad ako mula dito papunta sa UST dahil sa trapikong dala ng maraming sasakyan. Ang huling lugar kung saan ako ay bababa ay ang aking destinasyon, ang Unibersidad ng Santo Tomas. Isa ito sa mga lumang paaralan na pinapatakbo ng mga pari sa panahon ng Kastila at ngayon ay pinapasukan ko. Halos araw – araw sa aking pagpasok ay may nakakasabay akong taga – UST. Natutuwa ako dahil hindi ko na kailangan pumara dahil sila na ang gagawa at makikisabay na lamang ako. Nagagalak din ako dahil sa labing – limang pisong binabayad ko tuwing ako ay pumapasok ay marami na akong madadaanan na madalas pinupuntahan ng mga tao. Sulit ang binabayad kong pera dahil hindi ka maiinip sa dyip dahil sa mga tanawin na matutunghayan mo. Dito umaabot ang kinse pesos ko.
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 42: “Ang Unang Pakikipagsapalaran” ni Bermylle
Tumblr media
            Ang pagpunta sa ibang bansa ay isang paglalakbay na kay tagal kong ninais. Hong Kong ang kauna-unahang bansang aking nilakbayan. Hunyo ng 2016 kami umalis at kasama ko ang aking pamilya. Hindi ko aakalaing iba ang Hong Kong na nasa mga karaniwang artikulo na makikita mo sa internet. Kailangan mo talaga pumunta upang masilayan kung gaano kaganda at kakumplikado ang ekonomiya at lalo na ang kultura nito.
           Hindi ako laging sumasakay ng eroplano, halos buong bakasyon ako’y nakatambay lamang sa bahay namin. Ako’y lalabas lamang kapag ako ay mag-eensayo sa UST kasi ako’y atleta ng Taekwondo. Cebu Pacific Air ang aming sinakyan na eroplano. Tanghali kami dumating sa Hong Kong at kitang-kita ko agad sa himpapawid ang malalaking gusali na may modernong disenyo. Hindi nagkakalayo sa ating bansa ang itsura ng mga gusali na mayroon sa Hong Kong. Halos magkamukha nga ang dalawang bansa at pareho lamang ang oras.
           Sa Lan Tau airport kami bumaba ng eroplano. Napansin ko agad ang pagkakaiba ng bansang Hong Kong sa bansa natin, ito’y ang paggamit ng sariling wika. Bungad palang ng airport ay may mga salitang Instik agad na nakapaskil. Hindi ko alam kung Mandarin o Cantonese ang nababasa kong lenggwahe kaya habang kami ay naglakad, kami’y naligaw. Napakalaki ng airport, nagtaka ako bakit may istasyon ng tren sa loob ng airport. Kailangan mo palang sumakay ng tren upang makalabas ng airport. Pagdating namin sa labas, kami ay sinundo ng aming tour guide. Wala akong alam kung sino at paano nakakuha ang mommy ko ng tour guide. Nang makarating kami sa Silka Hotel, kami’y naghanap ng makakainan. Kakaiba parin talaga ang Pilipinas pagdating sa mga kainan. Sa Hong Kong, hindi sagana ang mga kainan. Siguro marami rin naman, ngunit hindi na kami nakapaglibot pa dahil hindi naman alam ang lugar. Sa Pilipinas, napakaraming fast food, bawat kanto sandamakmak na kainan ang matatagpuan mo. Sa Hong Kong, talagang may tiyak na lugar kung saan ang mga kainan ay sama-sama.
           Nakakatuwang isipin na ang mga tuntunin na bago pa lamang na nilabas ditto sa Pilipinas tulad ng Escalator Etiquette ay matagal nang ginagawa sa Hong Kong. Sa escalator, humanda kang masigawan ng mga nagmamadaling Instik dahil nakaharang ka sa kaliwang banda ng escalator. Ang kaliwang gilid ng escalator ay para sa mga maglalakad at ang kanan naman ay para sa mga tatayo. Napansin namin  ito nang kami ay pumunta sa subway. Halos lahat ng mga tao ay nagmamadali upang makahabol lamang sa tren. Napakabilis rin ng takbo ng escalator, kung hindi mo ito bibigyan pansin, panigurado ika’y matitisod. Mga dalawang buwan matapos kami magpunta sa Hong Kong, sinimulan na ng SM na maglagay ng karatula tungkol sa proper etiquette sa escalator.
           Nilibot namin ang Mong Kok at Kow Loon. Sumakay kami sa subway. Napansin ko ang mas kalidad na pampublikong transportasyon sa Hong Kong kumpara sa ating bansa. Sapat ang ispasiyo ng tren upang magkasya ang napakaraming sumasakay. Mabilis ang takbo ng tren at masasabi kong mas episyente ito kung ikukumpara sa ating LRT o MRT. Ang Pilipinas ay hindi parin nahuhuli kahit mas moderno ang Hong Kong.
           Ang oras sa mga Intsik ay mahalaga. Hindi dapat ito sinasayang, ayaw ng mga Intsik ang nahuhuli sa oras, ito ang payo sa amin ng tour guide. Halos mapudpod na ang mga paa ko sa kakalakad namin sa Tsim Sha Tsui. Pumunta kami sa palengke at namili ng mga damit at gamit. Walang pinagkaiba ang pamilihan sa Hong Kong sa Divisoria ng Pilipinas. Natutunan ko na bawal hawakan ang hindi mo balak bilhin na kagamitan sa pamilihan. Sinasabi nila na ang kalidad ng gamit na nahawakan ay hindi na tulad ng dati.
           Sinabi ng aming tour guide na ang ekonomiya ng Hong Kong ay bumaba. Ang mga foreign owned businesses ay nag-alisan dahil sa komplikadong isyu na hindi na niya sinabi pa. Pumunta kami sa Hong Kong Disneyland. Sinasabi nila na ang Disneyland ay “happiest place on earth.” Para sa akin, ito ay isang lugar na kung saan ang mga bata ay sasaya, samantalang ang binata na tulad ko, hindi na masyado matutuwa kasi puro Mickey Mouse at laruan lang ang makikita. Napakamahal ng mga pagkain at mga gamit sa Disneyland. Isang plato na may kanin at ulam na kinain ko ay naghahalagang 500 pesos. Kahit na sabihin kong Vietnamese food ang kinain ko, hindi parin ito makatuturan para sa presyo nito. Isang bote ng tubig ay naghahalagang 75 pesos kung papalitan ng peso ang Hong Kong dollar. Hindi maganda ang takbo ng ekonomiya kaya sobrang mahal ng gastusin doon.
           Kung bibili ka ng mamahaling gadget at nasa Hong Kong ka na rin, bumili ka na kasi walang buwis na kasama ang presyo. Pero kung mga damit at pagkain lang, hindi wais ang gumastos ng malaki. Nawala na ang mga Mcdonald’s sa Disneyland, pero dati mayroon. Ngayon, puro native food o restawran na lamang ang natitira. Hindi ko hilig ang maglibot at maglakbay pero nakakagiliw ang pumunta sa ibang bansa at makakita ng kakaibang kultura. Dito natin mapapahalaga ang sariling atin kasi maikukumpara natin ang ating nakagisnan. Nagkaroon nga ng oras na gusto ko ng umuwi agad dahil hindi ako sanay sa Hong Kong.
           Lawakan natin ang ating paningin dahil hindi natin malalaman kung ano ang halaga ng sariling atin kung hindi tayo lilingon sa iba.
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 43: "Projector” ni Louie
Tumblr media
Karamihan sa aking mga naging kaklase ay kilala ako na palaging nang-iinis, nanggugulo at nambibwisit. Marahil ang dahilan nito ay ang buwan ng kaarawan ko na Enero at Capricorn bilang aking zodiac sign. Nababasa ko sa facebook, sa text, at sa kung anu-ano pang uri ng social media ang ganitong uri ng impormasyon na kung saan ay binibigyan ng relasyon ang mga bagay bagay na wala namang koneksyon sa isa't-isa. Siguro hindi lang nila alam kung paano namumuhay ang isang only child sa single-parent family. Huling araw na ng bakasyon, nagsisilabasan na ang aking notification mula sa Messenger ng aking Facebook account. Nagpaplano kung sino ang magiging katabi. Kung saan uupo. Kung maaga ba papasok. Biglang lumitaw ang pangalang Mark Asilo sa hanay ng mga taong nakausap ko sa Messenger. Itinatanong niya kung maaari bang magsabay kami sa pagpasok at maging magkatabi. Pumayag naman ako ng walang pagdadalawang-isip kahit hindi ako masyadong malapit sa kanya. Kinabukasan nagkita kami sa lobby ng BGPOP building at sumakay ng elevator patungo sa aming silid-aralan. Pagpasok namin sa aming klasrum, nagpakilala sa akin ang amoy ng bagong pintura, mala-bahaghari na kulay na mga lamesa, mga kompyuter, pisara na kasing haba ng isang kotse at ang projector na nakasabit sa itaas. Ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang bagong yugto ng aking buhay. Gusto ko mang magkolehiyo na, wala akong magagawa kung hindi ay sumunod sa kurikulum ng DepEd na may dalawang taon para sa Senior High School. Marami nang tao sa loob ng klasrum. May nag-uusap, may tahimik, at maraming nagdadaldalan. Bawat isa ay may kanya-kanyang gawain. May nagtatawanan at may nagaasaran. May mga nakapolo shirt, naka T-shirt, naka Maong pants, naka Jogger pants at makukulay na bag.
