vctrjsph
vctrjsph
Victor Joseph de Castro
7 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
vctrjsph · 6 years ago
Text
Ang kabastusan mo
              Ang kabastusang ng mga Pilipino na tinutukoy sa teksto ay ang gahum ng mga kalalakihan. Gahum na walang nang masyadong nakakikita dahil para bang normal na lamang ito sa pangaraw araw na buhay ng mga Filipino. Kahit pa ang mga kababaihan din, na pinakanaaapektuhan sa sitwasyong ito, ang sumusunod din at nagpapaalipin sa mentalidad na ito.
              Ngunit bago niya tinalakay ang kabastusang nabanggit, klinaro niya muna ang ibig sabihin ng kultura ng masa na hindi ko rin naintindihan dahil bukas na ito ipapasa. Ang kultura ng masa, base sa aking pagkakaintindi, ay ang ideyang ipinapalabas ng mga burgis upang tanggapin ng mga nasa baba. Pinagdududahan kasi na hindi sa masa nanggagaling ang ipinapahiwatig na kultura. Nakapagtatanim ang mga taong nasa itaas, sa mga utak ng taong nasa ibaba, sa pamamagitan ng mga midya at iba’t ibang uri ng paraan upang makapagkalat ng ideyolohiya. Hindi sila gumagamit ng dahas na lalo lamang magpapakita ng kanilang ginagawa. Dahil dito, lubos na tinatanggap ng mga tao ang isang ideya dahil hindi nila alam na ginagawa na pala nila ito.
              Sinabi rin dito ang pagpigil sa mga manunulat ng pagsulat tungkol sa mga bagay na hindi naman nila nararanasan. Katulad ngtungkol sa pagkampi ng mga manunulat sa mga naaapi. Ang ibang mga manunulat ay hindi parte ng mga naapi kaya nama’y wala silang alam tungkol sa mga nangyayari. O kaya nama’y kapag ikaw ay lalaki, hindi gaanong kapakipaniwala ang iyong mga sasabihin kapag tungkol sa karapatang pambabae ang iyong pinaguusapan. Katulad na lamang ni Isagani Cruz na isang lalaki pero ang isinulat niya ay ang mapangabusong gahum ng patriarkal na pamumuhay. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, maaari paring magsulat o magsalita ang isang tao ukol sa mga bagay na hindi siya kasali sa pamamagitan ng pagsasaliksik, katulad na lamang sa isinagawa ni Isagani sa teksto kanyang isinulat.
              Pagkatapos niya nga sabihin ang kanyang introduksyon na magpapaintindi para sa mga mambabasa. Inumpisahan niya na ipakita ang kabastusan ng mga Pilipino. Inumpisahan niya ito sa pataasan ng ihi, ano nga ba ang pagkakaintindi natin dito? Itoay may kahlugang payabangan, ngunit sa mga lalaki lamang dahil nakaupo ang mga kababaihan kapag umiihi. Ipinakita dito ang patriyarkal na pagiisip natin kahit na sa simpleng pagkakaintindi natin sa maikling pangungusap lamang.
              Isang halimbawa din ang mga komiks na nagpapakita din ng patriyarkal na pagiisip sa kwento nilalaman nito, mapa babae man o lalaki ang nagsulat nito. Makikia dito ang ideyang materyal ang mga kababaihan, sa lalaki nakabase ang kasiyahan ng babae at iba pang mga kaisipang nakapagdadagdag sa problemang ito. Ang mga maliliit na kwento, katulad ng komiks, ay maaring maging pinagsamasamang pagiisip ng mga tao, pagiisip na ibinabahagi ng mga tao sa bawat isa.
              Mayroon ding sitwasyon na ginagawang materyal na bagay ang mga kababaihan. Tinatangkilik ang mga litrato ng mga kababaihan sa pamamagitan ng mga magazine, dyaryo, at lalong lalo na sa internet. Binibili din ang katawan ng mga kababaihan, kapalit ang pera.
              Sa pamamagitan ng maling kamalayan, naipapasok ng mga lalaki sa isipan ng mga tao ang ganitong pagiisip sa iba’t ibang paraan, maliban lamang sa paraang dahas. Naikakalat ang gahum para sa mga kalalakihan, at patagal ng patagal ay nagiging normal naito para sa ating lahat. May naaapektuhan ngunit hindi na nila ito namamalayan. Kahit ngayong dumadami na ang mga lumalaban sa patriyarkal na pagiisip ng ating lipunan, may mga nakukulong parin sa mga kaisipang kanilang nakasanayan. Gaano pa kaya katagal bago makamit ng mga kababaihan ang pagkaapantay pantay.
