Tumgik
vypnd · 3 years
Text
Migrasyon
Panimula (Introduction)
Ang blog na ito ay naglalayong matuklasan ang mabuti at masamang dulot ng migrasyon ng mga manggagawang Pilipino sa ekonomiya ng bansa.
Suliraning Pang-ekonomiya
Ang Migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng paggalaw ng mga indibidwal o pangkat ng mga tao patungo sa panibagong lugar na may layunin na manirahan nang pangmatagalan. Ang salik at dahilan ng pagusbong ng suliraning ito ay naaayon sa push at pull factors. Ang push factors ay ang mga negatibong salik o bagay na hindi kanais-nais sa lugar kung saan naninirahan ang isang tao kaya’t nahihikayat siyang umalis o lumipat ng tirahan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang hindi sapat na trabaho, mas kakaunting pagkakataon sa kabuhayan, di sapat o di mabuting kondisyon sa pamumuhay, pagbabago sa kalikasan o mga kalamidad, polusyon, politikal na pagkatakot, digmaan o sigalot, diskriminasyon, bullying, paglabag sa karapatang pantao, pang-aalipin, mababang kalidad ng panlipunang paglilingkod, mababang kalidad ng pabahay, pagkawala ng yaman, banta sa buhay, at mababang pagkakataon na makapag-asawa. Ang pull factors naman ay ang mga bagay na positibong salik na naghihikayat sa isang tao na magtungo sa panibagong lugar. Pagkakataon para sa magandang trabaho, mas magandang kalagayan ng pamumuhay, mas magandang benepisyo sa trabaho, kalayaang politikal at panrelihiyon, kasiyahan, edukasyon, mabuting serbisyong medikal, magandang klima, seguridad, ugnayan ng pamilya, at mas mataas na pagkakataon para makapag-asawa ay ilan sa mga halimbawa nito.
Paglalahad at Pagsusuri ng Datos (Analysis)
Mga Datos at Impormasyon mula sa International Labor Organization Facts and Figures:
Tinatayang 232 milyong katao ang nandarayuhan sa buong mundo sa kabuuang 3.1 porsiyento ng populasyon sa buong mundo.
Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos dumarami pa para maghanapbuhay.
Karamihan ng mga nandarayuhan ay maghanap ng trabaho. Mahigit pa sa 90 porsiyento ay mga manggagawa kasama ang kanilang mga pamilya.
Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinaka malaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa.
Tinatayang isa sa walong imigrante ay nasa edad 15-14.
Wala pang eksaktong bilang ang mga OFWs ngayong taong 2020 ngunit 100,000 OFWs na ang nakabalik ng probinsya dahil sa Coronavirus Pandemic.
Konklusyon (Conclusion)
Masasabing napakaraming OFW sa ating bansa, lalo na ang mga kababaihan. Halos lahat ng kababaihan ay gawaing pantahanan o domestic work ang kanilang trabaho at ang Saudi Arabia o UAE ang karaniwang bansa na kanilang pinagtratrabahuan. Ilan din sa mga OFW ay ang kanilang trabaho ay nasa medical field. Ang pinaka dahilan kung bakit napakaraming Pilipinong lumilipat at naninirahan sa ibang bansa ay dahil sa hanapbuhay. Masasabing sa ibang pamilya ay hindi sapat ang kinikitang pera kaya naman ay sa ibang bansa nagtratrabaho upang matustusan ang kanilang pangangailangan, dahil hindi gaano kataas ang sahod ng iba rito sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa.
Solusyon (Solution)
Talaga namang nakakaapekto sa ekonomiya ng bansang Pilipinas ang migrasyon ng mga manggagawang Pilipino. Mabuti man o masama, ito’y nakakaapekto. Masasabing mayroong solusyon para maiwasan ang migrasyon sa bansa. Una, kailangan magkaroon ng isang maayos at magandang buhay ang mga mamamayan. Makakamit ito sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti upang magkaroon ng magandang trabaho at masustentuhan ang iyong sarili at ang iyong magiging pamilya. Masasabing may papel ang gobyerno o pamahalaan upang magkaroon ng magandang buhay ang mga mamamayan. Pangalawa, pagkakaroon ng maayos na trabaho sa bansa at sasapat sa pang-araw-raw na gastusin. Siyempre, dapat maayos ang pasahod ng kumpanyang iyong pinanggagalingan at hindi dapat ginigipit ang kanilang trabahador. Pangatlo, pagkakaroon ng mataas na antas ng edukasyon. Dahil sa edukasyon o pag-aaral nagsisimula ang ating kinabukasan kaya dapat itong pahalagahan dahil hindi lahat ng tao ay may kakayahang makapag-aral dahil sa kaakibat nitong gastusin. Pang-apat, ligtas sa anumang pag-ataki ng mga terorista sa tulong ng ating pamahalaan. Ang pamahalaan ang may responsibilidad para rito. At ang panghuli, pagkakaroon ng malinis na matitirhan at maayos na paligid. Masasabing lahat tayo, lahat ng tao ay may responsibilidad para rito. Dahil tayo mismo, ang nagpopollute sa ating bansa kaya may kaakibat dapat itong responsibilidad. Sa simpleng pagtapon lamang ng maliit na basura sa tamang basurahan ay nakatutulong na upang mabawasan ang polusyon sa ating bansa. Ito ay ilan lamang sa mga halimbawang solusyon sa migrasyon sa bansa. Masasabi nating malaki ang papel ng gobyerno upang mabawasan ang migrasyon sa ating bansa. Gawing maayos ang ating bansa upang migrasyo’y maiwasan!
“No one leaves home unless home is the mouth of a shark.”
Tumblr media
9 notes · View notes
vypnd · 3 years
Text
youtube
2 notes · View notes