Umupo kami ni Mark sa may likod dahil nakita niya na naroon si Ralph katabi ang kanyang kaibigan na hindi ko kilala. Nagtabi kami ni Mark. Nasa kaliwa ko siya at nasa kanan ko naman si Ralph. Dumating na rin ang iba kong mga kaklase katulad ni Elaisha at may kasama siyang babae. Tumungo sila sa likod kung saan kami nakaupo nila Mark at Ralph. Nang biglang may pumasok na lalaki sa loob ng klasrum. Nang makita ko ang lalaki, ang kanyang mukha ay may bahid ng istriktong mga mata, dating na mataray at posturang matindig; ang sabi ko sa sarili ko ay “ito na”. Nilapag niya ang kanyang mga gamit sa lamesa, pinabukas ang projector dahil mukhang may ilalatag siyang mahahalagang impormasyon. Ipinakilala niya ang kanyang sarili pati na rin ang mga bagay na natamo niya sa kanyang buhay. Pati na rin ang mga bagay na inaasahan sa klase katulad ng pagiging disiplinado at responsable sa lahat ng oras. Natapos ang ilang oras at hindi ko namalayan uwian na pala. Kailangan kong magmadali sapagkat marami pang gagawin sa bahay. Noong araw na iyon, hindi ko akalain na magiging magkakaibigan kaming anim: Mark, Elaisha, Ralph, Cheska, Marianne at ako. Magkakaiba man nang katangian, walang pumigil sa amin upang maging magkaibigan. Bumaba kami ng sabay-sabay gamit ang elevator at nagpaalam sa labas ng gusali. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na napansin ang pagkumusta ni inay pati na ang bati ng aking tita. Diretso ako sa itaas upang magbihis, magpahinga, bumaba, kumain, umakyat at matulog. Paggising ko alam ko na may panibagong hinaharap na naghihintay sa akin ngunit parang sinasabi ng aking sarili na simula na naman ito ng paghihirap at pasakit. Mabuti na lamang ay tanghali pa ang oras ng aking klase. Pumasok ako sa eskwela na may kasamang usok na tinutusok ang aking ilong at lalamunan, busina ng mga jeep at sikat ng araw. Parehas na gawain. Sasakay ng elevator. May mga kasamang estudyante na hindi kilala. Makintab na sahig dahil bagong linis. Lahat ng ito ay nawala nang pumasok ako sa aming klasrum. Maingay pa rin at magulo katulad ng dati. Pumasok muli ang guro na may kakaibang postura. Binuksan ang kanyang laptop at ang projector na nakalambitin sa kisame ng aming klasrum. Ikinonekta ang kompyuter sa projector gamit ang isang kable. Marahil ito na ang simula. May lumitaw na litrato sa pisara na nasa aming harapan. Akala ko kung ano, iyon pala ay mga litratong dapat naming unawain at bigyan ng kahulugan sapagkat ito ay parte ng aming pag-aaralan. Matapos ang ilang minuto, tumayo ang guro at nagtawag ng ilan sa aming klase upang ipahayag ang kanyang saloobin. Pagkatapos ay nagkaroon ng ordinaryong talakayan sa isang buong oras. Sumunod naman ang asignaturang literatura. Hindi ko alam kung bakit ito ay kasama sa mga itinuturo sa amin. Ang pagkakaalam ko STEM ang pinasok at pinili kong strand ngunit bakit ang mga asignaturang nakahanay para sa amin ay hindi relatibo sa aming strand. Ordinaryong talakayan na naman ang bumalot sa isa't-kalahating oras na tumutukoy sa iba't-ibang uri ng panitikan mula sa iba't-ibang panig ng mundo. Ganito ang karaniwang nangyayari sa loob ng dalawang araw. Magpapakilala ang aming mga guro, ibabahagi ang kanilang mga nakamit sa kanilang buhay, at magsisimula na sa talakayan sa klase. Isang pikit mo lamang, hindi mo na mamalayang patapos na pala ulit ang araw. Ngunit palagay ko iba ang araw na ito. Ang nakahanay na asignatura para sa araw na ito ay Pilosopiya at CPAR na tumutukoy sa sining. Sabay-sabay kaming pumasok ng aking mga kaibigan na si Mark, Ralph, Elaisha, Cheska at Marianne. Ang iba ko namang mga kaklase ay tila mga sundalong galing sa isang gera: pawis na pawis at pagod na pagod. Marahil sila ay umakyat gamit ang hagdan at nawalan na ng oras para maghintay at pumila sa elevator. Dumating na ang aming guro para sa Pilosopiya. Isang lalaking maayos manamit, maayos ang postura at masungit ang dating. Pero kapag nagsimula siyang magsalita sa entablado, lahat kami ay nakikinig nang maiigi. Pinabuksan niya ang projector habang inaayos niya ang kanyang kompyuter na kulay itim at malapad. Sinimulan ang klase sa isang panalangin. Sa pagkabit ng kanyang kompyuter sa projector parang hirap na hirap siya at hindi niya alam kung paano ayusin ito. (Para sa amin ay normal lang ang pangyayaring ito dahil nangyayari din ito sa iba naming mga guro.) Tinawag niya ang aming pangulo na si Adson Bermejo ngunit hindi rin yata alam ng aming pangulo kung paano ito ayusin. Nagtanong naman siya kung sino sa klase ang marunong magkabit ng kompyuter sa projector. Tinawag ni Schneider si Jell Mendoza upang tulungan ang aming guro. Tumayo naman kaagad si Jell na walang pagdadalawang-isip at tinulungan ang aming guro sa pagkonekta. Napakakomplikado na kasi ang paraan ng pagkakabit ngayon dahil wireless na. Hindi mo na kailangang ikonekta ang kompyuter at projector gamit ang isang kable dahil maikakabit mo na ito sa pamamagitan ng Wi-Fi ng projector at kompyuter, at kapag nagtuma ang dalawang ito, BOOM! Magkakabit na ang iyong kompyuter at ang projector sa klase. Ang teknolohiya nga naman talaga. Pinabibilis nga ang trabaho ng tao kaya't umaasa na lamang dito ang mga tao. Minsan pa nga ay hindi talaga makakonekta ang aming mga guro sa pamamaraang ito kaya’t nagiging dahilan ito kung bakit nahuhuli kami sa mga talakayan. Matapos maikonekta ang mga ito ay nagsimula na ang talakayan. Ang mga bagay na tinalakay ay may kaugnayan sa mga relihiyon sa mundo. Mga relihiyong may iba't-ibang pinaniniwalaang diyos at ritwal. Masayang pag-aralan ang ganitong uri ng mga talakayan ngunit hindi maiiwasan ang may natutulog, nagkokompyuter, at naglalaro sa cellphone at nagkukwentuhan lalung-lalo na sa may likuran. Hindi maiiwasan ang ganitong bagay sapagkat ang aming silid-aralan ay isang SMART CLASSROOM, na kung saan ang aming mga lamesa ay dikit-dikit at bawat isa ay may sariling kompyuter. Minsan ay naging ganito na rin ako, hindi nakikinig sa klase at nagkokompyuter na lamang. Bigla akong kinausap ni Mark at tinanong kung alam o nanonood daw ba ako ng K-Drama. Ang sabi ko hindi at wala akong masyadong alam sa ganitong mga bagay. Sa patapos kong salita, bigla niyang sinabi ang Descendants of the Sun, nabigla naman ako at tinanong kung ano iyon. K-Drama daw iyon na sobrang ganda ng kuwento at ng mga gumanap na artista. Nagulat ulit ako bigla ng biglang sumulpot si Ralph sa aming usapan. Sumang-ayon siya na maganda talaga ang K-Dramang sinabi ni Mark. Tinanong ko si Mark kung saan ko maaring panoorin iyon at sinabi niya na imemessage niya daw ako mamaya pag-uwi niya sa bahay. Tila may bago na naman akong pagkakaabalahan. Matapos ang isa't-kalahating oras ng pakikinig, pagdadaldalan at pagtulog ng aking mga kaklase, isinara na ng aming guro ang kanyang kompyuter at pinatay ang projector. Nagpahayag siya ng paalam at lumabas ng aming silid-aralan. Sumama loob ko dahil hindi pa pala recess. May isa pa kaming guro na kailangang makilala. Ang guro namin sa CPAR. Habang naghihintay sa aming guro, wala kaming ibang ginawa kundi ang magkwentuhan, maglaro sa kanya-kanyang IPAD, making sa mga tugtog gamit ang earphones, at iba’t-ibang bagay na maaari naming gawin. Biglang kumalampog ang pinto ng aming klasrum. Dumating na pala ang aming guro para sa asignaturang CPAR. Isang lalaking masasabi mong baguhan sapagkat parang madami siyang tanong sa aming pangulo pagdating na pagdating sa aming klase. Tinanong niya kami kung nakabukas na ang projector dahil ikokonekta na raw niya ang kaniyang kompyuter na masasabi mong matagal na ang model o sa madaling salita, luma na. Ilang segundo siyang tinulungan ng aming “technical specialist” na si Jell Mendoza sa pagkonekta. Pagkatapos ay may lumitaw na iginuhit na pari bilang wallpaper ng isang kompyuter, nagulat si ang aming guro sa CPAR dahil hindi naman daw ang kompyuter niya ang nakakonekta sa projector. Bigla namang kinatok ng aming guro kanina sa Pilosopiya ang pinto at humingi ng paumanhin dahil ang nakakonekta pala sa aming projector ay ang kompyuter niya (aming guro sa Pilosopiya). Sinabi naman ng aming guro sa CPAR na “okay lang po sir.” Pagkatapos ng kaguluhan at ‘technical difficulty’ na ito, nagsimula na siyang magpakilala at magpahayag ng panimula ukol sa daloy ng aming talakayan para sa semestre katulad na lamang ng ibang naunang mga guro.
Nang matapos ang mayamot na isa’t-kalahating oras, nagpaalam ang guro namin at umalis na. Recess na at dali-dali akong lumabas ng klasrum upang umihi at bumili ng pagkain. Nagpasalamat ako dahil Sabado noong araw na iyon at kinabukasan ay walang pasok. Nagpapasalamat din ako na sa mga natitirang oras sa araw na iyon, wala nang klase. Consultation time na lamang para sa dalawang asignatura kaninang tanghali.
Minsan ay pinapangarap ko na lamang na sana’y naging mayaman na lang ako o napakatalinong tao para alam ko kung paano gawin lahat at hindi ko na kailangang harapin ang mga bagay na ito. Na sana ay dinamiko akong tao na kayang angkinin ang lahat ng bagay, intindihin at maki-angkop sa ibang tao. Ngunit hindi ganoon ang buhay. Marahil na sa bawat kompyuter na nailalapag sa mesa sa bawat oras, marami akong natutunan. Sa bawat kompyuter na naikokonekta sa aming projector, marami akong nalalaman. At sa bawat projector na tinatanggal sa pagkakakabit sa kompyuter, marami akong naisasabuhay. Sapagkat sa bawat araw ay may bagong talakayan, kwentuhan, at usapan.
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 40: “Wirdo o Hinde: Pagkakaiba – iba ng mga Estudyante” ni Dave
Tumblr media
Pogi at maganda, at mayroon ding tinatawag na “wirdo”. Sino – sino nga ba ang mga tinatawag na wirdo? Sila ba yung mga taong parating mag – isa o baka naman yung mga taong kakaiba manamit? Paano ba nababansagang wirdo ang isang estudyante? Marami na akong nakasama at naging kaklase na tinawag naming wirdo ng aking mga kaibigan. Inaamin ko, sa STEM – 20 mayroong mga wirdo sa aming mga paningin. Sila yung mga kaklase naming hindi namin kaugali at kasundo. Ngunit tama bang tawagin namin silang mga wirdo? Kahusga – husga ba talaga na magpakatotoo ang isang tao sa kanyan sarili at ipahayag ang kanyang damdamin sa paraang alam niya?
Naaalala ko pa noong grade 9 na ako, mayroon kaming kaklase na napakawirdo at hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya ganoon. Halos buong klase nami, lalung – lalo na ang mga kalalakiham, ay pinatitripan siya. Dumating na nga sa punto na pinuntahan na kami ng guidance counselor sa classroom namin para tanungin kung ano ang nangyayari. Di ko rin masisisi aang mga kaklase ko dahil paminsan ay nananakit siya, kaya rin siya pinapatulan, pero aaminin ko na mali talaga ang manakit o mang – asar ng kapwa lalo na kapag alam mong nasasaktan na ang damdamin niya.
Totoong sa klase namin ay hindi lahat magkakapareho. Iba – iba ang takbo ng aming mga utak. Isang halimbawa na dito ang isa naming kaklase na parang wala masyadong kaibigan sa loob ng aming “classroom”. Halos lahat kami ay hindi namin maintindihan ang kanyang ugali, ngunit kapag nanghingi ka sa kanya ng tulong tungkol sa isang partikular na bagay sa klase na hindi mo naiintindihan ay tutulong naman siya. Minsan nga lang ay hindi maganda ang paglapit o kaya minsan ay bigla nalang siyang magsasalita kahit hindi siya kausap kaya naman minsan di ko nagugustuhan ang ugali niya. Madalas siyang mag – isa sa klase at hindi siya masyado lumalapit sa amin para makisalumuha. Matalino siya pero isa siya sa mga kaklase na tinatawag naming wirdo dahil sa kanyang kakaibang pag – uugali. At dahil nga sa pag – uugali niyang ganoon ay nagkakaroon siya ng mga kaaway, lalo na kung ang pinag – uusapan ay tungkol sa grades. Noong unang semestre ay nakaaway niya ang kanyang mga kagrupo sa Research dahil ang gusto niya ay yung ideya lang niya ang masusunod, na sa paningin ko ay mali . Mabuti nalang ay medyo nagbbago na siya ngayong semestre at hindi na siya masyado kumokontra. Ngunit di pa rin naaalis sa kanya ang bansag na wirdo. Meron din namang mga wirdo na nakakasundo namin. Sila ay mababait din naman ngunit di namin sila kasundo dahil para sa amin ay masyadong silang mababait. Sila yung mga tipo ng tao na hindi marunong mang – asar, at hindi marunong sumuway sa mga patakaran. At dahil nga tinatawag silang wirdo, ay nakakaranas sila ng “pambubully”.
Puro asaran ang kadalasang naririnig ko sa klase namin ngayon. Siguro ay nakabubuti rin iyon dahil minsan nagiging malapit ang dalawang tao sa pamamagitan ng pag - asasaran, ngunit kapag nasaobrahan ay maaaring magkaroon ng alitan. Sabi nga nila, lahat ng bagay kapag nasobrahan ay nakakasama. Kaya dapat marunong tayong makiramdam para di natin maisagad ang pasesnya ng mga tao sa paligid natin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ang tingin namin sa kanila ay wirdo sapagkat sobrang babait naman nila. Siguro ay dahil sa tulad nung una kong nabanggit, ay hindi namin sila kaugali. Maaaring ang tingin nila sa amin ay mga pasaway, sira ulo, at loko – loko. Pero “okay” lang naman sa amin yun dahil iyon naman ang totoo.
May posibilidad kaya na sa paningin ng mga kaklase namin ay kami naman ang wirdo? Kung pagbabasehan ang dahilan kung bakit namin sila binansagang wirdo ay may posibilidad nga na kakaiba kami sa paningin nila. Para sa kanila ay kami ang naiiba, di namin sila kaugali kaya marahil ay nagtataka sila kung bakit namin ginagawa ang isang bagay, kung bakit kami nagiingay, at kung bakit kami gumagawa ng kalokohan. Siguro ay masakit din sa pakiramdam na tawagin kang wirdo dahil sa kaloob – looban mo at sa tingin mo ay hindi naman iyon totoo sapagkat nagpapakatotoo ka lang.
Siguro ay dapat na nating tanggalin at iwasan ang pagtukoy sa isang kaklase na wirdo dahil lahat ng tao magkakaiba. Sadyang may mga grupo lang talaga ng tao na magkakasundo. Kailangan nating intindihin ang bawat isa dahil ang totoo ay wala naman talagang taong wirdo, ito ay nakadepende lamang kung paano ipinapahayag ng isang estudyante ang kanyang sarili. Kaya nagkakaroon ng mga grupo - grupo sa isang klase ay dahil sa pagkakaiba – iba ng ating mga ugali at mga kagustuhan. Iwasan na nating punan ang pagkakaiba – iba nating magkakaklaae nang sa ganoon ay maunawaan natin ang isa’t – isa at para hindi na nagkakaroon ng mga grupo saa loob ng “classroom”.
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 32: “Mula Noon, Hanggang Ngayon?” ni Jell
Tumblr media
Sino nga naman ba ang mag-aakala na ganoon kalaki ang magiging pagbabago sa saglit na paglipas ng oras? Maaring habang nag lalakad ka'y masaya ka pa, at sa isang lingon mo lang, namamaalam ka na sa mundo na kung saan ka komportable. O di' kaya'y kung kahapon ay parang hawak mo ang lahat ng oras sa mundo at bigla nalang mawawala ang pag-aari mo sa isang iglap. Ilan lang ito sa mga naramdaman ko nung matatapos na ang unang semestre at nag lilibang ang naglalakwatsa nung bakasyon, habang nag hahandang pumasok ulit. Ang tanging balita lang na narinig ko sa pag pasok sa pangalawang semestre ay magbabago ang oras ng pasok. Maraming mag aakala at mag sasabi na halos lahat ng estudyante ay pabor dito ngunit isa ako sa mga hindi sumasang ayon sa pagbabagong ito. Sabagay, sino nga naman ba ang hindi magiging pabor sa tatlong araw na klase bawat linggo, isama mo na ang PE na nag dadagdag ng isa pa'ng araw. Talagang magkakaroon ka ng maraming oras upang mag liwaliw, mag lakwatsa, at gumawa ng kung ano-ano dahil maraming araw ang iyong bakasyon. Pero para sa'kin, mas pipiliin ko parin ang pumasok ng kalahating araw at may anim na araw na pag pasok. Simple lang naman ang dahilan ko sa usaping yan kasi para sa akin, mas natututukan ko ang aking mga ginagawa at mas lalo ako g nagkakaroon ng oras gumawa at pagandahin ang aking mga PeTa. Noong unang semestre kasi, makikita mo lang ang iyong guro ng dalawa o higit pa'ng oras kada dalawang araw; dahil dito, sa susunod na linggo na ang "deadline" na kanilang binibigay kaya kahit araw araw may pasok, kung may disiplina ka, matatapos at matatapos mo ang PeTa mo at maari mo pa itong mapaganda ng sobra. Noong unang semestre, nakita ko talaga sa sarili ko na mas gumagalaw ako at mas nagbibigay ng atensyon sa aking pag aaral. Maaring pagod ako araw-araw, ngunit meron akong oras sa umaga upang patagalin ang aking tulog at makapagpahinga ng husto dahil ala'una pa ang aking klase ng araw na yon at isa rin yan sa mga dahilan ko kung bakit mas gusto ko ang unang semestre. Mistulang isang panaginip ang bawat araw ko noon dahil laging mahimbing ang aking tulog at ang mukha ko'y maaliwalas tuwing papasok. Kapag matutulog na ako sa gabi (o kahit madaling araw pa), parang nagsama sama ang mga anghel sa akong kama at isa-isa nila akong hinehele hanggang sa ako'y makatulog ng mahimbing. Pag gising ko naman kinabukasan ay parang makikita ko agad ang mataas na sikat ng araw ngunit kahit anong titig ko dito ay hindi ako nasisinag, habang ako'y lumulutang sa kama ng ulap at nahihimasmasan ng preskong hangin. Ngayon kasi, para na kaming kinulong sa pagitan ng mga rehas na pumipigil sa amin sa pag lapit namin sa aming mga minamahal na kama at ipinupulupot sa mga lubid na pinipigilan ang aming mga mata para pumikit. At kung nagtataka ka kung ano ang pinaghuhugutan ko? Ito ay ang pag simula ng klase sa alas syete ng umaga. Sa sumunod na semestre, ginanahan talaga akong pumasok dahil sa naging resulta ng aking mga grado sa unang semester. Naging positibo ako nung bakasyon at mas lalo na nung nakita ko ang mga ngiti sa mukha nglolo at lola ko kaya’t naisip ko pa na subukang maging iskolar para narin makatulong sa aking ama sa pagpapaaral sa akin. Sa unang lingo ng pangalawang semestre ay talagang ganadong ganado pa ako sa lahat ng klase na mayroon ako at aktibo at masipag ako mag sulat ng aralin sa mga kwaderno. Pero ramdam ko ang pagkakaiba ng mga asignatura sa unang semestre at mas nasisiyahan ako talaga ako noon. Noon kasi, talagang marami lang pinapagawa at ipinapapasa sa aming mga estudyante ngunit sa ganung paraan ako natuto maging responsable at gamitin sa mabuting rason at produktibong paraan ang lahat ng oras na libre ako para gumawa ng mga kailangan ipasa dahil sa bawat araw na lilipas ay nagkakaroon ng panibagong gawain. Samantalang ngayon, kung kalian na mas marami akong panahon na gumawa, ay parang mas lalo ako naging tamad dahil kampanteng kampante ako na makagagawa ako agad sa huling araw ng linggo. Dumating narin ako sa punto na hindi na ako nakikinig sa aking mga guro at madalas akong nakakatulog sa mga diskusyon lalo na para sa oras pagtapos ng tanghalian. Nagiging pabaya ako sa aking pagaaral at bawat araw ay sinasabi ko sa sarili ko na kinabukasan ay makikinig na ako at magsusulat muli. Pero pagpatak ng susunod na araw, tatamarin ako ulit dahil maiisip ko na hindi ko na masyadong maiintindihan dahil hindi ako nakinig sa unang araw na sinimulan ang leksyon. Mabalis umandar ang oras at hindi ko namamalayan na malapit na ang “Preliminary Eaxms” na talagang bangang na bangag ako. Dito ko na pinagsisihan lahat ng kalokohan na tinanim ko sa buhay ko na talagang nagbunga ng katangahan sa parte ko. Noong bago pa man mag simula ang mga eksamen ay sinusubukan ko mag-aral at magrebyu ngunit wala talaga akong naiintindihan at wala akong naaalala na narinig ko mula sa mga diskusyon. Hanggang sa pag sapit ng mga araw na kinatatakutan ko, wala pa ring pumapasok sa utak ko para makasagot ako sa lahat ng eksam. Nung lumabas na ang mga resulta, panibagong kalbaryo nanaman iyon para sa akin dahil alam ko sa sarili ko na ayaw ko makatanggap ng mga mabababang grado ngunit ako narin mismo ang naging hadlang sa mga nais ko mangyari. Sa medaling sabi, ang unang sangkapat ng pangalawang semestre ay naging isang malaking leksyon para sa akin na siguro’y matagal ko’ng babaunin sa akin pag tanda. At gaya ng inaasahan, naging mababa nga ang mga resulta ng mga skor ko at isa lang naman ang dapat sisihin dito kung hindi ako. Ganunpaman, bilang estudyante na may sariling paninidigan at desisyon na pumasok sa UST, ako rin na mismo ang dapat na sumabay sa pagbabago para ipakita ang aking dedikasyon. Sa huli, kahit pag bali-baliktarin mo ang mga pangyayari, iisa lang naman ang puno't dulo ng lahat. Maraming nangyaring hindi ko inaasahan ngayong patapos na ang taon pero syempre, hindi ko inaalis sa utak ko na ako rin naman ang naging iresponsable sa mga ginawa ko at ako lang din ang dapat sisihin para sa mga desisyon na ginawa ko. Pag natapos narin naman na ag taong ito ay mababaon na sa limot ang ibang mga memorya at para sa mga bagay na itatatgo ko, doon nalang ako kukuha ng mga turo na pwede ko'ng magamit mula noon at kailanman.
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 15: “Kuha Lang“ ni Francesca Dela Rosa
Tumblr media
Kung naisip mong gawin, kaya mo, kasi hindi mo iyon maiisip kung hindi mo iyon kaya. Isa sa mga bagay na napagtantunan ko ngayong grade 11 ay kung may magpapakita na oportunidad, kuha lang. Ang mga oportunindad na dumadaan sa harap natin ay may dalawang klaseng bunga depende kung kukunin mo ito o babaliwalin: kung kukunin mo ito, tuturuan ka nito, maganda man o hindi ang kinalabasan ng kinuha mong oportunidad. Pero kung babaliwalain mo ang oportunidad, simple lang ang kakalabasan: “sana”. Magsasalaysay ako ng aking mga kinuhang oportunidad na habang buhay na tatatak sakin: Takot ako sa entablado dahil ayokong nasa harap ng maraming tao. Pero ngayong grade 11, naranasan kong mag presenta sa harap ng klase na kinakabhan pero nakakapagsalita pa rin ng maayos – dati kasi na mimindblock ako not once but twice tuwing nagtatanghal. Nakakalimutan ko ang dapat kong sabihin at makikita ko ang mga mukha ng mga nakikinig sakin at dumodoble ang aking kaba. Ngayon, tuwing nagpepresenta kami at kailangan pumili sa grupo ng magsasalita sa harap, hinaharap ko ang aking kaba at nag vovolunteer ako na magsalita. Unang beses kong mag defense ngayong grade 11 at kasabay rin nito ang unang beses kong pag-away sa guro ko. Sa paningin ko hindi ko naman inaway si ma’am pero sa paningin ng mga kaklase ko, oo raw. Nag defense kami kay Ginang Pesigan tungkol sa wikang ginagamit sa mga pageant. Siguradong sigurado na kami ng grupo namin na pasado ang paksa namin, kaso hindi sang-ayon si Ginang Pesigan. Lahat ng tinanong ni ma’am sinagot namin pero nung nag follow-up question kami kay ma’am, iba raw ang dating sabi ng mga kaklase namin. Humingi kami ng tawad kay ma’am at sinabi naman niya na nag-enjoy siya habang nagkasagutan kami. Dito ko nalaman ang kakayahan ko sa pagsagot sa tanong ng guro (na palaban). Ngayon ko lang rin naranasan na kumanta sa harap ng maraming pangkat ng STEM dahil sa pag-imbita sakin ni Adson dahil hindi na tumuloy ang isa nilang singer at isa ako sa mga pinakamalapit na pagpipilian. Sobrang kabado ako dahil hindi ako sanay na kumanta sa harap ng maraming tao at lalo na kung naka-mikropono ako. Nag karoon ako ng maraming oras para paghandaan ang aking pagkanta at muntik pa akong hindi tumuloy pero sa huli ay kinuha ko ang oportunidad at ginawa ang aking makakaya. Ang kinanta ko ay ang “La Vie En Rose” ni Edith Piaf dahil ito ang kanta na pinaka-komportable kong kantahin. Hindi ko magagawa nang maayos ang pagkanta ko noon kung hindi dahil sa kaibigan kong si Marley dahil pinaalala niya sa akin na kaya kong gawin ang bagay na kinakatakutan ko. Sa edad natin ngayon (16-18 * edad ng mga estudyante sa Stem 20) pinapakilala tayo ng universe sa ating sarili. Sa pagkaintindi ko, ngayon ang oras  na nagsisimula ang pagkakilala natin sa ating sarili. Nalalaman natin na ayaw natin sa ganito, gusto natin ito, baduy ito, corny ito, magaling tayo doon, kaya natin ito at sobrang rami pang iba. Hindi ito palaging kusang nangyayari. Upang mas makilala natin ang sarili natin, dapat tayo ang kumilos. Dapat kunin natin ang mga oportunidad tuwing magpapakita ito sa harap natin, kahit may takot tayo. Ang mga oportunidad ang mga humuhubog sa atin. Ngayong grade 11, sa Stem 20, Senior High School sa loob ng University of Santo Tomas, marami nang oportunidad ang dumaan na kinuha at binaliwala at sa grade 12 at mga susunod na pagkakataon, marami pang oportunidad na dadating.
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 5: "Kota na q” ni Ralph
Tumblr media
Ni minsan 'di ko naisip na tanungin ang sarili ko na "Tama ba 'tong pinasok ko?" Ngunit sa ikalimang taon ko rito sa Pontipikal at Royal na Pamantasan ng Santo Tomas, saka ko lamang naitanong sa sarili ko ang tanong na iyan. ‘Di ko akalaing aabot pala ako rito sa puntong ito.
 ‘Di biro ang makapasok sa prestihiyosong pamantasan na ito. Sa dinami ba namang kumuha ng entrance exam ‘di ko aakalaing makakapasa ako limang taon na ang nakakalipas. Siyempre ako namang si mababaw ang kaligayahan, tuwang tuwa at nakapasa sa UST. Sobrang sabik pa ako pumasok dahil unang beses kong mararanasan na magkaroon ng kaklase na babae. Pagsapit ng unang araw sa junior high school, napakalaking "period of adjustment" ang aking ginawa. Dito ko naranasan ang "culture shock" dahil sa mga kulturang tatak Tomasino. Ngunit madali akong nakasabay sa mga pagbabagong ito dahil rin sa mga kaibigang nakilala ko. Sabi nga nila, kaibigan ang maaari mong ituring na ikalawang pamilya.
Pagkagradweyt ko sa junior high, dito na nagbago ang ihip ng hangin. Ramdam ko na kampante ako sa sumunod na kabanata ng buhay ko dahil bilang isang alumna ng USTJHS, petiks na lahat sa SHS. Kaso mukhang kinain ko lang ang sinabi ko. Hanggang salita na lang pala lahat 'yun. Sabihin nating tatlong araw lang ang pasok ko sa isang linggo, ay naku po, sandamakmak naman ang pagagawin sa iyo pagdating ng mga araw na wala kang pasok. PeTa rito, quiz doon, homework naman sa kabilang kanto. Aba ay makakabuo na ako ng isang compound sa rami ng pinagagawa. 'Di mo man lang magawa ang isa sa mga nabanggit ko, tandaan mo huwag ka nang magpapakita kinabukasan at panigurado, bubugbugin ka ng mga guro mong miyembro ng "Titas of Manila." Biro lang pero kapag natapos mo naman lahat, bumili ka na ng plane ticket papunta sa Korea at halikan mo na si oppa mong pinakamamahal o kaya naman si noona na inspirasyon mo sa pag-aaral.
 Bilang isang estudyante ng USTSHS, dalawa lang naman ang kailangan mong bitbitin bago ka makapasok dito. Inuulit ko, dalawa lang iyan kaso 'yang dalawang iyan ay napakahalaga lalo na sa isang Tomasinong baguhan pa lamang. Una rito ang pagkakaroon ng responsibilidad. Mawala na lahat ng mayroon ka 'wag lang ito. Napakalaki ng sakop ng responsibilidad. Papasok dito ang pagkakaroon ng oras sa lahat ng bagay, ika nga sa Ingles "time management." Sa sandamakmak na gagawin, kakailanganin mo talaga ng time management upang matapos mo lahat ng ito sa loob ng isang linggo, isang araw, o kaya naman ay isang oras. Siyempre responsibilidad mo rin bilang isang estudyante na unahin muna ang mga gawaing pang-eskuwelahan kaysa sa kung ano pang bagay na mayroon kang gagawin. Kung uunahin mo talaga ang mga walang kuwentang bagay kaysa sa pag-aaral, hindi ka talaga makakatapos sa mga gagawin mo at sa huli ay maghahabol ka upang mapasa lamang ito.
 Ang panghuli at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagkakaroon ng pananalig sa diyos. Sa Pamantasan ng Santo Tomas, ang Katolikong Pamantasan ng Pilipinas, 'di lamang sapat na ikaw ay matalino. Walang kuwenta ang utak mo kung wala kang puso na nakasentro sa Diyos. Sabi nga sa akin ng mga nakakatanda sakin, ‘di bale na ang makapangasawa ng bobo ngunit mabait, kaysa naman sa matalino’t guwapo ngunit wala namang modo dahil ang isang bobo, kayang maging matalino. Sabihin nating matalino ka nga, nasaan naman ang asal mo? Sayang ka naman pare koy. Kahit na valedictorian ka noong junior high, tapos na ang scholarship mo kapag wala ka nito.
 Kaya tandaan, mawala man ang isa sa dalawang nabanggit ko, paktay! Tignan natin kung sino ang makakatagal pa sa mga PeTa na sasakalin ang leeg mo, susuntukin ang mga braso mo, pipilipitin ang tiyan mo, at bibitinin kang patiwarik. Madali lang naman kung titignan pero sinasabi ko sayo, bago mo makuha ang "I do" ng responsibilidad at pananalig sa Diyos, mahaba-habang proseso pa ang pagdadaanan mo. Huwag kang mag-alala, kapag matagumpay kang nakuha ang matamis na oo nila, 'di mo mararanasan na sabihing "Ayoko na! Kota na q."
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 25: “Sa kabila ng paghihirap, ano ang mga bagay na nag-uudyok sa akin na pumasok?” ni Rim
Tumblr media
Sa paggising ko sa umaga, maraming katagang pumapasok sa aking isip tulad na lamang ng mga salitang nakakatamad, nakakapagod, sobrang hirap, sobrang daming ginagawa at ayoko na. Minsan napapaisip na lamang ako kung ano nga ba ang dahilan sa aking pag pasok sa silid ng 1108. Na sa gitna ng nakababahalang mga ginagawa, at kauratan sa klase, bakit ko parin pinipiling pumasok at ituloy na lamang? Ano nga ba ang mga bagay na nag-uudyok sa akin na pumasok at harapin ang mga pagsubok sa eskwelahan?
Sa bawat lumilipas na araw, naintindihan at napagtanto ko na ang mga kadahilanang iyon. At ito ay ang mga sumusunod.
Tumblr media
Unang dahilan ay may mga magulang akong handang bumangon ng alas kwatro ng umaga at magluluto ng pagkain upang hindi ako makaramdam ng pagkagutom sa klase. Araw-araw akong may sinusuot na plantsadong uniporme upang maging presentable sa harap ng mga tao. Binibigyan nila ako ng pera upang matustusan ang mga kailangan ko sa eskwelahan. At ang pinakaimportanteng bagay na nagbibigay inspirasyon sa aking pag-aaral na hindi masusuklian o mabibigay ng pera ay ang pagmamahal at suporta na inilalaan at binubuhos nila sa akin.
Tumblr media
Pangalawang dahilan ay may barkada akong kasama sa kulitan, iyakan, hirap, sakit, at saya. Sila ang nagbibigay kasiyahan at sigla sa loob ng klase. Sinusuportahan namin ang bawat isa sa mga pagsubok na aming hinaharap hindi lamang patungkol sa akademya pero sa personal na buhay din. “Susuka pero di susuko” ika nga ang kasabihan ng aming grupo sapagkat mahirap man ang dinaranas namin ay may iisang hangad kami at iyon ay ang makakuha ng diploma.
Tumblr media
At ang huling dahilan ay ang mga taong bumubuo ng STEM 20. Masasabi kong sobrang solido na ng aming seksyon sapagkat magkakasama at magkakakilala na kami sa USTJHS. Sa sobrang daming ginagawa at presyur na binigay ng mga guro namin noong kami ay nasa USTJHS pa, ay nasanay na kami sa presyur din na binibigay ng aming mga guro sa SHS. Marami mang iba’t ibang grupo ang nakapaloob sa aming seksyon, hindi parin nawawala ang pagkakaisa naming bilang isang STEM 20. Tinutulungan namin ang isa’t isa at hindi kami nag-iiwanan sa mga pagsubok na aming hinaharap bilang klase. May mga problema man kaming hinaharap minsan ay paniguradong hindi kami mapapagod mag hanap ng solusyon.