0 notes
vctrjsph · 6 years ago
Text
Pelikulang Pilipino
           Ang pelikula ay isa sa napakaimportanteng parte ng pangaraw araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Nahuhumaling ang mga Pilipino sa mga ipinapalabas na pelikula na sila ay nagbibigay ng panahon at pera para makapanood nito. Mas makapangyarihan ang mga ipinapalabas sa telebisyon at sinehan kaysa sa sulating babasahin, mas madali kasi at hindi nakakabagot ang mga pelikula kung ikukumpara ito sa mga libro. Mas malaki ang populasyong naaapektuhan nito dahil mas nahihikayat ang mga tao manood ka. Nagiging makapangyarihan ang pagpapalabas ng mga pelikula dahil maaaring maglagay ang mga gumagawa nito ng mga ideolohiyang kanilang gustong ipakalat, at ang mga m tao naman ay hindi na nila napapansin sa sarili nilang sumusunod na sila dito.
           Kaya papaano nalang kung nakakapinsala ang mga ideolohiyang ipinapakita ng mga pelikula? Maaaring magaya ng mga manonood ang mga pananaw o ideyang inilalathala ng mga pelikulang ito. Sa sanaysay ni Tiongson ay sinabi niya dito ang apat na pinakanakapipinsala sa mga tao na epekto ng mga pelikulang may maling paraan ng pagaaliw sa iba.
           Maganda ang maputi. Dahil nga tinitingala ng karamihan ng mga pilipino ang estetikong kolonyal, nasa pamantayan na ng kagandahan ang pagiging maputi. Makikita ito sa mga luma at makabagong pelikulang pilipino. Pati narin pala sa paguutak ng karamihan ng mga pilipino hanggang ngayon. At kapag naman ikaw ay maganda, ikaw na ang bida sa mga palabas. Mas tinatangkilik kasi ng karamihan ang estetiko ng isang tao kaysa sa talento nito. Mas nagiging mataas ang pamantayan sa talento kapag ikaw ay may mukhang hindi kaaya aya kaysa kapag ikaw ay sobrang ganda.
           Dahil nga sa ganitong pamantayan, ang mga tao ay sumusunod dito. Kung ano anong kolerete sa mukha, at pampaputi ang kanilang inilalagay sa kanilang sarili na para bang tinatapalan sila ng masilya. Mas tinatatangkilik ang produkto ng ibang bansa kaysa dit. Ikinahihiya din ng iba ang kanilang kayumangging balat dahil sa pangaasar ng ibang pilipino. Ang konsepto nila sa sarili ay bumaba. Mas nabibigyang importansya din ang ang itsurang panlabas kaysa sa kabutihang loob.
           Pero kahit na nga may ganitong epekto ang mga pelikulang ipinapalabas, ang aliw parin ang habol ng mga tao. “Masaya ang may palabas” sabi nga. Di ko naman ikinakailang kasiyahan naman talaga ang epekto nito sa ating sarili. Kadalasan nga lang ay paulit ulit na ang mga daloy ng istorya na ipinapalabas, napakawalang kwenta na ng karamihan dito. Ngunit dahil nga di masabing dahilan, siguro sa katangahan, ay tuloy tuloy parin itong tinatangkilik ng mga tao. Na sabi sa sanysanay, natila “opyo” ang mga palabas na ito at hindi magsawa ang mga tao.
           Pero ano nga daw ba ang masama dito? Nagpapakasaya lang naman ang mga tao. Ang problema dito ay ang aliw na ibinibigay ng mga pelikula. Hindi nito hinaharap ang mga tao sa mga mapapait na katotohanang nangyayari sa lipunan natin ngayon. Minsan ay ginagamit pa iting pantakip sa mga problemang panlipunan natin. Mayroon din namang iilang dokumentaryo at pelikulang bumabanggasa mga ganitong diskurso ngunit iilan lamang ang nagpapahalaga nito. Hindi nagiging progresibo ang aliw na ibinibigay sa mga tao.
           Ipinakita din sa teksto ang isa pang madalas na daloy ng kwento ng mga pelikula na nakikita  rin ugali ng mga pilipino. Mabuti ang naaaapi. Nakikita natin lagi sa mga teleserye at sa mga pelikula ang pagtitiis ng mga naaapi sa mga sakit na kanilang nadarama galing sa iba. Ang katapusan ng mga kwentong iyon ay magkakaroon ng maayos na buhay ang naaapi at magulong buhay naman sa mga naaapi, ito ay dahil sa may sumagip sa kanya o kaya nama’y nanahimik lang siya at nagpakabuti hanggang dulo at diyos ang tumulong sa kaniyang umahon sa buhay at may karmang natanggap ang mga nangaapi.
           Ito ang paniniwala ng karamihan ng tao ngayon,  natutulungan sila lagi ng kanilang diyos. Dapat daw tayong magpakabuti lamang at manahimik at huwag lumaban sa mga bagay na nangaapi satin. “Ang lahat ay may magandang rason kung bakit mo nararanasan ang masamang bagay na iyan” HAHAHAHA. May rason pero madals ay hindi maganda. Ang iniisip pa ng iba ay para ba tayong nasa Fairy Tale na may prinsipeng liligtas sa kalagayan natin.
