Tumgik
valeriematic · 3 years
Text
TALUMPATI
“Hindi nararapat sa mga hindi bakunado ng Covid-19 Vaccine ang magdusa sa diskriminasyon”
Ang COVID-19 ang maituturing na pinakamalaking suliranin na kinahaharap hindi lang ng ating bansang Pilipinas, kundi pati na rin buong mundo ngayon. Tila parang kailan lang ay makikita natin ang mga batang makukulit na nagsisipagtakbuhan sa parke, o kaya naman sa pagsapit ng hapon ay umaalingawngaw na ang maliliit na tililing ng mumunting kampanilya na hawak ni manong sorbetero. Sagana ang bawat barangay, at masaya ang lahat ng mga tao. Ngunit sa biglaang pagdating ng COVID-19, sa isang iglap ay nagbago ang lahat. Ang mga dating masasayang bayan ay kaunti na lamang ang makikita mo, tayo ay nanatili na lamang sa ating mga bahay. Ang mga tao ay walang nagawa kundi sundin na lamang ang community quarantine, pagsuot ng face mask at face shield, at mandatory social distancing. Magdadalawang taon na mula noong unang ipinatupad ang lockdown sa buong bansa na siyang naging sanhi ng maraming pagbabago sa ating normal na pamumuhay. Marami sa ating mga kapuwa Pilipino ang nawalan ng pamumuhay, nawalan ng trabaho, nagsarado ang kanilang mga negosyo, mga establisyemento, paaralan, at mayroon ding mga estudyanteng natigil sa pag-aaral at napilitang magtrabaho upang makatulong sa gastusin sa pang araw-araw na pamumuhay.
Simula noong itinalaga ng World Health Organization (WHO) ang pagsiklab ng COVID-19 noong Marso 2020, ang virus ay kumitil ng higit sa 2.5 milyong buhay sa buong mundo pataas ng 113 milyong kaso ang kinumpirma ng mga tests sa laboratoryo (Marso 2021). Ang pagsiklab ng COVID-19 ay idineklarang isang Public Health Emergency Ng International Concern (PHEIC) at ang virus ay mabilis na kumalat na sa maraming mga bansa. Habang padami nang padami ang nag popositibo sa COVID-19 ay hindi pa rin nakukuha ng mga tao ang mga leksyon na dapat isa-isip para bumaba ang kaso ng sakit na ito. Alam natin na ito ay nakukuha sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnay sa isang taong nahahawaan sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing. Marami pa rin ang at hindi sumusunod kung kaya’t bilang resulta, maraming mga bansa ang naglunsad ng kampanya ng pagbabakuna sa COVID-19 sa buong bansa upang labanan ang pagkalat ng virus. Ito ay magagamit na ngayon bilang isang hakbang upang sukpuin ang virus.
Maraming tao ang hindi naniniwala sa positibo at magandang epekto ng vaccine. Ang iba ay ipinagsasawalang bahala na lamang ito at hindi binibigyang pansin. Marami ang mga takot at naniniwala sa mga haka-haka patungkol sa mga negatibong epekto ng bakuna. Hindi nila alam na ito ang susi upang masugpo ang virus at upang mawakasan na ang bangungot na ito. Mahalagang tandaan na ang COVID-19 ay hindi maaaring makuha sa pamamagitan ng bakuna. Gayunpaman, tulad ng karamihan sa mga bakuna, maaari kang makaranas ng ilang maliliit na epekto. Ang karamihan sa mga side effects ay pansamantala at nangyayari sa loob ng unang ilang araw pagkatapos ng pagbabakuna. Kung kaya’t ang ilang mga tao ay nag-aalala tungkol sa mga potensyal na masamang epekto ng bakuna, ngunit ito ay talagang nagpapakita lamang na ang mga epekto ay talagang epektibo dahil ipinapahiwatig nito na ginagawa ng bakuna ang trabaho nito at tinutulungan ang iyong katawan sa pagbuo ng proteksyon laban sa nasabing virus.
