Tumgik
weirdkid · 11 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
— healing my inner child🤍
Noong bata ako, di ako nadala sa ganitong palaruan. Kung matatandaan nyo yung palaruan sa jollibee, doon lang ako nakapunta. Hindi naranasan ng paa ko na tumalon sa inflatable playground, o miski humiga sa maraming bola. Kaya noong nakapunta ako dito, di ko maitago yung excitement ko. Kasing saya ko yung mga batang limang taong gulang na naglalaro. Nawala na sa isip ko yung edad ko at wala na rin akong pake sa sasabihin ng iba. Basta masaya ako. Iba yung dulot na nagagawa ng mga bagay na hindi mo nakuha noong bata ka. Parang kang puzzle tapos part of you nalagyan ng isang piece. Sa simpleng bagay, nabubuo mo yung sarili mo.
13 notes · View notes
weirdkid · 1 year
Text
Tumblr media
Mayroong Family Day event ang Concentrix. Enchanted Kingdom ang pinili ko sa tatlong pwedeng pagpilian kasama ang Manila Ocean Park at Concert. Akala ko kasi masaya, kaso sa sobrang dami ng empleyado ng Concentrix kasama ang ibang branch, sobrang haba ng pila sa lahat ng rides. Mas matagal pa yung kaba mo kaysa sa sigaw. Isama mo pa ang sobrang inet, nagsisi ako na hindi ako nagdala ng payong at tubig. So far, naka dalawang rides naman ako haha.
7 notes · View notes
weirdkid · 1 year
Text
ang laking tulong ng archived stories sa ig kapag pinanghihinaan ako ng loob, sa tuwing nakikita ko yung mga achievements at mga nagawa ko dati, nare-realize ko na ang dami ko na pala nalampasan, nag flashback lahat ng memories
okay rin minsan na may resibo ka sa bawat araw o sa mga magandang nangyari sa’yo para may nababalikan ka
tapos lalakas na naman yung loob mong lumaban at ngumit ulit
sadboi, ems
8 notes · View notes
weirdkid · 1 year
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
3 notes · View notes
weirdkid · 1 year
Text
Tumblr media
1 note · View note
weirdkid · 2 years
Text
Tumblr media Tumblr media
24 notes · View notes
weirdkid · 3 years
Text
gusto ko maging artist, matuto mag gitara, mag paint tapos mag travel tapos gagawa ng mga short film tapos kukuha ng mga landscapes and portrait ng mga taong di ko kilala
gusto ko rin mag hike, tapos mag volunteer para sa mga bata, gusto ko rin tumulong sa mga charity, tapos maging advocate ng mga pang karapatang pantao
gusto ko mag tayo ng farm at bahay malapit sa tabing dagat o tumira sa siargao, gusto ko mag alaga ng mga halaman at hayop, gusto kong nakikitang tumatama yung liwanag ng araw sa mga halaman
ang dami kong gusto, pero sana wag ako mapagod matupad ito, at sana maalala ko pa, kaya sinulat ko na dito para may babalikan ako
day off ko kasi ngayon kaya di ako makatulog, tapos ang daming pumapasok sa utak ko, pinakinggan ko pa yung dating playlist ng mga kanta ko kaya bumalik lahat ng childhood thoughts sa utak ko
akala ko kapag dumating ako sa ganitong edad, kaya ko na gawin lahat, di pala madali, di pala ganon ‘yon
now playing: way back into love by drew barrymore and hugh grant
next song: terrified by katharine mcphee
padayon!
7 notes · View notes
weirdkid · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media
10 notes · View notes
weirdkid · 3 years
Text
Batangas/September 2021
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Dalawang linggo akong namalagi sa San Luis, Batangas, sa tahanan ng tiyuhin ng aking kamag-aral. Biglaan at hindi inaasahan, pero doon naman ako magaling. Nasa isip ko rin na ito yung pagkakataon para huminga at alamin ang iba pang kahulugan ng buhay.
Matagal rin akong nawala, hindi ito tungkol sa lugar bagkus sa aking sarili. Marahil hindi na ako makakabalik sa dating ako—dahil dito ko natutunan na bilang tao dapat tayong naglalakad palayo, hanggang sa tumigil dahil hindi na kaya ng ating mga paa. Ganunpaman, may mga baong kwento, karanasan at aral galing sa ating paglalakbay. Marahil malalim.
Nandito ako sitwasyon na unti-unti ko nang nakikila ang bagong ako, at kinukulayan ang binuhay na pagkatao. Malayo at matagal pa ito, pero masaya akong nakakaungos ako.