           Paano nga naman lalaban ang mga tao kung ang nasa isip nila ay maganda pa ang mundo. Lagi tayong may “Happy Ending”. Ito ang ipinapakita ng mga pelikulang napapanood natin ngayon. Nabanggit ko nga kanina na mas tinatangkilik ng mga tao mga gusto nilang makita. Ayaw nila ng dagdag problema pa sa kanilang buhay. Magkaiba ang mga istorya sa pelikula at tunay na buhay ngunit karamihan ng tao ay hindi na ito napaghihiwalay.
0 notes
vctrjsph · 6 years ago
Text
Ang Blog para sa Blog
           Kakatwang isipin na ang blog na ito ay patungkol sa mga baho at pati narin naman ang kagandahan ng mga blog. Oo nga at napakalaking instrumento ng mga blog o pagpapaskil ng mga bagay sa internet dahil sa nagbibigay aliw ito sa mga tao pati narin ang pagkalat ng impormasyon tungkol sa mga bagay bagay. Ngunit, may masamang naidudulot din ang mga blog dahil ssa “pagsasalsal” na ginagawa ng karamihan ng mga tao.
           Bago tayo magumpisa, ano muna nga ba ang kahulugan ng blog. Nabanggit sa sanaysay ni Eleserio na noong una, ang blogs o web logs ay pinaglalagyan lamang ng mga links ng mga websites patungkol sa mga iba’t bibang interes, paksa, lokasyo, atbp. Ngunit noong nagtagal, nagusbungan ang mga blogging websites na mas madaling mapuntahan at gamitin ng mga gumagamit ng internet. Hindi naglaon at inabuso na ng mga tao ang kalayaang kanilang nakamit sa paggamit nito. Hindi na lamang nakulong sa mga blogging website ang pagpapaskil ng mga damdamin ng mga tao. Kasama narin dito ang iba’t ibang social media na sumisikat ngayon. Makikita narin nating ngayon ang paglala ng pagsasalsal ng mga tao sa internet na nagumpisa sa mga simpleng blog noon.
           Oo, “pagsasalsal sa internet”, salitang ginamit ni Eleserio sa kaniyang sanaysay na isinulat upang ilarawan ang mga ipinapaskil ng karamihan ng mga tao sa internet. May mga bagay kasi silang napapaskil sa internet na dapat na pansarili lamang, katulad nga ng pagsasalsal. Patagal ng patagal ang panahon at padami ng padami ang gumagamit ng internet ay nababawasan na ang kahulugan ng mga bagay na pribado.
           Iba ibang paraan ang mga ginagawa ng mga tao upang makamit lamang ang “limang minutong katanyagan”. Ang mga tao ay laging nagnanasang makukaha ng atensyon galing sa iba. Pagpaskil ng kung ano anong katangahan at walang kwentang bagay na aakit ng atensyon ng mga taong tanga din na walang magawa sa buhay kundi ang manood ng kung ano ano sa internet. Pwede rin ang pagpaskil ng literal na pagsasalsal na talaga namang sisikat dahil sa kagustuhan ito ng mga tao. Makikita ang kasayahan ng mga tao kahit na sa simpleng nakita sila sa telebisyon o may ginawa silang mga bagay na madami ang nakakita. Hindi naman talaga natin maikakailang masaya kapag sumikat ang iyong ipinaskil, pagkakaroon ng napakadaming likes, upvotes, retweet, haha reacts at kung ano ano pa. Ngunit ano nga ba ang napapala natin sa mga bagay na ito. Wala naman diba?
           Pero mayroon din namang mga tao na ginagamit ang pagsasalsal (hindi na literal, pero pwede din pala) upang makakuha ng pera. Pinagkakakitaan nila pagpapakita ng kanilang araw araw na buhay na wala naman talagang koneksyon ang mga taong nanonood nito. Dito napapatunayan na kaya may nagsasalsal ay may namboboso rin. Hindi lamang para sa likes ang kanilang ginagawa. Sinamantala nila ang pagtangkilik ng tao sa kanilang pagsasalsal para sa pansarili nilang pakinabang. Dahil sa mga bagay na ito mas nabibigyang pansin ang mga pagsasalsal sa internet kaysa sa pakikibaka nito.