Kung dati, ang mga frontliners, mga nurse, at mga dating mayroong COVID-19 ay nakakaranas ng diskriminasyon, na kung saan ang iba ay iniiwasan, hindi pinapasakay sa pambulikong sasakyan sa kadahilanang takot mahawahan, ngayon maging ang wala pang vaccine ay nakakaranas din nito. Sa kadahilanang takot magpabakuna, ang iba ay nakakaranas ng diskriminasyon. Lumalakas ang panawagan ng iba’t ibang sektor sa pampubliko ay hinggil sa panukalang magpatupad ng “no vaccine, no entry”, na tanging ang mga bakunado lamang at mga may negatibong test result lang ang papayagang pumasok sa mga establisyemento. Mayroon ding diskriminasyon ang nangyayari sa mga empleyado, na kung saan ang pinapasukan nila ay nagpatupad ng “no vaccine, no work policy.”
Kung ako ang tatanungin, hindi ito makatarungan lalo na ngayon sa panahon ng pandemya na kung kailangan nila ang trabaho nila upang may maipangtustos sa kanilang mga pamilya. Hindi lamang ang mga tao o empleyado ang nakakaranas ng diskriminasyon, maging ang mga estudyante dahil nagpaplano na ang mga paaralan na magbukas muli para sa face to face classes. Ngunit paano naman ang mga batang ayaw payagan ng kanilang mga magulang sa kadahilanang nauuna ang takot nila para sa kanilang anak?
Dahil sa dulot ng pandemyang ito, lahat tayo ay naapektuhan. Lahat tayo ay nanibago at walang nagawa kundi sumunod na lamang. Sa panahon ng pandemya, mahalaga na ating ipagpatuloy ang pagtutulungan at iwasan ang diskriminasyon, lalo na sa mga kababayan natin na may COVID o may sintomas ng sakit. Hindi nararapat na i-discriminate ang grupo o pamilya na naapektuhan ng COVID dahil walang pinipili ang sakit, o ang wala pang bakuna. Hindi rin dapat pandirihan ang mga health workers. Sa panahon na tayo ay may kinakaharap na pandemya ngayon, hindi natin dapat pairalin ang pagiging mapanghusga. Sa halip, tayong lahat ay magtulungan upang masugpo ang virus. Dahil sa huli, tayo lamang ang magtutulong-tulong sa isa’t isa.
7 notes · View notes
valeriematic · 3 years
Text
♡(> ਊ <)♡༼(つ✧ω✧)つBLOGSITE ←*・゜゚(^O^)↝*・゜゚(^O^)↝
0 notes
valeriematic · 3 years
Text
BIONOTE
Tumblr media
0 notes
valeriematic · 3 years
Text
PROJECT PROPOSAL
Sir Severino Fortunato
NEUST Laboratory Highschool Principal
Petsa: 10 / 26 / 2021
Sir,
Ang pangalan ko ay Valerie I. Matic at sinusulat ko ang liham na ito upang humiling sa iyo na aprubahan ang aming isinasagawang adhihakin.
Ito ay upang mapagpakumbabang humiling sa iyo para sa pagsasagawa ng isang webinar sa paksang Mental Health Awareness and Support. Ang pangunahing motibo ng webinar na ito ay magiging malaking tulong sa mga estudyante lalo na sa panahon natin ngayonat isang kabuuang bilang ng mga kalahok ay magiging 60 ka-tao. Ang mga webinar ay lubhang kapaki-pakinabang dahil nagbibigay-daan ito sa isa upang matuto nang praktikal at sa isang mas mahusay na paraan. Ang magiging gastos para sa isasagawang webinar na ito ay nasa ibaba.
Sumakatuwid hinihiling ko sa iyo ang inyong suporta para sa aming binabalak na webinar, taos puso naming tatanggapin ang inyong desisyon patungkol dito. Maraming Salamat!
Taos-pusong gumagalang,
Valerie Matic
Mag aaral sa Nueva Ecija Unibersidad ng Agham at Teknolohiya
0 notes
valeriematic · 3 years
Text
GLOSARYO
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
valeriematic · 3 years
Text
AGENDA AT KATIKITAN NG PULONG
Katikitan ng Pulong
KATITIKAN PARA SA PAGPUPULONG NG MGA
SENADO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS
KATITIKAN NG LISTENTO THE PEOPLE NI PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
[28 August 2022]
DUMALO:
DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE
DILG SECRETARY EDUARDO AÑO
DND SECRETARY DELFIN LORENZANA
SCRETARY HARRY ROQUE
MMDA CHAIRMAN BENJAMIN “BENHUR” ABALOS JR
FDA DIRECTOR GENERAL ROLANDO ENRIQUE DOMINGO
SENATOR BONG GO
EXECUTIVE SECRETARY SALVADOR MEDIALDEA
SECRETARY DIZON, VIVENCIO
SECRETARY NOGRALES
VTC
Layunin: Pag ukol sa mga proyekto sa bansa at updates sa Covid 19 Cases at Vaccine.