Sa ngayon, nahanap ko na ang mga dahilan na nagbibigay sigla sa aking pagpasok sa silid ng 1108. Nahanap ko na ang rason na kung bakit sa gitna ng hirap at pagod ay pinipili ko parin pumasok. At hindi ako mapapagod na magtuklas pa ng mga dahilan patungo sa pagiging matagumpay sa buhay.
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 46: “Noon at Ngayon: Isang Kwento ng Pagbabago” ni Zebediah
Tumblr media Tumblr media
Ngayong ako’y nasa dulo na ng aking unang taon bilang isang Senior high school student, madalas pumapasok sa aking isipan kung paano ko nakaya baguhin ang aking sarili mula sa isang kabaliktaran ng kung ano ako ngayon? Bakit ko naisipan baguhin ang lahat? Siguro, hindi ako yung Zebediah Sampang na kilala ng karamihan bilang isang responsableng estudyante at maaasahang kaibigan. Siguro, hindi magiging ganito ang aking pamumuhay sa araw – araw. Nagsimula ang lahat ng ito nung ako’y nasa ika-walong baitang ng aking pag-aaral; dito ko unang nakilala ang aking mga tunay na kaibigan. Pagkatapos ng aking unang taon sa Unibersidad ng Santo Tomas, dito ko napatunayan na hindi lahat ng mga tao sa paligid mo at tinuring mo na mga kaibigan ay palaging nandiyan. Kaya noong nagsimula ang ika-walong baitang, agad akong nakihalubilo sa aking mga bagong kaklase.
Tumblr media
Makalipas ang ilang lingo, agad akong napasama sa mga ilang kaklase na may pare-parehong pinagkakasunduan, trip o gimik, pananaw sa buhay, at higit sa lahat ay nakita ko agad na sila yung mga kaibigang pangmatagalan. Dito nagsimula ang maraming “una” sa aking buhay. Noong bakasyon sa parehong taon na ito’y una akong nakatikim ng alak. Katulad nga ng kasabihang “masarap ang bawal”, dito ko napagtanto na minsan ay masarap din lumabag sa aking mga nakasanyan.
Tumblr media
Pagdating ng aming ika-9 na baitang, maraming mga bagong                         tao ang aking nakilala dahil na rin sa mga bagong estudyante na napasama sa aming pangkat. Hindi ko ganoon sineryoso ang aking pag-aaral at sa hindi malamang kadahilanan, mas pinili ko na lang na bumarkada at magsaya dahil hindi ko magampanan ng maayos ang aking mga responsibilidad sa paaralan. Dahil na rin sa impluwensiya ng barkada, sa taong ito una ko naranasan malasing dahil sa impluwensiya ng alak at masubukang mag-yosi. Siguro nga ay ginusto ko ang lahat ng ito dahil kung aking babalikan, ito ang isa sa mga pangyayaring hindi ko malilimutan na naging parte ng aking buhay bilang isang Junior High school student. Isa sa mga hindi ko makakalimutang pangyayari sa taon na iyon ay ang pagbuo naming ng isang “party”. Oo, alam ko na dumapo sa inyong isipan ang mga salitang “Bakit mo iyon naisipan?” “Paano mo nagawa ang mga ganyang bagay sa kabila ng hirap ng iyong pag-aaral?” Hindi ko rin alam kung bakit ako unti-unting kinakain ng aking sistema noong mga panahon iyon pero isang bagay lang ang aking naisip, sa ganitong bagay ako nakahanap ng kasiyahan. Aaminin ko, isa iyon sa mga masasayang gabi ng aking buhay dahil naramdaman ko ang kalayaan na hindi ko naranasan dati. Ngunit pagkatapos nito, dito ko naranasan ang kapalit ng aking mga desisyon. Ako at ang aking mga kaibigan ay binigyang parusa para sa aming paglabag sa patakaran ng paaralan. Ang aming isinagawang “party” ay naging isang kontrobersiya rin sa aming paaralan dahil ito ang kauna-unahan pangyayari o insidente ng paglabag ng patakaran na kung saan maraming estudyante ang naging bahagi. Para sa akin, ang insidenteng ito ang naging turning point ng aking buhay bilang estudyante dahil pagkatapos ng lahat, sinubukan ko na baguhin ang lahat.
Tumblr media
Nagpasya ako na magbago at ayusin ang lahat lalo na ang aking pag-aaral dahil tumatak sa aking isip na para rin ito sa aking kinabukasan. Pagsapit ng aking huling taon sa Junior High school, dito ako nagpursige sa lahat ng bagay. Nagsimula ako ng pa unti-unti patungong pagbabago sa pamamagitan ng pagsunod sa mga simpleng patakaran at pag-aaral ng mabuti. Binawasan ko na rin ang mga oras na napapasama sa aking mga kaibigan para mag-inuman at iba pa. Pinagpatuloy ko ito at sa bandang huli, lahat ng ito’y nagbunga dahil ako’y napasama sa listahan ng mga Achievers sa aming klase at ako’y matagumpay na nagtapos ng aking Junior High school sa Unibersidad ng Santo Tomas. Hanggang ngayon, nagpapasalamat pa rin ako sa aking mga magulang, mga kaibigan, at lalo na sa Diyos sa pag-udyok sa akin na magbago at gawing matagumpay ang pag-aaral. At ngayong malapit na akong tumungtong sa aking ika-dalawang taon ng Senior High school, gusto kong pasalamatan ang aking sarili sa pagpursigeng mag-aral at tahakin ang daan patungong pagbabago.
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 47: "Kailangang Magpursige!” ni Lanz
Tumblr media
Lusubin na ang labanan na ito! Walang nang ibang paraan pa. Ngayon na ang panahon na tibayin ko na ang isipan, katawan, at saloobin ko. En guarde! Nalalapit na ang katapusan ng semester na ito at ng Grade 11. Isang buwan na lang natitira bago ang aming maliligayang summer vacation. Darating pa lang ang tanging pagsubok na magsasabi na karapat-dapat ba na ako'y umakyat sa Grade 12. Sa kadami ng mga requirements at proyekto na kailangan tapusin ng aking mga kapwang estudyante. Syempre, kabilang ako diyan. Ang aking nasa harapan ngayon... nanginginig ang buong katawan ko. Isa siyang malaking dambuhala ang aking namumukahan. Mayroon siyang spada sa kanyang tabi katulad ng isang samurai at laki ng katawan yung ym ang kanyang buong buhay. Isang tira lang ng kanyang spada ay titiyakin na ang aking katapusan ng aking buhay. Iniisip ko lang na handa ba ako.
    Buwan ng Enero ay sumapit na. Magiging masaya ba ang pangalawang semester na ito sa senior high school. Bilang isang kasapi ng isang seksyon. Kung pagbabasehan ko lang ang nakaraan na semester at sa mga courses na kukunin sa semester na ito, wala akong komento. Walang pagdududa na nakangiti ako sa mga course o subjects. Mukha kasi silang nakakagigil na alamin. Hindi ako makapaghintay pa. Ano kaya ang mangyayari ngayon ang pinag-iisipan ko sa sarili ko. Malay natin, masaya at masagana sa karanasan ang mga klase ngayon. Baka naman magkaroon ako ng panibagong tingin sa mundo na nilalakad ko ngayon o sa aking sarili para sa kinabukasan ko. Sa lahat ng aking mga naiisip ngayon, ang masasabi ko lang ay tignan na lang natin.
