Ang LAKWATSERABLOGS ay binubuo ng apat na Pilipinang blogger. Kami ay sina Alvarez, Bansale, Cruz at Imperial ng 12-St. Gertrude ng Sta. Eskolastika-Maynila. Ang Blog na ito ay ginawa upang mapunan ang katanungan ng mga manlalakbay sa hinaharap ng sinuman na tumingin sa blog. Dito matatagpuan ang mga TIP na dapat gawin mapa international o lokal na lugar.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text

Gaano man kahaba ang tatahakin para maparoon sa destinasyon. Hindi alintana dahil kapag nakarating, isang magandang tanawin ang mapapansin.

Isang istraktura mula pa noong unang panahon na maraming nagtatangkilik. Pupuntahan sa bawat paglalakbay, hihintuan gabi man o araw, hindi hadlang ang init o lamig.

Pagbibigay pugay sa Poong Maykapal, pasasalamatan sa ligtas at masayang biyahe, hihingi ng gabay para sa malayo at matagal na paglalakbay.

Gaano man kasaya o katakot ang gagawing bagay basta may kasama para tatahakin ang lahat ay makakaramdam ng kaligtasan.

Tulad ng isang pamilya na sama-sama sa paglalakbay, sabay sabay ngingiti sa litrato at magtatawanan sa mga ginagawa. Saan man magpunta basta kasama ang Pamilya ay talaga namang masaya.
0 notes
Text

Walang katumbas ang ngiti at sayang nadarama ng dahil sa nakikitang ganda ng kalikasan.

Tignan nang mabuti ang kalikasan nang sa gayon ay mas mauunawaan mo ang bagay-bagay.

Mas maigi pang tuklasin ang walang katiyakan kaysa sa manatili sa masakit na katiyakan.

Ang paglubog ng araw ang nag turo sa akin na ang kagandahan ay hindi tumatagal at ang pag sikat ng araw ang nag pakita sa akin na ang lahat ay kinakailangan ng pasensya upang maranasan ito muli.

Ang mga biyahe ay hindi magiging masaya at di malilimutan nang hindi dahil sa mga espesyal na tao sa iyong buhay.
0 notes
Text

Saan ka man naroroon ika'y asa iyong tahanan kapag kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay.

Wala sa pupuntahan ang saya ng pamamasyal, ito’y nasa iyong mga kasama.

Nag iiba ang ngiti sa mga labi at saya sa mga puso tuwing kasama mo ang iyong pamilya.

Ang mga masasayang pangyayari sa ating bihay ay dapat pagkaingatan and pahalagahan habambuhay.

Matutong maging masaya at bigyang halaga ang paglalakbay dahil mas importante ito kaysa sa destinasyon.
0 notes
Text

Ang lugar na tahimik at mayroong hangin na nakagiginhawa lalo na sa pagkakataong mayroong kasama.

Isang destinasyon na makapagpapatunay na tila kaaya-aya nga ang kalikasan.

Isang tahanan na kayang mapanatiling tradisyunal kahit ilang taon pa ang lumipas.

Nararapat lamang na ikatuwa ang bawat sandali ng mga alaalang nabubuo sa bawat paglalakbay.

Masarap sa pakiramdam na makapagpahinga pagkatapos ng napakahabang lakaran sa isang lugar na maaliwalas sa paningin.
0 notes
Text
Lakbay Sanaysay

PAGHAHANDA SA ISANG LAKBAY
Sa mga pagkakataon na magkakaroon ng isang paglalakbay o biyahe, marapat na maging handa sa kung ano man ang iyong kakailanganin pagkat sa mga ganitong pagkakataon ay mabuti na ang maging handa at segurista. Maganda na ang pagiging #prepared kumpara sa pagiging #nganga.
MGA BAGAY NA MAITUTURING MUST-HAVES SA PAGLALAKBAY
Sun Protection

Sa isang paglalakbay, nararapat na magdala ng mga bagay na magbibigay proteksyon sa atin laban sa napakainit na sikat ng araw. Ang ilang lamang sa mga ito ay sunscreen, sombrero, payong, at sunglasses o shades. Ang sunscreen ay isang produkto na ipinapahid sa ating balat upang hindi direktang nakaaapekto ang araw sa ating balat pagkat ito ay mayroong masamang epekto sa ating kalusugan. Pangalawa ay ang sombrero at payong. Ang mga ito naman ay magbibigay karagdagang proteksyon sa atin kung sakaling maging hindi na kanais-nais ang init na ibinibigay ng araw. Ang panghuli naman ay ang sunglasses o shades. Kung kinakailangan na bigyang proteksyon ang ating balat, nararapat lamang na proteksyonan din an gating mga mata bagkat gaya ng sa ating balat makasasama rin para sa ating mga mata ang direktang sinag ng araw sa mata.
Kamera