PANUKALANG ADYENDA
I. PAG-ALAM SA MGA DUMALO
- Introductory sa Presidente at pagbati sa mga Opisyals na kasama ngayong Talk of the People (Secretary Duque, Secretary Galvez, Secretary Año, Secretary Lorenzana, Secretary Roque, Senator Bong Go., ang mga VTC, Executive
Secretary Salvador Medialdea; Secretary Dizon, Vivencio; Director General
Enrique Domingo of the FDA; Chairman Benhur of the MMDA; Secretary Nograles.) sa Talk of the people
II. PANANALITA NG SENADO
- Ang Pagpupulong ay pinangunahan ng ilang senado at ni Pres. Roa Duterte ukol sa mga updates ng bansa.
III. UPDATES
- UPDATES NI PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
1. Proyektong airport sa bicol na natapos na
2. Susunod na airport na sa Cebu
3. Bilang ng mga vaccine
4. Bilang ng mga fully vaccinated sa Metro Manila (halos 77 percent o sobra sa 7.5 milyon na indibidwal ay nakapag pa bakuna na.)
5. Bilang ng mga fully recovered na kaso ng Covid 19 sa Manila
6. Planong pabilisin ang vaccine rollout
7. Bilang ng mga paparating na vaccines
8. Weekly average ng mga bagong kaso ng Covid 19 - UPDATES NI DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE
1. Bilang ng mga mga bagong kaso sa mga ibat ibang lugar
2. Bilang ng mga aktibong kaso, recovery at death rate. 3. Bilang Pondo para sa Covid 19 at mga healthworkers.
- UPDATES NI DILG SECRETARY EDUARDO AÑO
1. Distribusyon ng ayuda sa Bataan, Manila, at Laguna.
2. Kampanya laban sa mga illegal na droga.
3. Bilang ng mga lugar na sangkot sa mga illegal na mga droga.
- UPDATES NI DND SECRETARY DELFIN LORENZANA
1. Bilang ng mga positibo sa Contact Tracing
2. Bilang ng mga tao sa LGU at pagbaba ng mga bakanteng higaan.
3. Bilang ng mga lumabag sa minimum public health standards.
4. Bilang ng mga licensed hospitals.
- UPDATES NI SCRETARY HARRY ROQUE
1. Pagbago ng Arrival Protocols sa ibat ibang bansa.
2. Mga bansang pwedeng puntahan ng mga mula Pilipinas.
- UPDATES NI MMDA CHAIRMAN BENJAMIN “BENHUR” ABALOS JR
1. Bilang ng mga aktibong kaso sa Metro Manila
2. Bilang ng mga OFW na may sintomas na naka-isolate sa mga Hotel.
- UPDATES NI FDA DIRECTOR GENERAL ROLANDO ENRIQUE DOMINGO
1. Bilang ng mga Vaccines na ginagamit sa Pilipinas.
2. Bilang ng mga vaccines and doses na nadala sa Pilipinas noong September.
3. Bilang ng mga nagamit na vaccines na naidala sa Pilipinas noong September.
4. Bilang ng mga tao na nagkaroon ng side effects nung nag pa bakuna.
5. Baksinadong mga pasyente na namatay at nag positibo sa Covid 19. 6. Bilang ng mga kaso sa Covid 19 noong March hanggang September.
IV. ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PAG PUPULONG
- November 23, 2021
V. ORAS NG PAGSIMULA NG PAG PUPULONG
-Nagsimula sa Lunes, ika-11 ng Oktubre 2021, sa ganap na ika-10 ng gabi.
VI. ORAS NG PAGTAPOS NG PAG PUPULONG
- Natapos ang pag pupulong sa gabi ng biyernes sa ika-11 sa Octubre 28, 2021.