           May mga tao ding gusto lamang namaipahiwatig ang kanilang damdamin. Wala silang pake sa likes, pera at pagsikat. Gusto lamang nilang gamitin ang kanilang kakayanan na ipaskil ng paulit ulit ang kanilang nasa isipan hanggang sila ay makuntento at mailabas na ang nagiinit nilang damdamin. Katulad na lamang ng nauuso ngayon na pagpopost ng meme na nakedepende ang iyong mga binabahagi sa inuuugnay mo sa iyong sarili. Kagaya narin sa twitter, isang social media na sikat na sikat sa mga kabataan, na wala manlang pagsasala sa kanilang mga sinasabi. Nagiging norm na sa internet ang pagsasalsal at naaabuso na ang tinatawag na “Freedom of Expression” na sa mali ng paraan ginagamit.
           Sa kabila ng lahat ng iyon,  may maganda rin namang naidudulot ang pagboblog. Ito ang pakikibaka, na pagbibigay opinyon sa mga bagay na importanteng pagusapan ng mga tao. Makapangyarihan makahikayat ang mga sulating nagpapahayag ng mga bagay na ito dahil nagkakaroon ng interaksyon ang nagsusukat at ang mambabasa sa isa’t isa. Naipapahiwatig ng manunulat ang kanyang gustong sabihin at nagkakaroon ng diskusyon ang mga taong nakababasa nito sa kanyang saril o kahit na sa ibang tao rin. Nakalagay din sa sanaysay ang iba pang paraan upang ipaalam sa iba ang mga importanteng bagay na dapat pinaguusapan. Katulad ng sikat na tao, balita, o mga palabas sa telebisyon. Ang masama lamang dito ay mas iniisip ng mga kompanyang humahawak nito ay mas importante ang kanilang makakamit na pera kaysa sa epektong maidudulot ng kanilang mga sinasabi. Mayroon din namang mga may kinakampihan at sinisiraan, may bias kumbaga, na kontrolado ng humahawak sa kanila at may mga bagay na dapat lang nilang sabihin at hindi.
           Ang kagandahan naman sa blog ay walang nagkokontrol nito, may kanya kanyang karapatang ang mga taong gumagamit ng internet kung ano ang gusto nilang ipaskil. Kahit na madalas ito ay walang kwenta lamang, mayroon din namang iilan na makabuluhan ang kanilang pinapaskil. Katulad na lamang ng mga halimbawa sa sanaysay na tungkol sa nagiging kahulugan ng paskong pinoy at kaulolan ng mga taong tinatakasan ang mga problemang panlipunan. Mas madaling mapuntahan ang mga blog ng mga tao kaysa naman sa mga akademikong sulatin na iilan lamang ang nakakakita, at minsan ay may bayad pa. Kaya naman napakaimportante ng mga blog para sa pagbibigay inspirasyon para kumilos o gawaan ng paraan ng mga tao ang mga problema nating sa lipunan.
           Ngunit, dahil nga sa dami ng taong iba’t iba ang opinyon sa mga bagay bagay na nangyayari dito sa ating lipunan. Halo halo na ang mga ideya tungkol sa iisang bagay. Mayroon pang mga taong sarado ang utak na ang paniniwala o perspektibo lamang nila ang kanilang tinitignan. Ang katangian pa ng mga social media sites ay kontrolado mo kung ano ang gusto mong makita. Hindi lalabas ang mga ayaw mong makita para mahikayat kang gamiti ng gamitin pa ang kanilang website. Nagkakaroon ng pagkabaliwala ang mga rebolusyonaryong blog kapag ang karamihan ng tao ay katulad nito. Kinukulong nila ang kanilang paningin sa mga bagay na gusto lamang nilang makita at binabalewala nila ang perspektibo ng mga taong naaapi sa mga problema ng ating lipunan.
           Sa ganitong katangian ng mga tao, masyadong naaaliw ang mga tao sa mga walang kwentang bagay na nagbibigay saya sa kanila at hindi na masyadong nabibigyang pansin ang mga bagay na importante talaga. Kahit pa napakaraming perspektibo o opinyon ang mga tao sa iisang bagay, dapat tayong magkaroon ng pinakatitignang problema sa mga bagay bagay At pagsamasamahin ang ibat ibang opinyon at doon, makabubuo tayo ng paraan upang masolusyonan ang mga problema. Kaya dapat ay gawing makabuluhan ang mga bagay na ipinapaskil sa internet.
0 notes
vctrjsph · 6 years ago
Text
Wika ay Kapangyarihan
            Ang wika ay isang mahalagang kasangkapan upang magkaroon ng maayos na pakikitungo at ng pagkakaisa ang mga taong nasa iisang lugar. Isa din itong paraan para makapagpasa ng ideya sa isa’t isa. Dahil nga sa importansya ng wika para sa ikauunlad ng mga tao at ng bansa, nakatutok ang edukasyon natin para sa pagaaral at pagpapaunlad  ng wika ngunit wikang ingles ang binibigyang importansya ng mga namumuno at hindi Filipino.