    Kahit pinilit ko na magisip ng maganda sa sitwasyon, hindi ko pa rin matalo ang kadiliman ng aking isipan at puso. Tanggap ko na nakapalibot at buhay sila sa aking sarili. Gusto ko nga ilabas. Mga ilang buwan na silang nakabaon lang at sinisira ang aking sarili. Nagkaroon kami ng isang guro na pinagtatawanan ng mga kaklase ko. Iba lang ang pagkabigkas niya sa mga salita, tawa na sila. Kapag nagtuturo siya, kung anu-ano ang ginagawa. Sinasabi pa nga nila na wala siyang itinuturo kahit mayroon naman. Mahirap intindihin yung tinuturo niya, alam ko. Kailangan ko pa ng mag-aaral mula sa ibang paraan katulad ng YouTube para maintindihan ko ng tunay. Pero, hindi sumasangayon ang kalooban ko na patanggalin siya sa pagtuturo. Ako lang yata ang hindi sumangayon sa seksyon ko na patanggalin siya. Inisip ko na baka may problema siya or mayroong bagay na nakabaon na hindi namin alam. Sabihin na natin na inisip ko rin na ang problema ay hindi yung guro pero yung mga estudyante. Nananatili yung paniniwala ko na ang problema ay nasa tao lang mismo, ang sarili. Kahit mga nakailang beses ko na sabihin iyon, hindi ako sure kung nakikita ng mga kaklase ko yun. Alam ko yung pakiramdam na pinagtatawanan kahit seryoso ka sa sinasabi mo, mula Day 1 ng senior high school. Hindi lang simpleng pabiro lang na pinagtatawanan. Naririnig ko halos araw-araw sa klase. Nakakatakot na gumalaw na gusto mo lang. Gusto ko nang huwag magsalita ng isang araw para lang mabigyan sila ng mensahe. Nakakainis. Kailangan ba pabiro lahat. Hindi ba nila nakikita na seryoso ako o baka naman sobra na sila sanay sa seryoso na maayos lang na magbiro palagi. Kahit na yun ang naiisip ko, wala pa rin ako magawa para malutas iyon at baka ako lang nag-iisip iyon. Mag-isa lang ako
    Lakas ko siguro na pinilit ko lahat ng ito sa sarili ko at napagtayuan ko ang aking sarili ng mag-isa. Mga ilang buwan ng semester, palapit na palapit na akong masira at sumabog sa kalungkutan. Kaysa sa school, hindi pa ako kinakausap ng isa kong matalik na kaibigan na crush ko. Talagang wala akong mapag-usapan o mapaglapitan sa mga nararamdaman ko. May nakilala akong isang matalik na kaibigan galing sa ibang seksyon. Nagkakilala kami sa harap ng building namin na humihingi siya ng tulong sa dalawang subjects. Tinulungan ko siya ng walang kapalit. Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin. Hindi ko mapigil ang aking sarili sa masayang nangyari. Lalo na sa mga ilang araw lamang ay bukas na kami sa halos lahat ng parte ng aming buhay. Nagpapasalamat ako ng buong pagkatao ko kung mabasa niya ito. Dahil sa kanya, nagkaroon ako ng kakampi sa laban kong ito. Kahit hindi ko talaga hinihingi ang tulong niya at hindi ako karapat-dapat na sinasayangan niya ng oras, salamat pa rin na naan diyan siya para sa akin. Sa simpleng pagsasama, pagsusuporta, at pagtitiwala niya sa akin ay nagbibigay sa akin ng lakas para maging totoo sa aking sarili. Binibigyan niya ako ng pag-asa na tumuloy lang ako sa kung sino ako at maging ako. Mula noon, may napag-uusapan na ako sa aking nararamdaman. Unting- unti na bumabalik ang lakas ko. Kailangan ko na kumilos. Nalalapit na ang sinasabi ng mga kaibigan ko, ang "Hell Week".   
    Talagang lahat ay hinuhusgahan ko. Wala talagang kawala, kahit ang sarili ko. May nagsasabi na matured ako. May nagsasabi naman na ako'y maasahan. Pero, lahat ng iyon ay resulta lamang ng pagiging people-pleaser kung tawagin ng iba. Kaso, hindi ngayon ang oras ng paghuhusga sa sarili. Oras na husghan ang mga gawain para sa pagtatapos ng Grade 11. Pagtripan pa nila ko o pagtawanan. May mangyari man o wala. Basta isang bagay lang ang kailangan kong gawin para magwagi sa labanan na ito. I HAFTA KEEP ON GOING! (Kailangan ko magpursige).  
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 26: “Mga Memorya sa Klaseng STEM 20″ ni Bobby 
Isang silid-aralan na binubuo ng apatnapu't siyam na estudyante. Apatnapu’t apat ang mula sa Mataas na Pamantasan ng Santo Tomas, habang ang limang natira ay galing sa iba’t ibang eskuwelahan. Ang seksyon na ito ay espesyal, hindi dahil nanggaling ang karamihan sa USTJHS, kundi ang bawat isa ay may iba’t ibang katangian at personalidad na kapag pinagsama-sama ay makakabuo ng matibay na pundasyon ng samahan. Sa madaling salita, iyan ang STEM 20.
Dalawang semestre na ang dumaan sa seksyon na ito. Sa isang buong taon, binalutan ang pangkat na ito ng sari’t-saring memorya na hindi makakalimutan. Noong unang semestre, kami ay naatalan sa 8b na kwarto. Ang silid-aralan namin noon ay kakaiba, sapagkat tinatawag din iyong ‘smart room’ dahil sa mga laptop. Wala ni isang araw na makikita mo ang klase na ito na hindi gagamit ng laptop. Iba-iba ang ginagawa ng bawat hilera sa smart room. Merong nagsasaliksik, may naglalaro, may nanonood ng video, at marami pang iba. Ang iba naman ay tahimik lamang at may kanya-kanyang kwentuhan na nagaganap. Bawat guro na papasok ay may hiyawang magaganap, may sisigaw ng ‘SEETTT!,’OHHH!’, at marami pang iba. Mayroon ding kaming isang kaklase na laging tulog na madalas napagtritripan. Minsan ay nagkakataon na tinatawag siya sa pagrerecite at ang buong klase ay tatawa na lamang. Marami rin ang laging huli sa klase na minsa’y ‘buzzer beater’ pa na laging sinasalubong ng klase. Ang klase ay sabog din paminsan-minsan dahil may biglaang sigaw ng salita galing sa iba’t ibang estudyante na hindi kaugnay sa pinag-uusapan. Halimbawa na lamang nito ang pag ‘Yes’ ng isa naming kaklase tuwing may sasabihin ang guro naming sa Statistics ngayong ikalawang semestre. May bigla rin sisigaw ng ‘HALA!’ tuwing may babanggitin ang mga guro tungkol sa mga takda at proyekto. Sumikat din sa loob ng klase ang larong ‘Uno’ at ‘Mobile Legends’ na madalas linalaro ng karamihan sa klase tuwing malayang oras. May magugulat ka nalang sa sisigaw bigla ng ‘uno!’, ‘double kill!’,’isang game pa’ at marami pang iba. Makikita mo rin na maraming tumatayo para magpunta sa iba’t ibang sulok ng klase. Mayroong dalawang estudyante na makikita mo na lagi nakasuot ng earphones at pinariringgan ang mga anime na kanta. Minsa’y magugulat na matutuwa na lamang ang klase kapag sinigaw ng president na ‘wala si ma’am/sir!’, ‘nasa meeting si ma’am/sir!’.
Masasabi kong may iba’t ibang perspektibo, abilidad, interests ang klaseng ito, ngunit ito rin ang nagiging daan para mas tumindig ang samahang ito. Bawat araw, bawat oras, bawat minuto sa seksyong ito ay hindi nasasayang. Napupuno lagi ng saya ang bawat kwarto na pinapasukan ng seksyong ito. Marami mang proyekto ang pinagdadaanan, hindi nalilimutan ng pangkat na ito na tumawa kada araw. Magkakapatid ang turingan dito. Tinutulungan ng bawat isa ang miyembrong may problema. Hindi talaga mapapalitan ang memoryang ibinigay nito sa akin. Talagang tumatak sa aking puso ang bawat tao sa seksyon na ito kaya’t nagpapasalamat ako sa bawat isa na nasa loob ng silid-aralan na ito.