#constantlygrowing
45 notes · View notes
weirdkid · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media
look how genuine my smile is, seems i’m loving my self more, good night peeps
15 notes · View notes
weirdkid · 3 years
Text
Tumblr media
14 notes · View notes
weirdkid · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media
9 notes · View notes
weirdkid · 3 years
Text
Tumblr media
Natatawa kaming magkakaibigan kapag napag-uusapan namin kung ano kami ngayon. Since grade 8 kilala na namin ang isa't isa hanggang ngayong college at lifetime na 'to. Maraming nagbago sa amin sa paglipas ng panahon, may mga di pagkakaunawaan din na mas pinatatag kung ano kami ngayon. But above all else, it's ironic how we became the persons we don't want to be.
Nang pumasok kami sa kolehiyo, hindi namin inaasahan na sobrang laki ng epekto nito sa aming mga sarili. Naging open-minded yung iba sa mga bagay na dati'y ayaw pag-usapan, mas lumawak din yung ideya nila sa mga usaping kalimitang banggitin noon tulad ng sekswalidad, at mas naintindihan namin na hindi kami pabata at ramdam ang pag bigat ng mga pinapatong na responsibilidad.
Tumblr media
Masaya akong sila ang kasama ko sa tawanan at iyakan, sa inuman at handaan. Isa kaming pamilya, kaya kahit anong gawin namin na kapangitan o pagkakamali, ay nandyan kami para itama ang isa't isa at tanggapin kung sino kami bilang tao at bilang kaibigan. Malungkot ang buhay kung wala sila. Salamat at nandyan kayo, kasama ko!
6 notes · View notes
weirdkid · 3 years
Text
Tumblr media
Habang nakaupo at nagta-trabaho, sumagi sa utak ko yung mga kaibigan ko. Hindi ko maiwasang balikan yung mga alaala namin noon. Tulad noong una kaming uminom ng alak na magkakasama, walang alam na timpla ng alak, miski pagbili nagkakahiyaan pa. Yung bibili kami ng shake nila ate dems pagkatapos tatambay sa harap ng abis para magkwentuhan hanggang abutin ng madaling araw. Napapangiti na lang ako. Kamusta na kaya sila?
9 notes · View notes
weirdkid · 3 years
Text
Goodmorning!
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Limang araw na akong nasa Paranaque. Limang araw mula nang pumunta ako dito ng walang kahit anong plano sa buhay, walang kasiguraduhan sa sarili, wala sa sarili. Tila walang pagpipilian kung hindi ito.
Limang araw din akong gising ng madaling araw hanggang sa lumitaw ang araw. Limang araw din akong nag aalmusal. Malayo sa naka-gawian noon na tanghali kung gumising. Dito ko napagtanto na sumisikat pala ang araw kada umaga. Ang ganda pala.
Sa palagay ko, daan ito ng paghilom ko. Ibabalik ko lang ang sarili ko. Salamat umaga!
9 notes · View notes
weirdkid · 3 years
Text
wala akong magawa kaya ibahagi ko nalang yung top 5 essential goods ko sa tuwing nagugutom ako ng madaling araw
Tumblr media
so una syempre ang pambansang palaman ng bayan, walang sinabi ang mga branded na peanut butter sa mga supermarkets, legit yung sarap lalo na kapag paubos tapos sinisimot mo na yung gilid-gilid, eto talaga ang sikreto bakit ako tumaba
Tumblr media Tumblr media
pambato rin yung box namin ng skyflakes na ang laman ay monay at magic flakes (sharawt llyodie, baka naman), naubos ko na kasi yung skyflakes na kasama rin sa lamang-tiyan ko tuwing madaling araw, isa sila sa mga matinding alternatibong pantawid gutom ko sa kanin lalo na kung wala ng tirang ulam
Tumblr media
ipatumba nyo akong lahat pero wala talagang tatalo sa pancit canton chilimansi o di kaya sweet and spicy, handa akong lumabas ng madaling araw para lang makabili nito, legit yung sarap nito simula elementary, eto yung pagkaing kulang yung isa pero sobra yung dalawa hahaha
Tumblr media
at ang huli ay ang tubig na nasa bote ng gin, malakas makapawi ng uhaw 'to kasi kalalagay mo pa lang sa ref malamig na agad, tapos kung namimiss mo ang mag walwal dahil liquor ban eto yung alternatibo para maranasan mo maging lasingero ulit ng hindi nalalasing lol
hanggang sa muli🤘🏾
11 notes · View notes
weirdkid · 3 years
Text
𝗠𝗥𝗧
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
12 notes · View notes