Isa sa mga mahahalagang bagay na dapat dalhin sa isang paglalakbay o pamamasyal ay ang kamera. Ito ay isang instrument na gugustuhin mong isama sa iyong pag-alis pagkat ito ang magsisilbing tagakuha ng mga lugar o pangyayari na iyong masisilayan sa mga destinasyon na iyong pupuntahan. Ano man ang iyong naisin na balik-balikan ay maaari mong magawa sa tulong ng kamera na magsilbing tagapangalaga ng mga kaganapan o alaala na importante sa iyo.
Baon

Hindi ka maaaring umalis ng walang baong pagkain at pera. Ang mga ito ay maihahantulad sa isang kaibigan pagkat ito ang mga bagay na kakailanganin mo sa kahit na anong panahon o oras sa iyong paglalakbay. Ito rin ay ang magliligtas ng buhay ma sa panahon na kailanganin mo ito, lalo na kung ikaw ay parating gutom o mahilig dumaan sa mga tindahan ng souvenir. Subalit sa isang paglalakbay, nararapat na tandaan na maging wais sa pagbili ng mga kung anu-ano lalo na kung ito ay hindi magagamit o kailangan.

Ang pagpunta sa probinsya ng Bulacan at Pampanga ay may katagalan. Kung kaya’t kinakailangan na agahan ang pagalis upang mas madaming mapuntahan at mabisitang mga lugar. Ang naestimang oras ng pagpunta sa Bulacan ay humigit kumulang 2 oras kung walang trapik. Kung aalis ng mga 5 o 6 ng umaga makakarating ka sa unang destinasyon ng mga 8 ng umaga.
Isang magandang destinasyon na maaring puntahan sa Bulacan ay ang Barasoain Church ang pagpunta doon mula sa Maynila ay humigit kumulang 2 oras kung dadaan lamang sa gas station ng mga 10 hanggang 15 minuto. Kung mas magtatagal sa gas station upang kumain ay mas tatagal ng kaunti ang biyahe. Ang pagiistay sa simbahan ay maaaring tumagal ng 30 minuto hanggang 1 oras kung makakarating sa simbahan ng mga 8 ng umaga maaaring hanggang 9 ng umaga kayo dito.
Pagkapunta sa Barasoain Church ay bibisitahin naman ang isang museum sa Bulacan na tinatawag nilang Hiyas ng Bulacan. Ang layo ng Barasoain Church sa Hiyas ng Bulacan ay kakaunti lamang, ang estimang oras ng pagdating ditto ay mga 5 minuto lamang. Kung ikaw ay mahilig magpunta sa mga ganitong lugar maaari kang tumagal ng mga 1 oras sa mismong museum. Kung hindi naman ay maaaring malibot ito ng mga 30 minuto. Pagkadaan sa museum maaaring pumunta sa tindahan nila ng mga pasalubong kung saan may mabibili kang mga produktong sikat sa Bulacan. Maaaring kang magtagal ng mga hanggang isang oras dito.
Pagkatapos ng pagdaan sa Hiyas ng Bulacan magpupunta naman sa Pampanga upang magpunta sa SM San Fernando. Tatagal ng mga isang oras ang biyahe papunta dito, samakatuwid maaaring makarating ka ng mga 12 hanggang 12:30 ng tanghali sa SM. Pagkarating sa SM San Fernando makakapili ka na kung saan mo gusto kumain ng pananghalian, ang SM San Fernando ay nagbibgay ng madaming pamimilian ng makakainan kaya maaari kang mamili kung ano ang iyong gustong kainan.
Ang Sky Ranch na katabi lamang ng SM San Fernando ay nagbubukas ng 3 ng hapon kaya pagkatapos mong mananghaliaan maaari ka munang gumala sa mall hanggang sa magbukas ang parke. Pagkabukas ng Skyranch ng 3 ng hapon maaari ka nang pumasok, ang isang ride all you can ticket ay pumapatak sa ₱1540.00 maaari mo itong gamitin sa lahat ng rides hanggang sa magsara ang parke.
Kung babalik ka ng Maynila sa araw na rin na iyon at gusto mong makauwi ng maaga maaari ka lamang magstay sa Sky Ranch ng 2 hanggang 3 oras para makauwi ng mga 8 ng gabi. Sa kadahilanang ang dadaanan ay matrapik lalo na nang mga oras na iyon dahil rush hour at ang mga tao ay nagsisiuwian.