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 33: “IPON AT BAON“ ni Marifel
Ang pag-iipon ay isang magandang gawain dahil dito mahahasa ang iyong disiplina, lalo na't sa paghawak ng pera. Naalala ko pa yung unang hawak ko sa baong ko na pera or ang tawag ko noon ay, lunch money. Anim na  taon pa lang ako noon at nasa unang baitang pa lamang ako ng elementarya ng ako'y unang nakahawak ng pera para sa aking recess. Ang binigay sa akin ng aking mama ay singkwenta pesos na bill, at sinabihan ako na 'wag ko igastos ang lahat na ito sa mga biskwit o pagkain. Sinubukan ko maalala yung kasabihan ng mama ko dahil ayaw ko mapagalitan niya, pero ang mataba at palakain kong sarili ay madaling makalimot ng mga simpleng kasabihan kapag ako'y nagutom. At dahil bata pa lamang ako, hindi ko alam kung ano yung halaga ng isang singkwenta pesos kaya't iginastos ko ang lahat para lamang mab@hyungleechanili ko ang gusto kong matatamis na biskwit. Matapos malaman ito ng aking mama, pinagalitan ako at sinabihan na bakit ko iginastos ang lahat. Alalang-alala ko yung panahon na iyon, dahil galit na galit ang aking mama habang pinagalitan niya ako sa labas ng aking eskwelahan. Sinubukan ko sabihan sa kanya na talagang gutom ako habang ang mga luha ko patuloy sa pag-agos mula sa aking mata at bumabagsak sa aking matataba't mapupulang pisngi. Sobrang kahihiyan ang naranasan ko, mula doon hindi na ako tumatanggap na kahit anong pera pambili ng pagkain at palagi na lang binibigyan na baong pagkain. Nagpatuloy ang sistemang baong pagkain hangga't sa tumung-tong ako ng ika-pitong baitang sa (Junior) High School. Ngunit may mga pagkakataon na talagang hindi kaya ako ipagluto ng aking mga magulang ng baon kung kaya't binibilhan na lamang nila ako ng pagkain mula sa Jollibee o yung karenderya na malapit sa aming tahanan. Pero mayroon ring mga pagkakataon na wala na talagang oras, kaya't binibigyan na lamang ako ng pera. Gaya lamang noong ako'y nasa ika-walong baitang at palapit na ang ikalawang kwarter na pagsusulit sa high school. Sobrang busy ang aking magulang sa kanilang trabaho sa aming munting tindahan noong mga araw na iyon; kaya't hindi na nila ako nabilhan ng paborito kong Chickenjoy, o kahit anong ulam na mayroong sabaw gaya lamang ng nilagang baka, tinola, o sinigang na bangus. Singit o mabili ang pakwan nung mga panahon na iyon sa Divisoria, kaya pilit ang magulang ko na talagang magtinda buong magdamag para maubos ang aming paninda. Kahit nakakatampo na hindi nila kami naasikasuhan, pilit ko na ring iniintindi sila sapagkat nagtratrabaho lamang sila para sa aming kinabukasan. Pero kahit ganoon, nung nasa baba na ako ng mismong canteen namin sa junior high school hindi ko pero matanggal sa aking isipan yung lubos na kahihiyan na naranasan ko. Lumalaban ang aking pag-iisip sa aking gutom. Ang nanalo sa laban ng dalawa ay ang aking gutom, kaya ang hawak ko na isang daan na peso bill ay naubos kaagad sa isang strawberry-filled na doughnut para sa aking recess, at siomai rice naman para sa aking tanghalian. Para sa ibang tao, ang isang doughnut para sa recess at siomai rice para sa lunch ay sapat na at nakakabusog, pero para sa akin na isang palakain na tao hindi ito sapat. Hindi talaga nakakatulong ang magkaroon ang isang appetite na kung saan hindi sanay sa isang tasa ng kain para sa tanghalian. Kaya nung nalaman ng mama ko na hindi ako maayos ng nakakain nung araw na iyon, dinagdagan niya pa ito ng singkwenta pesos para lamang maging sapat ang pera na ito sa aking pangkain sa buong araw. Mahirap magkaroon ng ipon sa halagang 150 pesos kung ang mga tinitinda sa canteen mo ay mga biskwit at na naghahalagang 10 hanggang 60 pesos (na kapag bumili ka sa mga supermarket o sari-sari stores ay mas mura). Habang ang mga pagkain na hindi masustansiya tulad ng burgers, footlong, o siomai rice ay mula 25 hanggang 50 pesos. Mas nagpapahirap na rin ang pag-iipon kung ang mga pagkain na mayroong masustansiyang ulam ay naghahalagang 75 pesos, dagdag ka pa ng 15 pesos kung gusto mo pa ang extra rice. Dahil sa mga presyo ng pagkain mula sa aming canteen, doon ako natuto na talagang mag-ipon sa pamamagitan ng pag-lilimitaduhan ang aking kain. Medyo mahirap talagang i-limitado ang sarili sa pag-kain sa simula, dahil kailangan ko magtiis sa aking sawang kain sa burgers, siomai rice, or mga doughnuts na hindi talaga nakakabenepisyo sa aking kalusugan. Pero nakayanan ko ang ganoon na sistema sa loob ng tatlong taon sa jhs. Malaking bagay rin na yung alala ng magulang ko sa aking pag-kain ng mga 'di masustansiyang pagkain sa loob ng aming canteen, sapagkat gumagawa sila ng mga paraan na kung saan makakadala ako ng baong pagkain na talagang masustansiya para sa akin.
0 notes
ustshs-stem20-blog · 7 years
Text
Tumblr media
E N T R Y • 34: “BUHAY SA DORMITORYO" ni Edellyne
Tumblr media
Dorm. Kapag naririnig ko ang salita na iyan, ang una kong naiisip ay “kalayaan” dahil ang alam ko kapag sa dorm na ako titira, malaya akong gumala kahit saan, malaya ako sa mga sermon ng nanay ko, at malaya akong gawin ang lahat ng gusto ko.
Sobrang excited ko pa noong pumunta ako sa UST para sa unang araw ng orientation. Iyon kasi ang unang araw kong matutulog sa dorm. Medyo nakakapanibago noong unang araw kasi mag-isa lang ako sa kwarto kumpara sa bahay namin sa Batangas--kung saan lima kaming nakatira. Noong mga unang linggo ko sa dorm, medyo naninibago pa ako sa mga bagay bagay katulad na lamang ng “public bathroom” namin. Isang plastik na tela lang kasi ang nagsisilbing pinto kada cubicle sa loob ng banyo, kung kaya't nakakailang maligo. May aircon sa kwarto ko ngunit may nakatakdang oras kung kailan ito bubuksan at sasaraduhan. Electric fan lang ang ginagamit ko tuwing umaga kapag naiinitan ako dahil gabi pa nagbubukas ang aircon. Ngayon na lang ulit ako nakagamit ng electric fan dahil sa bahay namin sa Oman, buong araw nakabukas ang aircon dahil sobrang init doon at mura lang ang kuryente.
Pagkalipas ng ilang araw dumating na din ang kasama ko sa kwarto, kaklase ko na siya noong ako ay nasa ika-10 baitang kaya madali ko siyang nakakausap. May mga nakilala din akong ibang Senior High School Students dito sa dorm, at sila ang aking nakakasama tuwing ako ay kumakain. Dito sa dorm, kailangan ko talagang alisin yung pagiging mahiyain ko kung ayaw kong palagi lang akong mag-isa sa kwarto. Noong nagsimula na ang klase, nakakailang sa loob ng silid aralan sapagkat wala pa akong kakilala, habang silang lahat ay magkakakilala na. Nalaman ko na karamihan sa kanila ay taga UST Junior High School kung kaya’t may sari-sarili na silang mga grupo. Dahil dito, ako ay madalas na nanahimik na lamang. Mayroong mga kumakausap sa akin, ngunit madalas hanggang pagpapakilala lamang sila.
Pagkalipas ng ilang araw may grupo na din akong nakasama. Sila ang nagturo sa akin ng mga hindi ko pa alam tungkol sa UST at sa mga kaklase namin. Pagkatapos ng klase namin, diretso akong uuwi sa dorm dahil wala pa naman akong alam masyado dito sa Maynila. Sa loob ng dorm, noong wala pa masyadong gawain sa paaralan, nanonood lang ako ng mga gusto kong panoorin o kaya’y naglalaro sa aking mga gadget. Nagagawa ko na dito yung mga hindi ko pwedeng gawin kapag kasama ko ang magulang ko sa bahay, tulad ng pagpupuyat dahil sa panonood ng k-drama o kaya pag-fafangirl sa mga iniidolo kong banda. Lagi akong napapagalitan kapag ginagawa ko ang mga iyon, kaya ngayon napakasaya ko dahil wala nang sasaway saakin. Linggo-linggo akong umuuwi ng Batangas--ito ang mahirap na parte sa pagtira sa dorm. Ilang oras akong bibiyahe pauwi ng Batangas para ilang oras na makasama ang aking pamilya. Ganyan lamang palagi ang buhay ko sa loob ng dalawang buwan.
Pagkatapos ng dalawang buwan, matatapos na din ang unang bahagi ng semestre. Nagtatapos ito sa prelims, ngunit bago mag-prelims kailangan ko munang lampasan ang mga PETA na sabay sabay binibigay ng aming mga guro. Minsan naiistress na ako dahil ang dami ng gagawin ngunit kinikimkim ko nalang yung stress ko at gawa nalang ako ng gawa. Wala rin naman akong mapaglalabasan ng sama ng loob sapagkat hindi ko kasama pamilya ko dito. Nakakausap ko nga sila sa Facebook o sa text, ngunit iba pa rin kasi yung pakiramdam na nandito sila sa harap mo at aaliwin ka. Minsan kapag hindi ko na talaga kaya yung stress na nararamdaman ko, umiiyak nalang ako dito sa kwarto kapag ako lang mag-isa upang walang makakita sa akin.
Pagkatapos ng ilang araw na pagdurusa dahil sa PETA, tapos na din ito. Iba naman ngayon ang pagkakaabalahan ko, prelims naman. Malapit na mag-prelims, kailangan ko na mag-aral. Sobrang tahimik ng kwarto, wala akong boses na naririnig na sumisigaw ng, “Ate mag-aral ka na, wag kang puro Facebook jan.” Napangiti na lang ako at napaisip na, “malaya na talaga ako sa mga sermon ng nanay ko,” lalo na tuwing exam. Pagkalipas ng ilang oras wala pa rin akong naaaral, hawak-hawak ko pa rin ang aking telepono at nakikipag-chat sa aking mga kaibigan. Natapos ang araw na iyon na wala akong naaaral. Papalapit na ng papalapit ang prelims at kahit isang asignatura wala parin akong natatapos aralin. Naalala ko na nag-aaral lang naman ako dati dahil sa paulit-ulit na pagsigaw ng nanay ko, naiinis ako sa pagsigaw niya kaya nag-aaral nalang ako. Ngayon, nakakaantok ang katahimikan dito sa loob ng kwarto. Kama lang ang pwedeng upuan dito kaya mas nakakaantok kapag dito ako nag-aaral. Minsan lumalabas ako ng kwarto at pumupunta ng sala para makiaral kasama ng ibang mga Senior High dito sa dorm. Sila yung mga naging kasama ko mag-aral hanggang prelims.
Dorm. Noong dito ako tumira malaya akong nakakagala kung saan saan, malaya ako sa mga sermon ng nanay ko, at malaya akong nakagagawa ng mga gusto ko. Ngunit hindi lang pala ito isang lugar kung saan ako magiging malaya. Isa rin itong lugar kung saan ko nalaman ang mga kaakibat ng pagiging malaya.
0 notes