           Hindi naman maikakaila na malaki ang naitutulong ng wikang ingles para sa ikauunlad ng ating sarili at ng ating bansa. Katulad ng pagkakaroon ng magkaroon tayo ng koneksyon sa ibang bansa. Ang ingles ang una sa pinakamadaming gumagamit na wika. Mas magkakaroon ka din ng oportunidad na makahanap ng magandang trabaho na may malaking suweldo sa loob at labas ng ating bansa. Pati narin sa internet at paggamit ng teknolohiya, inggles din ang napakaimportanteng pagaralan dahil ito ang madalas na ginagamit ng iba pang gumagamit ng internet. Pati narin pala sa paglalakbay sa ibang bansa, mas malaki ang pagkakataon mong may makasalamuhang ibang tao. Madami ding mga akademikong sulatin, na madali mong mahahanap sa internet, ang nakasulat sa wikang ingles. Napakadaming magagandang naidudulot ng pagaaral ng inggles, pero ano nga ba ang irereklamo ko sa mga susunod na pangungusap.
            Napatunayan ng ilang bansa na hindi malaking bagay ang pagkabihasa sa ingles ng mga mamamayan ang pagpapaunlad ng kanilang sariling bansa. Katulad na lamang ng Thailand na may napakalakas na turismo sa kanilang bansa, kahit na karamihan sa kanila ay balubaluktot ang ingles. Kabilang din ang Japan at Thailand sa mga nakaaangat sa mga bansa pagdating sa kaunlaran ng mga ito.
            Isa narin sa pinunto ni Conrado de Quiros na susi ng kapangyarihan ang wika. Sa pamumuhay ng mga Pilipino ngayon, ang pagsasalita ng ingles ay nagiging sukatan ng iyong  husay at talino, pati narin ang nagiging normal nasa ating mga pilipino ang kaisipang kapag di ka marunong magingles, bobo ka at wala kang kinabukasan. Sa isipan ng karamihan, napakagaling mo na kapag ikaw ay nakapagsasalita ng tuloy tuloy na ingles ngunit kapag Filipino naman ay wala masyadong pumapansin nito.  Ang dahilan nito ay ang pagsasamantala ng Estados Unidos noong tayo ay sakop pa nila. Ginamit nila ang kapangyarihan ng wika upang makamit ang inaasam nilang mga bagay. Naging paraan ito ng kanilang kolonyalismo at makikita parin natin hanggang ngayon ang naging epekto nito sa ating sarili. Normal na sa ating pamumuhay ang pagiging utak kolonyal at ito ay hindi na natin napupuna.
            Ang wika nga daw ay di lamang nakapagdulot ng komunikasyon, maari din daw itong maging kawalan nito. Nagkakaroon ng paghihiwalay sa mga Pilipino dahil sa wika nating ginagamit. Mas gugustuhin ng mga nakapagaral na tao na magsalita ng ingles dahil mas magmumukha silang matalino sa paraang iyon, at hindi namanito naiintidihan ng mga taong nasa baba dahil wala silang sapat sa yaman para sa pagpapaaral sa kanilang sarili. Makikita ang mga bagay na katulad nito sa pangaraw araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
            Ang wika ay isang Kultura, sa kultura nakikilala ang isang bansa pati narin ang kanyang mga mamamayan. Isang malaking kultura ang wika nating Filipino na nagbibigay pagkakakilanlan sa ating sariling bansa. Ito rin ang nagbubuklod ng mga mamamayang pilipino. Ngunit dahil sa iba ang pina
0 notes
vctrjsph · 6 years ago
Text
Bakit ba asal Mayaman ka?
Ginagamit ng karamihang tao ang paaralang iyong pinapasukan upang matukoy  kung ano ang iyong katayuan sa buhay. Kung nasa paaralang pribado ka mayaman ka, at kung nasa pampublikong paaralan ka nama’y mahirap ka. Bakit ka nga naman daw papasok sa bulok na paaralang pampubliko kung may pera ka namang pampaaral sa eksklusibo at napakagandang paaralang pribado. Ang mga pampublikong paaralan daw ay magulo, maingay, ‘di maayos ang edukasyong ibinibigay at sa mga paaralang pribado naman daw ay kabaligtaran naman kung ano ang pampublikong paaralan. Ito ang tumatatak sa isip ng karamihan ng tao kaya naman hinahangad nilang maging mayaman upang makapagaral sa mga pribadong paaralan.
Hindi naman nagkakamali ang iniisip ng mga tao dahil ang mga paaralang pribado ay nagbibigay ng mas maayos na edukasyong hinahangad ng lahat. Nagkakaroon ng diskriminasyon sa mga taong nagtapos sa pampublikong paaralan, mas malaki ang oportunidad na tanggapin sa trabaho at magkaroon ng malaking sahod ang nakapagtapos sa kilala at pribadong paaralan. Nagpapatunay ito na hindi nabibigyang pansin ang mga problema sa mga pampublikong paaralan at lalong umaangat ang tingin ng mga tao sa pribado at bumababa ang tingin sa pampubliko.