FOOD STOPS
Patungo sa Bulacan galing Maynila (NLEX-Northbound), maraming stop-over na madadaanan at isa na dito ang Shell sa Balagtas, Bulacan kung saan matatagpuan ang samut saring kainan ito-ito ay ang Jollibee, Kenny Rogers, Chowking, KFC, Hen Lin, Starbucks, Pizza Hut, Cafe France, Dunkin Donuts, at Hap Chan Tea House.
Pauwi naman ay nadaanan namin ang Petron Gas Station sa Marilao, Bulacan (NLEX-Southbound) kung saan ay mayroong marami rin na kainan ito ay ang Mcdonald's, Starbucks, Subway, KFC, at YellowCab.
MGA DAPAT TANGKILIKIN SA BULACAN
PASTILLAS DE LECHE

Pastillas de leche ay gawa sa gatas ng baka o kalabaw na hinaluaan ng lemon juice at asukal. Ang Pastillas ay minana nating mga Pilipino mula sa mga Espanyol. Sa San Miguel, Bulacan pinagdiriwang ang Pastillas Festival at ito ay ginaganap tuwing Mayo na nagsimula noong taong 2006. Ang paper-cut na uri ng pag gugupit "Pabalat" o "Borlas de Pastillas" ay nakaugnay din sa pastillas na nasangkot sa paggawa ng detalyadong disenyo ng papel. Mula sa lokal na katutubong tradisyon ito ay nabago at naging isang sikat na sining. Sa Bulacan, ang pastillas ay binabalot sa isang makulay na Japanese paper (TRIVIA: Ang tawag nating mga Pilipino ay Japanese paper dahil ang alam natin, mula sa mga hapon nag mula ang papel ngunit ito ay isang tisyu lamang sa kanila) at ng mga pista ay hindi nakukumpleto nang walang paper-cut pastillas bilang dekorasyon, table centerpiece o souvenir.
BUTCHERON

Ito ay natikman ko lang noong ako'y mapabili sa isang pampasalubong na tindahan at una kong nasubukan ang butcheron ng bulacan. Kung ito'y aking irrate, ang puntos ko dito ay 10/10. Ito n ata ang bagong kong paborito dahil sa napakasarap niyang lasa. Ito ay gawa sa buchi ng manok. Masarap pa maliban sa chicharon.

Sa isang field trip hindi mawawalan ng iba’t ibang aktibidad na gawain dahil bukod sa tutunin nito na madagdagan ang kaalaman ng mga estudyante sa labas ng paaralan, isa din nitong nais ay ang magsaya ng walang iniintindi ang mga estudyante kasama ang buong klase o pangkat. Kaya naman basahin hanggang sa dulo ang blog na ito upang matunghayan ang iba’t ibang napuntahan namin noong field trip.
BARASOAIN CHURCH

Ang Simabahan ng Barasoain ang una naming pinuntahan, ito ay nakatayo sa Malolos, Bulacan. Ito ay itinatag noong 1859 gamit lamang ang nipa at kawayan. Madami ng beses nabago ang kabuuan ng simabahan dahil sa mga pilipinong pari na natatalaga dito. Makikita dito ang lumang istraktura ng simbahan na hanggang ngayon ay pinangangalagaan dahil isa itong simbolo ng palatandaan ng mga ninuno natin na bumuo at nagtatag ng simabahan. Ang loob ng simabahan ay magpapakita ng pangangalaga ng mga tao, ang loob ay malinis, organisado at tahimik. Ang simbahan ay nagpaparamdam ng kapayapaan, talagang madadama mo ang pagmamahal ng Panginoon. Ang pinaka magandang gawain dito ay mag dasal, upang magpasalamat, manghingi ng tawad at humingi ng gabay sa maykapal. Maaari rin pumunta dito upang magmuni muni o magnilay-nilay dahil dito ay tahimik at malayo sa gulo. Malawak ang lupa ng simbahan, sa gilid nito sa kanan ay may parang hardin at sa kaliwa naman ay kung saan nakalagay ang palikuran. Kaya rin isa ito sa aming pinuntahan bilang parte ng paglalakbay dahil bilang isang katolikong paaralan bago ang lahat ng gagawin o pupuntahan, hihingi muna ng gabay para sa kaligtasan at kasiyahan ng lahat ng sa gayon ay walang masamang mangyari. Higit pa rito, upang pasalamatan at humingi ng tawad sa Diyos.
HIYAS NG BULACAN