Inihanda ni: VALERIE MATIC Pinagtibay ni:
Pres. Rodrigo Roa Duterte
President of the Republic of the Philippines
Agenda
AGENDA PARA SA PAGPUPULONG NG MGA
SENADO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS
AGENDA NG TALK TO THE PEOPLE NI PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE
[28 August 2022]
Layunin: Ang Pagpupulong na isinagawa nila Pres. Duterte ay ukol sa mga proyekto na isinagawa sa Pilipinas at mga updates nito ukol sa pinaka malaking isyu ng bansa ang Covid 19.
AGENDA:
I. PAG ALAM SA MGA DUMALO
II. PAGNANALITA NG SENADO
III. UPDATES
1. Active Cases, Recovery Rate, at Death Rate ng Covid.
2. Available Vaccines
3. Bansang mga maaaring daluyan.
4. Suporta at Ayuda
5. War on Drugs
6. Public Health Standards
IV. ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PAG PUPULONG
V. ORAS NG PAGSIMULA NG PAG PUPULONG
VI. ORAS NG PAGTAPOS NG PAG PUPULONG
DUMALO:
DOH SECRETARY FRANCISCO DUQUE
DILG SECRETARY EDUARDO AÑO
DND SECRETARY DELFIN LORENZANA
SCRETARY HARRY ROQUE
MMDA CHAIRMAN BENJAMIN “BENHUR” ABALOS JR FDA DIRECTOR GENERAL ROLANDO ENRIQUE DOMINGO
SENATOR BONG GO
EXECUTIVE SECRETARY SALVADOR MEDIALDEA
SECRETARY DIZON, VIVENCIO
SECRETARY NOGR
0 notes
valeriematic · 3 years
Text
REPLEKTIBONG SANAYSAY
Tumblr media
NO vaccine NO work policy
May mga kompanya na ini-enforce nang magpabakuna ang kanilang empleado laban sa COVID-19. Ang hindi magpapabakuna ay sinasabihan na ilalagay sa floating status o kaya’y ililipat ng assignment o dadalhin sa ibang branches. Sa Iloilo City, sinabihan na umano ng local government units (LGUs) ang mga publiko at pribadong tanggapan na ipatupad ang “no vaccination, no work” policy. Huwag daw tatanggapin ang mga empleado na hindi nababakunahan.Marami ang tumututol sa ganitong polisiya. Hindi makatarungan ang ganitong patakaran na hindi makakapagtrabaho ang hindi pa nababakunahan. Isang malinaw na paglabag ito sa karapatan ng manggagawa. Sabi ng Associated Labor Unions (ALU), mahigpit daw ang instructions ng mga may-ari ng establishment sa mga manager at supervisors na huwag pagtrabahuhin ang walang maipakikitang katibayan na nabakunahan na. Itinanggi naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nasabing patakaran. Wala raw silang iniisyu ukol sa “no vaccine, no work” policy. Hindi naman talaga nararapat ang ganitong patakaran. Igalang ang karapatan ng mga manggagawa.
Tumblr media
KAWALAN NG TRABAHO
Nakapipinsala naman ang Kawalan ng Trabaho sa kinabukasan ng bawat tao. Dahil lahat tayo ay may responsibilidad at may dapat gampanan hindi lang sa ating pamilya kung hindi sa atin ring mga sarili. Sa trabaho kasi umaasa ang bawat isa para kumita at magkaroon ng sapat na pera para makabili ng ating pangangailangan sa pang araw-araw na pamumuhay. Dahil rin sa kawalan ng trabaho, tumatanda ang iba nating mamamayan ng hindi man lang nakapag-hanapbuhay. Paano nalang tayo kung ang bawat isa sa atin ay walang trabaho? Mananatili nalang bang lugmok ang ating bansa? Ang Kawalan ng Trabaho ay isang suliraning panlipunan na kinakaharap ng ating bansang Pilipinas noon hanggang sa kasalukuyan. Bawat araw na dumaraan o lumilipas, hindi pababa kundi pataas pa nang pataas ang bilang ng mga taong walang hanapbuhay. Kung mapapaunlad, magkakaroon nang maraming pagkakakitaan, giginhawa ang buhay at sigurado, wala nang magugutom na mamamayan. Lahat ay liligaya sa bansang ito kung tayo ay magtutulungan para sa maganda nating kinabukasan!
1 note · View note
valeriematic · 3 years
Text
SINTESIS
Tumblr media Tumblr media
0 notes
valeriematic · 3 years
Text
TAKDANG ARALIN TUNGKOL SA TALUMPATI
Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes