Tumgik
Tumblr media
Sa blog na ito, ay naitatampok ang isang taong naging isang inspirasyon upang mangarap at tuparin ang mga ninanais sa buhay nang may tibay ng loob at tiwala sa sarili.
ANO ANG KAYA MONG ISUGAL PARA SA PANGARAP?
Kaya mo bang iwan ang lahat ng mahal sa buhay, kaibigan at nakasanayan para sa iyong pangarap?
Siya si Therese, isang kaibigan at dating kaklase sa kursong Optometriya. Siya ay kasama namin simula una hanggang ika-apat na taon ng pag-aaral. Sa ngayon, siya ay naninirahan sa ibang bansa upang abutin ang kanyang pangarap na matagal nang inaasam.
Sa unang taon pa lamang ay minahal na ni Therese ang kursong Optometriya dahil ito ang kanyang kinalakihang propesyon ng kanyang ama. Ngunit layon man niya na makakita nang maayos ang iba, sa kaibuturan ng kanyang puso, ang nais niya ay masaksihan ng kanyang sariling mga mata ang iba't ibang sulok ng mundo sa pamamagitan ng pagiging isang flight attendant.
Kaya naman sa aming ika-apat na taon, nagkaron ng isang oportunida at nag bukas ang isang daan patungo sa pangarap na ito. Isang mahirap na desisyon ang huminto sa pag aaral ng optometriya ngunit mas pinakinggan niya ang kanyang puso, di nag atubiling lumipad sa ibang bansa upang simulan ang pagsasanay.
Ngayon, siya na ay isang ganap na flight attendant at nasisimulan nang masaksihan ang ganda ng ibang ibang bansa.
Ayon sa kanya ay mahirap ang pag lipat ng tirahan gayong malayo ito sa kanyang pamilya, kaibigan at mga nakasanayan. Sa una ay nahirapan siya makibagay sa mga tao mula sa iba't ibang kultura ngunit nakita niyang sa kabila ng pagkakaiba nila ay madami pading pagkakapareho kaya naman kalaunan ay masaya niya nang nakakasalamuha ang mga ito.
1 note · View note