viloooooooooog
viloooooooooog
Hiraya.
65 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
viloooooooooog · 5 years ago
Text
<iframe width="980" height="410" src="https://staging-mars.nasa.gov/layout/embed/send-your-name/future/certificate/?cn=376025673210" frameborder="0"></iframe>
0 notes
viloooooooooog · 6 years ago
Text
ika - 64.
February 18, 2019
Pansamantala. Pansamantala mang magpapahinga hindi naman ibig sabihing ititgil ang pagtala ng mga saloobin mula sa isipan. Hindi nangangahulugan ng pagsuko. Mas paigtingin ang kakayahang tumimbang sa isang sitwasyon ng walang kinikilingan. Pagtibayin ang prinsipyo ng pagtulong sa kapwa. Pansamantalang liliban upang mas makita ang realidad ng buhay, Huwag basta-basta magpaanod sa agos ng pagsubok kung kayang lumaban bakit hindi. Panagutan ang sarili at iyong mga aksyon. Tanggapin ang katotohanan. Manatiling nagmamahal. At maging TAO. Ang Hiraya.
Tumblr media
0 notes
viloooooooooog · 6 years ago
Text
ika - 63.
February 14, 2019
Tinik Man ay Lulunukin
Anonymous
Makulimlim ang araw na bumati,
Sa pusong puno ng sakit at pighati.
Binabaklas ang bulong ng pagsisisi,
Pagkat pumayagpag ang di mabusisi.
Ang isip ngayo’y tila kinakardigan,
Inspirasyon tila wala sa daungan.
Ngayon pa’y ‘king naranasan maging gulay,
Ampalayang kaypait ay nananamlay.
O kayhirap sa pag-ibig kung pumasok,
Sangkatutak na tinik ay nilulunok.
Kaibigan lang ang turing, wag nang umasa,
Bukas sana’y tsokolate na ang lasa.
Pag-ibig. napakahirap sukatin ng pag-ibig kung kaya mas pinipili nating huwag magtuon ng pansin sa sukat bagkus sa kung paano  nakaapekto ang isang tao sa ating pagkatao. Sa pag-ibig walang mali kung iti ay hindi naman nakakasakit sa kapwa at lalo na sa iyong sarili. Iba;t ibang paraan ang pagpapakita ng pagmamahal ngunit may iisang layuning ipinapakita. At dito ay binigyang pokus ang kakayahang magpahayag ng nararamdaman sa iba. Ang Hiraya.
0 notes
viloooooooooog · 6 years ago
Text
ika - 62.
February 13, 2019
PAMILYA ni: Julyhet Roque Kay sarap pagmasdan ng masayang pamilya, Si ama’t si ina’y responsable sa tuwina Ang Diyos ang sandigan sa tuwi-tuwina. Mga anak pinalaki nang may takot sa Diyos, Tinuruang gumawa, magpawis at mapagod Pagkat puhunan daw iyon sa paglaking lubos. Edukasyon ng anak ay itinaguyod Kahit na mangapal ang palad sa pagod Basta sa pamilya ay may maitustos. Di nag aaway sa harap ng supling, Kapakanan lagi ng anak na hirang ang nasa at pansin At pagmamahalan ang laging inaangkin.
Pamilya. Ito ang pangunahing paksa ng tulang ito. Kinakailangang obserbahan ang maaaring naging epekto ng aksidente sa mga pasyente. Pahkakaroon ng mga maliliit na mga sugat at galos mula sa aksidenteng dulot ng JS Prom. At sa huli ay mas paigtingin ang pagsunod sa mga protocol na dapat inoobserbahan. Ang HIraya.
0 notes
viloooooooooog · 6 years ago
Text
ika - 61.
February 12, 2019
Paghahanda. Anomanang gawain ay mas mahandang ang sira ay aayusin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga wawaing angkop para sa sitwasyon. Ang gawain ay iikot sa mga maaaring pagmulan ng isang sakit tulad ng katotohannag ito. At lahat ay inaasahang guammit ng mga akmang kilos. Ang Hiraya.
0 notes
viloooooooooog · 6 years ago
Text
ika - 60.
February 11, 2019
Maging taimtim at huwag maging pabaya sa anomang resposibiidad na niatas sa akin. Ang pagkakaroon ng isangkaibigang nakaagapay sa iyo ay napakahirap kung kaya napakaraming standards bilang baswhan. At ang lahat ay susunod sa aksyong isasagawa.
