Text
Thankful. Yan yung naramdaman ko pagkatapos ng isa na namang atake. Thankful kasi this time, I was not alone. May isang taong nakinig, nanatili, at hinayaan akong maging mahina kahit natatawa sya sa paghikbi ko. Thankful kasi may kakampi na ko against sa demons ko. Thankful kasi kahit nakita nya yung duwag na ako, mas nakita nya yung kakayahan ko. Na higit sa pagkakamali ko, mas nakikita nyang natututo ako. Kaya sobra sobrang pasasalamat ang nararamdaman ko araw araw kasi pinadala na ni Bro yung regalo na matagal ko nang inaantay. Totoo nga yung "in God's time".
0 notes
Text
Akala ko magaling ako. Akala ko matapang ako. Akala ko madiskarte ako. Akala ko lang pala.
Madalas kong mapressure yung sarili ko. Madalas ako mismo yung martilyong pumupukpok sa ulo ko. Madalas kong pagalitan yung sarili ko. Ang toxic ko na. Ang taas ng expectations ko sa sarili ko pero wala naman akong yabang sa katawan.
Sabi ng partner ko, kulang daw ako ng bilib sa sarili. Magaling naman daw ako. Kaya ko naman daw. Di ko lang niyayabang sarili ko.
Dear self, konting yabang pa. Ok lang kung mabagal basta gumagalaw. Ok lang magkamali basta natututo. Alam kong pagod ka na, pero laban lang. Ngayon ka pa ba susuko kung kelan may tumataya na sayo? Kaya yan. Tiwala lang.
0 notes
Text
Habang patuloy kong hinaharap
Ang lahat ng takot at pagkabagabag
Heto ka't araw araw akong pinipili
At parating pinangingiti
0 notes
Text
Sa mga pagkakataong natatakot ka
Ako ang magiging malakas para sa ating dalawa
Tulad ng pagiging matatag mo
Sa tuwing ako'y binabagabag ng pangamba
Mamahalin kita kahit sa panahon na nanghihina ka
O sa batid mo'y nagkamali ka
Kahit sa tingin mo hindi na tama
Mamahalin pa rin kita
Tandaan mong ang pagmamahal ko sayo'y hindi sumusukat sa kung anong maibibigay mo
Pareho lang tayong hindi perpekto
Kaya't hanggat ako'y pipiliin mo,
Mahal ko, ang puso ko'y iyong iyo
0 notes
Text
Sa tinagal tagal kong gising sa gitna ng gabi habang ang karamiha'y nahihimbing
Ngayon ko lang naranasang magkaron ng katahimikan
Nagsimula noong ika'y dumating
Unti unting kumalma ang mga boses sa 'king isip
At ang mga hikbi'y napalitan ng hagikhik
Habang ang pait sa mga kanta'y di na batid
Sa ganitong pagkakataong ako'y mulat at ika'y nasa aking tabi
Masaya na kong pagmasdan kang payapang nakapikit
Ang hilik mo ang bagong paborito kong musika
Salamat sa pagdating
Salamat sa pagpili sa akin
0 notes
Text
I am a mess...
And you saw a glimpse of the chaos in me
But instead of running away you held me tightly
So tight I can feel my walls crumbling down
The joy I thought was lost, now I've found
When you heard the voice inside my head
You intently listened, quietly, and understood
That there are things I feel but can't explain
You stayed, and with your smile I am swayed
0 notes
Text
Silent battles, wordless cry
Can anybody hush these voices that pry?
Too many thoughts running in my mind
I pray they could just stop and be pushed aside.
I try to escape and leave them behind
But at night fall they catch up, slowly creeping, finding where I hide
And yet again they whisper to me
Things I fear the most, doubts have been exposed
Tired as I may be, fighting the demons inside
Still I try to stand despite these wounds, strong as I might.
Hoping not for the day to come
That I'd accept defeat and surrender in life.
0 notes
Text
K. Matching
November came in cold. Well it has always been like that all year round since God knows when. Till I pass by you, a ray of sunshine. You were bright and comforting and playful. And it was hard to resist indulging into your warmth. You were a breath of fresh air for someone who has lived in darkness for a long time. I thought you were just another calm before the storm. Never did I expect that you would bring the spring to my autumn.
0 notes
Text
I've removed myself from the picture
I'm constantly in battle between staying in someone's life or not. Often times I cut the ties, but for the rare few individuals, I choose to stay at bay. Keeping a distance but not burning the bridge. And then eventually leave the picture, entirely, unconsciously.
This doesn't mean i've given up on them. I think, it's more like me saving myself from the devastation brought upon by being delusively hanged up on relationships I build, whether friends, family, or a partner. I've always had a hard time letting people go. Especially those who I've grown attached to. But as time goes by, I've realized that there really is no other choice. If people doesn't want you to be part of their lives, you can't force yourself to them, no matter how much you want to stay. That decision is out of your control. With this thought, I've come to accept that people, no matter how strong your bond is, are not permanent. They'll come and go. The only constant thing from them is the mark they will leave as you part ways. This is a pill I had to swallow. It's sad but it's part of growing up.