Ngunit ano nga ba ang masama dito? Ang nagiging kahulugan ng edukasyon ngayon ay isang mahalagang pangangailangan ng isang kabataan upang magkaroon ng sapat na kaalaman para mabuhay at umangat sa kalagayan ng bansa natin ngayon. Upang magkaroon ka daw ng napakaraming salapi at maging masaya ka sa buhay. Ito ang nagiging pangunahing layunin ng karamihan ng edukadong tao kaysa  paglinkuran at tulungan ang mga taong nangangailangan ng tulong. Napagiiwanan ang mga pilipinong walang pambayad sa naglalakihang matrikula ng mga pribadong paaralan. Lalong umaangat ang mga taong nasa itaas at nananatili lamang ang mga taong nasa ibaba.
Ang pagtingin sa mga pangmayaman ng mga tao ay hindi lang nakukulong tungkol sa mga paaralan. Nakikita din ito sa pang-araw araw na pamumuhay nating mga pilipino.
Ito ang mga lagi kong naririnig galing sa ibang pilipino, “Gusto ko noon kasi sikat iyon”, “Pagiipunan ko yun kahit mahal kasi gusto ko yun, kahit na hindi ako kumain ng tanghalian araw araw”, “Gusto ko iyon ma-try kahit na napakamahal kasi masarap daw doon”,  “Kahit kaunti lamang ang aking pera, nagiipon ako para sa mga bagay na hindi ko naman talaga kakailanganin ngunit ito ay dapat magbigay ng saya para sakin kasi ilang araw akong hindi kumain ng maayos para dito at ang bagay na ito ay magpapamukha saking mayaman ako at pag mayaman ka masaya ka o kaya nama’y magpapatunay itong die hard fan ako ng isang grupo kahit na hindi talaga ako dapat ang target market nito dahil sa mga may pera lamang ang dapat bumibili nito. Basta masaya ako, bakit ka ba nangingialam!?”.  Alam kong medyo pinalala  ko yung mga sinasabing yan (pinalala nga ba?) ngunit nagiging normal na ang mga bagay na iyan. Hinahangad ng mga tao ang mga bagay na mamahalin dahil sa tingin nila kapag nabili o nasubukan nila yung mga bagay na mamahalin ay malaking tagumpay na ang nagawa nila. Magmumukha silang mayaman na tinitingala ng maraming tao. Nagiging irasyonal ang pagiisip ng mga tao pagdating sa kung ano ang kaya at dapat lang nilang bilhin. Kontrolado na naman ng mga mayayaman ang mga
Paano ba naman ito maayos kung ang pagiisip ng karamihan ng mga tao ay hindi parin nakakawala sa mundong pinaghaharian ng mga nasa itaas. Nagiging sunod sunuran lamang sila ng hindi nila namamalayan. Pati narin sa edukasyon, ang mga estudyante sa paaralan ay nakatutok lamang sa pagpapaunlad ng kanilang sarili at kakaunti lamang ang taong gustong tumulong sa iba. Nakatutok ang karamihan sa mga bagay na dapat hindi bigyang importansya. Gusto ng mga taong maging asal mayaman para sila ay sumaya ngunit magiging masaya ka parin ba kung may mga taong nananatili sa baba at wala silang magawa.
0 notes
vctrjsph · 6 years ago
Text
Sa Tingin mo, naging Malaya ka ba?
Matagal na pagtitiis sa hirap ang sinapit ng mga pilipinong nakaranas ng pananakop ng Espanya, Estados Unidos at ng marami pang ibang bansa. Lalong lalo na ang mga taong nakipaglaban upang makamit lamang natin ang hinahangad na kalayaan. Ngunit natupad nga ba ang kanilang minimithing mangyari? Nakawala nga ba ang mga pilipino sa hawlang itinayo ng mga mananakop para sa kanilang pansariling pakinabang? May ipinagdiriwang ang Pilipinas na “Araw ng Kalayaan” tuwing ika-12 ng Hunyo, ngunit tayo nga ba ay tuluyang naging malaya?
Noong umpisa pa lamang, sobrang laking epekto na ng ginawa ng Estados Unidos upang mapanatili ang kanilang pagkontrol sa ating bansang Pillipinas. Isa sa malaking nakaapekto dito ay si William Howard Taft na isa sa pinuno ng mga amerikanong ayaw bigyan ng sariling kalayaan ang Pilipinas. Sila ay bumuo ng iba’t ibang batas upang mapigilan ang mga pilipinong magkaisa.  Mayroon din namang tayong mga kapwang Pilipino, sinasadya man o hindi, na binigyan ng paraan ang mga mananakop na mapadali ang kanilang pananakop dito sa ating bansa. Katulad na lamang ng mga umupo sa pagiging presidente, na walang pag-aalangan gumawa agad na katarantaduhan, nagpaalipin sa mga mananakop at hinaayang magdusa ang kapwa nilang pilipino. Marahil may malalim silang dahilan bakit nila nagawa ang mga baga na iyon ngunit sana ay naisip manlang nila kung ano ang magiging epekto nito makalipas ang mahbang panahon. Mayroon ding mga pilipino na tarantado din at tinulungan ang mga mananakop para sa kanilang pansariling pakinabang.