Ang Hiyas ng Bulacan ay isang bagong bukas na museo sa Malolos. Nakatabi ito sa isang parke na tamang tama puntahan pagkatapos sa museo. Ang Hiyas ng Bulacan ay naglalaman ng iba’t ibang kasaysayan ng Pilipinas partikular na sa lugar ng Bulacan. Nakalagay dito ang kultura ng bayan mula sa pagkain, kasuotan, piyesta, at hanap-buhay. Ang pakikipagdigmaan din na nangyari sa bayan ay pinapakita rito, ang mga tao na nakipaglaban na tubong Bulacan, ang mga nangyari sa bayan, at ang mga unang tao na tubo at namuno sa bayan. Pinapakita rin dito ang iba’t ibang pinta ng kilalang artista sa sining na talaga namang nakakamangha. Pagkatapos pumunta rito ay punong puno ang kaalaman dahil sa mga istorya na nakalahad/nakalagay sa museo. Ang lugar ay madali lang puntahan kaya’t isa ito sa napili ng paaralan, bukod pa rito talaga namang magbibigay ito ng dagdag kaalaman saming mga estudyante tungkol sa ibang kultura at kasaysayan ng Pilipinas at iba pang pangyayari.
SM CITY PAMPANGA

Galing Sa: SM Supermalls
Ang isa sa pinaka sikat na pinuntahan namin ay ang SM Pampanga. Alam naman natin na kahit saang lugar sa Pilipinas ay may SM kung hindi man SM meron parin iba’t ibang pamilihan. Karamihan ay alam na kung ano ang pwedeng gawin, mayroon o mabibili sa loob ng pamilihan na ito. Ngunit, ang SM sa Pampanga lang ata ang napuntahan namin na tatlo ang laruan dahil mayroon itong Tom’s World, Quantum at World of Fun. Katulad na mga laruan na nabanggit, maari ito gawin dito upang maglibang kasama ang mga kaibigan, nobya/nobyo, asawa o buong pamilya. Maaari din dito mamili ng pagkain, damit, o iba’t ibang kagamitan. Syempre, mayroon din dito na mga kainan kaya’t ang pangkat namin ay kumain sa Cabalen, isa itong buffet na mga pagkaing filipino. Pagkatapos kumain ng aming pangkat ay binigyan kami ng ilang oras para magikot sa pamilihan, kung gayon kami ay nag laro at pumunta sa iba’t ibang tindahan.
SKYRANCH PAMPANGA

Ang Skyranch sa Pampanga ay nasa lungsod ng San Fernando, ito rin ay nasa likod ng SM kaya’t napakadaling puntahan. Ito ay ang huli naming pinuntahan sa aming paglalakbay, kaya ito ang isang pinuntahan dahil gusto rin ng aming paaralan na magsaya kami ng walang iniintindi na mga gawain para sa mga paksa. Ang panlibangang parke ay mayroong iba’t ibang sakayan na pwede sa bata at matanda. Ang patok na patok dito ay ang Ferris Wheel kung saan pag sumakay ka ay makikita ang buong tanawin lalong lalo na ang Bundok Arayat. Hinding hindi rin mawawala ang mga nakakatakot o matataas na sakayan sa parke katulad ng Space Shuttle, Drop Tower, Roller Coaster at iba pa. Ang mga pang bata naman na sakayan ay marami din kaya’t hindi dapat ipagalala kung may mga kasamang bata. Mayroon din na mga tindahan ng pagkain sa loob ng parke at upuan kung gusto munang magpahinga o maghintay. Tunay nga naman na masaya ang aming pagpunta sa parke dahil kasama namin ang mga kaibagan at kaklase para sa huling field trip namin bilang hayskul.
1 note
·
View note