0 notes
Text
Bibitawan na kita
Tutal wala rin naman akong kinakapitan talaga
Palalayain na ang isip mula sa mga alaala ng panandaliang saya
Patitigilin na ang puso sa pag-asam na baka sakaling masuklian rin ang nadarama
At tatanggapin na lamang ang katotohanan na kahit kailan ay hindi mo ako makikita ng higit pa sa isang kaibigan.
Kaya't paalam...
Sa iilang buwan na naghatid ng ngiti sa tulad kong sawi
At sa mga madaling araw na humubad sa maskarang sa mga takot ay nagkukubli
Ngunit higit sa lahat ay salamat...
Sa pagtibag sa pader na aking itinayo
Upang ang aking sarili, mula sa iba ay mailayo
Upang hindi na muling masaktan
Hindi na muling magmahal.
Salamat sa pagpapaintindi sa akin, bagama't di sadya
Na ang pag-ibig, sa kabila ng pait ay may tamis ding dala
Panalangin ko parati'y kasiyahan mo,
Di man ako ang dahilan nito.
0 notes
Text
I've been broken so many times that I've lost count of how many pieces my heart is right now.
I've been lonely and happy at the same time since then.
My soul had been shattered into millions of shards but that did not make me any less of a person.
Of all the years that I've been on my own, I thought I could never love again.
Now I'm realizing that maybe being in pieces doesn't make me broken. Maybe I was just divided into little parts so I could share myself with everyone. And that thought makes me whole again.
0 notes
Text
Alas tres ng umaga
Malakas ang pagbuhos ng ulan
Sabay na rumaragasa ang napakaraming bagay saking isipan
Madilim sa labas
At tanging ilaw lang sa mga poste ang maaaninag
Napagtanto kong maaaring kailangan talaga ng dilim
Upang makita ang liwanag.
Sumasabay sa tunog ng bawat pagpatak
Ang pag-awit ng kaluluwang may lungkot na hindi maipaliwanag
Hanggang kailan mararamdaman ang pag-iisa
Na kahit na sa gitna ng maraming tao ay nadarama?
0 notes
Text
Oo pagod na ako...
Sa'yo at sa kung ano man 'tong meron tayo
Ngunit hindi ibig sabihin na ika'y susukuan
Mahirap. Napakahirap ng sitwasyong 'to
Ngunit ayos lamang.
Kung ikaw rin naman ang tatayaan ko,
Ayos lang kahit tuluyang matalo.
Ang halaga mo'y higit pa sa lahat ng yaman sa mundo.
Kung sana lamang ay nakikita mo rin ang mga nakikita ko sa'yo.
Baka sakaling maintindihan mo kung bakit kahit malabo,
Handa akong sumugal sa'yo.
0 notes
Text
Alas tres na ng umaga.
Tanging ingay na lamang ng iilang sasakyan ang dinig sa kalsada
Ngunit sa loob ng aking isip,
ilang milyong boses ang sabay sabay na naririnig.
Ang mga mali ng kahapon,
Ang pagtatanggol ng ngayon,
At ang takot sa hinaharap.
Habang ang lahat ay mahimbing,
Heto ako't taimtim na dumadalangin
Na sana'y kahit saglit,
Kahit isang segundo ng katahimikan ay makamit.
0 notes
Text
Pansamantalang magpapaalam,
Ako'y Panandaliang mawawala...
Upang magpahinga ulit muna.
Unti unti, muling bubuuin ang sarili
Pupulutin at muling ididikit
Ang mga pirasong nahulog ng ako'y muling umibig
Hahanapin muli ang liwanag sa kalawakan ng dilim
Upang muling mahawi ang mga ulap
Na kumukibli sa ningning ng mga bituwin.
At sa muli'y masilayan ang kalangitan
Matapos patuyuin ang mga matang luhaan.
Huwag mangamba, ako'y hindi lilisan
Alam mong ikaw ang aking tahanan
Ngunit kailangan kong muling mabuo
Bago ako magbalik bilang kaibigan mo
Ikaw ang isa sa magagandang nangyari sa taong ito
Mahal ko, ginising mo ang natutulog kong puso.
0 notes
Text
The older I get, the darker my thoughts are becoming. It might be my hyperactive brain going all out with overthinking, again.
When events happen, I psych the hell out of each instance. Trying to understand all the reason. Justifying all sides.
But it's exhausting, you know, understanding everyone. It's not the same as pleasing everyone but I guess the effect is the same, you'll end up with a tired soul.
I try to let go and care less. Made everyone think I am strong. But in reality, when the day ends and I'm all alone curled up in bed, covered with all my pillows, I cry. Not the cry with tears kind but the silent one with a voiceless scream and a very deep sigh.
I try to vent it out to friends but they have their own battles to win too. I cannot burden them with more negativities. So everyday I wake up, dragging myself out of the bed into the world wearing a smile to mask the storm in me. I try to stay positive. Most days I am victorious, some days the darkness catches up.
0 notes
Text
Write me letters
I don't care if your grammar is poor
As long as it's your own
The words would make sense
Sing me songs
I don't care if you're out of tune
As long as it's from your heart
The melody would make me swoon
Tell me your stories
It's depth doesn't matter
As long as it's from your mind
We'll turn it into an epic adventure
Draw me a picture
It doesn't matter how it turns out
As long as it's made from your imagination
It'll be world's greatest work of art
I don't need you to be the best
I don't need you to be perfect
All I need you to be is who you are
All your imperfections and scars
0 notes