Text
DBTI: Mamayang Tapat Sa Aklat Sa Gawaing Nararapat (Naratibo - Diyalogo)
Likha ni: Josch Martie F. Makasakit
Sa oras na ng Recitation, nagtaas ng kamay si Miguel para sagutin ang Pre-Calculus na problema sa harap. Pinakita niya ang kanyang solusyon at ang sagot niya ay tama. Ang sabi ng guro nila, "Mahusay, Miguel. At dahil dito buksan ninyo ang aklat at sagutan ang numero 1 - 10, by group ang gawain. Grupo niyo ang sarili ninyo ng 5. Kapag nahihirapan parin kayo, wag kayong mahiya lumapit saakin para ituro ko muli ang pagsunod sunod na pamaraan." Bago umalis si Miguel sa harap ng Whiteboard sinabihan siya ng guro niya, "Miguel, tulungan mo ang mga klasmeyt mong nahihirapan. Alam ko kasi, yung iba dyan nahihiya lumapit saakin. Makipag grupo ka dun sa mga nahihirapan, para matulungan mo sila. Maraming salamat Miguel." Ang sabi ni Miguel, "Walang anuman po sir. Ayun po balak ko gawin dahil alam ko pong mahirap ang asignatura na ito at ayoko pong may maiwan sa asignatura na ito. Marami pong naghahabol sa ibang asignatura, pero pag ka alam ko madali lang daw para sa kanila iyon. Itong asignatura lang daw po sila nahuhuli at nahihirapan." Sabi ng guro, "ganun ba Miguel? O sige turuan mo sila, malaking tulong sa akin at sayo ito. Maraming salamat ulit." Nagsabi ng walang anuman ulit si Miguel at pinuntahan niya ang nahihirapan sa Pre-Calculus.
Bago matapos ipasa ang mga papel. Malaking nagpasalamat ang mga klasmeyt niya nahihirapan. Mga ibang nahihirapan lumapit sa kanya para mag pa tulong pagkatapos ng klase nila. Dumating ang tanghalian, pinuntahan ni Miguel ang kanyang guro sa faculty room. Pinapasok siya at sinabi niya, "Sir ano po yung susunod na aaralin? Para hindi po ako mahirapan at matulungan ko mga klasmeyt ko ng maaga?" Sabi ng guro, "Miguel, sa ngayon turuan mo muna sila kasi may darating na pagsusulit. Sasabihin ko mamayang advisory. Sige na at kumain kana, alam ko may tutulungan ka pa ngayon tanghalian." Sabi ni Miguel, "sige po sir. Maraming salamat po ulit." Lumabas na si Miguel ng faculty at kumain ng mabilisan kasama niya ang mga nahihirapan sa Pre-Calculus. Pagkatapos kumain dumirestsyo sila sa Library at nag aral na. Bago matapos ang Tanghalian nagpasalamat silang lahat para sa oras ni Miguel para tulungan sila. Sinabihan ni Miguel silang lahat, "Walang anuman, gusto ko lahat tayo may matutunan at aangat. Walang maiiwan, lagi tayo mag tutulungan. Para naman sa atin ito. Hanggat sa muli, sana tulungan niyo din ang ibang taong nahihirapan. At tandaan lagi kayo mag dadasal.".
0 notes
Text
DBTI: Ang Makakatulong Sa Estudyanteng Maraming Pangarap (Impormatibo)
Likha ni: Christopher Jhon T. Rosario
Sa panahon ngayon maraming mga estudyante ang nagugulimhan at nahihirapan dahil sa pag-dagdag ng dalawang taong antas sa pag-aaral pagkatapos ng highschool na kung tawagin ay Senior High School (SHS). Pinirmahan ng dating Pangulong Benigno Aquino Jr. ang pagdagdag ng dalawang taon sa pangunahing edukasyon sa Pilipinas noong ika-16 ng Mayo, 2013. Matatandaang isinulong sa ilalim ng Republic Act 10533 ang pagpapatupad ng "K to 12 programa" ng gobyerno, na sinimulan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa mga paaralan sa buong bansa noong nakaraang academic year.
Malaki ang maitutulong ng Don Bosco Technical Institute of Makati (DBTIM) sayo dahil sa pagdaragdag ng dalawang taong pag-aaral pagkatapos ng highschool, inihanda ng DBTIM ang kanilang sistema upang maging makabuluhan at higit na makatulong sa mga estudyante sa Senior High School para sa mga pagsubok na haharapin sa pagtungtong sa kolehiyo. Marapat na tayo’y laging handa sa anumang hamon ng buhay lalo na pagdating sa kaalaman at sa puntong ito, malaki ang maitutulong ng DBTI sa paghubog ng iyong kasanayan, kaalaman, at karunungan.