Nagpatuloy ang mga bagay na ito hanggang sa panahon natin ngayon. Kung titignan nating mabuti, hindi natin nakamit ang tuluyang kalayaan na ating inaasam. Nagpapatunay dito ang sistema ng edukasyong ating ginamit, at ginagamit. Naipasa ng mga naunang  edukadong pilipino na pumasok sa mga eskwelahang pinatayo ng Estado Unidos, ang ideyang napakaimportante ng wikang ingles at ang importansyang pakikitungo sa mga amerikano sa mga Pilipino hanggang ngayon, dahil ito ang tumatak sa kanilang isipan. May mga batas din na ipinapatupad na nagbibigay importanysa sa paggamit ng wikang ingles sa pagtuturo o kaya nama’y pagtanggal ng paksang Filipino sa kolehiyo.
Naipapakita din ang pananatili ng pagiging utak kolonyal natin kahit sa simpleng pagtingin sa paggamit ng ingles at ng sarili nating wika. Nandirito ang mentalidad na kapag magaling ka mag-ingles matalino ka at kapag hindi ka marunong nito ay napakabobo mo. May mga pilipino ding ikinahihiya ang paggamit ng sarili nilang wika sa mga akademikong sulatin. Pinapatupad din ang EOP o English Only Policy sa mga paksang hindi Filipino at minsa’y sa buong eskwelahan. Kahit nga sa sulating ito ay makikita ito. Kung babasahin ito ng mga naging guro ko sa paksang Filipino ay maiiyak sila at sa tingin nila ay nabigo sila sa pagtuturo sakin. Kung alam lang ng makakabasa nito kung ilang beses ako naghanap sa internet kung ano ang katumbas ng mga salitang ingles sa wikang Filipino.
Ngunit di lang sa pagbibigay ng paunang importanysa sa paggamit ng ingles nakikita ang pagkautak-kolonyal ng karamihan ng mga pilipino. Nakikita rin ito sa ang pamantayan ng pamumuhay ng mga pilipino. Nakabase sa pamumuhay ng mga amerikano ang sukatan kung gaano kaganda o kaayos ang iyong buhay, kung ano ang dapat mong ginagawa at gagawin, kahit sa simpleng pananamit, at marami pang ibang bagay.
Dahil nga sa mga ginawa at ginagawa ng mga pilipino na pumipigil sating tuluyang makalaya sa kolonyalismong inilathala ng Estados Unidos na lagpas isang daang taon na ang lumipas, bumababa ang tingin ng mga pilipino sa sarili nating wika. Napakamakapangyarihan ang wika sa pagimpluwensya sa mga taong gumagamit nito sa pamamagitan ng pagkalat ng ideya ngunit ideyang kolonyal ang kumakalat sa ating bansa.
Unti unti ng nagiging normal ang ganitong estado ng ating pamumuhay. Hindi na nga ito napapansin ng karamihan. Hahayaan na lang ba natin ang sarili nating maging manikang nilalaruan ng mga dayuhan. Nawawalan na ng saysay ang mga bagay na ipinaglaban ng mga Pilipino upang makamit ang ating hinahangad na kalayaan. Nandirito parin ang mga bagay na hindi natin nakikita na pumipigil sating makamit ang kalayaang ilang daang taon na nating pinaglalaban at minimithing makamit.
Sa Tingin mo ba, magiging Malaya ka pa ba?
0 notes
vctrjsph · 6 years ago
Text
MISEDUKASYON
            Ang edukaysyon para sa iba ay daan upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Magkaroon ng magandang trabaho upang makakuha ng pera na magpapasaya at magpapaginhawa sa kanilang pamilya. Ngunit ang maayos na edukasyon na kailangan nilang makamtam ay hindi madaling makuha.
            Ano nga ba ang maituturing na matagumpay na pagbibigay ng maayos na edukasyon? Isa ang edukasyon sa mga pangunahing kailangan ng mga tao ngunit hindi naman ito nakakamit ng karamihan ng tao. Lalong lalo na ang mga tao na nasa ibaba ng lipunan. Ngunit, sa mga taong may kaya na nakararanas ng edukasyon, hindi rin nila natamo ang mga bagay na maituturing na maayos na edukasyon.   