0 notes
viloooooooooog · 6 years ago
Text
ika - 59.
February 7, 2019
Dilang Anghel
Anonymous Ibinubuka nila ang mga pakpak. Muling nalalaglag ang kanilang anino Bagamat hindi sumasayad sa lupa. Matagal na silang nakatanaw. Hindi kailanman kumurap. Hindi kailanman tumalikod. Hindi nila kailanman itinakip Sa mukha ang kanilang mga kamay Na masunuring humahaplos ng trumpeta. Kung minsan, dinadalaw sila ng alala Ng tinig. Nais nilang ibuka ang bibig. Ngunit wala silang masabi. Ano ang dila kundi isang piraso Ng laman na hindi kayang malunok.
Responsibilidad. Anomang responsibilidad ay hindi dapat tinatalikuran sapagkat ito ay iniatas sa iyo upang gawin mo ng buong puso at isip. Ito ay dapat pinananagutan at sineseryoso. Walang dahilan upang ito ay isantabi at ipagpaliban. Anomang gawain ay dapat inuuna bago pa man ang iba pang gawain. At pagtuonan ng buong pokus nang hindi makaligtaan. Ang Hiraya.
0 notes
viloooooooooog · 6 years ago
Text
ika - 58.
February 6, 2019
Kasiguraduhan. Wala mang kasiguraduhan ang anomang maaaring mangyari sa iba’t ibang sitwasyon ang tanging sigurado laging magkakaroon ng kalalabasan lahat ng isasagawang kilos na tugon dito. Ang sigurado lamang ay ang layunin at pokus ng isang gawain. Hindi man alam ang magiging kalalabasan ng isang aksyon ay mas mainam na asahan ang isang positibong kalalbasan nang mapagaan ang kalooban ng isang mamamayan. At tungkulin ng bawat isa na gawin lahat ng kanyang magagawa para makamit ang nais. ANg HIraya.
0 notes
viloooooooooog · 6 years ago
Text
ika - 57.
February 5, 2019
Pahinga. Sa mga nagdaang araw na puno ng mga gawain ay mas mainam pa rin na maglaan ng panahon upang magpahinga. hindi ito nangangahulugan ng pagiging mahina at kaduwagan bagkus ay nagpapakita ng isang matalinong aksyon bilang tugon sa sitwasyon. Huwag makakalimot na magpahinga kahit saglit lamang upang makabawi lakas na nagamit at upang maituon ulit ang pokus sa nais makamit. At subukang bumalik nang makita kung may mali mang nagawa upang hindi na makita pa. Ang Hiraya.
0 notes
viloooooooooog · 6 years ago
Text
ika - 56.
February 4, 2019
Lahat. Anomang mangyari ay may dahilan kung kaya dapat itong buong pusong tanggapin. Hayaan lamang dumating at umaksyon ng akmang gawain upang magsilbing tugon sa sitwasyon. Ang pag-aksyon ng tama ayon sa sitwasyon ay nagangailangan ng kritikal na pag-iisip at kalmadong pag-intindi nang sa gayon ang sitwasyon ay matimbang ng mabuti. At ang lahat ng ito ay magreresulta sa aksyong angkop sa sitwasyon. Ang Hiraya.
0 notes
viloooooooooog · 6 years ago
Text
ika - 55.
January 31, 2019
Walang madali. Lahat ay may sinusundang hakbang. Ang bawat isa ay may sistema upang maging maayos. Kung makikiakma sa lahat ng nasa paligid mo walang magiging mahirap para sa’yo. Kung laging iisipin ang tanging layunin sa pagsasagawa ng kilos ay mas mapapagaan ang gawain at mas mapadadali ang pagtuon ng atensyon sa pagkamit ng gawain. At ang lahat ay aayon kung nanaisin mo. Ang Hiraya.
0 notes
viloooooooooog · 6 years ago
Text
ika - 54.
January 30, 2019
Pinuno. Nalalapit nanaman ang halalan sa Pilipinas para sa pagka-senador. Lahat ng maaaring kahinatnan ng bansang ito ay nasa iyong mga kamay. Sa iyong pagpapasya nakasalalay ang kinabukasan mo at ng lahat ng kapwa Pilipino. Makiisamakilahok bilang isang mamamyang Pilipino at higit lalo maging isang TAO. MAtuto mula sa nakaraan upang mapagingatan ang kasalukuyanm at hinaharap ng bawat isa. Ang Hiraya.