Isa sa pangunahing rekomendasyon ang paaralang Don Bosco Makati dahil nag-aalok ito ng mga kurso na kung saan ay magiging gabay at pundasyon mo sa pag tungtong ng kolehiyo at sa pangarap na iyong naisin upang maging matagumpay sa larangan na iyong pipiliin. Ang Don Bosco Makati ay nag aalok ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) Srand, Accounting and Business Management (ABM) Strand, Humanities and Social Sciences (HUMSS), Arts and Design Track Visual and Media Arts Strand.
Sinikap ng Don Bosco Makati na lagyan ng mga kalidad na gamit ang paaralan para sa pag-aaral at nagbigay din sila ng panahon upang makapag patayo ng modernong paaralan para sa Senior High School. Nabibigyan din ng paaralan ang mga estudyante ng komportableng kapaligiran para sa pag-aaral at nailalaan din ng Don Bosco Makati ang mga kagamitan para sa Strand at silid-aralan.
Ang Senior High School (SHS) ng Don Bosco Technical Institute of Makati ay ang nakatuon sa pananaliksik at makabagong programa na ipinatutupad ng mga may karanasan, na may karampatang, at dedikadong guro at tauhan na nagbibigay ng de-kalidad na edukasyon at hinuhubog din dito and pagiging responsable at mabuting mamamayan at may mabuting kalooban at paninindigan sa pagiging makabayan, maka-Diyos at, matuwid na mamamayan. At nagbibigay din ito ng impormasyon sa pamamagitan ng kurikulum na may teknolohikal na oryentasyon at matatag na saligan sa mga doktrina ng pananampalatayang maka-Diyos.
0 notes
Text
DBTI: Anong Ganap Sa Pagiging Busko?(Deskriptibo)
Likha ni: Christian Aeriz S. Yago
Sa loob ng dalawang daan o higit pang mga araw ng eskuwela, sa intitusyon na inuuna ang diyos at wala ng iba pa. Tapat sa kanilang kasabihan na, “Run, Jump, Shout, but do not sin” Sa Don Bosco Makati, inuuna ang kabuhayan at sigla ng mga bata ng hindi nalilimutan ang Diyos. Syempre hindi maiiwan ang kakayahan ng Don Bosco Makati sa lakas nito sa akademiks. Mga programmang nagbibigay sigla sa mga bata, na para bang araw araw ang sikat ng araw. Na sa bawat bagyo na lumipas sa mundo ng isang tao, sisikat parin ang araw at magbubukas parin ang Don Bosco Makati,
Ang eskwelahan ay tirahan ng mga estudyante mga guro, mga pari. Kung saan naitatanim at ipinapatubo ang iba’t ibang talento ng bawat bata na sinisigurado ang kinabukasan ng inyong mga anak. Tatasahin namin ang talento nila upang kanilang makulayan ang mundo. Tandaan na ang mga bata ay may kakayahan na higit pa sa kayang makita ng isang tao lamang, walang sino man ang makakapagsabi kung ano ang kaya ng iyong anak. Tayo ang nagbibigay ng lapis tayo ang nagbibigay ng crayola at sila ang guguhit at magkukulay ng kanilang kinabukasan. Nasa saatin na lamang kung sa papaanong paraan natin sila papalakihin.
Ang institusyong Don Bosco Makati naghihiling na ipatupad ang matataas na pangarap ng iyong mga anak sa masayang paraan. Sa mundong ito, walang mahirap kung alam mo itong harapin, kung alam mo ang dapat gawin, at yun ang aming nais bigyang diin. Na minsan ating iniisip na ang ating inaabot ay masyadong malalim at nakakalunod, sa katotohanan, kung alam mo ang tamang paraan, ito’y iyong makakamtan sa madaling panahon na para bang hagdan.
Ang bawat estudyante ay parang isang malayang agila, sila’y binibigyan ng kalayaan pumili ng kanilang sariling nais na gustong sanayin bukod pa sa mga kailangan. Ang aming mga ibat ibang samahan na pumupukaw sa maraming interest ng mga bata. Simula sa mga batang may interes sa mga palarong lamesa, palarong bola, hanggang sa mga batang mahilig sa pagbabasa. Sa Don Bosco kumpleto ang pangangailangan ng iyong mga anak!
At syempre, hinding hindi namin makakalimutan ang aming pinakaunang pinunto, na una ang Diyos sa lahat. Rito, aming sinisigurado na ang ang bata at ang Diyos ay malapit sa isa’t isa, na para bang taling nakabuhol. Magsimula sa aming araw araw na misa, hanggang sa aming mga rekoleksyon upang manatili ang mga bata sa tamang direksyon. Kaya’t ano pa ba ang iyong inaantay? Halina’t pumasok sa Don Bosco Makati
1 note
·
View note