            Sira sirang pasilidad, walang maayos na bentilador, napakainit na silid-aralan, iilan lamang ang mga ito sa mga problema ng mga pampublikong paaralan na nakatayo dito sa Pilipinas. Kasama narin pala ang sinasabing libreng edukasyon sa pampublikong paaralan para sa mga mahihirap ngunit kailangan mo parin ng medyo malaking pera sa pagpapaaral dito. Hindi rin maayos ang ibinibigay na kalidad ng edukasyon.
            Batay sa dokumentaryong amin napanood na “MISEDUKASYON”.  May tatlong nakaaangat na Sistema ng edukasyon na may malaking negatibong epekto sa mga guro at lalong lalo na sa mga kabataang may karapatan sa maayos na edukasyon.
KOLONYAL
            Kapag tinignan mo ng mabuti ang ating pamumuhay, hindi mo maiiwasang makita ang mga bakas na naiwan ng Estados Unidos noong nasasakupan pa nila ang Pilipinas. Noong umpisa pa lamang, nakakita na sila ng paraan upang manatili ang kolonyalismong kanilang inilalathala para sa pangmatagalan. May mga batas silang pinatupad na nakatulong sa pagpapanatili ng kanilang kolonya. Sila ang nagpatayo ng mga eskwelahan at nagorganisa kung ano ang mga dapat ituturo dito para sa kanilang sariling pakinabang. Katulong narin dito ang mga Pilipinong kumampi sa mga amerikano para  sa kanilang pansariling pangangailangan.
            Nandirito rin ang masyadong pagpapahalaga sa wikang ingles na nagpapababaw sa tingin ng mga tao sa kanilang sariling wika. Naging kasama na sa kultura nating mga Pilipino ang pagyakap natin sa pagiging utak kolonyal na para bang ito ay normal na bagay lamang sa ating pang araw araw na gawain. Hindi na natin nakikita ang masasamang epekto nito sa ating bansa at para bang nakakulong parin tayo sa hawlang itinayo dati pa na hanggang ngayo’y nandirito parin ngunit hindi na natin makita.
KOMERSYALISADO
            “Quality education is expensive. You want quality education, you should be ready to pay for it.”, isang napakasakit ngunit totoong salitang binitawan ng isa sa humahawak sa ating edukasyon. Isang napakalaking bagay ang pera para makamit ang inaasam na magandang edukasyon. Nagtatataasang matrikula ang nagsisilbing harang sa mga mamamayang Pilipino upang magkaroon ng maayos na buhay.
            Kahit na may sinasabing “libreng edukasyon”  ay hindi parin maikakailang magastos parin ang pagpapaaral lalo na sa panahon ngayon. Mayroon ding mga taong kinukurakot ang mga perang nakalaan para sa edukasyon. Umiikot na sa pera ang mundo ng karamihan ng mga tao ngayon. Dahil sa mga bagay na ito, nagiging pribilehiyo na ang pagaaral para sa mga mayayaman.
ELITISTA
            May mga kilalang eskwelahan na sikat dito sa Pilipinas, katulad ng UP, Ateneo, UST, atbp. Isang malaking salik ang pagaaral sa mga nabanggit na paaralan upang magkaroon ka ng matiwasay na pagtatrabahuhan. Mas malaki ang tyansa mong makahanap ng trabaho dahil daladala mo ang pangalan ng eskwelahang iyong pinasukan. Ang mga eskwelahang ito ay karamihang para sa mga mayayaman lamang dahil sa nagtataasang matrikulang hinihingi ng mga ito. Nagiging pribilehiyo na naman sa mga mayayaman ang pagkakaroon ng maayos na kinabukasan.
            Kahit na ilang taon na ang nakalipas ng ilabas ang dokumentaryong ito, napapanahon parin ang mga problemang ipinakita ng dito. Nararanasan parin natin ang mga bagay na pumipigal satin upang magkaroon ng maayos na edukasyon at makamit ang iminimithing kaunlaran ng bawat sarili at patin narin ng ating bansa.
            Ngunit sa kabila ng lahat ng negatibong pipinakita ng dokumentaryong ito, nagpakita din ito ng klase ng edukasyong nakapagbabago ng lipunan.Hindi lamang makukulong na sa apat na sulok ng silid aralan ang edukasyon at hindi lamang parang makinarya ang mga estidyanteng nagkakabisa ng mga bagay na hindi naman talaga nila kakailanganin paglabas nila sa eskwelahan. Ang mga estudyante ay nakikihalubilo sa labas ng kanilang paaralan at inaalam ang mga bagay na nangyayari sa kanilang kapaligiran. Nagiging daan din ito upang matulungang masolusyonan ang mga problema nating panlipunan. Ngunit, hanggang ngayon ay hindi parin gaano nailalathala ng maayos ang ganitong klase ng edukasyon. Marami paring mga bagay na humahadlang para makamit ng mga tao ang tamang edukasyon
0 notes