0 notes
viloooooooooog · 6 years ago
Text
ika - 53.
January 30, 2019
Pasasalamat. Ang lahat ng dumadating ay dapat lamang pinagpapasalamat. ang lahat ay nagsisimula at nagtatapos sa katagang “Maraming Salamat”. Ang pasasalamat ay maaaring ipakita sa kahit anomang pamamaraan. Ang layunin nang pasasalamat ang siyang dapat maging obhektibo kung saan upang maipadama ang bukal sa loob na emosyon tungkol sa isang pahayag o bagay. Lahat ng tinatamasa ngayon ay dapat lang ipagpasalamat sa Kanya. Huwag makalimot  bagkus ay mgtanda sa lahat ng nangyari sa iyo. Ang HIraya.
0 notes
viloooooooooog · 6 years ago
Text
ika - 52.
January 29, 2019
Maraming Salamat sa lahat ng biyayang natatanggap. Lahat ng dumadating ay may panginahing layunin at iyon ay magsilbin gabay sa pagharap sa realidad ng buhay. Anomang maaaaring mangyari ay pakatandaan na lahat may solusyon. At ang lahat ng ito ay para lamang sa iyong kabutihan. Ang Hiraya.
0 notes
viloooooooooog · 6 years ago
Text
ika - 51.
January 28, 2019
Muli. Ang pagbabalik. Patuloy ang pagbabahagi ng nararamdaman at kaisipan sa kapwa. Ang hamon ng buhay ang susuri at magpapatibay sa iyong pagkatao. Ang lahat ay may dahilan kung bakit nangyayari at mangyayari pa lamang. Sa pababalik ay kakaharapin ang pagsubok kung saan kapupulutan ng malalalim na aral sa buhay. At ang patuloy na pagpapaunlad ay tungo sa hinahangad na kinabukasan. Ang Hiraya.
0 notes
viloooooooooog · 6 years ago
Text
ika - 50.
January 24, 2019
Pansamantala. Pansamantala mang magpapahinga hindi naman ibig sabihing ititgil ang pagtala ng mga saloobin mula sa isipan. Hindi nangangahulugan ng pagsuko. Pnasamantalang liliban upang mas makita ang realidad ng buhay, Huwag basta-basta magpaanod sa agos ng pagsubok kung kayang lumaban bakit hindi. Panagutan ang sarili at iyong mga aksyon. Tanggapin ang katotohanan. Manatiling nagmamahal. At maging TAO. Ang Hiraya.
Hindi pa tapos ang lahat.....
Tumblr media
0 notes
viloooooooooog · 6 years ago
Text
ika - 49.
January 23, 2019
Patutunguhan
Tula ni Judy Ann Omar
Nag-iisa, nag-iisip kung ano ang maaring gawin, Mga bagay, pangarap na kay hirap abutin, Marami pang problema ang kailangang kayanin, Mga pagsubok ay dapat nating harapin.
Dalawang daan, ang kailangang pagpipilian, Ang tuwid na daan at makipot na daan, Tuwid na mayroong bangin sa dulu-dulohan, Makiipot ma’y sa tamang landas naman.
Ngunit, ako’y nalilito kung saan ako patungo, Sa tuwid na daan ba o sa makipot na ito, Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko! Bahala na sa sarili kung saan gustuhin ko.
Aking mga paa’y napapagod na’t nanginginig pa, Buong katawan ko ri’y mababagsak na, Ngunit ayaw pang sumuko ng aking mga mata, Na kahit madilim ma’y lakad parin at pilit kinakaya.
Nagpapasalamat ako sa pinagtunguhan ko, Bagaman alam ko na, kung ano ang haaharapin ko, Lakas ng loob para sa kinabukasan ko, Patutunguhan ko’y malayang pook na sinilangan ko.
Sino nga ba ako? Kilala niyo ba ang sarili niyo? Sino ka ba talaga? Ang mga tanong na dapat binibigyang kasagutan. Kilalanin ang sarili. Huwag magpalinlang sa nakararami. Ituon ang atensyon sa iyong sarili. maglaan ng oras para sa sarili. At tiyakin ang tunay at totoo. Ang Hiraya.
0 notes